Balitang San Antonio

  • Home
  • Balitang San Antonio

Balitang San Antonio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang San Antonio, News & Media Website, .

Lumalakas ang ‘Florita’ na naging tropikal na bagyo; Nakataas ang Signal No. 2 sa 4 na lugarLumakas ang 'Florita' at nag...
23/08/2022

Lumalakas ang ‘Florita’ na naging tropikal na bagyo; Nakataas ang Signal No. 2 sa 4 na lugar

Lumakas ang 'Florita' at naging tropical storm noong Lunes, na nag-udyok sa state weather bureau na ilagay ang apat na lugar sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang TS Florita ay nasa layong 215 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-11 ng umaga noong Lunes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kph.
Sinabi ng Pagasa na kumikilos ang bagyo pakanluran-timog-kanluran sa bilis na 15 kph.
Inilagay ng state weather bureau ang mga sumusunod na lugar sa ilalim ng Signal No. 2.
Silangang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
Eastern portion of Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue)
Extreme northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)
Hilagang-silangang bahagi ng Quirino (Maddela)
Samantala, inilagay ng Pagasa ang natitirang bahagi ng Cagayan, ang natitirang bahagi ng Isabela, ang natitirang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, ang hilagang bahagi ng Aurora, at ang hilagang bahagi ng Polillo Island sa ilalim ng Signal No. 1.

TINGAN: 25 na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog kahapon (Aug. 15) sa Poblacion, Buenavista, Quezo...
16/08/2022

TINGAN: 25 na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog kahapon (Aug. 15) sa Poblacion, Buenavista, Quezon province.

111 TUPAD BENEFICIARIES PAYOUT SA TAYABAS CITY, ISINAGAWAIsinagawa ang Department of Labor and Employment Salary Payout ...
12/08/2022

111 TUPAD BENEFICIARIES PAYOUT SA TAYABAS CITY, ISINAGAWA

Isinagawa ang Department of Labor and Employment Salary Payout para sa isangdaan at labing-isang (111) Tulong Panghanapbuhay para sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Beneficiaries kahapon petsa, Agosto 11.

Ang TUPAD program ay programa ng DOLE na nakabase sa mga komunidad, kung saan naglalayon itong maayudahan ng tulong ang mga underemployed at mga seasonal workers sa pamamagitan ng emergency employment.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng apat na libong pisong (₱4000) sahod para sa sampung araw na pagtatrabaho.

Naisakatuparan ang naturang pamamahagi sa pangunguna ni Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang Public Employment Service Office (PESO) Manager Malou Montoya, Political Officer Senator Joel Villanueva, TUPAD Coordinator Mark Buzar at Angelica Cuario.

Marco Tinamisan ng Pagbilao, Gold medalist sa ASEANNasungkit ng isang Pagbilaowin na si Marco Tinamisan ang gintong meda...
05/08/2022

Marco Tinamisan ng Pagbilao, Gold medalist sa ASEAN

Nasungkit ng isang Pagbilaowin na si Marco Tinamisan ang gintong medalya at nakapagtala ng bagong record sa 11th ASEAN Para Games Solo 2022 matapos ang Men’s 50m Freestyle S3 na may kabuuang oras na 54.66 na ginanap sa Surakarta, Indonesia.

Source: https://quezonprovincenewsandupdates.com/.../marco...

NORTHERN LUZON MULING NIYANIG  NG LINDOL Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Northern Luzon alas 2:48 ng madaling ara...
02/08/2022

NORTHERN LUZON MULING NIYANIG NG LINDOL

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Northern Luzon alas 2:48 ng madaling araw noong Lunes, Agosto 1.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang kalikasan ng paggalaw ng lupa ay tectonic. Ang epicenter ay nasa 17.45 degrees north, 120.66 degrees east- 004 kilometers north, 71 degrees east ng Villaviciosa sa Abra. Ito ay may lalim na 013 km.

Intensity 5 ang naramdaman sa Dolores, Abra; Vigan City, Sinait, Bantay, Banayoyo, Nagbukel, Gregorio del Pilar, Suyo, Sugpon, San Ildefonso, Santa, Magsingal, San Juan, and Cabugao, Ilocos Sur; Pinili at Badoc sa Ilocos Norte; at Besao, at Sagada, Mountain Province.

Intensity 4 ang naramdaman sa Bangued, Abra; Laoag City, Bacarra at Pasuquin sa Ilocos Norte; Ang Sto. Domingo, San Vicente, Sta. Catalina, Candon City, Santa, Narvacan, San Esteban, Sta. Maria, Caoayan, Sta. Lucia, Sta. Cruz, at Tagudin, pawang nasa Ilocos Sur; Sudipen, Luna, Balaoan, Bangar, Bacnotan at Lungsod ng San Fernando, La Union; Bontoc, at Sadanga, Mountain Province.

Ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong nakaraang linggo na yumanig sa hilagang bahagi ng Luzon noong Miyerkules, Hulyo 27, ay tumaas sa 100,665.

ANAK ARESTADO NANG TANGKANG SAKSAKIN ANG SARILING AMA SA TIAONG, QUEZONInaresto ang isang lalaking kinilalang si Isidro ...
29/07/2022

ANAK ARESTADO NANG TANGKANG SAKSAKIN ANG SARILING AMA SA TIAONG, QUEZON

Inaresto ang isang lalaking kinilalang si Isidro Atienza Arias matapos tangkang saksakin ang kanyang sariling ama sa Brgy. Ayusan 1 Tiaong, Quezon.

Dakong alas 5:00 ng hapon nitong Miyerkules, Hulyo 27 nangyare ang insidente. Ayun sa report ng mga police, nagkaroon diumano ng matinding pagtatalo ang mag-ama habang nasa impluwenysa ng alak ang suspek. Naglabas diumano ang suspek ng 16 pulgadang haba ng bolo at sinubukang saksakin ang sariling ama.

Maswerte namang nakaligtas ang biktima habang ang suspek ay agad ring dinakip ng awtoridad. Attempted Parricide ang kasong posibleng maharap ng suspek na kasalukuyang nakadetine.

BUDGET PARA SA IKALAWANG BAGSAK NG AYUDA SA 4PS, APRUBADO NA!Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development ...
22/07/2022

BUDGET PARA SA IKALAWANG BAGSAK NG AYUDA SA 4PS, APRUBADO NA!

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na aprubado na ang budget para sa ikalawang bagsak ng "targeted cash transfer program" para sa mga myembro ng 4PS. Nais din umano ng DSWD na i-digitize na ang pamimigay ng ayuda upang hindi na manu-manong cash ang abutan sa mga benepisyaryo.

Malaking bagay umano ito sa mahihirap na Pilipino lalo na ngayong sabay-sabay nagtaasan ang mga bilihin. Nais ng DSWD na gamitin sa tama ang ayudang matatanggap galing sa programa.

KASONG ISINAMPA NI AMERICA LABAN KAY ESCUETA AT IBA PA, IBINASURA NG PISKALIbinasura ng Office of the Provincial Prosecu...
19/07/2022

KASONG ISINAMPA NI AMERICA LABAN KAY ESCUETA AT IBA PA, IBINASURA NG PISKAL

Ibinasura ng Office of the Provincial Prosecutor ang mga kasong Frustrated Murder at Attempted Murder na isinampa ni Mayor Filipina Grace America laban sa mga katunggali sa politika na sina Ereberto "Ebet" Escueta, Infanta Vice Mayor LA Ruanto, at iba pa. Hindi naging sapat ang mga batayan ng kasong kanyang isinampa ayon sa naging resolusyon ng panel of prosecutors na nilagdaan ni Provincial Prosecutor Rodrigo E. Domingo.

Ilang buwan bago ang eleksyon, ika-27 ng Pebrero ngayong taon, naganap ang tangkang pagpatay kay Mayor Filipina Grace America sa labas ng simbahan sa Barangay Poblacion 1, Infanta, Quezon. Agad nyang ibinintang ito sa kanyang mga katunggali sa eleksyon sa kadahilanang ito ay “politically motivated”.

Kabilang rin Gilbert Pacio, Joraffin Plantilla, Bobby Vargas, at Ronil De Guzman Nolledo sa sinampahan ng malisyosong kaso. Matatandaang agarang nag-alok ang Vice Mayor ng Infanta ng pabuyang P50,000 para sa ikakabilis ng paghahanap sa mga suspek ng tangkang pagpatay sa alkalde

Source: Quezon Province News and Updates

CARNAPPER NA SI JESTIN AQUINO TIMBOG Kalaboso ang carnapper na si Jestin Aquino matapos mahuli ng pulisya. Ayon sa repor...
14/07/2022

CARNAPPER NA SI JESTIN AQUINO TIMBOG

Kalaboso ang carnapper na si Jestin Aquino matapos mahuli ng pulisya. Ayon sa report ng PNP matagal ng minamanmanan ng awtoridad si Jestin Aquino dahil sa iba't-ibang kaso na kinasasangkutan nito tulad ng carnapping.

Matatandaan na si Jestin Aquino ay binayaran ni Suarez noong campaign period upang maging testigo laban sa kasalukuyang Gobernador ng Quezon na si Doktora Helen Tan at asawa nito na si Ilocos DPWH Regional Director Ronel Tan na di umano'y nasa likod ng pagkakakulong ng dating konsehal ng Lopez na may patung-patong na kaso ng panggagahasa sa mga menor de edad na si Arkie Yulde.

Source: Quezon Province News and Updates

MAGULANG NA BALASUBASMANANAGOT NA SA BATAS“Balasubas parents , it’s time to shape up and face your responsibilities,” ya...
12/07/2022

MAGULANG NA BALASUBAS
MANANAGOT NA SA BATAS

“Balasubas parents , it’s time to shape up and face your responsibilities,” yan ang naging pahayag ni 1st District Northern Samar Rep. Paul Daza sa kaniyang panukalang batas na inilatag.

Inihayag ng solon na nilalayon ng nasabing panukalang batas na protektahan ang interest ng mga bata sa sandaling maghiwalay ang mga magulang ng mga lehitimong magasawa o maglive-in partner.

𝐑𝐞𝐭𝐢𝐫𝐞𝐝 𝐀𝐅𝐏 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫, 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐚𝐲𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧Patay ang isang dating military matapos na pagbabarilin ng dala...
11/07/2022

𝐑𝐞𝐭𝐢𝐫𝐞𝐝 𝐀𝐅𝐏 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫, 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐚𝐲𝐚, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

Patay ang isang dating military matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa ECO Tourism Road Sitio Kaingin, Brgy Bignay 2, Sariaya, Quezon pasado alas-4:00 kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Salvador Sales y Marquez, 50 anyos, isang negosyante at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report ng Sariaya Municipal Police Station, sakay sa motorsiklo ang biktima mula Bantilan patungo sa Brgy. Bignay 2 ng tambangan ng dalawang suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.
Agad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaril.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa naturang krimen kasabay sa isinasagawang imbestigasyon.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 𝐥 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐃-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐎 𝐂𝐎𝐅𝐅𝐄𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐏?Agaw-atensyon ang silid-aralan ng mga Grade 11 student ng Colacling National High S...
09/07/2022

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 𝐥 𝐒𝐈𝐋𝐈𝐃-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐎 𝐂𝐎𝐅𝐅𝐄𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐏?

Agaw-atensyon ang silid-aralan ng mga Grade 11 student ng Colacling National High School sa Lupi, Camarines Sur matapos gawing mala-coffee shop ng class adviser na si Francis Quiron.
Nakatutulong umano sa mga estudyante ang minimalist design ng classroom, ayon kay Quiron.

"They will be relaxed from the lighting to the sound, kasi may background music akong laging pini-play ‘yong pang coffee shop," sabi ng 26-anyos na g**o.

Tampok sa coffee shop-themed classroom ang reading corner, handwashing facility, at classroom pantry para hikayatin ang mga bata na magbahagi ng baon sa iba. (Courtesy: Francis Quiron) | via Jonathan Magistrado

Para sa iba pang trending na balita, bisitahin ang news.abs-cbn.com

07/07/2022

Estudyante patay matapos masuntok sa lalamunan ng kaibigan

Ayon kay PMAJ ERIC L VELUZ, Chief of Police, Noong Hulyo 6, 2022 ay isang tawag mula sa Guinayangan Medicare Community Hospital ang natanggap ng aming himpilan upang ipaalam na my biktima ng mauling incident ang isinugod sa nasabing pagamutan. Lumabas sa imbestigasyon na noong 6:15 ng umagag sa parehong petsa habang ang biktima ay kasama ang kanyang mga kaibigan na nag-overnight at nagbo-bonding sa Montecalvo Beach Resort na matatagpuan sa Brgy. Dancalan Central bayan ng Guinayangan Quezon na ginising ng biktima ang suspek upang akitin na itong umuwi subalit naalimpungatan ito at sa hindi sinasadya ay na suntok ang biktima at tinamaan sa parting leeg at doon ay nawalan ng malay at agad namang isinugod sa Guinayangan Medicare.

Community Hospital ng kanyang mga kasama subalit binawian din ito ng buhay. Samantala nasa kustodiya naman ng himpilang ito ang suspek at nasampahan na ng kaukulang kaso sa Office of the Prosecutor ng Calauag, Quezon.

Ctto: Qppo Pcad

Para sa mga nagtatanong kung anong mga oras ang biyahe ng Train sa PNR  San Pablo- Lucena Line ay ito ang mga oras:Mula ...
26/06/2022

Para sa mga nagtatanong kung anong mga oras ang biyahe ng Train sa PNR San Pablo- Lucena Line ay ito ang mga oras:
Mula sa Lucena
5:00 AM / 9:00AM / 1:30PM/ 5:30PM
Mula sa San Pablo
7:00 AM/ 11:00AM/ 3:30 PM/ 7:30 PM
May apat na biyahe ang tren sa maghapon at tumitigil ito sa mga istasyon ng Lucena/ Sariaya/Lutucan/ Candelaria/Tiaong/ San Pablo
Ang presyo naman ng pamasahe:
San Pablo - Tiaong( Lalig) 15.00
San Pablo- Candelaria 25.00
San Pablo- Lutucan. 35.00
San Pablo - Sariaya. 40.00
San Pablo- Lucena. 50.00

At para sa Senior Citizens
San Pablo - Tiaong( Lalig) 12.00
San Pablo- Candelaria 20.00
San Pablo- Lutucan. 28.00
San Pablo - Sariaya. 32.00
San Pablo- Lucena. 40.00

Kapag sasakay ka sa istasyon ng San Pablo ay sa loob ka na ng tren magbabayad. Samantalang sa istasyon naman ng Lucena ay maaari ka namang tumubos ng ticket sa kanilang ticket booth.
Ang San Pablo PNR Station ay nasa dulong bahagi ng P. Alcantara St., sa may lugar na tinatawag nilang bulante sa may palengke ng San Pablo City.

Nakatanggap na ba kayo ng pera galing sa mga Suarez?
06/05/2022

Nakatanggap na ba kayo ng pera galing sa mga Suarez?


05/05/2022

NO SURPRISE! Matagal nang ganito ang laro sa Politika ng Sawarez. Dahil malapit na ang halalan, dagsa na naman ang pakimkim ni Lolo Danny! Bulok na ang ganito nilang taktika, repleksyon ng bulok nilang panunungkulan.

Mga kababayan, ilang dekada na tayong binubudol ng Sawarez. At alam kong gising na tayo sa katotohanan. Tanggapin ang pera pero 'wag iboto at magpaloko! Mas tuso tayo kay Lolo Danny.

03/05/2022

PANOORIN: Papabudol ka pa ba?




Source: Quezon Confidential Files

01/05/2022

PANOORIN: Ibinulgar ni Gob. Danny Suarez na 3 billion pesos ang nakakalap na pondo ng isang Kongresista bawat taon. Tatlong Suarez ang Kongresista sa Quezon. Saan napupunta ang 9 billion pesos bawat taon?



Source: Quezon Confidential Files

Sa edad na 79, kakayanin paba ni Gob. Suarez na pamunuan ang Quezon? Dahil sa 30 taon na pamamahala ng mga Suarez sa lal...
30/04/2022

Sa edad na 79, kakayanin paba ni Gob. Suarez na pamunuan ang Quezon?

Dahil sa 30 taon na pamamahala ng mga Suarez sa lalawigan, nakabuo na ito ng dinastiya. Pinagpasa pasahan at pinaghati hatian ng buong pamilya ang lalawigan, kapit tuko sa posisyon at walang balak bumitaw.

Ngunit hindi lang ang pagiging isang dianstiya ng mga Suarez ang pinangangambahan ng mga Quezonian, sa muling pag takbo ng Gob. Danilo Suarez bilang gobernador, KAYA PA BA NIYA?

Sa edad na 79, kapansin-pansin na ang kahinaan ng katawan ng gobernador, mabagal na rin ang kanyang pagkilos at tugon sa mga kagyat na suliranin na nangangailangan ng mabilis na pagtugon.

Mas naging kapansin-pansin ito sa pagpasok ng pandemya, dahil sa mabagal na pag aksyon at kawalan ng malinaw na solusyon umalingasaw ang mga nabubulok na bangkay sa QCMC at tambak ng tone-toneladang basura sa bakuran nito. Hindi rin nakapag buo o nakapag tayo ng mga pasilidad kontra sa pagkalat ng covid-19 virus.

Nangulelat din ang lalawigan sa talaan ng mga mauunlad na probinsya sa rehiyon, hindi nakapagpasulpot ng mga establishimento, pagawaan, pabrika at economic zones na mag aanak sana ng maraming oportunidad sa trabaho at hanapbuhay ng mga quezonian.

Sa kabila ng mayamang likas yaman. naitala rin sa Quezon ang 27% poverty incidence rate kung saan mas mataas pa ito sa poverty incidence na nararanasan sa National Capital Region. Sa tala, umabot sa halos kalahating milyong quezonian ang nabubuhay below poverty line o may kabuhayang hindi nakasasapat.

Sa kasalukuiyang pamumuno ng gobernador, hindi umunlad ang lalawigan.

Source: Quezon Confidential Files

29/04/2022

PANOORIN: Ang Misteryosong Pantalan ni Suarez sa Brgy. Punta, Unisan Quezon.

27/04/2022

𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃

Ang isang lider na may sinseridad at tunay na malasakit sa kapwa ay gumagawa ng proyektong ikauunlad at ikabubuti ng bayan, at hindi para sa ikabubuti ng mga politiko tuwing halalan. Ang mga proyekto ay paraan upang magserbisyo, hindi paraan upang makahakot ng boto sa darating na Mayo. At dahil eleksyon na naman, nagkalat na naman ang mga hangal at walang pusong mga politikong gumagamit ng mga proyekto upang sikilin at dustain ang ating mga kababayan.

Isang halimbawa nito ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). Para sa kaalaman ng lahat, ang TUPAD ay hindi ginawa at inisyatibo ng mga Suarez tulad ng kanilang ipinagmamalaki. Bagkus, isa itong community-based package, sa inisyatibo ng DOLE, upang magbigay ng emergency employment assistance para sa mga displaced, seasonal at underemployed workers.

Ang orihinal na benepisyaryo ng nasabing proyekto ay ang mga disadvantaged workers, lalong-lalo na sa panahon ng pandemya. Ngunit tila kakaiba ang sitwasyon na nangyayari sa Quezon dahil sa pakana ng mga Suarez. Sa halip na mga disadvantaged workers, mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga kaalyado ng pamilya ang kasama sa nasabing proyekto. Ayon sa mga ulat, obligadong makinig sa mga talumpati ng mga kaalydong politiko ng pamilya ang mga benepisyaryo bago i-release ang actual na payout kahit na wala naman ito sa terms at regulation ng DOLE.

Kung talagang mabuting lider ang mga Suarez, bakit mga kaalyado lang nila ang nakikinabang sa TUPAD sa halip na mga totoong disadvantaged workers? Ano bang tingin nila sa populasyon ng Quezon, binubuo lang ng mga kaalyado nila? Na kapag hindi ka kaalyado, kahit nangangailangan ka, hindi ka pasok sa benepisyo? Kailan pa naging eksklusibo ang serbiyo publiko?

Ang proyekto ng pamahalaan, kahit kailan, ay hindi utang na loob ng taumbayan sa mga politiko. Bahagi ito ng trabaho nila at galing ito sa bulsa ng bansa. Hindi ito kasangkapan para ipamukha sa mga tao na may utang na loob sila sa mga nagpapatakbo ng gobyerno.

Malinaw na ang TUPAD ay ginagamit ng mga Suarez sa pamumulitika. Paraan nila ito upang sikilin ang mga tao dahil ipinepresenta nila ang proyekto bilang “utang na loob” ng mga tao; na dapat mo silang iboto dahil binigyan ka nila ng trabaho. Ang bayan ay hindi pagmamay-ari ng sinuman. Ang mga taong tumatamasa ng mga benepisyo ay walang pananagutan o obligasyon sa kaninoman.

Kung talagang maayos at karapat-dapat sa Quezon ang mga Suarez, bakit ngayon lang nagsusulputan ang kabi-kabilang mga proyekto nila kuno? Mga proyektong karamihan ay inisyatibo ng nasyonal na pamahalaan at mga pribadong institusyon na inaangkin at nilalagyan nila ng pangalan.

Bakit ngayon lang, hindi noong panahon ng pandemya kung saan kailangan ng mga tao ang kalinga ng gobyerno? Dahil ba malapit na ang eleksyon at kailangang may ipamukha sa mga tao?

Mahal ka lang nila at naaalala kapag kailangan ka nila. Aaksyon kapag kailangan ng atensyon. May obligasyon kapag malapit na ang eleksyon. Ganyan ang totoong kulay ng mga Suarez; hinahamak ang mga tao para sa pansarili nilang interes. Ganito ba ang gusto mong mamuno sa ating lalawigan? Bibigyan mo ba sila ng panibagong tatlong taon para magpakasasa sa kapangyarihan at lunudin ka sa mga ilusyon?



"I'm with you, i don't like Kaliwa either", "If you continue Kaliwa,  i will see you in court". Ito ang matitigas na mga...
27/04/2022

"I'm with you, i don't like Kaliwa either", "If you continue Kaliwa, i will see you in court". Ito ang matitigas na mga salitang binitiwan ni Gov. Danilo Suarez sa isang press conference noong November 2020 hinggil sa issue ng pagtatayo ng Kaliwa Dam Project sa REINA area bilang tugon sa malakas na pagtutol ng mamamayan ng Quezon particular ng mga katutubong Dumagat.

Ito rin ang mga salitang binali niya sa isang flag ceremony na naganap sa kapitolyo noong Hulyo 2021. "800 milyong piso ang ating kikitain taon-taon" buong pagmamalaki ng gobernador matapos niyang aprubahan ang pagtatayo ng naturang proyekto.
Balimbing sa Kaliwa Dam at Taksil sa mamamayan. Ito ang naging sigaw ng mamamayan ng Quezon matapos ang ginawang pagkabig ng gobernador sa mapaminsalang proyektong ito.

Mariin naman kinondena ito ng mga katutubo dumagat, ayon kay Ramsey Astrovera- Agta Tribe Chieftain at commissioner ng National Commission on Indigenous Peoples, ang kanilang tribo ay hindi kailanman magbibigay ng kanilang malayang pag-sang ayon sa proyekto.

Ayon pa kay Fr. Pete Montallana- Chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance Inc. (SSMNA) “Ang krisis sa tubig sa Metro Manila ay hindi dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng supply kundi dahil sa maaksayang paggamit ng mga residente dito".

Pinuna naman ng COA ang MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) sa kanilang pag implementa ng Kaliwa Dam Project ng walang mga kaukulang permit.

Ayon sa pahayag: “ The COA said its audit team requested for the submission of the relevant documents and permits, but the MWSS simply provided a “checklist” and a photocopy of a compliance monitoring report last May 20.

Banggit pa ng COA halos 92% patapos na ang project ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nakapag lalatag ng alternatibong programa para pangalagaan ang mga area na sakop ng project gaya ng proteksyon sa kalikasan at relokasyon ng mga tatamaang barangay.

Source: Quezon Confidential Files

March 15,2022 bumulaga sa Infantahin ang balita tungkol sa mahigit isang tonelada ng shabu na nasabat ng pinagsanib na p...
20/04/2022

March 15,2022 bumulaga sa Infantahin ang balita tungkol sa mahigit isang tonelada ng shabu na nasabat ng pinagsanib na pwersa ng NBI at lokal na pulisya sa Brgy. Comon ng Infanta, Quezon.

Batay kay Major Francis Aldrich Garcia, hepe ng pulisya ng nasabing bayan,10-katao na sakay sa 3 magkakahiwalay na van ang kanilang naharang sa checkpoint kung saan may karga umano ang mga itong iligal na droga.

Dahil sa laki ng volume na aabot halos ng mahigit isang tonelada, kinailangan nilang ilipat ito sa Antipolo,Rizal.

Sa paggulong imbestigasyon, napag alamang ang mga kontrabando ay nanggaling China at pinadaan sa karagatan ng Pacific Ocean lulan ng isang barko, saka inilipat sa isang yate at ibinaba sa pampang ng Infanta.

Mula naman dito at pibick uo ito ng 10 Van upang idistribute sa kalakhang Maynila.

Sa panayam naman na isinagawa ng TV Patrol sa isa sa mga driver ng van na nahuli, inamin nito na ang karga nilang shabu ay pangalawang shipment na mula sa China na ibinabagsak sa Infanta.

Matatandaan sa bago ito ay may nauna ng report na may idinaong na shabu sa baybayin ng Infanta ngunit hindi ito nasabat ng awtoridad.

Pinangangamabahan ngayon ng mga residente dito na maging sentro ng droga at kriminalidad ang kanilang bayan kung patuloy na mananahimik at hindi ito gagawan ng aksyon ng kanilang alkalde.

16/04/2022
Ang Mulanay ay isang maliit na munisipalidad sa baybayin ng Quezon. Mayroon itong 420 square kilometer land area at bumu...
13/04/2022

Ang Mulanay ay isang maliit na munisipalidad sa baybayin ng Quezon. Mayroon itong 420 square kilometer land area at bumubuo ng 4.80% ng buong land area ng lalawigan. Ayon sa 2020 Census mayroon itong 55,576 population na nagrereprenta sa 2.85 % total population ng probonsya, nakapagtala din ito ng 0.34% overall population sa buong Calabarzon region.

Binubuo ito ng 28 Barangay, at nakapagtala ng ₱154,478,705.85 annual revenue income noon taong 2016.

Sa kasalukuyan, mahalagang silipin natin ang kalagayang pang ekonomiya ng bayan ng Mulanay. Bilang isa sa mga bayan na kabilang sa ikatlong distrito ng lalawigan sa pamumuno ni Congw. Aleta Suarez.

Mayaman ang lupain ng Mulanay, isa itong patag na lupain na nakaharap sa Tayabas Bay. Saganang tumutubo dito ang mga gulayin gaya ng bawang, saging, mais, mani, mongo, luya, kalabasa at niyog. At dahil nakatayo ito sa lokasyong baybayin, sagana ito sa yaman-dagat.

Pinag-aaralan din na mapasama sa UNESCO World Heritage Site incription ang architectural marvels na kapansin-pansin sa baroque church, mga na preserbang ancestral houses mula sa panahon ng Spanish rule at ang limestone tombs of Kamhantik ( a highly-significant Tagalog archaeological site and dambana, in the Buenavista Protected Landscape).

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon nito ng mayamang kalikasan at historical heritage, nanatili itong isang mahirap na bayan. Batay sa datos na inilabas ng CALABARZON Regional Social and Econimic Trends for CY 2020, kasama ang bayan ng Mulanay sa 25 na mga bayan sa lalawigan ng Quezon na nakapagtala ng may higit sa 20% rate ng poverty estimate.

Mula sa bayan ng Jomalig na nanguna sa talaan ng may mataas na small area poverty estimate sa lalawigan, pang 10 ang bayan ng Mulanay na nakapagtala naman ng 34.3% small area poverty estimate.

Batay sa mga pag-aaral kung paano umuunlad ang mga bayan, maaaring ang maling pamamahala, kapabayaan at korapsyon ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang isang bayan na may mayamang likas na yaman at mga batayang rekisito para umunlad.

Source: Quezon Confidential Files

Bilang pinaka maimpluwesyang dinastiya sa Quezon, Ang dinastiyang Suarez ay 30-taon ng naghahari sa lalawigan. "Politica...
09/04/2022

Bilang pinaka maimpluwesyang dinastiya sa Quezon, Ang dinastiyang Suarez ay 30-taon ng naghahari sa lalawigan. "Political dynasties" generally refer to traditional political families or the practices by these political families of monopolizing political power and public offices from generation to generation and treating the public elective office almost their personal property.

At upang manatili sa kanilang mga kamay ang kontrol at kapangyarihan, most dynasties uses "guns,goons,gold and glitter".

Sa lalawigan ng Quezon, ginawang negosyo ng mga Suarez ang pagtakbo sa pulitika, ito'y upang siguraduhin ang tuloy-tuloy na pamumuno ng kanilang pamilya dito. Sa halip na gawin ang mandato ng pagiging sebisyo publiko, ginawa nilang kapital ang posisyon sa gobyerno upang higit pang makapag palawak ng kanilang kabuhayan.

Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga bayan o lalawigan na kinokontrol ng isang dinastiya ay nanatiling mahirap. Dahil ito sa kawalan ng konkretong programa ng nakaupo, hindi tumututok sa mga programang tutugon sa batayang pangangailangan ng mamamayan bagkus ang inilulunsad ay mga programang maaari lamang nilang pagkakitaan.

Isang malinaw na halimbawa kung saan makikita natin ang pagiging negosyante ng mga Suarez ay ang pagkabig nito pabor sa pagtatayo ng kaliwa dam, kung saan pinangakuan ito ng P800 million kita taon-taon. Mas prayoridad din umano ang programa sa mga infrastractura, kung saan may malaki silang kikitain mula sa kontrata, sa halip na pagtatayo ng mga public hospitals at colleges. Panggigipit sa mga investor na nais magnegosyo sa lalawigan kung alam nila na wala silang kikitain mula dito, at ang pagkontrol sa mga vital industries at pangunahing mga negosyo gaya ng fisheries at ilan pang malalaking kumpanya.

Isang malaking patunay upang masabi na negosyo at hindi serbisyo ang hangad ng mga Suarez sa Quezon, ay ang mga datos ng kahirapan at pagkabansot ng ekonomiya ng lalawigan. Sa kabila ng yaman ng kalikasan, nanatili itong kulelat sa talaan ng mauunlad ng probinsiya sa rehiyon. Ngunit kung ating sisilipin ang uri ng pamumuhay ng pamilya Suarez, maituturing na isa sila sa pinakamayamang angkan sa Quezon.

Source: Quezon Confidential Files

Kapag sinabing political dynasties, ito ay ang paghawak ng posisyon sa gobyerno ng magkakapamilya, either simultaneously...
08/04/2022

Kapag sinabing political dynasties, ito ay ang paghawak ng posisyon sa gobyerno ng magkakapamilya, either simultaneously o heriditarily. Sa Pilipinas, umiikot lang o nagpapalit-palitan ang posisyon sa local at national politics sa 250 pamilya lamang. Taong 2013, naitala ang halos 74% na miyembro ng lower house ay magkakapamilya.

Madaming pag aaral na rin ang nabuo sa epektong pang ekonomiya ng dinastiya sa bansa. Bagaman mayorya ng mga probinsya ay pinapatakbo ng dinastiya, may ibat'-ibang resulta naman ito o epekto sa bawat lugar na kanilang nasasakupan.

Halimbawa, mayroong mga lalawigan o lugar na nagkakaroon ng pag-unlad sa ilalim ng pamamahala ng isang dinastiya subalit mayroon din namang mga lalawigan o lugar na nababansot ang pag unlad dahil sa maling pamamalakad ng dinastiya dito.

Sa lalawigan ng Quezon, 30 years nang namumuno ang dinastiyang Suarez. Subalit hindi katulad ng ibang dinastiya kung saan pinili nilang paunlarin ang bayan na kanilang nasasakupan, nanatiling bansot at napag iwanan ang lalawigan ng quezon.

Batay sa mga datos, lumalabas na kulelat ang lalawigan sa talaan ng mga naitayong economic zone sa calabarzon, nahuhuli din ang Quezon sa talaan ng mga nalikhang trabaho at talaan ng mga naitayong light and heavy industries, Quezon din ang nakapagtala ng may pinakamataas na poverty incidence at inflation rate sa rehiyon.

Kung susuriin, may mga lalawigang umunlad sa ilalim ng dinastiya, kagaya ng Cebu, Davao, Laguna, Cavite. Ngunit sa lalawigan ng Quezon, hindi ito napaunlad ng mga Suarez. Nanatiling naghihirap at atrasado ang kabuhayan ng mayorya ng mamamayan sa lalawigan.

Source: Quezon Confidential Files

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang San Antonio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share