24/08/2023
Nauusong kasabihan ngayon: “Pag inggit, pikit!
‘’Pag inggit, magsumikap at wag manira ng buhay ng may buhay, hindi mo yan ikakayaman.”
Normal na siguro ang maghangad ka ng kung anung meron ang iba na wala tayo. Ang hindi normal ay yung uugaliin mo na ang pagka-inggit mo sa kapwa mo. Once na hinayaan mo ang sarili mo na lamunin ng inggit, wala kang mararating kase naka-focus ka sa mga nagagawa ng iba at hindi dun sa mga bagay na kaya mong gawin.
Everyone is unique at may sari-sarili tayong kakayanan sa buhay. Meron silang kayang gawin na hindi mo kaya, at may kaya kang gawin na hindi kaya ng iba. Para sa akin, puwede mo namang subukan, kung hindi nagwork, at least sinubukan mo diba?
Focus lang tayo sa buhay natin wag sa buhay ng iba.
Love,
JHOY