Payaw Publication-OMSC Lubang

  • Home
  • Payaw Publication-OMSC Lubang

Payaw Publication-OMSC Lubang The Temporary Page for OMSC Lubang Publication

The long wait is over! SSG Election 2022 , may resulta na. - Siegfred Quiñonez PerezMatapos ang mahigit isang linggong p...
01/09/2022

The long wait is over! SSG Election 2022 , may resulta na.

- Siegfred Quiñonez Perez

Matapos ang mahigit isang linggong preparasyon ng mga naghangad na maging bahagi ng Supreme Student Government ng OMSC-Lubang Campus. Ngayong araw, mula ika-1 ng hapon hanggang sa ika-3 ay ginanap ang SSG Election ng OMSC - Lubang Campus sa Multi-purpose Hall ng PGO. Bawat mag-aaral ay nakibahagi sa pagboto, dala ang pag-asang mananalo ang kanilang mga sinusuportahang partido at kandidato.

Matapos ang eleksyon sa ganap na ika-3 ng hapon, ay agad na rin itong binilang ng mga opisyal ng Student Electoral Tribunal sa pangunguna ang kanilang SET Chairman na si Clarissa I. Villas. Natapos ang bilangan sa ganap nang ika-8 at kalahati na ng gabi. Agad din naman nilang inilabas ang naging resulta ng nasabing botohan, ito ay kanilang inilathala sa kanilang page.

Ang naging resulta ng kanilang botohan ay ang mga sumusunod:

Governor
1. Tesalona, Princess Diane T. (DASURV) 333 votes
2. Viaña, Leonard Mel T. (LEAD) 109 votes

Vice-Governor:
1. Arcilla, MC Edzel I. (DASURV) 245 votes
2. Naga, Jemele DLF. (LEAD) 200 votes

Board Members:
1. Naga, Jennelyn DLF. (DASURV) 297 votes
2. Baluran, Angela Aire (DASURV) 293 votes
3. Delos Santos, Daisyre Mae (DASURV) 267 votes
4. Toñgol, Erwin (DASURV) 266 votes
5. Chavez John Rick (DASURV) 262 votes
6. Abreu, John Mark (DASURV) 244 votes
7. Lomucso, Jazzney (DASURV) 239 votes
8. Dimapilis, Meryl Joy A. (DASURV) 238 votes
9. Torreliza, Christian James (DASURV) 230 votes
10. Mondigo, Warren (DASURV) 225 votes
11. Salinas, Andrea (LEAD) 213 votes
12. Bulasag, Ma. Eloisa (LEAD) 194 votes
13. Delfin, Karylle (LEAD) 190 votes
14. Insigne, Kaycee Mae (LEAD) 161 votes
15. Zurita, Ria Mae (LEAD) 156 votes
16. Torregoza, Marc Maelord (LEAD) 144 votes
17. Ternida, Jonalyn (LEAD) 140 votes
18. Soteco, Sandy (LEAD) 128 votes
19. Tamayosa, Lainelle (LEAD) 122 votes
20. Carreon, Pregie-Ann (LEAD) 71 votes

Matapos ito ay kanila na ring inihayag ang mga opisyal na panalo sa naging botohan. Panalo bilang gobernador si Princess Diane T. Tejoso na sinundan ng kanyang Bise-gobernador na si MC Edzel I. Arcilla. Nanalo naman na mga board members sina, Jennelyn Naga; Angela Aire Baluran; Daisyre Mae Delos Santos; Erwin Tongol; John Rick Chavez; John Mark Abreu; Jazzney Lomucso; Meryl Joy Dimapilis; Christian James Torreliza at Warren Mondigo.

Umaasa ang bawat mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga bagong halal sa kanilang mga inilahad na programa at platorma sa pagsasaayos hindi lamang sa pisikal ng paaralan pati na rin sa pabibigay pansin sa mga usaping pang-akademiko at pang-isports.

📸 Payaw Publication OMSC Lubang

LOOK: OMSC - Lubang Campus during its Supreme Student Government Election 2022 at PGO Multi-purpose Hall. 📸 Jennelyn DLF...
01/09/2022

LOOK: OMSC - Lubang Campus during its Supreme Student Government Election 2022 at PGO Multi-purpose Hall.

📸 Jennelyn DLF. Naga

Miting De Avance: Flooded with Support- Kemberly Q. TangiThursday, September 1, 2022, rain or shine, OMSC Lubang Campus ...
01/09/2022

Miting De Avance: Flooded with Support
- Kemberly Q. Tangi

Thursday, September 1, 2022, rain or shine, OMSC Lubang Campus held its Miting de Avance at PGO Hall together with the teachers, students and the two partylists: DASURV (Dedicated and Above-board Students that Undertake Responsibilities Valiantly) and LEAD (Leaders for Excellence and Active Development).

The program started with an audiovisual prayer and national anthem followed by the opening remarks of Dr. Angelito V. Quiñones Jr, OMSC SAS Coordinator. The first partylist, DASURV show off their talents through an intemission number, spoken poetry combined with a song performed by Ms. Meryl Joy Dimapilis and company. LEAD partylist didn't take their guard down and offered the students a heartfelt song by Karyle Delfin and Andrea Salinas. The candidates then delivered their speeches and platforms every after their intermission and a Q/A segment was done so that the running governors and vice governors may share their opinions about the given topic.

The program ended with closing remarks by Ms. Clarissa Mae Villas, SET Chairman and a singing of the OMSC Hymn.

📸 Payaw Publication OMSC - Lubang Campus

Pagdiriwang ng OMSC - Lubang Campus sa Buwan ng Wika 2022- Clarissa Mae I. VillasNgayong araw, ika-31 ng Agosto 2022, ip...
31/08/2022

Pagdiriwang ng OMSC - Lubang Campus sa Buwan ng Wika 2022

- Clarissa Mae I. Villas

Ngayong araw, ika-31 ng Agosto 2022, ipinagdiwang ng OMSC - Kampus ng Lubang ang Buwan ng Wika na may temang "Filipino at Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha" sa Multi-purpose Hall ng PGO.

Binuksan ang programa sa pamamagitan ng mga wikain nina Dr. Angelito V. Quiñones Jr. at Dr. Miguel C. Elausa. Sa programang ito ay ipinakilala ang dalawang pares ng lakan at lakambini na nagmula sa bawat departamento kung saan ay ipinakita at ipinagmalaki nila ang kanilang mga katutubong kasuotan. Sinundan ito ng dagliang talumpati kung saan ay may isang kalahok ang bawat departamento. Sumunod naman ay rumampa ang bawat lakan at lakambini dala ang kanilang mga pormal na pananamit. Sabayang bigkas naman ang itinanghal ng mga kinatawan na grupo ng bawat departamento. Nasaksihan rin ng marami ang pagsagot ng mga kandidato sa mga tanong na inihanda para sa patimpalak na ito.

Nagtapos ang programa sa paggawad ng parangal sa mga nanalo sa bawat kompetisyon kasama na rito ang pagsulat ng sanaysay noong nakaraang linggo. Itinanghal na pangkalahatang kampeon sa buong selebrasyon ang Batsilyer ng Edukasyong Pang-Elementarya.

📸 Clarissa Mae I. Villas

"Sukli ay Pagkilala"- Christian James TorrelizaSino ba kayo para aming alalahanin?Na sa tuwing huling Lunes ng Agosto'y ...
28/08/2022

"Sukli ay Pagkilala"
- Christian James Torreliza

Sino ba kayo para aming alalahanin?
Na sa tuwing huling Lunes ng Agosto'y ipagdiriwang namin,
Dapat daw kayong mahalin at laging ipagmalaki,
Tingalain na parang mga bituin sa gabi.

Di matandaan kung sino nga ba kayo,
Tila nalilimutan na ang mga nagawa ninyo,
JRizal, MaJoJa, teka ano nga ba?
Mga pagasa ng bayan, nakakahiya na.

Kaya pumikit ako at muling kong inalala,
Mga pangalan at naging ambag sa ating paglaya,
Mga luha ko'y pumatak, puso ko'y nagalak
Kilala ko na, naalala na kita.

Kayo pala ang mga bayaning nagpalaya sa Inang Bayan,
Malalakas ang loob, matatapang na lumaban
Mga dugo niyong pumatak ang naging pandilig,
Sa natutuyong lupa ng bansa nating iniibig.

Ipinagtanggol ang lahi, ang baya'y pinili
Nabuksan ang hawla, nabawi ang susi
Utang namin sa inyo ang kalayaang ngayo'y aming tinatamasa,
Nararapat lang na suklian ng pagdiriwang at pagkilala.

Kuhang larawan mula sa Google

Apat na mag -aaral, lumahok sa pagsulat ng sanaysay na ginanap sa OMSC Library ng Lubang Campus noong ika-26 ng Agosto, ...
26/08/2022

Apat na mag -aaral, lumahok sa pagsulat ng sanaysay na ginanap sa OMSC Library ng Lubang Campus noong ika-26 ng Agosto, 2022.

Kaugnay ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, ginanap ang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay na may kaakibat na temang, "Kabataan sa Panahon ng Pandemya." Dito nagtagisan ng husay ang apat na mag-aaral mula sa apat na departamento ng Kampus ng Lubang.

Ang nasabing kalahok ay sina Marius James Insigne na mula sa Bachelor of Science in Information Technology at sinundan ni Drake Lenard Nuñez ng Bachelor of Science in Agriculture. Ikatlo ay mula naman sa Bachelor of Science in Business Administration na si Clarissa Mae Villas at ang ika-apat ay si Jemele Naga ng Bachelor of Elementary Education.

Bago mag-umpisa ang patimpalak ay inilatag ni G. Antonio Abrigo ang mga tukoy na alituntunin para sa pagsulat ng sanaysay na magiging gabay ng mga mag-aaral upang makalikha ng mas masining na akda.

Gumugol ng humigit-kumulang na dalawang oras ang mga kalahok bago natapos ang sanaysay ng bawat isa. Inaasahang sa darating na ika-31 ng Agosto, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ay iaanunsiyo ang naging resulta ng nasabing patimpalak.

— Cer Joe T. Caunceran

Mga kuhang larawan ni: Sophia Tiatson

OMSC Lubang Campus COVID-19 booster shot vaccination in partnership with Municipal Health Office of Lubang.In connection...
26/08/2022

OMSC Lubang Campus COVID-19 booster shot vaccination in partnership with Municipal Health Office of Lubang.

In connection with the nationwide campaign "SA BOOSTER, PINASLAKAS", OMSC - Lubang Campus with the Lubang Municipal Health Office conducted COVID-19 booster shot vaccination this morning August 26, 2022 at OMSC Lubang Campus Social Hall. This event accommodated the faculty, staff and students of OMSC - Lubang Campus.

- Siegfred Quiñonez Perez

Photo: KemberlyTangi

Be part of the Payaw Publication!"Search, explore and discover all news without fear and favor."
25/08/2022

Be part of the Payaw Publication!

"Search, explore and discover all news without fear and favor."

2 PARTYLISTS FILED THEIR CANDIDACY FOR SUPREME STUDENT GOVERNMENT ELECTION 2022 OF OMSC - LUBANG CAMPUSThis afternoon on...
24/08/2022

2 PARTYLISTS FILED THEIR CANDIDACY FOR SUPREME STUDENT GOVERNMENT ELECTION 2022 OF OMSC - LUBANG CAMPUS

This afternoon on its last day of filing of certificate of candicacy, 2 partylists filed their candidacy for Supreme Student Government Election 2022 of OMSC - Lubang Campus. Princess Dianne T. Tejoso, aspiring governor under the Dedicated and Above-board Students that Undertake Responsibilities Valiantly (DASURV Partylist) and Leonard Mel T. Viaña, aspiring governor of Leaders for Excellence and Active Development (LEAD Partylist) led their teammates during filing of their certificate of candidacy.
Meanwhile, SET Board of Election also presented the election guidelines in each partylist for their clearer and better understanding of rules during campaign and election period.

Photo and caption by: Siegfred Quiñonez Perez

24/08/2022

Student Electoral Tribunal of OMSC-Lubang Campus released the list of official candidates for Supreme Student Government Election 2022.

23/08/2022

Announcement!

In regards with the SSG Election, each party must be composed of:
1 Governor
1 Vice-Governor
10 Board Memebers

Requirements for Candidacy:
* Certificate of Candidacy
* List of running mates and platforms
* Certificate of Good Moral
* Certificate of Registration
* Evaluation Form (for those 2nd to 4th Year candidates)

(Note: Documents such as COC forms and the official list of running mates and platforms will be given by your local SET officers.)

For more details please visit the student publication office or send a message via the official page of the Student Electoral Tribunal- Lubang Campus

23/08/2022

Announcement!

(For the students of OMSC-Lubang Campus)

In line with the 2022 Student Elections, below is the schedule of activities established by the Student Electoral Tribunal of OMSC-Lubang

August 22 - August 24: Filing of Candidacy

August 25 - August 30: Campaign period

August 30: Miting de avance 1:00pm

August 31: Removal of physical campaign materials inside the campus.

September 2: Election day

For more details please visit the student publication office or send a message via the official page of the Student Electoral Tribunal- Lubang Campus

22/10/2021

Literary Writing, Ano ang pagkakaiba nito
sa ibang anyo ng pagsulat?

By: Rostom Lojo

09/10/2021

Feature Writing ❤️
By: Lyra T. Aguilar

Please watch.😊

"The Feature Article Recipe"
You will need:
✓A lead, intro or 'hook'
✓A statement of theme
✓Facts about your topic
✓Quotes from a source
✓Anecdotes from a source
✓A few transitory paragraphs
✓A kicker
✓A pinch of appropriate tone
✓A drizzle of passion to taste
(Quantities will vary from 30 to 60 words per paragraph) -kl

02/10/2021

Ano ang Dagli?
At anong ang paraan ng pagsulat nito?

Pagtatalakay ni:
Siegfred Quiñonez Perez

The Payaw Publication determines its new board of editorsTo reorganize the new set of the publication editors and to pre...
26/09/2021

The Payaw Publication determines its new board of editors

To reorganize the new set of the publication editors and to prepare for this semester's plan, the Payaw Publication conducted an online meeting last September 11, 2021.

The publication of this campus conducted a meeting among its new set of members to determine who will fill in the vacant positions left upon by the former members who finished their four years of education in the campus.

As the decisions had been supported with votes of the majority, the following were acquiesced for the corresponding position:

Headed by the adviser - Ms. Jenny A. Garcia, MaEd-TESL
Editor-in-Chief - Ms. Clarissa Mae Villas
Associate Editor - Mr. Siegfred Q. Perez
Managing Editor - Mr. Rostom Lojo
News Editor - Ms. Sarah Jane Gutierrez
Feature Editor - Ms. Lyra T. Aguilar
Devcom Editor - Ms. Mary Joyce DL. Torrelino
Opinion Editor - Ms. Baby Jane Villanueva
Literary Editor - Mr. Rostom Lojo

Contributors:

Ms. Jennelyn Naga
Ms. Kemberly Quiñones
Ms. Kristine Tulaylay

Further, the editors agreed that the publication is still open for applicants to welcome new aspiring staff especially those who would like to enhance/showcase their skills in writing and be able to contribute for the publication.

13/02/2021
Para sa mga single, ito na lang gawin natin..
13/02/2021

Para sa mga single, ito na lang gawin natin..

AKO MUNANakikita pa din kita.Minsan masaya ka, nakangiti.Madalas blangko ang iyong mukha.Tila ba kay lalim ng iyong inii...
13/02/2021

AKO MUNA

Nakikita pa din kita.

Minsan masaya ka, nakangiti.
Madalas blangko ang iyong mukha.
Tila ba kay lalim ng iyong iniisip.
Di ko maarok. Di ko alam kung ano ang dahilan.
May mga pagkakataong malungkot ka din.

Gaya ng dati.

Kapag may problema kayo.

Ang pagkakaiba lang,
Noon, hindi ko alam.
Na sa likod ng lahat ng emosyong pinakikita mo sakin,
Siya pala lahat ang dahilan.

Ngumingiti ka pala kasi naalala mo siya.
Nalulungkot ka, kasi nag- away kayong dalawa.
Nakatulala ka dahil hindi mo alam,
Na kailangan mo na palang isuko ang isa sa aming dalawa.

Ganitong panahon din noon.
Naaalala ko.
Araw din ng mga Puso.
Buwan ng pagmamahalan.

Hanggang gabi,
Hinihintay kita.
Yun pala, maghapon,
Kayong dalawa yung magkasama.
Sabi mo sakin pasensya.
Sabi ko, ayos lang.
Naiintindihan kita.

Ngayon, iba na.
Alam ko na.
Kasi nasabi mo na.
Namili ka na.
Sabi mo, siya.
Masakit. Oo.
Pero paano ko ipaglalaban
Ang taong una palang,
Hindi ko pala kakampi?

Paano ko sasabihing
Ako yung piliin,
Kung noon palang
Matagal na pala akong naipagpalit?

Nakikita pa din kita.
Pero iba na.
Hindi na tulad noon na mahal pa kita.
Kasi ngayon, nalaman ko na.
Naiintidihan ko na.

Na hindi lahat ng mahal ka, pipiliin ka.

Araw na ulit ng mga Puso.
Buwan ng Pag- ibig.
Ng pagmamahal.

Naalala ulit kita.

Subalit patawad,
Ito’y hindi na pag- alaala
Kung saan pipillin,
At uunawain pa din kita.
Kundi pag- alaalang
sarili ko muna ang mahalin,
Bago ang iba.

-Aris

Do you want to be a writer? A graphic artist? It's your time then!
04/01/2021

Do you want to be a writer? A graphic artist? It's your time then!

30/11/2020

Maaari ba kitang hubaran?"(basa muna bago HUSGA😊)

Maaari ba kitang hubaran?
Hubarin ang lungkot ng kahapon at nakaraan.
Gusto mo bang maging maligaya't masarapan?
Masarapan sa mainit na pagmamahal na sa'yo lang ilalaan.

Gusto mo ba akong makasama sa madilim na gabi,
At dahan-dahang haplusin ang 'yong pusong humihikbi?
Hayaan mong himas-himasin ko ang puso mo upang maisantabi,
Maisantabi ang iyong pag-iyak, lungkot, at hapdi.

Pahintulutan mo akong bigyan ka ng masasarap na alaala,
Payagan mo akong ipasok ang aking sandata.
Ipasok sa isip mo na mahal kita, upang hindi ka na ulit masaktan pa,
Dahil kapag ito'y naipasok na, tuluyan kang liligaya.

Hayaan mong alisin ko ang damit ng kalungkutan,
Upang ang sarap ng kaligayahan ay iyong maramdaman.
Ang mahaba kong pasensiya'y sa'yo ko patutunayan,
Ang matigas kong ulo ay ikaw lang ang tanging laman.

Binibini, alam kong malapit ka nang labasan,
Labasan ng mga pagdududa't sangkaterbang katanungan.
Hayaan mo akong paluwagin ang makipot mong daan,
At magtiwalang sa madidilim na gabi, ika'y aking sasamahan.

-KASHIMARU

Your light enlightens me,In the darkest part of my life.You're always guiding me,When I can't see the right path.You've ...
27/11/2020

Your light enlightens me,
In the darkest part of my life.
You're always guiding me,
When I can't see the right path.

You've shown life's beauty,
That these eyes of mine can't see.
You're always there,
And your light always inspires me.

There are times that I can't see you,
But I knew you're always there.
In the darkest part of my life.
I knew that you'll be there.

In times that I feel useless,
And in times that I'm ignored.
You made me feel that I am loved.
And your love made me whole.

-darkestmind

 ... johsa...
27/11/2020

...
johsa...

24/11/2020

2020: Kabig o Tabig?

Pagpasok pa lamang ng taong 2020, madarama na ang iba't-ibang trahedya o sakuna na ating naranasan. Marahil iniisip natin na sadyang kasump-sumpa ang taong ito para sa atin, ngunit naisip ba natin kung ano ang dahilan ng mga ito? Napapagtanto ba natin kung bakit pinaparanas sa atin ang mga gantong bagay? Tayo' y magmuni-muni, balikan ang taon na tayo ay masaya at masagana. Nagawa ba nating pahalagahan ang mga bagay na sa atin ay nagpaligaya? Nagawa ba natin ang sumimba at magpasalamat sa Panginoong Diyos? Nagawa ba nating tumulong at magpasaya ng ibang tao? Marahil kulang ang lahat ng nagawa natin. Masyado tayong nalamon ng mga makamundong gawain. Masyadong naging manhid at sarado ang ating mga mata upang makita ang mga bagay na syang dapat at karapat-dapat nating gawin sa buhay. Sa ganang akin, isang tanong ang sa akin ay umuukilkil. Isa bang kabig ang taong 2020 para sa atin o tabig dahil sa masasalimuot na pangyayaring ating naranasan? Kulang dalawang buwan na lamang at maglilipat na ang taong ito. Bilang isang estudyanteng kolehiyala, masyadong maraming ala-ala ang iiwan ng taong ito para sakin, malungkot man ito o masaya. Dito ko naranasan ang iwan ng taong masyadong malalim ang aming pinagsamahan, masakit isipin dahil tanging sa larawan ko na lang ulit sya mapapagmasdan. Masaya din ang naging taong ito dahil naging solid ang bonding ng pamilya na noon ay limitado laang ang oras para magkakasama-sama. Gayunpaman, masasabi ko na ang taong ito ay isang tabig dahil isa ako sa nakakaranas ng makabagong normal na pamumuhay na malayo sa aking hinagap. Isang tabig dahil puro takot, pangamba at krisis ang nararanasan ng nakararami. Subalit hindi tayo pinabayaan ng Panginoong Diyos dahil tinulungan niya tayong buksan ang ating mga mata upang makita ang kagandahan sa kabilang panig nito. Masasabi kong ito'y isa ding kabig dahil may magaganda at masaya pa din itong naging dulot sa atin. Naensayo tayong gumamit ng teknolohiya na syang ating gingamit sa ating pag-aaral na kung saan kaya na nating makipagsabayan sa ibang bansa pagdating sa proseso ng pag-aaral. Isa ding kabig dahil sa pandemya natuto tayong dumistansya sa bawat isa lalo na sa mga taong alam nating hindi na tayo mahal. Pangalawa, natuto tayong magsuot ng panangga o proteksyon para di na nila tayo masaktan pa. At pangatlo, natutunan nating hindi lahat ng bagay na nasa atin ay permanente na. Maaaring tayo ngayon ay masaya, ngunit bukas ay malungkot na. Maaaring tayo ngayon ay masagana ngunit bukas ni singkong duling wala na. At maaaring ngayon tayo ay mahal niya ngunit mamaya lang mayroon na syang iba. Ganun lang kadali ang buhay, yan ang natutunan ko ngayong taon. Maaaring sa pagpikit lang ng ating mga mata, biglang iba na ang mundong ginagalawan natin. Maaaring sa pagmulat ng ating mga mata sa umaga, mayroon na pala sa ating nagpapasayang iba. Masyadong madali ang buhay, nkakatakot isipin na isa na din tayo na iiyakan nila balang-araw, kaya sulitin na natin ang magpakasaya at pahalagahan ang mga bagay na meron tayo ngayon. Kabigin lahat ng magaganda at tabigin lahat ng hindi kaiga-igaya. Upang pagdating ng araw wala na tayong pagsisisihan pa.

-wittybrat

16/11/2020

What if I wasn't Here

What if I wasn't here?
Does sentiments won't get deeper, no tear?
What if I'd never knew you?
Does this feeling fade and flew?

What if i was so mean?
Will it still melts me the way you grin?
What if i'll go far away?
Will my heart forgets what it says?

What if I'll like someone else again?
Will i forget you and treat you as a friend?
What if i got what you need?
Will you fall to me, can you get rid?

What if I was the one you love?
Is it only me that you will have?
What if you'll love me soon?
"That was too imposible" I'd mumbleb to the moon.

-Kashimaru

Nature's RevengeWind blows so strongBamboo trees are swaying alongRiver flows so fastLike thunder that strikes in a blas...
16/11/2020

Nature's Revenge

Wind blows so strong
Bamboo trees are swaying along
River flows so fast
Like thunder that strikes in a blast.

The sky was covered with darkness
People are begging for calmness
But nature shows its cruelness
And makes us suffer for our rudeness.

Its hard to hear children crying
Waving their hands and yelling
Asking for help and praying
To overcome their fear on what is happening.

How many lives would sacrifice
To wake us up from our ignorance
Towards nature destruction
Cause by deforestation.

How many innocent children would suffer
And beg for food because of hunger
Thousands of people are homeless
Because of our carelessness

Its time for us to show care for our mother Earth
Dont let greediness take our last breath
Dont lose hope, be like a glowing candle
Together we can conquer this battle.

Wake up!stand still! Be responsible!
Stop those acts that are horrible!
Make a change that is unforgettable!
Act as one! Together we are unstoppable!

-furiousfire😊

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Payaw Publication-OMSC Lubang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share