10/07/2021
I AM NOT A PRO, pero ishe-share ko sa inyo yung mga nalalaman at natutuhan ko sa pag-aaral at paglalaro ko ng Axie Infinity!
10 ARENA TIPS NI JONATZ:
1. COUNT YOUR OPPONENT'S ENERGY.
Unnecessary na ang pagbibilang sa sarili mong energy kasi pwede mo naman makita yun anytime while in an arena match sa lower-left portion of your screen. Effective ang pagbibilang ng energy ng kalaban para ma-predict mo kung kailan siya magbubuhos ng skill cards, at makagawa ka na agad ng counterplay (Such as paglalagay ng mataas na shield sa axie mo na tingin mong ibu-burst down ng kalaban, o kaya naman i-burst down mo rin yung isang axie niya para may trade-off ka. Pwede ring mag-"End Turn" nang walang ginagamit na card para makapagtipid ng energy, at next round ka magbuhos ng cards).
Sa round 1, both players will start with 3 energies. After ng round 1, mabibigyan ulit kayo ng 2 energies parehas, +2 ulit next round, +2 nang +2 hanggang sa matapos yung game. Bilangin niyo kung ilan na ang energy ng kalaban, ilan ang ginamit niya, at kung may steal/gain energy cards ba na nagamit. Plus and minus lang.
2. ALWAYS CHECK YOUR OPPONENT'S CARDS.
Kung hindi ka pa marunong magtingin ng skill cards by just looking on the body parts of an axie, lagi mong titignan kung ano yung mga cards ng tatlong axie na kalaban mo, basahing maigi! Effective 'to, para alam mo kung paano ang magiging gameplay ng kalaban mo... Burst damage ba? Defensive gameplay ba? Kayang mag-speed manipulation? May mga poison cards ba? Puro debuff cards? Discard cards? Kaya ba ng kalaban mo mag-backdoor?
By the way, mayroong 6 body parts ang isang axie: Eyes, Ears, Back, Mouth, Horn, and Tail. Lahat yan may corresponding skills bukod sa Eyes at Ears. TIP: Dalawang beses lang pwede ma-draw ang isang body part sa Round 1 to 4. So, kung round 2 pa lang tapos dalawang beses na niyang ginamit yung Mouth skill niya, expect na sa round 5 onwards mo na siya ulit pwede makita.
Makakatulong din ang pagtingin sa cards ng kalaban para mas maging effective ang pagbibilang mo ng energy niya kasi may mga cards na 0 cost, kayang mag-steal ng energy, at mayroon ding mga kayang mag-gain ng energy.
3. ALWAYS CHECK WHO'S ATTACKING FIRST.
Paano nga ba malalaman kung sino ang unang titira? Speed determines who will attack first. Kapag mas mataas ang speed, mas mauuna. Paano kung parehas ang speed ng dalawang magkalaban na axie? Ang bawat axie ay mayroong Axie ID Number... Mas mababa ang ID number, mas mauuna siyang tumira.
You have to take advantage of your speed, kung mauuna ka at tingin mong bubuhos ng skill yung next target mo, most likely mananalo ka kasi ikaw ang mauunang aatake. Bago pa niya magamit mga cards niya, patay na siya, kawawa. At kung mas mabagal naman yung axie mo, pwede kang gumamit ng cards na matataas ang shield para maka-survive ka, or ibang axie ang gamitin mo at i-sacrifice mo na yung axie mo na aatakihin... Ang mangyayari, papatayin niya isang axie mo, at papatayin mo rin yung isa niya. Lintik lang ang walang ganti! Bleeeh
4. STUDY THE DIFFERENT TYPES OF BUFFS AND DEBUFFS.
May mga tinatawag na buffs at debuffs, na makikita natin sa ibabaw ng health bar ng mga axie. Kapag sinabing BUFF, positive effect yun. At syempre, kapag DEBUFF naman, negative effect. May tatlong uri ng buffs, at sandamakmak na debuffs, pero 'di ko na ie-explain dito.
5. KNOW THE META IN YOUR MMR.
May mga axie na kayang bumugbog sa low Match Made Ratings (MMR), tapos pag umangat na yung ratings, sila naman yung binubugbog. May mga axie rin naman na competitive na kaya talagang makipagsabayan sa mga high MMR, or even sa Leaderboards pa. Kung tingin niyong hindi pang-baragan ang axie niyo, stay kayo sa low to mid MMR para mabilis niyong matatapos yung daily quest which requires you to win in arena for 5 times. I recommend to drop your MMR in 1,100 to 1,150, since 7 SLP naman ang mabibigay sayo per win kung ganun MMR mo.
6. BE FAMILIAR WITH EVERY CARDS OF EVERY AXIE THAT EXISTS.
Hindi naman required 'to, pero I recommend everyone to study every cards para 'di kayo mag-panic kung sakaling maka-encounter kayo ng card na bago para sa inyo. You can check every existing cards here: https://www.axieworld.com/en/tools/cards-explorer
7. ARRANGE YOUR AXIE TEAM'S POSITIONING.
Paano baguhin ang positioning ng mga axie teams? Sa lower-left portion ng screen mo while in the Axie Infinity app, may makikita kang "Teams" na katabi ng "Axies" at "Inventory," doon mo pwedeng ayusin. Dito papasok yung mga terms na Backline o mga damage dealers (nasa pinaka-kaliwa), Midline o mga support (syempre nasa gitna), at Frontline o mga tankers (nasa pinaka-kanan). I'll comment down below my axie team's positions, na pwede niyong gayahin yung pagkakapwesto.
8. MEMORIZE THE DAMAGE CHART.
Yes, I recommend you to memorize the damage chart para alam mo kung anong gagamitin mong axie cards sa pagpatay ng axie ng kalaban. For example, Plant axie ang tanker ng kalaban, dapat Beast, Bug, or Mech cards ang gamitin mo (kung meron man) kasi may additional 15% damage sila sa Plant, Reptile, and Dusk targets... habang may deduction naman ang damage ng Plant, Reptile, and Dusk sa mga Beast, Bug, or Mech targets. I'll comment down below the damage chart, sobrang effective kung susundin mo yung chart! Makaka-tulong din yung yung damage chart para sa Tip #9!!!
9. CALCULATE YOUR DAMAGE OUTPUT.
Oh 'wag ka mag-alala, addition lang ang gagawin mo. Ipag-add mo lang yung damage ng bawat skill na gagamitin mo sa bawat round. Ang purpose, para alam mo kung mamamatay pa yung target o mabibitin. Always assume na posibleng gumamit ng cards yung kalaban mo sa papatayin mong axie kaya baka magkaroon ng shield at mabitin yung damage mo... kaya I recommend na gumamit ng extra damage card para ma-secure yung kill. Mas okay kung sobra kaysa naman kulang at hindi mapatay yung target mo, maaaring doon magsimula ang mga matitinding clutch para sa kalaban mo. Para sure kill, 'wag kakalimutan ang pang-huling tip, ang Tip #10!!!
10. PRAY HARD!!!
Oo, manalangin ka sa lahat ng Santong kilala mo na sana mamatay yung target mo at walang matirang 1 Health Point, leche! HAHAHAHA Hindi guaranteed ang critical strikes kaya manalangin ka na sana mag-critical para sure deads ang kalaban. At kung aatake ang kalaban, kagat-labi at 'wag hihinga habang nananalangin na sana mabuhay yung axie mo. Amen!
Alam kong marami pang tips ang hindi ko naibigay, pero that's all for now.
If you learned something and wants to learn more about Axie Infinity from me, don't forget to Like and Follow my page: Jonatz. Sharing the page and joining my livestreams would be lovely, too!
Here's the link:
https://www.facebook.com/DunkinJonatz/
If you are looking for an Axie Infinity scholarship, check out my manager's channel on Twitch, ! You can redeem a guaranteed scholarship by just watching every 8am and 8pm daily!
Here's the link:
https://www.twitch.tv/blockchaingamegang
UPDATE:
We have a discord server now! Join us here:
https://discord.gg/CNKPweW5x5