11/04/2022
PSA PSA PSA!!!!
FAKE NEWS ADVISORY
Walang katotohanan ang kumakalat na Facebook post kung saan humihingi ang Office of the Vice President ng pondo para sa isang programa na makakatulong sa drug rehabilitation. Ang larawang ginamit sa nasabing post ay mula sa isang pagpupulong ni Leni Robredo bilang ICAD co-chair, kasama ang Kalihim ng DILG at iba pang mga opisyal nito, para pag-usapan ang mahalagang papel ng mga LGU sa kampanya laban sa iligal na droga.
Hindi magagawa ng Tanggapan at lalong wala tayong intensyon na gawin ang mga akusasyong nakapaloob sa post na ito. Hinihikayat natin ang lahat na maging mas mapanuri sa mga nababasa sa social media.