09/07/2020
Naipamahagi ang ayuda sa 253 'waitlisted families' sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Kalayaan, Laguna kahapon (July 8, 2020).
Isa ang Brgy. San Antonio sa mga geographically isolated and disadvantaged areas sa rehiyon na inuuna ang distribusyon para sa mga karagdagang benepisyaryo ng SAP.
Ang pagpili sa mga lugar na inuuna ang distribusyon ay nakadepende sa iba't ibang kundisyon katulad ng layo ng barangay, pagsusumite ng kumpletong encoded masterlist at full liquidation report ng lokal na pamahalaan at petsa ng pagpapasa ng listahan ng 'waitlisted families' sa Kagawaran.
Ilan sa mga bayan sa CALABARZON na nagkaroon na rin ng distribusyon para sa 'waitlisted families' ay ang Nasugbu, Calatagan, Calaca, Talisay, Batangas City, Taysan at Rosario (Batangas Province); Kalayaan at Cavinti (Laguna Province); at Gen. Luna, Mulanay at San Francisco (Quezon Province).
Sa kabuuhan, mayroong 2,092 na mga 'waitlisted families' ang nakatanggap ng PhP6,500 na ayuda sa ilalim ng SAP (as of July 9, 12NN Report).