SNEAK PEAK | The Wave Radio: A Sneak Peek into the English Radio Broadcasting Team!
Tune in for an exciting glimpse into The Wave Radio, the dynamic Radio Broadcasting Team ready to make waves! Stay tuned for more updates and prepare to experience engaging content like never before!
Powered by the dedicated journalists of Carlos P. Garcia High School.
Sa paglusong sa riles ng tren, sa pagtutok ng kamera sa bawat pagtulak ng trolley, at sa bawat kwento na inilalahad ng isang simpleng mamamayan, isang napakalalim na mensahe ang inilalarawan ng dokyumentaryong pinamagatang “Larangang Kupas.”
Dito ay binuksan ng mga estudyanteng mamahayag ang pintuan patungo sa buhay ni Joel, isang magtro-trolley na hindi lamang tagapaghatid ng pasahero mula dito patungo doon, kundi isang indibidwal na may sariling kwento at laban sa harap ng mga hamon ng buhay.
Ang dokyumentaryong ito ay ‘di lamang tungkol sa buhay ni Joel. Ito ay isang salamin sa realidad ng maraming Pilipino na nagpapakahirap sa araw-araw na buhay. Sa bawat padyak ni Joel sa riles, sa bawat pagpapakita niya ng tapang at determinasyon, tinutulungan niya tayong lahat na maunawaan ang hirap at sakripisyo na ginagawa ng ilan upang mabuhay.
Sa gitna ng modernisasyon at teknolohiya, minsan ay nalilimutan natin ang mga taong nasa likod ng mga pangkaraniwang gawain. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging bato na lamang sa daan ang kanilang mga kuwento, ngunit sa dokyumentaryong ito, ang kanilang mga tinig ay mananatili at ating maririnig upang ipaalam na sila ay hindi lamang mga bilanggo ng kahirapan, kundi mga mandirigma na lumalaban para sa kanilang kinabukasan.
𝗞𝗮𝘆𝗮, 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮, 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝘂𝗱𝗼 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. 𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼! 🫡🇵🇭
Larangang Kupas 🎥
Kinunan noong ika-16 ng Marso 2024
Direktor ng Potograpiya: Arella Natividad
Isinulat ni: Sharmine Malquisto
Iniulat ni: Sharmine Malquisto & Mikylla Verde
Banaag Productions 🎬