16/01/2023
Billionaire's Disguise
Written by: Miss Dayne
https://youtu.be/Ldglwa_OmJQ
Sabi nga nila ang tunay na pag ibig ay hindi tumitingin sa mukha, edad, talino at lalong lalo na sa estado sa buhay. Dahil ang tunay na pagmamahal ay yung minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahil.
Madalas ang mga tao ay mapanghusga sa nakikita nila. Pero hindi ba mas maganda na mahal tayo ng iba sa kung ano talaga tayo. Maging kaaya aya man ang iyong itsura o hindi
Ito ay base sa kwento ng binata na itago natin sa pangalang Carlos o mas kilala bilang kokoy. Siya ay nagpanggap na simpleng trabahador para mahanap ng tunay na pagmamahal. Matatagpuan niya kayo ito o mabibigo lang siya? Alamin natin sa kwentong ito
"Magandang umaga, kokoy nga pala miss" saad nito sa dalaga. "Ah elize nga pala" sagot naman ng dalaga.
"Bago ka dito ano? Ngayon lang kita nakita dito e" saad ni kokoy. "Oo e, kakaendo ko lang kase sa dati Kong trabaho jan lang din sa factory sa kabila" sagot ni elize.
"Sabi kona e, ngayon lang kase may magandang dilag dito akong nakita" sagot ni kokoy."
naks namang pambobola yan! Nadinig kona yan sa kabilang factory e haha!" natatawang sagot ni elize.
"Grabe naman pala si elize kakabanat ko pa lang ekis na agad e" saad ni kokoy.
"Naku magtrabaho na nga tayo baka mamaya matanggal pa ako kakausap natin nasa trabaho kaya tayo" sagot ni elize.
Isang pabrika ng mga inumin naman ang pinagtatrabahuhan ni elize ngayon kasama si kokoy na kakakilala niya pa lang sa unang araw niya ngayon. .
Masipag at mabait na bata si elize wala pa din siyang nagiging nobyo dahil ma's inuuna niya ang kanyang pamilya kesa sa kanyang sarili habang si kokoy naman ay mayaman ngunit ma's gusto niyang magtrabaho kahit anong uri pa ng trabaho. . Masinop at wais na tao si kokoy bawat sentimo ng kanyang pera talagang Hindi niya basta basta lamang ginagastos. .
"Oh tara sabay kana samin kumain" yaya naman ni kokoy kay elize.
"Sige mag out lang ako" sagot nito. "Tara order na tayo" saad ni elize.
Nagsisimula na nga silang kumain habang nagkekwentuhan. "Oo nga pala San ka pala niyan umuuwe?" tanong ni kokoy.
"Ah may inuupahan ako dito din naman malapit sa factory, ikaw ba?" sagot ni elize.
Kokoy: "Ah may maliit ako na bahay jan malapit sa kanto dating bahay nila Tita ko e ako muna pinatira para may bantay"
Elize: "Aba buti kapa hindi ka umuupa, dito sa manila napakamahal
Kokoy: "Naku oo sinabi mo pa, e wala ka pa bang asawat anak na binubuhay kase yung kita sa factory medyo mababa talaga"
Elize: Lah grabe ka kokoy . Hoyyy mukha na ba akong may anak, grabe ka naman sakin ah, wala pa nga ako ni isang nagiging nobyo ma's inuuna ko ang pamilya ko palage lalo na matatanda na ang magulang ko"
Kokoy: "Talaga elize no boyfriend since birth ka pala, aba maganda yan unahin ang pamilya, pero maganda ka naman Edi marami na din ang nagtangka sayo na ligawan ka?" saad pa ni kokoy.
Elize: "Marami na din naman kaya lang hindi pa ako handa e baka kase mamaya kapag nabuntis ako naku iwanan ako ayoko nga . mahirap na nga ako hahanap pa ba ako ng sakit ng ulo ko" natatawang sagot ni elize.
"Saka oo nga pala ikaw kalalaki mong tao napakadaldal mo, ayan napakarami ko ng nasabi sayo tungkol sa buhay ko ah, e ikaw ba wala kapang anak o asawa?" tanong naman ni elize.
Kokoy: "Wala pa din, may nobya ako noon kaya lang di kami nagwork nakahanap siya ng iba at mayaman pa pinalit sakin, dito ko lang din nakilala sa maynila na"
"Ah Edi lonely ka din pala haha, e ang pamilya mo mga magulang mo nasaan sila?" Tanong pa ni elize.
Kokoy: "Nasa probinsiya sila okay naman sila dun hindi ko kailangang ipadala ang sahod ko, gusto ko kase magtrabaho saka sobrang tipid ko. "Naku maganda na din yung matipid saka independent ka naman pala"saad ni elize.
Pagkatapos nilang kumain ay kanya kanya na silang bumalik sa trabaho. Hindi naman naging mahirap kay elize ang trabaho dahil mabilis naman niyang natutunan ang Gawain. .
Umuwe na nga si kokoy, nagpalit lang ng damit pagkatapos ay naupo sa sala at nanuod muna ng TV sabay pakulo na din ng isang noodles bilang kanyang hapunan. . Sa maynila naging madali lang ang buhay ni kokoy, sarili na lamang niya talaga ang iniisip niya. Palaging sawi sa pagibig si kokoy kaya napag isipan niyang magpanggap na mahirappara makita ang totoong pagmamahal
Kinabukasan nga ay masayang pumasok sa trabaho si elize dahil kahit papano ay may kasundo na siya sa trabaho ito nga ay si kokoy. .
"Good morning kokoy" bati ni elize sa kararating lamang na lalaki
"Good morning din aga mo ata ah" \ .
Elize: "Naku kokoy maaga nga ako nagising e kahirap na ulit bumalik sa tulog" saad pa ni elize.
Kokoy: "Ano yang dala mo elize?" .
"Ah nagbaon na lang ako ng pagkain para makatipid pa ako, marami yung ulam kanin na lang bilhin mo mamaya sa lunch" . "Adobong manok na may coke to ayoko kase ng ketsup kaya soft drinks ang inilalagay ko"
Kokoy: "Paborito ko ang adobo alam moba elize, pero diko pa natitikman ang may coke, let's see mamaya"
Si elize ay talagang masarap magluto pangarap niya din noon ang makapag tayo ng isang restaurant talagang mahilig siyang magluto. Hanggang highschool lang din kase ang natapos ni elize kumpara kay kokoy na graduate ng kolehiyo. Pumasok na sa loob ang dalawa kanya kanya na sila pagpasok sa loob dahil may kanya kanya ng nakaatang na trabaho sa kanila mamaya ng tanghali ang out nila para sa lunch break. .
Mabilis na naging close ang dalawa at laging nag aasaran
"Naku baka mainlove ako niyan sayo, paulit ulit ka sa pagsasabi ng ganyan" birong sagot naman ni elize.
"E ano naman? Edi mainlove ka "sagot ni kokoy habang nakatingin sa dalaga habang nagsasalita.
"siraulo ka talaga e, Dalian Mona nga at magtitime na pala baka malate pa tayo" dagdag ng dalaga
Mabilis na lumipas ang ilang buwan na halos sila palagi ang magkasama sa lahat ng bagay kayat hindi nila pareho maipagkakailang nagkaka gustuhan na sila sa isat-isa.
"Elize may sasabihin ako" saad ni kokoy.
Elize: "Oh ano ba iyun parang napaka seryoso mo naman ngayon" .
Dagdag ni KOkoy - "gusto ko ng kape. Yung makapeling ka?
Elize: ang corny mo kokoy. Tska narinig ko na yan eh. .
Kokoy: eh ito key board ka ba? . . Kasi type kita.
Medyo namula naman si Elize sabay sabing - tigilan mo na nga yan koy. Baka mamaya eh ma…. masapak kita….
Biglang hinawakan ni Kokoy ang kamay ng dalaga sabay sabing - ito seryoso na. Alam mo ba Sa tagal nating magkasama unti unti kitang nakilala at ngayon mahal na kita"
Elize: hoy koy ano na namana ba yang joke mo na yan. Akala ko ba titigil ka na
Kokoy: seryoso nga ako elize. Bakit ba sa tingin mo eh palagi na lang akong nagbibiro. Ano ba dapat gawin ko para seryosohin mo. Gusto mo bang magtatambling tambling pa ako dito
Elize: huminga ng malalim si Elize - sige kung seryoso ka talaga- "Alam mo kokoy sinungaling ako kung idedeny ko na mahal din kita, pansin mo naman iyun nung Una pa lang, ako na ang nag first move pumunta sa bahay mo, pinagluluto ka, Hindi ka naman mahirap mahalin kokoy" .
Tugon ng binata: "Kung ganon, pareho tayo ng nararamdaman, pano ba yan Edi tayo na Simula ngayon?" saad ni kokoy.
Elize: "Oo pwede naman bakit ba patatagalin pa natin e dun din naman ang punta ng lahat ng ito"
Yes sigaw ni Kokoy - "Mahal na mahal kita elize sana hindi ka magbago manatili kang genyan" saad ni kokoy na naiiyak na din……….
Channel:Saim...