Sagot ni Vice Mayor Godfrey Parale sa mga umuugnay sa kanyang pangalan sa maanomalyang JVA ng CNWD at PWCN.
Malisyoso ang mga post at sinasakyan naman ng ilan upang magamit sa darating na halalan.
Bagama't nakasama ang kanyang pangalan sa mga sinampahan ng kaso bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, nilinaw ni Parale na ito ay bahagi ng natural na proseso sa pagsasampa ng kasong administratibo.
Gayunpaman, nakita sa kanyang pakikipaglaban sa SP kasama ang noo'y kasapi ng minorya na si board member Mike Canlas hanggang sa makasama rin ng dalawa si Dr. Ran Jalgalado na mariing tinutulan ang Joint Venture Agreement. Lagi mang natatalo sa bilang, nasa talaan ng SP ang kanilang mga naging paninindigan.
#PrimeWater
#JointVentureAgreement
#CamarinesNorte
BAYANIHANG BAYAN SA DALAMPASIGAN
BAYANIHANG BAYAN SA DALAMPASIGAN|Basura-Palit-Bigas
Pagkatapos ng unos, basura ang naman ang kinakaharap ng mga lugar na mayroong dalampasigan, saan mang panig ng bansa. Kaakibat ng unos na ito ay ang kawalan ng hanapbuhay ng mga apektadong residente.
Pero sa bayan ng Jose Panganiban, mayroong isang programa na na isinulong ni Konsehal Artemio Andaya upang kasabay ng paglilinis ng dalampasigan, kasabay naman nito ang pagbibigay ng bigas sa bawat sako ng basurang maaalis sa gilid ng dagat.
Mambulao Artsncrafts
@followers
#krsitineph
#CamarinesNorte
#JosePanganiban
LIVE: BLUE RIBBON COMMITTEE PROBE ON DUTERTE'S DRUG WAR.
LIVE: Senate begins probe into Duterte admin's war on drugs.
Oct 28, 2024
MAS MALAKING HAMON
VISUAL ARTIST AT BICOL's MULTI-AWARDED ENVIRONMENTAL ADVOCATE, INCUMBENT COUNCILOR ARTEMIO ANDAYA SASABAK SA LABAN PARA SA PAGKA-BISE ALCALDE NG JOSE PANGANIBAN.
Sasabak sa laban para sa pagka Bise Alcalde ng bayan ng Jose Panganiban ang visual artist at multi-awared Environmental Advocate na si incumbent Councilor Artemio Andaya JR na naghain ng kanyang kandidatura sa ikalimang araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC).
Si Andaya ay kasalukuyang nakaupo bilang Top 1 Municipal Councilor ng Jose Panganiban, Camarines Norte at nahalal na Konsehal sa apat (4) na termino.
Bilang Konsehal ng Bayan ay kilala si Andaya bilang tagapagsulong ng bolunterismo, pangangalaga ng kalikasan, pagpapaunlad ng turismo, pagpapalakas sa mga katutubo, pangangalaga sa mga nakatatanda, kabataan, PWD at cancer patients.
Dahil sa kanyang husay at dedikasyon ay ipinagkaloob kay Andaya ang SARINGAYA AWARD ng taong 2023. Ito’y pinaka-prestihiyoso at pinakamataas na environmental award na ipinagkakaloob ng DENR Bicol.
Taong 2022 ay nanguna si Andaya sa National Search for Outstanding Volunteer (SOV) at ang parangal ay ipinagkaloob ng Philippine National Volunteer Services Coordinating Agency (PNVSCA). Siya ang kauna-unahang CAMNORTEÑO na nakatanggap ng pinakamataas na parangal sa bolunterismo mula sa National Government.
Si Andaya rin ay Tourism Service Awardee 2021 mula sa Provincial Tourism Development Council, Top 3 National Awardee ng Philippine Volunteering Initiatives (PVI) ng taong 2020 at pinarangalan din bilang Tourism Ambassador ng Camarines Norte ng taong 2019 mula sa Provincial Tourism Council.
Kilala si andaya sa kanyang mga adbokasiya para sa Marine Ecosystem gaya ng pagtatanim ng Korales at pagtatanggal ng mga Dap-ag o crown of thorns na banta sa paglago ng mga coral reefs na tirahan at pangitlogan ng mga isda.
Sa pagsabak sa mas mataas na posisyon, susubukan ni andaya palawakin pa ang kanyang mga adbokasiya na nag-umpisa sa kanyang pagiging voluntee
JUST IN: Dating Gobernador at Congressman Roy Padilla Jr. Dumating sa COMELEC-Camarines Norte kaninang 8:12 ng umaga kasama ang kaniyang pamilya at taga-suporta upang maghain ng kandidatura bilang Congressman ng 2nd District.
Bagama't hindi Siya ang dinadala sa Partido ng kanyang kapatid na si Governor Dong Padilla, nilinaw ng dating mambabatas na walang lamat ang kanilang relasyon at inirerespeto nya desisyon ng nakababatang kapatid.
Hindi nya rin umano itinuturing na kalaban si Congw. Rosemarie Panotes dahil iisa umano ang kanilang hangarin na makatulong kay Gov. Dong sa pagpapaunlad ng Camarines Norte.
#Politics
#CamarinesNorte
#2025NLE
PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS
PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS PROVINCIAL PARTY CONVENTION AND MASS OATH TAKING | September 29, 2024
#AlaysaDiyosAlaysaBayan
#Fortheloveofourcountry
#PadagosLang
#LabanLang
IYAH CARES
PRE-SCHOOLERS AT KINDER GARTEN STUDENTS SA BAYAN NG DAET, NAKATANGGAP NG SCHOOL BAG MULA SA IYAH CARES.
Ang adbokasiya, nag-umpisa halos 8 taon na ang nakararaan noong wala pa sa politika ang tagapamuno ng naturang programa na si PB Iyah Carranceja.
#IyahCares
AYUDA PER FAMILY , HINDI PER HOUSEHOLD.
PAMAMAHAGI NG FOOD PACKS SA BAYAN NG SAN VICENTE, CAMARINES NORTE, PER FAMILY AT HINDI PER HOUSEHOLD. IKINATUWA NG MGA BENEPISYARYO.
Aabot sa 4,000 na mahihirap na pamilya at hindi household ang nakatanggap ng foodpacks mula sa DSWD na hiniling ng pamunuann ni Mayor Ma. Jhoanna Ong ng bayan ng San Vicente sa DSWD Bicol upang upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito. Dati nang sistema na kapag namamahagi ng ayuda ay per household o ibig sabihin, kahit pa maraming pamilya kung nasa loob lang naman ng iisang tahanan ay iisa lang ang ayudang matatanggap nito. Pero dahil sa pakiusap ng Alcalde at kanyang mga kasamahan sa lokal na pamahalaan, ngayon, ang dating per household na ayuda ay per family na kung kayat marami-raming pamilya ang nakinabang.
Ipinagpasalamat naman ng mga resipyente ang hakbang na ito ng LGU dahil matagal na itong inaasam ng mga mahihirap na pamilya.
Bagama’t hindi naging perpekto ang unang salvo ng pamamahagi dahil may mga hindi nakatanggap ng claim stub, tiniyak naman ng alcalde na mabibigyan din ang mga qualified beneficiaries.
Ipinaliwanag din ng kinatawan ng DSWD ang ibig sabihin ng crossmatching kung saan madalas na napupuntirya ang LGU dahil pinipili lang umano ang nabibigyan. Ang katotohanan, mayroong database ang DSWD at ito ang tutukoy kung sino ang nabigyan na, at maaring mabigyan pa sa loob ng isang taon.
#CamarinesNorte
#sanvicente
DATING MAGKATUNGGALING PARTIDO SA CAMARINES NORTE NAGSANIB PWERSA PARA SA DARATING NA 2025 ELECTIONS
DATING MAGKATUNGGALING PARTIDO SA CAMARINES NORTE NAGSANIB PWERSA PARA SA DARATING NA 2025 ELECTIONS.
Narito ang ating report.
#camarinesnortepolitics
#2025elections
CAMARINES NORTE POLITICS UPDATE
Sa pagsanib-pwersa ng Padilla-Ascutia tandem at Grupo ng Panotes, may mga incumbent officials na nagpahayag ng kanilang buong suporta mula sa municipal level.
Ang iba rito ay mga dati nang kasama, habang ang iba ay mula sa mahigpit na katunggaling partido na nangakong susuportahan ang pagsasama ng mga lider na nagmula sa iba't-ibang national party at bumuo ng local political party na tinawag na LAKAN o lakas ng Kamarines Norte.
Kahapon, Marso 20, 2024 ay pormal nang inanunsyo ng LAKAN ang pagsasanib-pwersa ng tambalang Gov. Ricarte Padilla, VG. Joseph Ascutia at grupo ni 2nd District Rep. Rosemarie Panotes, habang kakatawanin naman ni Former 1st District Representative Dra. Cathy Barcelona-Reyes ang kanyang distrito.
Sa naturang deklarasyon, kinilala at hinangaan ng mga kapartido ang tinawag na "supreme sacrifice" ni dating congressman Renato Unico Jr. dahil sa pagpapaubaya nito mangyari lamang ang pambihirang pagkakataon na pagsasanib-pwersa ng dalawang grupo sa mataas na katungkulan sa local politics ng Camarines Norte.
#camarinesnortepolitics
#CamarinesNorte
#basud
#labo
#Talisay
#sanvicente
#mercedes
#vinzons
#DaetCamarinesNorte
#JosePanganiban
#paracale
Dong Padilla
Engr. Joseph Villaverde Ascutia
Dr. Cathy Barcelona-Reyes
Cong. Rosemarie Conejos Panotes
LOOK. Narito ang naging kaganapan sa 3rd nationwide Fire Drill na ginanap sa SM City Daet kamakailan.
Regular itong ginagawa sa tulong ng Bureau of Fire Protection kung saan bukod sa drill, nagsagawa rin ng Demo patungkol sa mga basic response bilang mga empleyado sakaling magkaroon ng sunog.
#firepreventionmonth2024
CNPPO ISINAGAWA ANG KICK-OFF CEREMONY NG 2024 WOMEN’S MONTH CELEBRATION.
[Pinangunahan ni Ms. Jocelyn Obrero-Torio, DIT, CNSC bilang panauhing pandangal ang paggawad ng mga sertipiko ng papuri mula kay CNPPO Provincial Director, PCOL JOSELITO E VILLAROSA, JR bilang pagkilala sa mga katangi-tanging kababaihang pulis sa larangan ng Family Juvenile Gender and Development (FJGAD) kung saan kinilala at ginawaran ng parangal ang mga himpilan ng kapulisan ng Sta. Elena, Basud at San Vicente.]
#nationalwomensmonth2024