Team TaRah Wattpad Stories

  • Home
  • Team TaRah Wattpad Stories

Team TaRah Wattpad Stories Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team TaRah Wattpad Stories, Video Creator, .

24/04/2023

TEAM TARAH FANFIC IS OFFICIALLY UNPUBLISHED IN WATTPAD!

08/04/2023

From the first few months of watching and idolizing them, I already felt that T is a red flag but shrugged it right away because I saw how much S love her.

08/04/2023

I'm just so sad when they announced that they already broke up. How I'm i supposed to write when I don't have inspiration now

08/04/2023

Couldn't finish my work.

04/10/2020

Don’t force yourself to be okay because sometimes it’s better not to be okay. You have to accept that you’re not okay because it is normal and valid. Accept those feelings and make sure that next time you feel that way, you won’t be affected and think in a positive way.

04/10/2020

CAREER or LOVE?

14/07/2020

TEAM TARAH FANFIC

Seizure

"Ako po Doc..."

"Type O din po ako, Pwede po ba ako magdonate?" Pag-alok ko.

"Naku, salamat ija!" Ma'am Emelia.

"Thank you Tanch!" Jason. Tumingin ako kay Sarah and she just murmured "Thank you!". And with that I smiled to her. Para sa'yo to Lablab, para sa inyo ni Zabby.

"Okay so let's go, I'll just gonna ask you questions to make sure that you don't have any problems in your blood." Nakangiting sambit ng Doctor sa'kin.

//////////

"Doc sapat na po ba ang usang bag ng dugo?" Tanong ko kay Doc habang naghahanda ako na kuhanan ng dugo. Sumunod na rin si Sarah sa'kin.

"It depends kung tataas na ang platelets niya next check."

"Eh Doc, ano po ba yung normal platelets?" Tanong ni Sarah.

"As of her age, ang normal is 140-150 platelets."

"Zabrina's fighting, I can see it. Malakas ang mga good bacteria niya, at good news yun. Pero kailangan natin siya masalinan agad before her next platelets check." Dagdag pa ni Doc.

"Doc, kanina ka pa platelets ng platelets eh, hehe ano po ba 'yon? Bakit 'yon mahalaga? Sorry Doc ngayon ko lang kasi 'yan narinig eh?"😅 Nahihiyang tanong si Lablab. Napakamot ito sa ulo. Hahah ang cute.

"Platelets is our white blood cells." Paliwanag ni Doc. Ahh ngayon ko lang nalaman yun. Hindi naman kasi sinabi ni ng Doctor ni Kianna na yun pala yun.

"So yung dengue fever ay bacteria na pumapatay ng white blood cells? Pero nilalabanan ito ng mga good bacteria, at itong isasalin niyo na dugo ko is para mag dagdag ng white blood cells at good bacteria para malabanan ang dengue." Curious ako eh, bakit ba? Ginagawa na naming teacher si Doc.

"Yes Miss Lobete nakuha mo." Sinimulan na niya ang pagkuha ng dugo sa'kin.

"Masakit ba Tanch?" Sarah asked.

"Hindi, andito ka eh." Nagampas naman ako. Pero parang ako pa ata ang namula. Ito kasing Lablab ko eh hindi halata kung kinikilig, eh ako nangangamatis agad. Pero alam ko sekreto niya, kapag kinikilig siya hindi niya mapigilang ngumiti at hindi 'yan mapakali.

"Doc, nagse-seizure si Mr. Lobete." Sigaw ng isang nurse na hingal na hingal na lumapit kay Doc. 'Wait, tama ba yung narinig ko Lobete?' Maraming Lobete sa mundo Tanch huwag kang magisip ng kung anu-ano. Nanlaki ang mga mata ko with the thought. Binigyan ako ni Sarah ng questioning look, binalik ko nalang yung tingin niya bilang sagot. Hinwakan niya ang k**ay, and we both sighed.

"Tawagin mo si nurse Emma, sabihin mo siya muna dito." Sabi naman ni Doc at tumakbo na sa kanyang pasyente.

"Okay po Doc!" Agad namang tumakbo ang nurse. Sobrang Kinakabahan ako ngayon, ni hindi ko na ng namamalayan ang hapdi sa pagkuha ng dugo ko eh. Pagkadating ni nurse Emma, hindi kona mapigilang mag tanong.

"Nurse, sino po yung nagse-seizure?"

"Ahh si Mr. Lobete po ma'am, halos tatlong buwan na po siyang comatose at pangalawang seizure niya na po ngayon. Sana nga po sa good seizure na ngayon." Malungkot na sabi niya sa'kin.

"Bakit parang kilalang kilala ata siya dito nurse? Ano po ba ang pangalan niya?" Tinulungan na ako ni Lablab na magtanong dahil parang umaatras na ang dila ko sa kaba. Hindi namin namalayan na puno na pala ang bag at tapos na ang pagkuha ng dugo ko. Bago sumagot si nurse Emma tinanggal niya muna ang needle sa'kin at nilock ang bag.

"Dahil po siguro sa tagal niya na dito, tsaka kapatid ko po si Doc yung kanina, personal Doctor din po kasi siya ni ni Mr. Lobete kaya kilala ko po. Ang pangalan niya po ay STANISH LOBETE." Feeling ko end of the world na. Lalo akong nanghina. Natulala na ako at para akong naging bato. Naramdaman kong niyakap ako ni Lablab at pinupunasan ang pisnge ko, hindi ko namalayang tumutulo na pala luha ko.

"Daddy..."

-

SHOWWY POWS!✌🏼

VOTE & COMMENT!

(By: .15753)

Hi guys! Please support my friend with her first story on Wattpad!👇https://www.wattpad.com/story/223467629
14/07/2020

Hi guys! Please support my friend with her first story on Wattpad!👇
https://www.wattpad.com/story/223467629

This is a work of fiction, any names, characters, places, stories and events are FICTITIOUS. How do a bisexual couple f...

11/07/2020

TEAM TARAH FANFIC

Blood Type

Tanch

Kinwento ni Sarah sa'kin lahat, actually hindi totally lahat. Ngayon sobrang kinakabahan ako. Wala naman talaga akong pakealam sa past niya eh, pero sana lang hindi pa siya kasal. Gulong gulo din ako sa mga nangyayari.
Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions kumbaga. Grabeng revealations naman ng Lablab ko. Ni parang wala ako sa sarili habang kinikwento niya pero kahit ganun nagsi-sink in parin lahat ng sabi niya. But what really matter now is Sarah's daughter. Hindi niya na natapos ang kwento dahil malapit na kami sa opsital.

Pagkadating namin sa opsital, agad kaming bumaba ng kotse. Pagkapasok namin...

"Tita?!" Sigaw ni Sarah na ikinagulat ko din. I think siya yung Mommy ni Jason. Tumakbo kami papunta sa Mommy ni Jason.

"Sarah, room 314 daw sabi ni Jason, buti naman dumating ka. Kaibigan mo?" Tukoy niya sa'kin habang naglalakad kami papuntang room ng bata.

"Opo tita, siya po si Tanch." Pagpakilala ni Sarah sa akin ng Mommy ni Jason. Nasanay na akong kaibigan lagi ang pagpapakilala sa'kin si Sarah pero naintindihan ko naman dahil nga hindi pa kami out.

"Ahh Tanch siya si tita Emelia, Mommy ni Jason."

"Hello po ma'am..." Naiilang na bati ko.

"Hi ija, salamat sa pagpunta." Tugon niya.

"Nandito na tayo..." Hindi na kumatok dahil sa pagaalala, agad na binuksan ni Sarah ang pinto ng kwarto.

"Sarah, Mommy!" Yumakap si Jason sa Mommy niya. Dumerecho lang si Sarah kay Zabrina kaya sumunod lang ako sa kanya. Natutulog pa si Zabrina. Umupo si Sarah sa gilid ng k**a ni Zabby. Napakagandang bata, totoo ngang nagmana ito kay Sarah. Yung lips niya, ilong pati bibig at hugis ng mukha. Morena si Zabby at tila namana niya ito sa kanyang ama. Parang kay Jason niya namana ang mata niya, kahit nakapikit ito, mapapansin mo parin.

"Isan oras palang siya natutulog, matapos siyang kuhanan ng dugo para i check ang platelets niya." Paliwanag ni Jason. Iyak ng iyak si Lablab habang hawak hawak niya ang k**ay ni Zabby. Actually pinipigilan ko na din ang sarili kong umiyak. Pilit na nagpapakatatag para kay Sarah at Zabby. Buti nalang medyo wala namang awkwardness sa amin ni Jason. Sa totoo lang galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Sarah pero ang mahalaga ngayon ay ang kalagayan ng anak ng Lablab ko.

"Ano ang huling platlelets niya?" Tanong ko, napalingon naman agad sa akin si Sarah. Nasa likod niya lang ako. Medyo alam ko na kung ano ang mga kailang kapag nagkadengue dahil naranasan na rin ito ni Keanna, ang kapatid ko. "Ako nga pala si Tanch, kaibigan ni Sarah." Pagpapakilala ko.

"I'm jason, Zabby's father. Ahmm yung last is 52." Kalmadong sabi ni Jason pero ramdam mo din na nagaalala ito sa kalagayan ng anak. Siyempre ama siya eh at sa kanya lumaki ang bata.

"Wait, 52? 'Di ba kayo pinagreready ng dugo?"

"Hindi eh. Bakit kailangan ng dugo? Teka, doctor ka ba?" Takang tanong ng Mommy ni Jason.

"Ma'am hindi po ako doctor. Nagkadengue na rin po kasi yung kapatid ko dati kaya medyo may alam po ako about this." Paliwanag ko. Nakita kong magsasalita pa sana si Sarah pero may biglang kumatok. Pagbukas ng pinto pumasok agad ang doctor at tila may masamang balita base sa itsura nito. Kinakabahan ako, baka nga kailangang masalinan ni Zabby ng dugo. Naku, huwag naman sana!"

"Doc, kumusta na po ang anak ko?" Tanong ni Sarah. Sobrang worried na ako sa kanya at kay Zabby. Lord please...

"Ang platelets niya ay bumaba po sa 28 at kailangan po natin siya masalinan ng dugo as soon as possible. I'm sorry din po na hindi ko po kayo nasabihang magready ng dugo nung last platelet check niya dahil nalito po ako sa mga papers at results." Guilty na sabi ng doctor. Nakita ko kung paano nanghina si Lablab pati na rin sina Jason at Mommy nito. Nakatingin silang lahat kay Zabby na mahimbing paring natutulog.

"Doc ano po ang blood type niya?"

"Type O."

"Doc gawin niyo na! Salinan niyo na siya ng dugo." Umiiyak na medyo pasigaw na sabi ni Sarah. I am really trying my best para hindi tumulo ang luha ko.

"That's the problem ma'am, naubusan na po kami dito ng stock ng type O blood. Pati po sa Blood Bank naubusan na din po." Sabi ng doctor. Lalo namang naiyak si Lablab. Gosh! Hindi ko na kayang makitang uniiyak si Lablab.

"Hindi ba't type O ka Jason?" Umaasang tanong ni Sarah.

"Oo pero hindi ako pwede." Sagot nito.

"Bakit?!" Sabay sina Sarah at Momm ni Jason.

"Nakainom ako kanina." Nakayukong sagot nito. Buwisit! Gago ka talagang lalaki ka! Paano mo nakayang uminon ng ganito ang kalagayan ng anak mo?!

"Buwisit ka! Bakit ka uminom?!" Bulyaw ng ina nito. Tahimik lang si Sarah at napa face palm.

"Ako po doc!"

================

(Let's take it slowly...)

(By: )

Here’s the Wattpad link of TEAM TARAH FANFIC!https://www.wattpad.com/story/222607092
07/07/2020

Here’s the Wattpad link of TEAM TARAH FANFIC!

https://www.wattpad.com/story/222607092

FANFIC LANG PO ITO! Ang storyang ito ay base lamang sa imahinasyon ng nagsusulat. (Aye Team TaRah this is only my imagi...

07/07/2020

Happy 2k reads TEAM TARAH FANFIC

05/07/2020

TEAM TARAH FANFIC

Sarah’s Past

Sarah's POV

Flashback

4 years ago...

"Dad please..." Pagmamakaawa ko kay daddy. Gusto niya kasi akong ipakasal kay Jason.

Anak si Jason ng may-ari ng Abalos Empire. Napakayaman nila, kaya gusto ng daddy ko na mag merge ang mga company. Palubog na ang company ni dad kaya sobrang sabik na siyang makipag merge sa kompanya nila Jason. Nag iisang tagapagmana ng Abalos empire si Jason, kaya kahit anong hihilingin niya ay ibibigay ito agad ng mga magulang niya. Humingi pala ng tulong si daddy sa kanila at ang ipakasal kami ni Jason ang magiging kapalit ng pagsalba nila sa negosyo niya.

Boyfriend ko si Jason at mahal ko siya pero hindi pa ako handa. Naging kami ni Jason dahil lagi kaming tinutukso ng mga kaklase namin, lagi kasi siyang aligid ng aligid sa akin eh para ko na siyang buntot. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nanligaw sa akin, isang taon at tatlong buwan din siyang nanligaw bago ko sinagot. Akala ko nga nung una magagalit si daddy pero sobrang saya pa nga niya.

Mabait naman si Jason, pero minsan malakas din topak niya. Ni minsan wala pa namang nangyari sa amin, kahit kiss nga sa lips wala eh, hanggang noo at cheeks lang. Ilang beses na rin niya akong pinilit, kahit kiss lang daw pero wala eh ayoko. Gusto ko kasi yung sure na talaga kami sa isa't isa at kapag handa na ako, masyado pa kasi maaga. Buti nalang din hindi siya mapilit.

Magco-college palang kami next school year, last week palang ako nag debut.

"Anak ito na ang huling hihilingin ko sa'yo. Ito lang ang paraan para maisalba ang kompanya natin..." Pagpupumilit ni daddy.

"Daddy hindi pa po ako handa..." Hagulgul na pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ano ba Sarah?! Wala akong pakialam kung hindi ka pa handa! Magpapakasal kayo ni Jason sa ayaw at sa gusto mo!" Pagkasabi nun ni daddy, lumabas agad siya sa kwarto ko. 10 years old palang ako, hiwalay na sila ni mommy dahil sa ginawang pambabae ni daddy, pati mas inuuna niya ang negosyo kesa sa amin. Si mommy mismo ang nagsabi na dito muna ako kay dad dahil mas mabibigay daw nito ang lahat ng pangangailangan ko. Nagpumilit ako na sumama sa kanya pero pinigilan din ako ni dad.

Simula nung naghiwalay ang mga magulang ko, bahay, school, church at kapag may date kami ni Jason lang ako lumalabas.

Wala na akong nagawa kungdi ang sumunod sa kanya. Sinubukan kong tawagan si mommy pero hindi ko siya macontact. Iyak nalang ang tangi kong nagawa...

Isang buwan bago ang kasal...

Andito ako sa bahay kasama si Jason. Almost everyday kaya siya nandito, after school dito na din punta niya. Friday ngayon at kakatapos lang namin sa assignment namin.

"Babe, tara labas tayo?" Aya ni Jason.

"Saan?" Tanong ko.

"Basta, somewhere na sure akong magugustuhan mo." Sabi niya.

"Sure ka magugustuhan ko?"

"Oo nga, tara na!" Pagkasabi niya bigla siyang tumayo at hinila ako palabas ng bahay. Binuksan nya ang passenger seat ng car niya at pumasok nalang ako. Pumunta na rin siya sa driver' seat at nagsimulang mag drive.

After ilang minutes...

"We're here!" Excited niyang sabi.

"Babe, alam mo namang hindi ako umiinom. Bakit tayo nandito sa bar?" Pagtatakang tanong ko, first time niya kasi akong dinala dito eh.

"Hindi mo naman kailangang uminom eh. Also it's my bestfriend's birthday kaya pagbigyan mo na ako."

"Okay, basta hindi ako iinom." Ano pa nga bang magagawa ko eh andito na kami.

"Yes! Thank you babe!"

Pagpasok namin sa loob ng bar, sobrang ingay! Punong puno na ito. Ang daming mga ka-edad namin na puro mga lasing na at sumasayaw pa na parang wala na sa katinuan. Ang lalaswa na ng mga galawan nila.

Dumerecho kami sa isang VIP room. Andun na pala nag mga kaibigan niya at ang birthday boy na si Roi.

"Hey bruh! Hi Sarah!" Pagsalubong ni Harry, ang pinaka maingay sa kanila.

Jason: Bruh! Happy birthday Roi!

Roi: Thank you bruh!

Sarah: Happy birthday Roi!

Roi: Thank you Sarah!

Umupo na kami at sinumulan na nila ang pag-inom. Nasa harap namin ni Jason si Roi ang girlfriend niyang si Mary Lite. Sa left side ko si Jason at sa right side ko naman sina Selena (GF ni Justin), Justin, Harry, Shawn at si Camila (GF ni Shawn).
Nagkwentuhan lang sila habang umiinom, medyo na o-OP na ako.

Dahil sa pagka-OP ko nilibot ko nalang ng tingin ang buon kwarto. Medyo weird pala talaga ang mga VIP rooms. Ang dim ng ilaw, halos wala ka na ngang makita eh bukod sa konting ilaw. Napansin ko din na bukod sa pinto ng kwarto na'to papasok at palabas, may dalawa pang pinto. Siguro yung isa CR yun, pero ano yung isa? Hayy! Bahala na nga kung ano yun! Sa pag-ikot ng paningin ko, may napansin ako kina Roi at girlfriend niya sa harap namin. Nasa likod lagi ni Mary Lite yung left hand ni Roi. Nung una akala ko sa bewang lang siya nakahawak pero masyado naman yatang mababa yung k**ay ni Roi. Hanggang sa napagtanto ko na finifinger pala ni Roi si Mary Lite. Gosh! Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nagulat nalang ako nang tanongin ako ni Jason.

"Babe, are you okay?"

"Ah oo, hehe yes babe." Awkward kong sagot. Hindi namalayang lumabas pala si Harry at bunalik na ito. May dalang baso si Harry na parang orange juice ang laman, kulay orange eh.

"Sarah for you, special order 'yan ni Jase (Jason) para sa'yo. 'Di ka daw kasi umiinom ng may alcohol eh. Orange juice 'yan!" Paliwanag ni Harry.

"Thank you!" Ininom ko ang juice kauhaw din kayang ma-OP.

Patuloy lang ang kwentuhan at medyo na hype ako kaya nakisali na ako sa mga kwento nila. Maya maya pa ay bigla akong nakaramdam ng hilo, medyo lumalabo ang mga mata ko at parang inaantok na ako. Napakapit nalang ako sa braso ni Jason at sumandal ako sa kanya.

"Babe? Bakit? Babe okay ka lang?" Pag-aalalang tanong ni Jason. Hindi na ako makasagot dahil hilong hilo na ako at...

//////////////

Pagkamulat ko ng aking mga mata...

"Jason?!"

Laking gulat ko na katabi ko si Jason ngayon. Magkatabi kaming natulog?! Nagising narin siya at tila gulat na gulat din. Akma sana akong tatayo kaso nakaramdam ako ng sakit sa ibabang parte ng katawan ko. Shet! Naiiyak na tumingin ako kay Jason at sinampal ko ang hinayupak.

"Ouch, Sarah wala akong... paano? Sarah maniwala ka sa'kin, hindi ko talaga alam..."

Dali-dali akong tumayo kahit medyo masakit parin. Umiiyak akong nagbihis at lumabas sa kwarto. Nasa bar pa pala kami at kwarto pala ang isang pintong iyon. Wala na ang mga barkada ni Jason. Sumakay ako ng taxi at derecho uwi.

'Paano niya nagawa sa akin ito?! Ikakasal na kami pero nagawa niya paring pagsamantalahan ako! Pinlano niya yun! Hayop ka!'

"Anak?! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Pag-aalalang tanong ni daddy. Sa buong buhay ko ngayon niya lang yun natanong.

"Dad si Jason po..." Hindi ko na natapos at 'di ko na napigilang humagulgul sa harap na ama ko.

"Hayop!!! Hindi na siya nakapagpigil! Hindi na siya nakapaghintay sa kasal niyo at pinagsamantalahan ka talaga! Hayop kang Jason ka! Papatayin kitang baliw ka!" Natakot ako sa sigaw ni daddy pero nawala agad yun nang yakapin niya ako. My dad still cares for me...

~~~~~~~~

Sobrang saya ko na mas pinapahalagahan na ako ni dad ngayon kesa sa business niya. Hindi na sana itutuloy yung kasal dahil sa galit ni daddy kaso...

"Okay lang ba anak?" Tanong ni manang Lita. Nandito ako ngayon sa kusina para uminom ng tubig para akong nanghihina eh.

"Manang nahihilo po ako eh." Sabi ko. Kahapon pa ako ganito, hindi ko alam kung bakit.

"Mmpp... bwuahh..." Pangalawang duwal kona to mula kahapon. Chineck ni manang Lita ang noo ko at leeg, pati pulso ko.

"Bakit po manang?" Pagtataka kong tanong.

"Naku anak, ika'y nagdadalang tao..." Pati si manang nagulat din sa kanyang natuklasan. Natulala nalang ako at naluha.

Nang malaman ni daddy na buntis ako, agad niya akong dinala sa ospital para ipa check kung totoo ba. Confirmed! Buntis nga ako.

===============

Ikinasal kaya si Mamu Sarah at Jason? Naku Mommy Tanch! Aye paalala ko lang po, fanfic lang po ito. Yung story po imagination ko lang po. Sorry not sorry, wabyu!😘

(By: )

01/07/2020

TEAM TARAH FANFIC

Mamu


Sarah: Yes, hello?

Caller: *Modulate voice* We need you...

Nakilala niya agad ang boses.

Sarah: Jason?! Bakit anong nangyari?

Kinakabahan na siya.

Jason: *Crying* Si Zabrina...

Sarah: Bakit? Anong nanyari kay Zabby?!

Maluha-luhang tanong niya. Marami na ang dagang nagtatakbuhan sa kanyang dibdib. Hininto niya ang sasakyan dahil namumuo na ang luha sa kanyang mata sa pag aalala.

Jason: Nandito kami ngayon sa hospital, may dengue ang anak natin...

Hindi na niya nagawang magsalita pa at tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha.

Jason: Don't just cry there, please come here. Hinahanap kana ng anak mo.

Sarah: *Still crying* Okay I'll be there, i-text mo sa'kin kung saang hospital.

Jason: Okay...

Sarah's thought: 'Gosh! Paano to? Kailangan kong puntahan ang anak ko! Paano yung shooting? Tatawagan ko nalang siguro si Ms. Cora. Pano ka Lablab? *tingin kay Tanch at humagulgul* I'm sorry Lablab, sorry dahil 'di ko sinabi sa'yo na may anak din ako... I'm really sorry...

Natanggap na niya ang text ni Jason, nasa Makati Medical Hospital sila. Patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha. Napasandal nalang siya sa upuan at napapikit. Hindi napansin na nagising na si Tanch.

Tanch: Lablab saan na tayo? *umayos ng upo, tumingin kay Sarah* Lablab? Umiiyak ka ba? Bakit anong nangyari?

Agad naman niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tumingin ng deretcho sa mata ni Tanch.

Sarah: Lablab I'm sorry... I am so sorry...

Napahagulgul ulit siya.

Tanch: Bakit? Anong nangyari? Ba't ka nagso-sorry?

Natataranta at nagugulohan na siya. Bakit nagso-sorry ang minamahal niya?

Sarah: Lablab , may anak na din ako...

Deretcho ngunit mahinahon na pag amin ni Sarah.

Hindi agad nakasagot si Tanch. Natulala ito sa gulat. Hindi niya alam kung ano magiging reaksyon niya. Hinawakan na lamang niya ang pisngi ni Sarah at tinitigan ito, mata sa mata.

Tanch: For real? Paano? Teka? Ba't ngayon mo lang sinabi?

Sarah: I'm so sorry lablab, natakot kasi ako. Natakot ako na baka hindi mo matanggap, baka iiwan mo ako kapag nalaman mo...

With that, Tanch hugged her. Umiiyak na rin ito.

Tanch: Lablab naman eh! Nukaba?! Bakit naman kita iiwan?

Tanch pulled out the hug and stared at Sarah.

"Lablab, tinanggap mo ako noong nalaman mo na may anak na ako. Nanggaling pa 'yon sa ibang tao ha? Hindi mo ako iniwan, bagkus ay naramdaman kong minahal mo pa ako lalo ng walang pag-aalinlangan. Ngayon na ako naman ang nasa sitwasyon mo dait, bakit naman kita tatalikuran? Dahil lang ba sa nakaraan mo? Lablab, wala akong paki-alam kung ano pa man ang nangyari sa past mo. Kaya please, 'wag ka nang matakot. I love you at hindi 'yon magbabago, kahit ano pa ang nakaraan mo, kahit sampu pa ang anak mo. Pangako, hinding hindi kita iiwan kahit kailan. Mahal na mahal kita."

Tanch said with full of love and sincerity.

Sarah: Pero tinago ko pa rin sa'yo. Nangako tayo sa isa't isa 'di ba? Na hindi na tayo maglilihim sa isa't isa kailanman...

Tanch: I know... but still. At least nanggaling 'yan mismo sa bibig mo. Thank you dahil ikaw mismo ang nagsabi at hindi mo pinatagal. Parang 'di ka naman takot eh, nasabi mo agad. You're so brave mylove!

Pero Lablab saan na tayo? Bakit ka huminto?

Sarah: Ahh kasi Lablab... kailangan natin pumunta sa hospital...

Tanch: Bakit? Sinong nasa hospital?

Sarah: Si Zabrina, may dengue siya...

Tanch: Ano?! TaRah na! Puntahan na natin...

Ang ganda ng name niya! Siguro kasing ganda mo rin siya Lablab.

Sarah: *Started driving* Napaka understanding talaga ng Lablab ko! Thank you Lablab ah?! Thank you talaga! Yeah, nagmana siya sa'kin.

Hinawakan ni Tanch ang kanyang k**ay at hinimas himas ito.

Tanch: Of course, I love you Lablab!

Sarah: I love you too!

Hinalikan ni Sarah ang kaliwang k**ay ni Tanch.

Tanch: Ilang taon na siya Lablab? Ano buong pangalan niya?

Sarah: Parehas sila ni Davi lablab, 3 years old na din siya. Her name is Zabrina Jaime Garcia Abalos.

Tanch: Ang ganda ng name! Teka lablab na dengue kamo siya?

Sarah: Yes lablab at hindi ko pa rin alam kung ano ang lagay niya ngayon. Ang sabi lang ng daddy niya, nasa hospital sila ngayon at may dengue nga si Zabby.

Tanch: Sana naman okay lang siya.

Sarah: Sana nga...

RING RING RING

Sarah: Jason?

Jason: Nasaan kana ba? Sabi ng doktor kailangan daw niyang masalinan ng dugo!

Sarah: Ano?! Teka? Bakit?! Paano?!

Tanch: Bakit Lablab?

Jason: Bilisan mo nalang!

May itatanong pa sana siya kaso binabaan siya agad ni Jason. Lalo pa niyang binilisan ang pagda-drive.

Tanch: Lablab please calm down, yung speed limit. Everything's gonna be okay, magiging okay si Zabrina. Be strong lang Lablab. Let's just hope and pray. And andito lang ako para sa'yo.

Medyo natatarantang sabi ni Tanch.

(Himala! Kalmado ka ngayon Tanch ah?)

'Huwag ka nga maingay author! Natataranta na nga yung tao eh bibiruin mo pa!'

(Eyy chill, okay sorry.)

Sarah: Sorry lablab, natataranta lang talaga ako eh. Nag-aalala ako sa anak ko.

Tanch: It's okay lablab, maski ako man ay nag-aalala rin para kay Zabrina...

Lablab, pwede mag tanong?

Sarah: Ano yun lablab?

Tanch: Yung daddy ba ni Zabrina ay si Jason Abalos? Sabi mo kasi Zabrina Jaime Garcia Abalos ang buong pangalan ni Zabrina. So it means Abalos ang apilyedo ng daddy niya? Jason Abalos? Yung artista?

Sarah: Siya nga Lablab...

=================

Magfa-flashback tayo sa past ni Mamu Sarah next chapter. Medyo mahaba haba ang biyahe eh. Stay safe ebrewan!

(By: )

25/06/2020

TEAM TARAH FANFIC

The Call

RING RING RING

Sarah: Sino 'yan Lablab?

Hindi sumagot si Tanch sa tanong niya at agad binaba ang cellphone nito. Hindi niya nakita ang caller name dahil nagbabasa siya ng script.

Tanch blocked the number.

Sarah: Bakit Lablab? Sino 'yun?

Tanch: *nauutal* Ahh wala Lalab ano lang... baka wrong number lang...

'May tiwala siya sa girlfriend niya pero kilala niya na siya. Sobrang transparent ng mukha nito. Makikita mo agad kung ano ang emosyon nito base sa mga expressions ng mukha niya. Mula noong nalaman niyang may anak na ito, sabi nito wala na daw siyang tinatago sa kanya at nangako sila sa isa't isa na hindi na magtatago ng sekreto kailanman.'

Sa pag-iisip ng kung anu ano, hindi niya alam na natutulala na pala siya.

Tanch: Lablab? Lablab?! SARAH!!!!

Napabalikwas sa gulat si Sarah sa sigaw ni Tanch.

Sarah: Ano?! Ha?! Ano?! Teka?! Sino?! Anyare?! Ano?! Ba't ka sumigaw?!

Hindi na tuloy malaman ni Sarah kung anong gagawin hahahah. Mixed emotions tuloy. Tawang tawa si Tanch sa reaction ng minamahal.

Tanch: HAHAHAHAHAHA!!!
Teka! Hahahah chill Sarah hahahha natulala ka kasi bigla! Aray! Aray naman!

Hinampas ng hinampas ni Sarah ang braso ni Tanch sa inis nito.

Sarah: Aayyyy! Loka-loka ka talaga eh 'no?!

Tumigil ito sa paghampas kay Tanch at nagbasa ulit ng script. Kunwari pa itong nagtatampo.

Tanch: Ay, nagtatampuhan-tampuhan ang Lablab ko.

Sarah: .... .... ....

Niyakap niya ito mula sa gilid at binulungan.

Tanch: Sorry na Lablab, please?!

Sarah: .... .... ....

Tanch: Bawi nalang ako mamaya...

Nanlaki ang mga mata at agad siyang napalingon kay Tanch dahil sa binulong nito. Kumunot ang noo niya at tinitigan si Tanch. Ngumiti lang ito ng maloko at tumataas taas pa ang kilay na may kasamang kindat.

"Haist!" Iyon nalang ang nasabi niya at bumalik sa pagbabasa.

RING RING RING
Unknown
09*********

Sinagot ito ni Tanch para malaman kung sino at baka mahalaga ito.

Tanch: Hello?

Caller: *Deep voice* How are you Tanchellie?

Tanch: Who's this? How did you know my name and number?

Halata sa mukha ni niya na nagtataka at kinakabahan. Kunot noo namang tumingin si Sarah sa kanya.

Caller: Don't you remember my voice?

Pilit niyang inaalala na ang boses na naririnig.

Tanch: D?

Caller: Yes hon!

Binaba agad ni niya agad ang tawag.

Sarah: Sino si D Lablab?

Tanch: Siya yung daddy ni Davi...

Sarah: Bakit daw?

Tanch: Ewan ko... hindi ko alam... binaba ko agad eh. Ayoko na siya makausap.

Sarah: Bakit? Baka nami-miss lang si Davi?

Tanch: Lablab okay lang sa'yo na may connection pa kami?

Sarah: Lablab it's for Davi naman eh. Okay lang tsaka ayoko ding lumaki si Davi na walang kinikilalang ama.

Tanch: Grabe ka talaga. Lablab, I'm so blessed to have you!

"Excuse me po... Ms. Sarah kayo na po in 5 minutes." Biglang sulpot ng isa sa mga crew.

Sarah: Okay po... thank you.

Tanch: Good luck Lablab! I love you!

Sarah: Tanch (thank) you Lablab! I love you too!

||||||||||

After Sarah's scene. They are on the way to their next location (Batangas). Si Sarah ang nagda-drive, nakasandal si Tanch sa balikat niya at natutulog.

RING RING RING
Unknown
09*********

Habang nagda-drive, may biglang tumawag sa kanya. Nagdalawang isip siya na sagutin hindi lang dahil nagmamaneho siya kundi ay hindi niya ito kilala.

Sarah: Yes, hello?

Caller: *Modulate voice* We need you...

=================

Who's the caller?!?? Sorry so lame hehe... ito na! We're almost there!

(By: )

21/06/2020

Happy 1k reads TEAM TARAH FANFIC!

16/06/2020

TEAM TARAH FANFIC

First Shoot

*Love Exchange/first shooting day*

D. Carlo: Good morning guyz! So, I guess nandito na lahat noh? By the way I am direk Carlo Cannu, assistant director for Love Exnchange. Sa mga newbies here, ako ang maga-assist sa inyo every scene na ite-take natin okay? Lalo na sa mga bida natin haha. So ayun lang guyz, mabibigat actually 'yung mga mauunang scenes but I'm sure you're gonna slay it! Let's make it SAVAGE! Okay I don't play ML hahah!

Natawa naman lahat ng casts at mga crew, lalo na si Tanch. Napatingin sila lahat sakanya haha. Sarah whispered her name na pinipigilang tumawa ng malakas at nanlaki pa ang mata.

Tanch: Sorry hehe. Nagpeace sign pa eh. They have 30 minutes to prepare.

Their first scene ay sa isang conference room. Ang eksena ay magpe-present si Sarah/Vina ng ginawa niyang project para sa building ng isang high-end business man. Hindi pa naman final ito at pagpipilian pa sila and bibigyan ng isang buwan for the final presentation.

5...4...3...2... and...Action!

𝓐𝓯𝓽𝓮𝓻 𝓽𝓱𝓮 𝓹𝓻𝓮𝓼𝓮𝓷𝓽𝓪𝓽𝓲𝓸𝓷

Theo (Jake Cuenca): Miss (Vina) Sepulvida I think you should listen to your group para mas madagdagan pa ng colors yung design mo. I mean, as a project manager/leader you also need to know the opinions of the other members pf your group. Para narin mas magiging malawak ang capabiliy niyo to create a wonderful creation. I think may kulang kasi sa design, although ito ang mas approve kesa sa ibang group.

Sobrang kabado si Vina. Samantalang chill at tine-test naman siya ni Theo kung hanggang saan ang kakayanan nito para sa trabaho.

Vina (Sarah): Yes sir, thank you po sa advice.

Mr. Herrero (board member): Mr. Grevour's right! And I also think that you need a partner for this project. What I mean is that, you need other group to be partner with.

Theo: Oh ako na bahala dun! Ang mahalaga ay ang client natin. This client is a big catch! So you better do your best Miss Sepulvida. We're counting on you!

Vina: Yes sir, I promise to do my best!

Puno ng pangamba at pag-asang lumabas si Vina ng conference room. Naglakad siya papuntang elevator. Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto nito. At lalo siyang nagulat nang may nakita siyang babae. Isang maganda, matangkad at parang medyo ma-attitude na babae. Nagtama ang kanilang mga mata. Natulala siya ng ilang segundo. Para siyang nalulunod sa mga titig ng babaeng nasa harapan niya. Sa sobrang pagkalunod hindi na nito namalayan na nasa harap niya na pala mismo ang babaeng nakatitig din sa kanya. Palapit na palapit ang mukha ng babae. Hindi parin siya nakagalaw na para na siyang bato. Bumalik lang ang senses niya nang napansin niyang tumititig ang kaharap niya sa lips niya at biglang nagsalita.

- Excuse me miss?

Magkalapit padin ang mga mukha nila kaya amoy na amoy ang hininga ng isa't isa.

- Ahh yes?

- Are you okay?

- Ahh... Yes I'm... okay hehe.

Huminga ng malalim ang magandang binibini sa kanyang harapan. 'She maybe felt relief'.

- Is that so? You look pale kasi.

- Ahh... Hindi lang nakapag lipstick.

Muli itong huminga ng malalim.

- Okay so, I'll go na.

- Okay...

Awkward

Agad itong umalis. Sa isip ni Vina "Teka 'yun lang? 'Di bale na! Pero ang ganda niya... Sino kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita dito ah?! Bakit kaya siya nandito? Baka bagong empleyado?"

Sa kakaisip niya ng kung anu ano, hindi niya napansin na sumara na pala ang elevator. Napabuntong hininga nalang siya. At pinindot ang down button ng elevator. Hanggang makarating siya sa loob ng office niya, 'yung babae padin ang nasa isip niya. Hindi man lang niya alam kung bakit. 'Okay Vina focus on your work! Mas mahalaga ito kaysa sa babaeng 'yun!' Sabi niya sa sarili.

And CUT!

D. Jeff: Great job guys! Wow! I expected a lot from you Sarah and Tanch, but then you gave me more than a lot! Although first scene niyo palang 'yun. Also I love your chemistry kayong tatlo ni Jake, what more kung papasok na si Glaiza!?

Sarah: Thank you po direk!

Ang susunod na scene ng TaRah ay 20 minutes pa. Sina Jake, Glaiza at Sheena muna ang kasalukuyang kinukunan. Kaya nagpahinga muna ang magkasintahan at nagbasa muna ng script with a little bit of LANDIAN.

Standby Area

Nagbulungan ulit ang ating mahal na mga bida. Magkatabi sila ng upuan at nakasandal ang ulo ni Sarah sa balikat ni Tanch habang nagbabasa ng scroipt. Hindi naman siguro sila magdududa dahil ang alam lang nila na "bestfriends kami".

Tanch: Lablab ang galing mo. I'm so proud of you.

Sarah: Lablab grabe ka makatitig kanina ha?! Parang gusto mo na ako kainin dun eh! Ang galing mo din, na carried away ako agad.

Tanch: Hahah! Totoo namang gusto talaga kitang kainin kanina eh. Buti nalang nakapagpigil ako hahah. RAWR! *acted like a lion*.

Nagtawanan ang dalawa.

Sarah: Hahahha kaya pala!

RING RING RING

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

A/N: Medyo sabaw 'tong chapter na ito! Sorry guys ngayon lang nakapag update, sabaw pa hehe! Baka epekto ito ng kagat ng pashnea eh! (Shawrawt sa mga Encantadiks!)

AVISALA ESHMA!❤️
E CORREI DIU!💝💕

Happy 1 million LOFA!😍
Congratulations TEAM TARAH!!!!!🎉

(By: )

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team TaRah Wattpad Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share