19/12/2022
BARRIO FIESTA FOOD PLANT, ITATAYO NG HORTALEZA CORPORATION SA BULACAN
Isang bago at modernong Barrio Fiesta food processing plant ang itatayo ng Hortaleza Corporation sa San Jose Del Monte, Bulacan. Ito ay matapos magsagawa ng isang groundbreaking ceremonies ang kumpanya noong nakaraang Lunes na pinangunahing ni dating Splash Corporation owner at ngayon ay Chairman at Chief Executive Officer ng Hortaleza Corporation, Dr. Roland Hortaleza, kasama ang kanyang mga anak na si Alfonso at Alexone.
kilala ang Barrio Fiesta sa Pilipinas at sa iba't ibang panig ng mundo sa masasarap nitong produkto na bagoong, gourmet patis, tubasuk (spiced sugar cane vinegar), crispy joy breading mix, peanut butter, chicken and beef broths, at jumbo roasted peanuts.
Pagsasama-samahin ang lahat ng pasilidad ng Barrio Fiesta, mula pagpoproseso, pagluluto hanggang pag-iimbak ng mga materyales at finished products sa nasabing planta. Patuloy pa rin umano silang gagawa ng mga bagong produkto sa mga darating pang taon, ayon kay Alexone Hortaleza na syang pangulo ng Prime Global Corporation (PGC), ang kumpanyang nagmamay-ari ng Barrio Fiesta.
Layunin din ng pamilya na sa pamamagitan ng plantang ito ay mabigyan ng trabaho ang mga taga-San Jose Del Monte pati na ang mga karatig nitong bayan.
“It has always been a mantra of the Hortaleza Family to give back. This facility is a great example of how a Filipino company continues to innovate and have high value-added manufacturing and continues to be a globally competitive company while bringing its community to greater heights,” dagdag pa ni Alexone.
Para naman kay Alfonso, General Manager ng PGC, “Ito ang nagpapakita sa atin ng tamang investment. Mas maraming trabaho gaya ng research and development para maganda ang serbisyo, produkto na maibibigay.”