11/09/2023
AFTER GRADUATION
Eto na nga, happy naman kasi finally may College diploma na ako, siyempre lagi pong salamat sa biyayang yun.
Pero, minsan talaga susubukan mong ilaban ang gusto mo,base sa plan mo, base sa gusto mong tahakin ng buhay mo.
After graduation ang next step ay ang filing na ng application para sa LET (Licensure Examination for Teachers) ng August 2003. Dito pa lang sabi ko, ay hindi ko na kaya yan,pero alam niyo ba nakapag-file ako.Paano? Yung school namin,naging venue ng PRC Lucena para sa mga magtitake ng board exam ng August, 2003. Nagfile ako kasi sabi ko PRC na ang lumapit bakit hindi pa ako mag-apply. Pero sa isip ko hindi naman ako papasa kaya paano ako magiging teacher. Di ba may judgement na ako agad sa sarili ko. Base kasi yun sa mga past experiences ko ng pagti-take ng National Examination.
After ko mag-file for LET, gusto ko na agad magtrabaho pero hindi bilang teacher talaga. During my College days, may mga naging kaibigan ako na nagtatrabaho sa Landmark,sales clerk at inventory clerk. Yun ang plan ko Bakit? Kasi una, nakita ko yung mga kaibigan ko madali silang nakaka-ipon, nakakatulong agad sa pamilya.Pag-uwi ng boarding house walang dalang trabaho.
Lumuwas ako ng Manila, after graduation.Dahil malayo ang Landmark sa tinutulayan ko, okey sa SM North na lang ako mag-a-apply.Alam ko hindi sila sang-ayon kasi nanghihinayang sila na hindi ko gamitin ang tinapos ko kaya para silang nakahinga ng maluwag nung hindi ako na-hire sa mall.
Pahinga daw muna ako, review daw muna. Sinunod ko naman sila nagpahinga ako pero hindi sineryoso ang pagrereview. Mas nauna ko pang natapos basahin ang buong series ng Harry Potter book kahit hinihiram ko lang yung mga books kesa sa reviewer ko para sa LET.Sabi ko nga noon kung ang questions sa board exam ay tungkol sa Harry Potter Book 1-8,palagay ko papasa naman ako.
Noong nasa Book 8 na ako ng Harry Potter,binawi na nila yung word na pahinga kasi kailangan ko na daw seryosohin ang pagrereview.Opo, self review lang po ako kaya mas sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako papasa.
Paano ako nagready sa board exam sa loob ng isang buwan? Ishare ko po sa sunod kong post, hahaba na kasi dito masyado.
**o