OpinYon Quezonin

  • Home
  • OpinYon Quezonin

OpinYon Quezonin OpinYon is the Philippines' leading advocacy paper. We take a stand. Website: www.opinyon.net

17/01/2025

Usec DV Savellano, namatay. Actor Vic Sotto, humaharap sa kasong nakataya diumano ng P32 million ang reputation. All in a week's time. Ano ba itong si Dina? Hinabol ng malas sa mga ex. Carmina Villaroel has reason to cry with her.

OpinYonistas, what do you think? Tawagin si Madam Auring...

17/01/2025

Payag ba kayo sa '7 to 4' work schedule?

I-adjust ang oras ng trabaho para sa mga empleyado ng pamahalaan sa Metro Manila?

Isinusulong ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gawing 7:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. ang oras ng trabaho sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila.

Ito umano ang nakikitang solusyon ng MMDA upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa NCR tuwing rush hour.

Magandang intensyon, kung tutuusin, ngunit paan kaya ang mga government employee sa ibang bahagi ng bansa na 8-to-5 ang oras ng trabaho?

Makakatulong nga ba talaga ang pag-a-adjust ng working hours sa matagal nang problema sa trapiko sa Metro Manila at kalapit-probinsya?

Ano sa pananaw ninyo, mga OpinYonista?

16/01/2025

Bukas ang hearing ng kasong Vic Sotto vs Darryl Yap tungkol sa Pepsi Paloma movie sa Muntinlupa RTC. It boils down to Divina Law vs Fortun. May gag order ang magkabilang panig. Kasama ba sa masking-tape order ang publiko? Ano ang take nyo, mga OpinYonista?

#

Suspek sa pagpatay sa dalaga sa Mulanay, nasukol naNadakip na ng mga awtoridad ang itinuturong suspek sa brutal na pagpa...
16/01/2025

Suspek sa pagpatay sa dalaga sa Mulanay, nasukol na

Nadakip na ng mga awtoridad ang itinuturong suspek sa brutal na pagpaslang sa 15-anyos na dalagita sa Mulanay, Quezon kamakailan.

Ayon sa report ni P/Maj. Joseph Ian Jawa, hepe ng Mulanay Municipal Police, naaresto si Marcelino Velasco Alcantara, 48-anyos, residente ng Sitio Labuhan, Barangay Magsaysay, bandang alas-4:30 ng hapon ng Martes, January 14, matapos na matiyempuhan ito ng mga awtoridad na naglalakad sa nasabing lugar.

Una ng sinampahan ng kasong murder ang suspek dahil sa pagpaslang sa 15-anyos na grade 10 student na si Angelita Par na natagpuan ang bangkay sa magubat na lugar sa Barangay Anonang, Mulanay noong January 3.

Lumabas sa imbestigasyon na tinangkang gahasain ng noon ay lasing na suspek at dalagita pero nanlaban ito kaya ginilitan siya ng leeg.

Matapos ang nasabing krimen ay nagawa pa umano ng suspek na pagbantaang papatayin ang dalawang tiyuhin ng biktima.

Nakapiit na sa Mulanay Municipal Police Station ang suspek na nahaharap sa mga kasong murder, grave threat at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 (illegal possession of bladed weapons).

(Jane Hernandez)

TINGNAN: Palarong Quezon 2025, pormal nang binuksanMasiglang ginanap sa Southern Luzon State University (SLSU) ang offic...
14/01/2025

TINGNAN: Palarong Quezon 2025, pormal nang binuksan

Masiglang ginanap sa Southern Luzon State University (SLSU) ang official opening ceremony ng Palarong Quezon 2025 sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) Quezon Division Office nitong nakaraang Lunes, January 13.

Naging masama man ang panahon at nakansela ang parada ay hindi ito naging hadlang upang ibandera ng mga atletang mula sa iba't-ibang bayan ng lalawigan ng Quezon ang kanilang kahusayan sa isports.

Dinaluhan ni Quezon Governor "Doktora Helen Tan" ang pagsisimula ng nasabing kompetisyon, kung saan kanyang naihayag na ngayon pa lang ay panalo na ang lahat ng lumahok na atleta sapagkat malaking karangalan ang kanilang naipapakita para sa lalawigan.

Dagdag pa rito'y binigyang-diin ng Gobernadora ang patuloy na pagbibigay suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang maiangat ang sektor ng edukasyon at ang laging pamamayagpag sa larangan ng palakasan.

Sama-sama nating suportahan ang nasabing pagtutunggali ng mga atletang Quezonian hanggang Enero 18 na gaganapin sa iba't-ibang pasilidad sa bayan ng Lucban at lalawigan ng Quezon.

(Jane Hernandez)

10/01/2025

The country's aviation regulator has revealed a significant investment of P10.6 billion for civil works and P1.8 billion for upgrades in equipment and systems by 2025.

10/01/2025
08/01/2025

Unlike her father, Vice President Sara Duterte is known to be frank, candid, and a person of her word, which is often terse. When she says something, you can bet your last peso that she means it. Her unflinching character had been tested before when she was mayor and/or vice mayor of Davao City. She...

08/01/2025

This column offered, in past issues, constructive criticisms of the current administration. In literary discourse this is termed as being a “devil’s advocate” -- exposing weaknesses and faults but also praising when such accolade is due.

Read more
https://opinyon.net/opinion/is-the-writing-already-on-the-wall

07/01/2025

According to the Bible, 'Be angry and do not sin.' Hence, anger is a legitimate human emotion that can be triggered by stress, conflict, or frustration. While anger is a natural response, it is not a license to commit sins or crimes against humanity.

Read more
https://opinyon.net/opinion/managing-employee-s-anger

TINGNAN: Mag-asawang bulag, patuloy na lumalaban sa pagtataguyod ng pamilyaLiteral na love is blind.Ito ang pinatunayan ...
06/01/2025

TINGNAN: Mag-asawang bulag, patuloy na lumalaban sa pagtataguyod ng pamilya

Literal na love is blind.

Ito ang pinatunayan ng mag-asawang sina Joel at Emmalyn Palma, tubong Lucena City, na naitaguyod ang kanilang pamilya sa kabila ng kanilang kapansanan.

Kapwa bulag man, 12 taon nang napanindigan ng mag-asawa, na kapwa masahista sa isang mall sa Lucena City, na higit pa sa pisikal na kaanyuan ang nakikita ng tunay na pag-ibig.

Hindi hadlang ang pagiging bulag

Kung gawaing bahay naman ang pag-uusapan, magkatuwang sila sa lahat ng gawain.

''Na-train ako ng aking lola sa gawaing bahay at sa pag-alaga ng bata. Dahil, katwiran ng lola ko hindi sila habambuhay na nariyan para tingnan at alalayan ako,” kwento ni Emmalyn sa Opinyon Quezonin.

Si Joel naman ang tagaluto at tagalaba.

''Ako ang naglalaba sa amin. Sabi nga ng kapitbahay namin, ang linis at ang puti ng kanilang uniform na isinusuot,'' ani Joel.

Wika ng mag-asawa, matalas ang kanilang pandama para matukoy kung nasaan ang dumi.

Pagdating naman sa trabaho, sumasakay sa tricycle nag mag-asawa gamit ang cane bilang gabay.

''Noong una, malimit niloloko kami sa pamasahe. Hindi talaga maiiwasan na pagsamantalahan ang aming kapansanan. Sinisingil nila kami ng mahal dahil hindi nga naman namin kita kung magkano ang aming ibinabayad,'' pagbabalik-tanaw ng mag-asawa.

Sa paglipas ng panahon, naging moderno na ang ang kanilang kagamitan.

''Lagi naming dala ang aming 'EyeBill' ito ay parang cellphone na ginagamit ng mga visually impaired na katulad namin para magbayad, money transfer, at bilangin ang sukli'' masayang kuwento ng mag-asawa.

Stigma ng pagiging bulag

Kuwento ni Emmalyn, malimit siyang umiiyak noong kabataan niya.

''Malimit niloloko ako sa aming barangay, mamalimos na lamang daw ako para magkapera,'' pagbabalik tanaw ni Emmalyn.

Kaya naman, nagsilbi itong isang malaking hamon kay Emmalyn na mag-aral para hindi maging pabigat sa lipunan.

Bagamat kapwa hindi nakatapos ng pag-aaral, pinilit ng mag-asawa na maitaguyod ang sarili sa pamamagitan ng marangal na hanapbuhay.

Payo ng mag-asawa, huwag i-discriminate ang mga bulag o lahat ng Persons with Disability (PWDs).

Sangkap ng matatag na pamilya

Normal sa isang relasyon ang pag-aaway.

''Syempre, kasama talaga sa laban ng buhay ang hindi pagkakaintindihan. Minsan, hindi maiiwasan tumataas ang aking boses,'' pahayag ni Joel.

Ayon sa mag-asawa, mahabang pasensya ang kailangan para tumagal ang pagsasama. Pag-unawa ang pagmamahal sa isa't isa ang dapat manaig.

Pundasyon ng mag-asawa ang dalawang anak. Kaya kahit anong sakuna, hindi man makita ang isa't isa, ramdam umano nila ang pagmamahal, lalo't buo at magkakasama silang mag-anak sa hirap man o sa ginhawa.

(Ulat ni Anna Gob)

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OpinYon Quezonin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to OpinYon Quezonin:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share