She can mom

She can mom Sleep deprived but happy mom 👧🏻🧒🏻👦🏻

Pero mii, sa kabila ng lahat, malakas ka at fighting araw-araw!
11/07/2024

Pero mii, sa kabila ng lahat, malakas ka at fighting araw-araw!

Maging Nanay - Eto ung nakaka puyat at nakaka-ubos lakas pero fulfilling!
03/07/2024

Maging Nanay - Eto ung nakaka puyat at nakaka-ubos lakas pero fulfilling!

Pray and trust the process
27/06/2024

Pray and trust the process

26/06/2024
Minsan kasi hirap tayo ma-disappoint ang iba, kasi baka may masabi sila.Pero ang isipin mo nalang, sa busy nating mga na...
25/06/2024

Minsan kasi hirap tayo ma-disappoint ang iba, kasi baka may masabi sila.

Pero ang isipin mo nalang, sa busy nating mga nanay, mahalaga na maibigay natin ung oras natin sa mas dapat natin “priority” tulad ng oras sa mga anak natin at time para sa self care.

Isa sa mga dahilan to ng feeling burn out nating mga mommies, yung natatakot tayo na sabihin ang feelings natin..Dahil s...
24/06/2024

Isa sa mga dahilan to ng feeling burn out nating mga mommies, yung natatakot tayo na sabihin ang feelings natin..

Dahil sa fear na ma-judge or fear na hindi tayo maintindihan ng mga kasama natin sa bahay..

Pero mii, minsan ba napapansin mo yung parang ang bilis mong mainis? Or parang ang sarap sumigaw?

Yun kasi ung mga tinatago natin na emosyon.

Kaya mahalaga na meron tayo outlet ng ating feelings, at yung minsan makarelax tayo.

Kung feeling mo hindi ka maiintindihan ng mga nakapaligid sayo, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para ma-prioritize ang sarili mo..

Mga eksena tuwing ga-gala ang pamilya or may event na pupuntahan..Ang nanay, mag-aayos ng gamit para sa buong pamilya ya...
20/06/2024

Mga eksena tuwing ga-gala ang pamilya or may event na pupuntahan..

Ang nanay, mag-aayos ng gamit para sa buong pamilya yan at tatapusin muna lahat ng aasikasuhin bago mag-aayos ng sarili.

kaya parang sya ang laging hinihintay matapos pero sa totoo lang, nahuli kasi sya mag-ayos ng para sakanya.

Walang perfect na magulang, tulad hindi rin naman tayo naging perfect na anak..Pero sigurado mahal na mahal natin ang ba...
19/06/2024

Walang perfect na magulang, tulad hindi rin naman tayo naging perfect na anak..

Pero sigurado mahal na mahal natin ang bawat isa, at the best life lang ang gusto natin para sa pamilya natin!

Kasi mas gusto natin na tayo nalang ang mahirapan kaysa ang mga anak natin 💕
17/06/2024

Kasi mas gusto natin na tayo nalang ang mahirapan kaysa ang mga anak natin 💕

Minsan ba naiisip mo din "anong klaseng nanay kaya ang tingin sakin ng anak ko?lalo na sa mga working mom, na gi-guilty ...
12/06/2024

Minsan ba naiisip mo din "anong klaseng nanay kaya ang tingin sakin ng anak ko?

lalo na sa mga working mom, na gi-guilty na baka hindi mo naibibigay lahat sa anak mo lalo na ang atensyon na kailangan nila.

WE CAN'T HAVE A PERFECT LIFE, NGA DAW, BUT WE CAN HAVE THE LIFE WE WANT.

Kaya naman sa bawat hardships, lahat tayo binibigay ang best para sa magandang buhay ng anak natin.

Sa ngayon siguro, marami pang tanong ang mga anak natin tulad ng :

“mommy bakit wala ka?”
“bakit sa gabi ka nag-wowork”
“bakit may work ka, eh holiday ngayon?”

Pero in the future maiiintihan din nila ung mga paliwanag mo, at sa susunod maaalala nila kung paano mo nagawan ng paraan, at diniskartehan ang buhay.

At pag sila naman ang maging magulang, ikaw ang magiging role model nila.

Kaya mommy, iba iba man tayo ng path as nanay, work from home, full time mom, or OFW mom ka naman, iisa lang tayo ng goal, at yun ay mapalaki ng maayos ang ating mga anak, kayang kaya mo yan!

Ang mga mommy, hindi talaga yan nauubusan ng iisipin.. 💯
10/06/2024

Ang mga mommy, hindi talaga yan nauubusan ng iisipin.. 💯

Ang bawat Nanay ay iba-iba..Pero mag-kakaiba man ang paraan natin ng pagiging mommy sa mga anak natin, ang mahalaga ay l...
04/06/2024

Ang bawat Nanay ay iba-iba..

Pero mag-kakaiba man ang paraan natin ng pagiging mommy sa mga anak natin, ang mahalaga ay lumalaki sila ng tama. 💕

Habang nag-luluto ako, naka-ilang balik si bagets to ask “mommy anong chicken yan?”Ilang ulit ko din naman sya sinagot n...
29/05/2024

Habang nag-luluto ako, naka-ilang balik si bagets to ask “mommy anong chicken yan?”

Ilang ulit ko din naman sya sinagot ng “that’s a fried chicken” pero hidi sya kumbinsido.

Kaya nung isang balik nya pa uli para mag-tanong sinagot ko na sya ng that is “MOMMY’s FRIED CHICKEN” then natawa sya at umalis.

Akala yata ng anak ko, si Jollibee, Mcdo, Andok’s at Don C lang may chicken recipe.

Aba’y ako din meron! 😎

Kwentong Recognition day…Tanong ng bagets : “mommy proud ka pa din ba sakin kahit hindi ka makakapunta sa recognition da...
24/05/2024

Kwentong Recognition day…

Tanong ng bagets : “mommy proud ka pa din ba sakin kahit hindi ka makakapunta sa recognition day ko?”

Napatanong sya ng ganyan kasi, napansin nya siguro na few days nalang bago ung recognition day nila pero wala pa sya naririnig na plano namin.

Nung narinig ko na tanong nya yan, hindi ko maintindihan ang feeling. Pano nya kaya naisip yun? Syempre lagi kaming proud sakanya sa lahat ng achievements nya at kung paano sya bilang kuya sa mga kapatid nya.

At syempre may plans naman kami para sa recognition day nya, pero hindi nya pa lang alam.

Ayun pala kasi yun, hindi pala sapat na proud lang ako sakanya pero dapat ALAM NYA, at NARARAMDAMAN NYA.

Narealize ko na ang mga anak natin meron nga din pala silang mga LOVE LANGUAGE..

Tulad ng words of affirmation - eto ung pag sasabi ng loving, at sweet words at pag-acknowledge sa achievements nila.

Quality time - ung no gadget time together natin with the kids.

Physical Touch - yung hug at kisses.

Giving gifts - yung bibigyan sila ng favorite toys or damit na favorite nila ung character design at kulay.

At Acts of service - yung pag-aasikaaso natin sa needs nila.

Minsan talaga akala natin ok na tayo as parents pero ung mga anak natin lagi nila tayo i-reremind na meron pa tayo pwede i-improve 😊

Bakit mahirap maibalik ang self-confidence kapag mommy na tayo?Yung transition kasi from single to motherhood, 360 degre...
22/05/2024

Bakit mahirap maibalik ang self-confidence kapag mommy na tayo?

Yung transition kasi from single to motherhood, 360 degrees na ikot talaga yan eh, tapos biglang ang dami pala kailangan gawin para mag-alaga ng baby.

Ewan ko nga ba, meron nga kayang babae na kaya maging super prepared na maging nanay, para makaiwas sa stress o burn out?

Tapos syempre, gusto natin maibigay ang “the best” para sa pamilya natin, kaya ayun na! Nakakalimutan na natin ang ating sarili..

Kasabihan nga diba “the days are long, the years
short” kaya magugulat ka nalang malalaki na ung mga anak mo habang tayo naipahinga natin ung mga sarili nating childhood dreams at sa tagal ng panahon, parang ang hirap ng mag-simula uli.

Tapos makikita pa natin ung mga dati nating classmate, at kaibigan na “uy successful na sila” lalong nakaka-hina ng loob diba? Eto talaga ung dahilan eh kaya bakit may mga pagkakataon na hindi mo makita or hindi ka makuntento sa sarili mong achievements, dahil nakatingin ka sa buhay ng iba.

Pero mii, walang ibang mag-aangat sa sarili natin kundi tayo din. Minsan ba narealize mo, na ung mga partner / asawa natin ineencourage na tayo, pero nakukuha pa din natin na, mag self doubt at negative self-talk.

Yung tayo pa ang unang una na nag-dodown sa sarili natin?

Sa huli tayo pa din ang mag-dedecide mii, papatalo ba tayo sa lungkot at awa sa sarili or pikit mata nalang natin gagawin at hindi papansinin lahat ng kakulangan natin para maibalik ung dating tayo. Ung babae na laging nag-aayos ng sarili at goal-getter!

Thank you sa daddy namin na nag sponsor, I love you Mahal!At Thank you Silvina’s Cabin Resort & Hotel sa Masarap na pag-...
20/05/2024

Thank you sa daddy namin na nag sponsor, I love you Mahal!

At Thank you Silvina’s Cabin Resort & Hotel sa Masarap na pag-kain, very accomodating at naka-smile na mga staff!

A weekend well spent talaga! Nakaka-happy 🥹

My Life lessons at 32 🗓️ACCEPT. Hindi mo man maabot lahat ng childhood dreams mo before 30, ok lang yan. Accept. At move...
15/05/2024

My Life lessons at 32 🗓️

ACCEPT. Hindi mo man maabot lahat ng childhood dreams mo before 30, ok lang yan. Accept. At move forward tayo, darating din ang oras mo to be successful.

LET GO. Ok lang na hindi mo maplano at macontrol lahat ng situation. Basta ung happiness mo, at stress level mo, hawak mo yan. Wag mo hayaan na nakadepende ang emotions mo sa actions ng ibang tao.

BLESSINGS. True blessings in life ay ung may oras ka para sa sarili mo, sa pamilya, at healthy kayo. Walang pera na tutumbas jan.

PATIENCE. May mga bagay na habang lalo mong minamadali, lalong hindi natutupad. Pag hindi pa para sayo ngayon, baka sa susunod aayon din sayo ang panahon.

Pray hard, at put in the work!

Hindi lang sila nasanay maging malambing sayo mii, pero proud na proud sila na ikaw ang kanilang “mommy”, “nanay”, “mams...
12/05/2024

Hindi lang sila nasanay maging malambing sayo mii, pero proud na proud sila na ikaw ang kanilang “mommy”, “nanay”, “mamski”, “inay”

Proverbs 31:31

“Honer her for all that her hands have done, and let her works being her praise at the city gate”

Naalala mo ba ung minsan sinabi ng anak mo "mommy, tabi tayo matulog""mommy, simba tayo sa sunday"Kadalasan kasi nag oov...
08/05/2024

Naalala mo ba ung minsan sinabi ng anak mo

"mommy, tabi tayo matulog"
"mommy, simba tayo sa sunday"

Kadalasan kasi nag oover think tayo sa pag-papalaki sa mga anak natin, andyan ung positive parenting, gentle parenting at iba pa,

tapos lagi tayo nag-woworry kung effective ba tayong magulang.

pero kung iisipin, sa araw araw ang daming binibigay na suggestions ng mga anak natin kung ano ang mga gusto nila at kailangan nila, tulad nalang ng "mommy hug mo ako?"

kailangan lang natin maging mapag-observe at bigyan ng oras intindihin ung mga sinasabi nila..

easy said than done ito, alam ko lalo pag tayo ay pagod sa trabaho or pagod sa pag-iisp ng raket pa para sa dagdag kita ng pamilya, pero ang mga anak natin hindi naman nila alam kung marami tayong pera o wala, pero ung mga oras na kailangan nila tayo at nasa tabi nila tayo, yun ang naaalala nila.

Maraming bayarin, kaya dapat marami din sipag!
06/05/2024

Maraming bayarin, kaya dapat marami din sipag!

Nung naging nanay ako, unti-unti kong nauunawaan ang mga sagot sa mga "bakit?" ko noon.
24/04/2024

Nung naging nanay ako, unti-unti kong nauunawaan ang mga sagot sa mga "bakit?" ko noon.

18/04/2024

Mabilis na dinner para mamaya!

Ginataan na Hokkaido mackerel!

🪜una binukod ko muna ung sabaw sa isda

🪜Iprito ang isda para may extra flavor at konting crunchiness

🪜I-gisa ang luya, bawang at sibuyas, ang bell pepper (optional)

🪜 ilagay ang sabaw ng Hokkaido mackerel, at gata

🪜pakuluin ng konti at ilagay ang pechay

🪜pag luto na ang pechay, ilagay ang fried mackerel

🪜enjoy the ulam with mainit na kanin!

Para sa mga mommies, na STRONG INDEPENDENT WOMAN, talaga nung single, challenge din ba sainyo ung mag- "submit" sa asawa...
16/04/2024

Para sa mga mommies, na STRONG INDEPENDENT WOMAN, talaga nung single, challenge din ba sainyo ung mag- "submit" sa asawa?

Minsan kasi hindi pa maka-adjust ung sistema natin na, ngayon, ang desisyon hindi nalang mang-ga-galing sa isang tao, kundi collab dapat kayo ng partner mo.

Challenging at first, pero kung yung partner mo naman ay masipag, mapag-kakatiwalaan sa diskarte sa buhay, at alam mong self-less din syang ama at partner, sigurado unti-unti magiging mas maganda at open ang pag-sasama ng mag-asawa, tska mii, Ung dasal, napaka-halaga talaga nyan!


Lagi nating tandaan, mga inay..Pwedeng mag allot ng oras para sa sarili :)
16/04/2024

Lagi nating tandaan, mga inay..

Pwedeng mag allot ng oras para sa sarili :)

'Wag ka mag-alala mamsh, ikaw pa din mag-aalaga sa mga anak mo!paminsan meron kang makukuha na tulong from kamag-anak, o...
10/04/2024

'Wag ka mag-alala mamsh, ikaw pa din mag-aalaga sa mga anak mo!

paminsan meron kang makukuha na tulong from kamag-anak, or pwede ka mag-pasahod ng assistant mo, pero Ikaw pa din yan.

kasi ikaw ang nanay eh.

now mahirap ba yun?

trabaho plus alaga ng bata? ay oo naman.

pero kakayanin ba?

oo din. kasi masasanay ka nalang din, at gagaling ka nalang dumiskarte sa time management.

yun bang, less tulog muna para matulungan si bagets sa assignments nya.

or less ligo time muna para dagdag bonding time naman with hubby or with kids.

at higit sa lahat, yung mga anak mo tuturuan mo din yan maging independent sa bahay, pati si hubby need din tumulong.

Ika nga eh, "team work, makes the dream work"

..nasasabik lang kasi tayong magawa yung mga bagay na dati nating ginagawa. 🥹
03/04/2024

..nasasabik lang kasi tayong magawa yung mga bagay na dati nating ginagawa. 🥹

Walang hangang pasasalamat sayo Lord!
30/03/2024

Walang hangang pasasalamat sayo Lord!

Laging may challenges ang buhay nanay, pero nagiging worth it lahat kapag nakikita natin na masaya at malusog ang mga an...
26/03/2024

Laging may challenges ang buhay nanay, pero nagiging worth it lahat kapag nakikita natin na masaya at malusog ang mga anak natin.

Address


1428

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when She can mom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to She can mom:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share