Balitang Tayug, Pangasinan

  • Home
  • Balitang Tayug, Pangasinan

Balitang Tayug, Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Tayug, Pangasinan, News & Media Website, .

KONSULTA PLUS GUICONSULTA, INILUNSAD SA MANAOAG, PANGASINANMainit na tinanggap ng mga residente ng Manaoag, Pangasinan a...
16/01/2025

KONSULTA PLUS GUICONSULTA, INILUNSAD SA MANAOAG, PANGASINAN

Mainit na tinanggap ng mga residente ng Manaoag, Pangasinan ang paglulunsad ng programang Guiconsulta plus Konsulta na pinangunahan ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III at Vice Governor Mark Lambino.

Sa ilalim ng programang ito, libu-libong residente ang nakinabang sa libreng check-up, laboratory exam, at gamot sa tulong ng PhilHealth Konsulta. Bukod dito, nagbigay din ng cash incentive ang programang Guiconsulta, na nagdulot ng labis na pasasalamat mula sa mga residente.

Isa sa mga nakinabang ay si Nanay Angelita Garcia mula sa Barangay Cabanbanan, na labis ang pasasalamat kay Governor Guico sa libreng serbisyo at natanggap na cash incentive.

Bukod sa serbisyong medikal, namahagi rin si Governor Guico ng mga libro at manipulative toys para sa mga Day Care Centers.

Dumalo rin sa paglulunsad sina Board Member Jerry Rosario, Board Member Marinor “Noy” De Guzman, Mayor Jeremy Rosario, Former Vice Mayor Domy Ching, mga kinatawan ng Manaoag Community Hospital, Provincial Treasury Office, at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Source: Province of Pangasinan

GUICONSULTA INILUNSAD SA VILLASIS AT LAOACPinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III at Fifth District Congressman Ramo...
13/01/2025

GUICONSULTA INILUNSAD SA VILLASIS AT LAOAC

Pinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III at Fifth District Congressman Ramon “Monching” Guico, Jr. ang paglulunsad ng Government Unified Incentives for Medical Consultation plus Konsulta (GUICONSULTA) sa mga bayan ng Villasis at Laoac.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Villasis Mayor Nonato S. Abrenica, former mayor Dita Abrenica, Vice Mayor Cheryll Z. Tan, Laoac Mayor Ricardo D. Balderas, Board Member Jan Louie Q. Sison, former councilor Jesus “Isong” Basco, mga konsehal, Urdaneta District Hospital, Barangay Health Workers, barangay officials, LGUs, at iba't ibang tanggapan ng Kapitolyo.

Libu-libong residente mula sa dalawang bayan ang nakinabang sa programa, kung saan sila ay nakatanggap ng cash incentives at libreng serbisyong medikal.

Kasama rin sa inihatid ng probinsya ang libreng serbisyo para sa mga alagang hayop, libreng gupit, pamamahagi ng seedlings, fingerlings, learning books, manipulative toys para sa Day Care Centers, at mainit na lugaw mula sa GUICOSINA.

Ang programa ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na magbigay ng mas malawak at abot-kayang serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga mamamayan.

Source: Province of Pangasinan

IKA-80 ANIBERSARYO NG LINGAYEN GULF LANDINGS AT IKA-18 ARAW NG MGA BETERANO NG PANGASINANIsang makasaysayang araw ng pag...
11/01/2025

IKA-80 ANIBERSARYO NG LINGAYEN GULF LANDINGS AT IKA-18 ARAW NG MGA BETERANO NG PANGASINAN

Isang makasaysayang araw ng paggunita ang naganap habang ipinagdiwang ng lalawigan ng Pangasinan ang ika-80 Anibersaryo ng Lingayen Gulf Landings at ika-18 Araw ng mga Beterano ng Pangasinan.

Hindi lamang simpleng alaala ang araw na ito, kundi isang simbolo ng walang kapantay na dedikasyon, pagmamahal sa bayan, at katapangan ng ating mga beteranong Pilipino na buong puso’t lakas na lumaban para sa kalayaan ng ating bansa.

Bahagi na ng pagkakakilanlan ng mga Pangasinense at ng mga Pilipino ang pagdiriwang na ito. Ipinapaalala nito ang napakahalagang halaga ng kalayaan na naipagtagumpay sa pamamagitan ng dugo, pawis, at sakripisyo ng ating mga bayani.

Source/Photo: Ramon Mon-Mon Guico III/facebook post


GUICONSULTA + PHILHEALTH KONSULTA LUMAPAG NA SA BAYAN NG SAN NICOLAS Matagumpay na naipatupad ang programa ng Guiconsult...
09/01/2025

GUICONSULTA + PHILHEALTH KONSULTA LUMAPAG NA SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Matagumpay na naipatupad ang programa ng Guiconsulta at PhilHealth Konsulta sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan. Pinuri ni Ramon Mon-Mon Guico III ang mainit na pagtanggap ng mga residente at ang kanilang aktibong pakikilahok sa programa. Sinabi niya na ang suporta ng komunidad ang susi sa tagumpay ng programang pangkalusugan.

Nanawagan si Guico sa mga residente na magtulungan upang makamit ang isang mas malusog na komunidad.

Source: Ramon Mon-Mon Guico lll

LIBRENG SAKAY, MALAKING TULONG SA MGA PANGASINENSENG MAGBABALIK TRABAHO AY ESKWELAMasayang magbabalik trabaho at eskwela...
09/01/2025

LIBRENG SAKAY, MALAKING TULONG SA MGA PANGASINENSENG MAGBABALIK TRABAHO AY ESKWELA

Masayang magbabalik trabaho at eskwela ang mga Pangasinense pagkatapos ng mahabang holiday break dahil sa libreng sakay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III.

Ayon sa mga pasahero, malaking ginhawa ito para hindi na makipagsiksikan sa mga terminal. Bukod diyan ay malaki pa ang natipid nila sa pamasahe.

Nitong January 5, bumiyahe ang mga bus mula Lingayen, Urdaneta, at Rosales patungong Baguio at Metro Manila.

Una rito, apat na bus din ang bumiyahe mula Baguio pauwing Lingayen at Rosales noong December 24.

Ang libreng sakay ay isa nang tradisyon na taun-taong isinasagawa bilang tulong sa paglalakbay ng ating mga kababayan.

Source: Province of Pangasinan

LIBU-LIBONG RESIDENTE SA TAYUG, PANGASINAN NAKINABANG SA LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT TULONG PINANSIYAL Nagbigay ng mal...
08/01/2025

LIBU-LIBONG RESIDENTE SA TAYUG, PANGASINAN NAKINABANG SA LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT TULONG PINANSIYAL

Nagbigay ng malaking benepisyo sa mga residente mula sa 21 barangay ng Tayug ang programang GUICONSULTA+ KONSULTA, na naghatid ng libreng serbisyong medikal, gamot, at cash incentive.

Dagsa ang mga mamamayan na nagparehistro upang makinabang sa layunin ng programa na mapalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga Pangasinense.

Bukod sa serbisyong medikal, namahagi rin ng manipulative toys at learning books para sa Child Development Center ng bayan, bilang bahagi ng suporta sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsulong ng mas maayos at abot-kayang kalusugan para sa lahat sa probinsya.


Manifesting that this is my life this 2025! 🎆❤️‍🔥    #2025
02/01/2025

Manifesting that this is my life this 2025! 🎆❤️‍🔥




#2025

PAGDIRIWANG NG WORLD INTROVERT DAY, BINIGYANG PANSINSa gitna ng mga selebrasyong nagdaan, muling ipinaalala ang kahalaga...
02/01/2025

PAGDIRIWANG NG WORLD INTROVERT DAY, BINIGYANG PANSIN

Sa gitna ng mga selebrasyong nagdaan, muling ipinaalala ang kahalagahan ng World Introvert Day tuwing Enero 2. Ang araw na ito ay nagsisilbing paalala na ang katahimikan ay mahalaga hindi lamang bilang pahinga mula sa mundo kundi bilang pagkakataon upang mas makilala ang sarili.

Ang diwa ng World Introvert Day ay naglalayong bigyang-lakas ang isipan at damdamin, kasabay ng pagpapahalaga sa personal na espasyo at mental wellness.

Source: PANGASINAN PDRRMO

KUMPISKADONG BAWAL NA PAPUTOK UMABOT MAHIGIT 1,300, SINIRA NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE Mahigit 1,300 na kumpi...
31/12/2024

KUMPISKADONG BAWAL NA PAPUTOK UMABOT MAHIGIT 1,300, SINIRA NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE

Mahigit 1,300 na kumpiskadong bawal na paputok kabilang boga ang sinira ng Pangasinan Police Provincial Office ngayong araw, December 30. Sa ilalim pa rin ng liderato ni Provincial Director PolCol Rollyfer Capoquian ay nakatakda ring sirain ang mahigit dalawang daang open pipe o loud mufflers.

Source: Aksyon Radyo Pangasinan DWCM 1161 khz

Sa araw na ito, ating alalahanin si Dr. Jose Rizal—ang bayani ng isip at pusong Pilipino. 🇵🇭 Ang kanyang mga gawa at sak...
30/12/2024

Sa araw na ito, ating alalahanin si Dr. Jose Rizal—ang bayani ng isip at pusong Pilipino. 🇵🇭

Ang kanyang mga gawa at sakripisyo ay nagbigay-inspirasyon upang lumaban para sa kalayaan at pagkakaisa ng ating bayan.



Nauumay naba ang lahat sa PANGAT?Pangatlong init ng Spaghetti!😆🍝
27/12/2024

Nauumay naba ang lahat sa PANGAT?

Pangatlong init ng Spaghetti!😆🍝




ASAWA NI GOV. GUICO, NAGPASALAMAT SA PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE SA PAG-ANYAYA SA KANYA SA FELLOWSHIP AND THANKS...
26/12/2024

ASAWA NI GOV. GUICO, NAGPASALAMAT SA PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE SA PAG-ANYAYA SA KANYA SA FELLOWSHIP AND THANKSGIVING PARTY

Nagpasalamat ang asawa ni Pangasinan Governor Ramon "Mon-Mon" Guico na si Maan Guico sa Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Rollyfer J. Capoquian, sa pag-anyaya sa kanya sa kanilang fellowship and thanksgiving party. Masaya aniya na nakasama niya ang lahat.

“Muli, maraming salamat po. Diyos ti agngina kadakayo amin,” sabi ni Guico.

Source: Maan Tuazon-Guico

Maligayang Noche Buena sa bawat pamilyang Pilipino! Nawa'y maging gabi ito ng pagmamahalan, tawanan, at masarap na salu-...
24/12/2024

Maligayang Noche Buena sa bawat pamilyang Pilipino! Nawa'y maging gabi ito ng pagmamahalan, tawanan, at masarap na salu-salo kasama ang mga mahal sa buhay. 🎄✨




CASH BENEFIT, HINATID SA MGA BHWs, BNS, BSPIs, CDWS NG 1ST DISTRICT Nagsama-sama ang libu-libong mga BHWS, BNS,BSPOs, at...
23/12/2024

CASH BENEFIT, HINATID SA MGA BHWs, BNS, BSPIs, CDWS NG 1ST DISTRICT

Nagsama-sama ang libu-libong mga BHWS, BNS,BSPOs, at CDWS ng unang distrito ng Pangasinan nitong December 19 sa Don Leopoldo Sison Convention, Alaminos City at Plaza Enrique Gymnasium, Alaminos City para sa Christmas fellowship Program na handog ng Pamahalaang Panlalawigan.

Personal itong dinaluhan ni Governor Ramon V. Guico III, Vice Governor Mark Ronald Lambino kasama sina 1st district board member Nong Fontelera, Board Member Apple Bacay at Vice Mayor Jan Marionne Fontelera bilang kinatawan ni Mayor Arthur Bryan Celeste.

Labis na ipinagpasalamat ng mga barangay workers mula sa bayan ng Alaminos City, Bolinao, Mabini, Anda, Burgos, Dasol, Infanta, Bani Agno, at Sual ang natanggap na cash benfit mula sa Social Amelioration Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ang ibinigay na benepisyo ay tanda ng pagkilala sa dedikasyon sa trabaho ng mga barangay workers.

Source: Province of Pangasinan

14TH PROVINCIAL HEALTH SUMMIT AT LGU SCORECARD AWARDING, MATAGUMPAY NA IDINAOS Matagumpay na idinaos noong Disyembre 6 a...
12/12/2024

14TH PROVINCIAL HEALTH SUMMIT AT LGU SCORECARD AWARDING, MATAGUMPAY NA IDINAOS

Matagumpay na idinaos noong Disyembre 6 ang 14th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding and Recognition sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, katuwang ang Department of Health (DOH).

May temang “UHC Pagyamanin, Collaborative Governance, Palakasin”, layunin ng pagtitipon na kilalanin ang mga lokal na yunit ng pamahalaan (LGUs) at health workers sa kanilang pagsusumikap sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.

Sa pagbubukas ng programa, hinikayat ni Health Committee Chairperson Board Member Shiela Marie F. Baniqued ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang layunin ni Governor Guico na gawing pinakamalusog ang Pangasinan. Pinuri rin ni PGO Consultant Atty. Christine Jamie Melchor ang walang sawang pagsisikap ng mga health workers para sa komunidad.

Sa forum ng health workers, tinalakay ang mahahalagang usapin tulad ng Anti-Smoking Ordinance, diabetes management, at integrasyon ng primary care. Kabilang sa mga tagapagsalita ay sina Rommel R. Arriola ng ASH Philippines, Dr. Lalaine P. Legaspi-Duque ng Diabetes Philippines Pangasinan Chapter, at DOH-ROI Director III Ard. Pretchell P. Tolentino.

Pinarangalan din ang mga bayan, siyudad, at LGUs ng Pangasinan sa pamamagitan ng scorecards para sa kanilang kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng immunization, rabies prevention, maternal health, at disaster risk reduction. Tumanggap din ng pagkilala ang natatanging health workers at LGUs na nanguna sa mga programang pangkalusugan.

Naging posible ang tagumpay ng programa sa suporta ng Sangguniang Panlalawigan, mga opisyal ng DOH, at iba’t ibang partner agencies, na patuloy na nagkakaisa para sa mas malusog at mas maayos na Pangasinan.

Source: Province of Pangasinan

6,433 MAG-AARAL NG PSU LINGAYEN, TUMANGGAP NG PINANSIYAL NA TULONG SA ILALIM NG AICS PROGRAM NG DSWDIsinagawa kamakailan...
11/12/2024

6,433 MAG-AARAL NG PSU LINGAYEN, TUMANGGAP NG PINANSIYAL NA TULONG SA ILALIM NG AICS PROGRAM NG DSWD

Isinagawa kamakailan ang ceremonial awarding ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 6,433 mag-aaral ng Pangasinan State University (PSU) Lingayen Campus.

Pinangunahan ng Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino at dating DILG Secretary Atty. Benhur Abalos ang programa. Sa kanyang mensahe, hinimok ni Atty. Abalos ang mga mag-aaral na magpatuloy sa pagsusumikap. “Yung sigaw natin kanina, keep that fire in your heart. The principles that the school has taught you, yan ang importante. Mag-aral kayo. You are the pride of your family, the pride of Pangasinan,” aniya.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga estudyante sa natanggap nilang tatlong libong pisong tulong-pinansyal na malaking maitutulong sa kanilang gastusin sa kolehiyo. Ayon sa isang mag-aaral, “Grateful po kami sa ginawang program ng DSWD, malaking help po ito sa amin lalo na pong mga tourism student. I hope hindi lang PSU ang matulungan nila.”

Dumalo rin sa seremonya sina 2nd District Board Member Haidee Pacheco, Board Member Philip Theodore Cruz, at PSU President Dr. Elbert Galas.

Matapos ang programa, nagtungo si Atty. Abalos sa Urduja House para sa isang courtesy call kay Governor Ramon V. Guico III.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Guico, tiniyak na magpapatuloy ang mga programang susuporta sa edukasyon ng kabataang Pangasinense.

Source: Province of Pangasinan

BAGONG CAMPUS NG PANGASINAN POLYTECHNIC COLLEGE, ITATAYO SA BASISTA PARA SA EDUKASYON NGA MGA KABATAAN Isinagawa kamakai...
11/12/2024

BAGONG CAMPUS NG PANGASINAN POLYTECHNIC COLLEGE, ITATAYO SA BASISTA PARA SA EDUKASYON NGA MGA KABATAAN

Isinagawa kamakailan ang isang mahalagang pagpupulong kasama ang mga barangay officials at iba pang lider ng bayan ng Basista, kung saan tinalakay ang mga proyektong magdadala ng mas maliwanag na kinabukasan para sa probinsya ng Pangasinan.

Isa sa mga highlight ng pulong ay ang plano para sa pagtatayo ng karagdagang campus ng Pangasinan Polytechnic College. Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng libreng at de-kalidad na edukasyon, na tiyak na makatutulong upang mas maraming kabataan ang maengganyong ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang mga ganitong hakbangin ay itinuturing na mahalagang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan para sa pag-unlad ng edukasyon at kabuhayan ng mga residente. Sa suporta ng mga lider ng bayan, asahan ang mas maraming proyektong maghahatid ng pagbabago sa Pangasinan.

Source: Ramon Mon-Mon Guico III

VOLUNTEERISM AWARD, IPINAGKALOOB SA MGA NATATANGING OFWS FAMILY ASSOCIATIONS AT MIGRANT DESK OFFICERS  Ipinagkaloob ng P...
09/12/2024

VOLUNTEERISM AWARD, IPINAGKALOOB SA
MGA NATATANGING OFWS FAMILY ASSOCIATIONS AT MIGRANT DESK OFFICERS

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Pangasinan Migration and Development Council (PMDC) ang volunteerism award sa
mga natatangingOverseas Filipino Workers (OF/Ws) Family Associations at Migrant Desk Officers.

Ito na ang ikalawang taon ng Bolun Awards na inilunsad sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III bilang pagpupugay sa pagsisikap at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers.

Ang OFWs Family Associations na tumanggap ng parangal ay ang mga sumusunod:
Calasiao OFW Family Association(4th runner-up); Villasis OFW & Families Association (3rd runner-up); Federation of Bayambang Overseas Workers, Inc. (2nd runner-up); Infanta OF/W Family Association (1st runner-up); at Sto. Tomas OF/W Family Association (Champion).

Outstanding Migrant Desk Officers:
Rogelio P. Montoya II. (4th runner-up); Dr. Arnel Arimas
(3rd runner-up);Joseph G. Ong
(2nd runner-up); Erwin F. Quiton
(1st runner-up); at Marites M. Notario (Champion).

Ang mga Bolun Awardees para sa OFW Family Associations ay pinagkalooban ng Certificates of Recognition, Tokens, at cash prizes na nagkakahalaga ng P5,000 para 3rd and 4th runner-up, P15,000 para sa 2nd runner-up, P20,000 sa 1st runner-up, at P25,000 sa Champion. Para naman sa Outstanding Migrant Desk Workers sila ay nabigyan ng P1,000 para sa 3rd at 4th runner-up, P2,000 para sa 2nd runner-up, P4,000 para sa 1st runner-up, at P6,000 para sa Champion.

Nagkaroon din ng Awarding of Certificates of Appreciation at Tokens para sa mga partner LGUs PESO Managers & Migrant Desk Officers, Bolun Awards Top 14-17 Finalists, at Awarding of Certificates, Tokens, and Consolation Prizes para sa Bolun Awards Top 6-13 Finalist.

Source: Province of Pangasinan

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Tayug, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share