
03/02/2025
Pasado na sa 3rd reading sa Senado ang Magna Carta of Barangay Health Workers (BHW)! Maraming salamat sa principal sponsor na si Sen. JV Ejercito at sa lahat ng kasama natin sa Senado na isinulong na maipasa ang panukalang ito.
Talagang deserve ng mga BHW ang lahat ng mga benepisyong nakapaloob sa batas na ito. Sila ang tulay patungo sa kalusugan ng bawat Pilipino. Panahon na para suklian natin ang sakripisyo at pagsisikap ng ating mga bayaning BHW.