Ola Harassment Fighters

  • Home
  • Ola Harassment Fighters

Ola Harassment Fighters Official page of Ola Harassment Fighters

13/07/2022

!

Definition of terms: "FARMING" an pangungutang sa mga OLA ng sadya, at walang balak at walang intensyon na magbayad. Susuyurin ang mga OLA na utangan, ang dahilan? para makaganti. At sadyang ayaw lang talaga magbayad.

Mahigpit po natin yang tinututulan at hindi ini encourage ang bawat isa na gawin yan.

Maraming Salamat sa Panginoon sa mga tao na ipinapadala Nya upang tumulong sa atin sa ating isinusulong. Muli po, kung n...
12/07/2022

Maraming Salamat sa Panginoon sa mga tao na ipinapadala Nya upang tumulong sa atin sa ating isinusulong.
Muli po, kung naihanda nyo na po ang inyong narrative testimonies at nakapag sign na kayo sa petition, maari nyo na itong i submit dito sa aming page. Maraming Salamat po!

Tune in this Tuesday 5pm. OHF Chairman Vanessa Burdeos ay guest speaker dito. Share with your friends and families at ma...
10/07/2022

Tune in this Tuesday 5pm. OHF Chairman Vanessa Burdeos ay guest speaker dito. Share with your friends and families at mapanood nila at maging aware sila bakit hindi sila dapat mangutang at bakit di nila dapat suportahan ang OLA. Link ng live is in the comment section.

09/07/2022

BLESSED AFTERNOON TO ALL! This is Vanessa Burdeos Chairman of OHF.

This is an apology para doon sa mga nasama sa sscreenshot na members na walang kinalaman. i sincerely apologize to you, guys, I will take full responsibility sa nangyari. It's a mistake on my part na hindi ko na edit muna bago na post, but i have no intention na mapahiya or drag your name. The fact na ni crop ko yung first picture means di ko kayo gusto idamay, my post is pointing out doon sa mga nagpapatakbo ng gc, at sa intention nila. Sa ginagawa nila.

Again, i apologize, and please wag na kayo magpaloko sa pa modify modify.

Just to be clear din on that part sa mga naguluhan, when we said na TOTOO ANG MODIFY that is in a sense na yes, yung modify ay nag e exist, at kayang kaya mong gawin ng hindi nagbabayad.

When we say na hindi sya totoo, is in a sense na hindi say 100% effective, in short suntok sa buwan.

So please, ha wag na magpaloko. God bless you all!!

🙏🙏🙏
09/07/2022

🙏🙏🙏

Thank you for supporting our campaign, sir!
09/07/2022

Thank you for supporting our campaign, sir!

08/07/2022

Here's another story of EPIC FAIL MOMENTS ng mga AGENTS ng OLA.

So kanina, tinawagan ako ng isa naming member, ang sabi niya tinawagan sya ng nagpakilalang LIEUTENANT ALVIN SANTOS na naka destino daw sa camp bagong diwa. Ang sabi nong nagpanggap na lieutenant alvin santos, kung aware daw ba si ohf member na may kaso syang kinakaharap, na may nag file na lending company ng estafa laban sakanya, at pupunta daw ang mga pulis sa bahay nya at poposasan sya,dahil may warrant of arrest na daw sya.
At may number na ibinigay para tawagan ni OHF member. Ng tanungin kung anong le`nding company ito, hindi daw sinabi..

`Kung may sakit ka` sa puso at nakatanggap ka ng tawag na ganito ay siguradong isusugod ka sa emergency room ng wala sa oras.

Pero napansin nyo ba? Kung i a analyze mo tong sinasabi ng OBOB na agent, na gumamit pa ng pangalan ng pulis, sino ba ang nakakasuhan ng estafa? pangalawa, kung may kaso, bakit walang natanggap na demand letter or subpoena man lang si OHF member, at bakit aarestohin agad? Isa pa, karapatan ng client na malaman sino ang nagrereklamo sakanya, ganito ba ka bobo ang tingin nyo sa mga pulis ha, agents? Ayusin nyo mga desisyon nyo sa buhay.

08/07/2022

Ang inyong mga katanungan tungkol sa Senate Hearing.

08/07/2022

SASAGOT PO KAMI NG INYONG MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA ATING ISINUSULONG NA SENATE HEARING, AT SA MGA KUMAKALAT NA PANGGAGAYA NG IBANG DUMMY ACCOUNTS SA ATIN. LIVE PO MAMAYANG 2 PM SA ATING FACEBOOK PAGE.

PAALALA!Wag na wag po kayong maniniwala sa mga bura bura gang o modify. Isa na namang victim ang nascam ng 3k. Think wis...
07/07/2022

PAALALA!

Wag na wag po kayong maniniwala sa mga bura bura gang o modify.
Isa na namang victim ang nascam ng 3k.

Think wisely guys. Wag na wag magpapascam.
Thank you!

ANG ACCOUNT NA ITO AY HINDI KONEKTADO SA AMIN, HINDI NAMIN MIYEMBRO, AT HINDI RIN NAMIN ADMIN. ANG SINO MANG MAGBIBIGAY ...
06/07/2022

ANG ACCOUNT NA ITO AY HINDI KONEKTADO SA AMIN, HINDI NAMIN MIYEMBRO, AT HINDI RIN NAMIN ADMIN.

ANG SINO MANG MAGBIBIGAY NG KANILANG PERSONAL NA IMPORMASYON SA TAONG ITO AY HINDI NAMIN PANANAGUTAN.

MULI, TANGING DITO LAMANG PO SA AMING PAGE MAG SEND NG INYONG NARRATIVE STATEMENTS. WALA PO KAMING INUUTUSAN NA MEMBERS OR ADMINS NA MANGOLEKTA SA MGA TAGA LABAS. LAHAT NG ADMINS NAMIN NA NAKA ASSIGN SA PAGKUHA NG NARRATIVES AY NANDITO SA PAGE,

SALAMAT PO.

Mapagpalang Umaga!MAYROONG GUMGAYA SA FORMAT NG ID NAMIN AT NANGHIHINGI NG NARRATIVES SA MGA VICTIMS. PLEASE TAKE NOTE N...
06/07/2022

Mapagpalang Umaga!

MAYROONG GUMGAYA SA FORMAT NG ID NAMIN AT NANGHIHINGI NG NARRATIVES SA MGA VICTIMS. PLEASE TAKE NOTE NA HINDI PO GANITO ANG ITSURA NG ID NAMIN.

PARA PO MAKASIGURADO KAYO, AGAIN! DITO LAMANG PO KAYO MAKIPAG UGNAYAN SA AMING PAGE! KUNG KAYO AY MEMBER NG OHF, ALAM NYO KUNG SINO ANG ADMINS AT KUNG SINO ANG NAKA ASSIGN NA MANGOLEKTA NG NARRATIVES, NGUNIT KUNG NON MEMBERS KAYO, UPANG MAKASIGURADO, DITO LAMANG PO SA PAGE MAKIPAG UGNAYAN. ALSO, HINDI PO KAMI NANGHIHINGI NG BAYAD OR FEE!

PLEASE SHARE PARA WALANG MA BIKTIMA ITO! SALAMAT PO!

05/07/2022
Take time to read this guys.
05/07/2022

Take time to read this guys.

05/07/2022

Sa mga agents ng OLA, or if there's any na lalapit sa akin at sasabihing "Huwag nyo kami i judge, kasi ginagawa lang namin ang trabaho namin."

Okay, sige, do your job then. Pero wag nyo kami utusan at sabihang huwag kayo i judge based sa ginagawa nyo. Seriously? You are being use as an instrument and accessories sa lahat ng ito, pumapayag kayo na gawin to sa mga kababayan nyo!
And don't think na kaya nyo takasan ang lahat ng yan habang buhay, dahil magkikita kita din tayo sa finals, and let me tell you kapag nangyari yun, yung kumpanya na sinasamba nyo, ang mga banyaga na umaalipin sa inyo ay hindi kayo tutulungan.

04/07/2022
04/07/2022

MGA KADALASANG TANONG TUNGKOL SA ATING ISINUSULONG NA SENATE HEARING AGAINST OLA.

>Kelan ang Senate hearing?

SAGOT: Wala pa pong petsa. Hinihimay himay pa po namin ang aming position paper na isusumite sa SENADO this week. After that, nakasalalay po sa Senate ang desisyon.

>Habang naghihintay anong pwede naming gawin?

SAGOT: Magpasa na ng inyong narrative statements at evidences, please po kung maari ay detalyado nyong ibahagi ang inyong karanasan. Bakit? Dahil kailangan natin maipakita sa Senado na itong issue ng OLA ay nangangailangan na ng intervention ng high level of authority, at sapat na para sa isang legislative agenda. Kaya kailangan namin ang kooperasyon ng bawat isa kung nais talaga natin na matigil na ito.
DAHIL KUNG HINDI MAKIKITA NG SENADO NA KAILANGAN NA NILA ITONG AKSYONAN, IBABALIK LANG ITONG ISSUE NA TO SA BARANGGAY.
KAYA TAMA NA ANG PAGRA RANT RANT, KILOS. WALANG MAGAGAWA ANG RANT NATIN.

> Hindi ako makakadalo sa hearing, kailangan na ba agad ang SPA ko, kasabay ng narrative statement ko?

SAGOT: Hindi. hindi muna. unahin ang narrative statement a wekk before magkaroon ng senate hearing ay sasabihan namin kayo para maihanda na ninyo ang inyong mga SPA. Sa araw ng deadline ng pagbibigay ng SPA at hindi kayo nakapagbigay, ay matatanggal ang inyong pangalan sa listahan.
Sinisikap din po namin na humingi ng tulong at mkapag provide para sa mga hindi kaya kumuha ng SPA.

Para sa ibang katanunga, maari po kayong mag message sa amin. Salamat po!

04/07/2022

PUBLIC ADVISORY!
PLEASE SHARE!

Kapag may nag message po sa inyo at hiningi ang inyong narrative statements at ang inyong personal information saying na sila ay member ng OHF, Please Take note na tanging mga admins lamang namin ang gumagawa nito, mayroon po silang mga ID na kailangan ipakita sa inyo. Ibibigay po nila yan, bago nila kunin ang narrative statements at evidences nyo, may mga sinusunod din silang protocols lalo na sa confidentiality ng inyong identity. Para sa mga mga non members ng OHF, para makasigurado kayo, dito lamang po sa aming page makipag ugnayan, at mag send ng inyong statements. Muli, wag basta basta magbibigay ng inyong personal informations kung kani kanino. Slamat po!

Bago ako magpahinga ngayong gabi, gusto ko kayong batiin. The fact that you are hre, and you are still breathing, the fa...
03/07/2022

Bago ako magpahinga ngayong gabi, gusto ko kayong batiin. The fact that you are hre, and you are still breathing, the fact na ngayong araw ay kapiling nyo ang mga mahal nyo sa buhay, at nayakap sila, nakausap, naalagaan, nakakatawanan, ay isang matibay na ebidensya ng Grasya ng Panginoon. Sa kabila ng ng lahat ninyong pinagdadaanan, hindi lang ang ola, dahil i believe bukod sa ola, marami tayong iba't ibang suliranin at struggles sa buhay. Pagnilay nilayan natin at pasalamatan ang Panginoon sa pagbibigay Nya ng lakas sa atin araw araw na harapin ang mga ito.

At patuloy na humingi ng proteksyon, karunungan at pang unawa sa lahat ng bagay na pinagdadaanan natin.
May awa ang Diyos, makakaraos din tayo.

Blessed Lord's Day mga kaibigan! Matulog tayo ngayong gabi knowing na ang lahat ng bagay ay kontrolado ng Soberanong Diyos at hindi ka Nya pababayaan.

PARA PO SA MGA NAG SIGN NG PETITION, MAKIPAG UGNAYAN PO KAYO SA AMIN. Mag construct po kayo ng inyong narrative testimon...
03/07/2022

PARA PO SA MGA NAG SIGN NG PETITION, MAKIPAG UGNAYAN PO KAYO SA AMIN.
Mag construct po kayo ng inyong narrative testimony, kayo po ang bahala kung nais nyo po ay video or written. Then isubmit po sa amin dito sa page, kasama ng inyong mga ebidensya. Kung kayo po ay nasa Manila area lamang, at able kayo na maka attend ng senate hearing, loobin nawa ng Panginoon, we are happy na makasama kayo, let us know po. Kung kayo naman ay nasa malayo, kakailanganin nyo po ng SPA or Special Power of Attorney. Please note na ang lahat ng information na inyong ibibigay ay pananatilihin pong confidential. Salamat po.

01/07/2022

Sorry we have to delete ang live broadcast earlier, may nabanggit kasi ang biktima na dapat ay confidential lamang. So she requested na ma delete ito para na rin sa kanyang proteksyon.

30/06/2022

Ngayong araw sa ating live broadcast, pakinggan natin ang storya ng isang biktima na pinadalhan ng food delivery worth 1k. Yes this is a real story na nangyari lamang kahapon. Alaamin natin ang kwento nya, at ano ang naging solusyon nya. LIVE! 2PM.

Walang nagsasabi na ayaw nila magbayad. Lahat naman willing magbayad, nagkataon lang na made delayed, pero anong ginawa ...
30/06/2022

Walang nagsasabi na ayaw nila magbayad. Lahat naman willing magbayad, nagkataon lang na made delayed, pero anong ginawa ng mga ola? Napahiya sa boung angkan, (exaggerated man ito pakinggan) pero this is the level na naramdaman ng mga biktima, napahiya sila sa boung angkan, sa boung mundo. Yung pera, kaya bayaran, kikitain at kikitain. Pero yung pagsira ng mga ola sa reputasyon at dignidad na pinanghahawakan ng debtors nila, kaya bang bayaran yun? Yung anxiety at depression, yung takot sa araw araw, mababayaran ba? May kapantay ba na halaga yun?

29/06/2022

PART 2

29/06/2022

Come samahan nyo kami sa isa na namang mkabuluhang kwentuhan!

Hindi natin kailangan maka abot ng 6k, 10k, or 20k signatures para makarating sa senado, ang panukalang batas na ginawan...
29/06/2022

Hindi natin kailangan maka abot ng 6k, 10k, or 20k signatures para makarating sa senado, ang panukalang batas na ginawang ating mahal na Senador Win Gatchalian at ang ating petition, kasama ng inyong narrattives, testimonies, video testimonies at mga ebidensya ang magiging daan natin. Ngunit naniniwala kami na mas madaming numero mas maganda. Tommorrow is a big day for us sa OHF, dahil bukas namin sisimulan ang STRATEGIC PLANNING, at isasagawa ang lahat ng kailangan namin gawin.

we will update you, but starting tommorrow, hindi na kami basta basta maglalabas ng statements.

may protocol sa written output - with Font used .. the copy to be submitted to Senate only one unique Font to be used.. there will be replica.. that we shall keep.. same content.. but if somebody dares to reproduce.. malaman namin sino... Every page may Disclaimer/Advisory.

Please kung di pa kayo nakakapag sign sa petition, at may kilala kayo na hindi pa nakakapag sign, please do share with them.
https://www.bataris.org.ph/petitions/petition-to-shut-down-abusive-online-lending-apps

28/06/2022

As I said earlier, importante na pag aralan natin ang batas tungkol sa kaso ng small claims dahil ito ang madalas na panlaban ng mga ola sa mga debtors nila..

SO, narito ang ilan sa mga importanteng bahagi ng 2016 Revised Rules of Procedure for Small Claims Cases, na matatagpuan sa website ng supreme court. https://sc.judiciary.gov.ph/1594/

-Una, ang halaga ng threshold ng paghahabol ay itataas sa ₱200,000.00, hindi kasama ang mga interes at gastos.

-Pangalawa, kinakailangan na ngayon na ang nagsasakdal ay nagsasaad sa Statement of Claim kung siya ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko at mga katulad na aktibidad, at ang bilang ng mga maliliit na kaso ng paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang hudisyal na istasyon . Pangatlo, ang nagsasakdal na nakikibahagi sa pagpapautang, pagbabangko o mga katulad na aktibidad ay dapat magpahiwatig ng bilang ng mga maliliit na kaso ng paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang hudisyal na istasyon. Ikaapat, ang nagsasakdal ay maaari na ngayong pahintulutan na magdulot ng serbisyo ng pagpapatawag sa nasasakdal alinsunod sa Seksyon 12.

-Sino ang mga nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko at mga katulad na aktibidad?
Sila ay mga indibidwal, partnership, korporasyon, kooperatiba, at iba pang katulad na asosasyon, nakarehistro man o hindi, nakikibahagi sa pagpapautang, pagbabangko, at mga katulad na aktibidad sa pamamagitan ng pasalita o nakasulat na mga kontrata ng pag-upa, mga kontrata ng pautang, mga kontrata ng mga serbisyo, mga kontrata ng pagbebenta o mga kontrata ng mortgage, sa isang regular na batayan.

-Bakit kinakailangang sabihin ng nagsasakdal ang bilang ng mga kaso ng maliliit na paghahabol na isinampa sa loob ng taon ng kalendaryo anuman ang istasyon ng hudikatura? Dahil ang Binagong Mga Panuntunan ay nagpapataw ng mga karagdagang bayad sa paghahain para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng ikalimang paghahabol. Ang iskedyul ng karagdagang mga bayarin sa paghahain ay ang sumusunod: Karagdagang ₱500.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng 5thclaimAdditional ₱600.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng 10thclaimAdditional ₱700.00Para sa bawat paghahabol na isinampa pagkatapos ng ika-15 na paghahabolIto ay upang pigilan ang mga maliliit na kaso ng paghahabol, maraming kaso ng paghahabol. mag-ambag sa pagbabara ng mga docket ng korte.

-Bakit kailangang sabihin ng nagsasakdal kung siya ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapahiram, pagbabangko at mga katulad na aktibidad? Dahil ang Revised Rules ay nangangailangan na kung ang isang tao ay nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, ang pagbabangko at mga katulad na aktibidad ay may sangay sa loob ang munisipyo o lungsod kung saan nakatira ang nasasakdal, ang kaso ay dapat isampa sa korte kung saan matatagpuan ang sangay na iyon. Ito ay para sa kaginhawaan ng nasasakdal.

-Ano ang mga kahihinatnan kung ang nagsasakdal ay maling kumakatawan na siya ay hindi nakikibahagi sa negosyo ng pagpapautang, pagbabangko o mga katulad na aktibidad kung sa katunayan siya ay nakikibahagi sa gayon? ang nagsasakdal ay dapat bigyan ng angkop na parusa gaya ng direktang paghamak direct contempt.

-Sa kaso ng mga transaksyon sa pautang na hindi hihigit sa P200,000.00 na binayaran sa pamamagitan ng tseke, maaari bang magsampa ng aksyon para sa pangongolekta ng kabuuan ng pera bilang maliit na paghahabol? , kontrata ng pautang, kontrata ng serbisyo, kontrata ng pagbebenta, kontrata ng mortgage, na-liquidate ang mga pinsalang nagmumula sa mga kontrata, barangay amicable settlement o isang award sa arbitrasyon na kinasasangkutan ng money claim.

-Maaari bang i-dismiss ng korte ang isang maliit na kaso ng claim motu proprio? Oo. Alinsunod sa Seksyon 11 ng Binagong Mga Panuntunan, maaaring i-dismiss ng korte ang isang kaso "sa pamamagitan ng kanyang sarili" kung sa panahon ng pagdinig ay matukoy ng hukuman na mayroong isang batayan para sa pagbasura ng Statement of Claim/s -kahit na ang nasabing batayan ay hindi nakiusap sa Tugon ng nasasakdal.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ola Harassment Fighters posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ola Harassment Fighters:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share