09/01/2021
Sinimulan namin ni Engr. Charmaine Aquino ang Module Legends (YT channel - Educational/Tutorial) with a MISSION na makatulong sa mga public school students. Nalaman namin around Dec 2020 na unlike private school students, walang online classes ang mga estudyante ng public. They are, basically, on their own. Naiintindihan din namin na hindi lahat ng magulang ay pinalad na makapag-aral at may oras para matutukan sa pag-aaral ng modules ang mga anak nila (karamihan sa mga magulang ay kailangang kumayod sa trabaho maghapon).
Our VISION is that one day, mas marami nang estudyante at kabataan ang makakakita sa KASIYAHAN na naidu-dulot ng pag-aaral. (Personally, lumaki ako na hindi mahilig mag-aral. Ang tingin ko sa studies noon ay boring na gawain. Mas masarap pa maglaro at magcomputer maghapon para sakin. Pero sa pagtanda ko, nagkaroon ako ng LOVE OF LEARNING. Nakita ko na tulad pala nang paglalaro, may nabibigay ding saya ang pag-aaral. At higit sa diploma at trabaho na isesecure sayo ng pag-aaral nang mabuti, bibigyan ka nito ng RESPETO SA SARILI. Mahirap ang walang respeto sa sarili, kasi kung ikaw mismo wala nito, pano ka rerespetuhin ng iba? Nangangarap kami na dumating ang araw na nagte-trending din sa YT ang mga educational videos. Na Hindi nalang puro kalokohan na videos at pranks ang pinapanood nang mga tao.
Kung ikaw ay isang magulang, at naniniwala ka sa pinaniniwalaan namin, I encourage you to encourage your child na manood ng mga videos namin. It is for FREE. Si youtube ang magbabayad samin kung sakaling maabot na namin ang requirements for monetizing. And, wala nang plastikan, gusto rin naming kumita. PERO MAS GUSTO NAMING MAKATULONG. At kung umabot sa point, na bayaran kami ni YT, sigurado kami na sulit ang bawat piso na ibabayad niya, kasi bawat video at content na nilalabas namin, pinaag-iisipan at pinagta-trabahuhan namin ng maigeng maige.
Kung estudyante ka, maniwala ka naiintindihan kita. Nanonood din ako kay Congtv. At may natututunan din ako kay congtv. Kahit kay Dogie, nanonood ako paMinsan. Kaya alam ko, na kahit si Dogie, ine-encourage ang mga viewers niya na mag-aral.
Dahil, sa ayaw man natin o sa hindi, maniwala man tayo o hindi, ang PAG-AARAL ang babago sa sitwasyon mo. Masaya ka ngayon sa Mobile Legends, e pano 5yrs from now? Masaya ka pa rin kaya dito? O maghahanap ka nanaman ng panibagong laro?
Hayaan mo kaming patunayan sayo, na katulad ng Mobile Legends, MASAYA DIN ANG MODULE LEGENDS.