17/07/2023
🛑🛑🛑🛑🛑🛑🛑🛑
DISCLAIMER:
Hindi ako avid KAPUSO, KAPAMILYA o KAPATID man, ako'y fan ng magagandang show kahit saan pa yan ipalabas.✨
Sana hindi ito magtunog bashing or what pero kung ganun ang dating sa inyo, okay, wala akong magagawa. Hindi narin uubra yung mga linyang "edi sana ikaw nag-host, sana ikaw nandun, sana ikaw gumawa" dahil bilang manonood na binibentahan ng telebisyon ng programa, dapat lang naman na minsa'y mapakinggan nila tayo.😊
Okay, una sa lahat, tatak GMA talaga na sobrang hyped up ng mga teasers or trailers minsan tapos pag napanood mo na madi-disappoint ka. Frankly speaking, majority naman tgla ng Filipinos ay alam na when it comes to Entertainment ABS-CBN ang number 1 lalo na sa mga game shows, reality shows, at halos sa lahat. So bakit 'di nalang sila kumuha ng inspiration du'n sa mga format? Kasi gusto nila ng bago? Ok.
Kasi gusto nila ng tatak kanila? Tatak Kapuso? Alright. Pero tingin ko, isa sa pinaka-malaking asset tlga ng ABS-CBN ay ang mahuhusay nilang production team kasama na dyan ang mga editors na wala ang GMA Network.🙂
Sa opening plng ng Battle of The Judges, medyo nalungkot nko kasi wlang kwento. Dumire-diretso na kaagad sila sa bakbakan o competition. After mapakilala yung mga judges, konting introduction lng then isasabak na nila. Tapos ang interview sa nag-perform is after performance which is sobrang sablay tlga👎😑swear. Andun na tayo sa laging may gustong patunayan ang GMA siguro para masabing bago at pinag-isipan pero waley tlga e ang format nila. Come-on people! Take it sa mga sikat na Reality/Talent shows like Pilipinas Got Talent, wala man lang fun moments at chikahan ang judges at host? Kasama yan dapat sa opening e. Isa pa, tuwing magbibigay ng comment ang mga hurado PLEASE wag n'yo na muna lagyan ng background music, kasi all throughout the flow may music na eh, wag na sana lagyan pag magsasalita ang mga hurado, yun sana ang moments for fun at banter nila para naman masaya.
We know it's a competition pero mas bumibenta sa madla pag masaya ang napapanood nila. Nakaka-cringe tuloy minsan yung sinasabi nila di tugma sa pa intense na background. Corny po. OA na sa pa-intense, pahinga naman sana tuwing magsasalita sila.
Isa pa, na-dissappoint nako kaagad nung sa page nila, nilabas na nila kaagad yung mga team ng bawat judges. So wala ng curiousity ang audience. Sana sa 1st month ng airing pakira muna sana kung paano ang pinagdaanang audition ng mga kalahok hanggang sa mapili sila. Tapos lahat ng pasok na, yun ang gagawan ng VTR para sa performance nila. Hays, GMA talaga, ang layo nyo pa sa katotohanan na maging number 1 sa Pilipino.
FYI. masyado nang mataas ang standard nmin sa panonood because of ABS-CBN, kung di nyo man malampasan, sana sinundan nyo nlng.
Sa mga angulo ng camera, ayos naman pero knowing GMA napaghahalataang overwhelmed na naman palagi sa stage design, pansin n'yo? Kahit sa AOS? Daming exposure ng stage sa wide shot imbes na focus sa performance. Hahayyy...
Yung gimbal naman saks lang, parang di naman na kailangan sana kasi competition ang kinukunan e, usually steady shots lng ng iba't-ibang angulo ang kailangan makita then crane shot. Kasi yung gimbal nyo minsan sagabal lalo na dun sa mga moments na dapat sanang makita ng maganda.
Konting timing rin sana sa camera switching.
Sayang rin yung moment ni Lexi sa pag-host backstage and off-cam. sana pinapakita rin konti ang fun interactions nila.
Nako GMA, way to go.🤸✨
Number 1 cguro kayo sa reach dahil may franchise kayo, pero honestly, Filipinos really know that ABS-CBN is the real number 1 when it comes to delivering top and world-class shows.
Sa editor, kung may mga episodes pang hindi nai-edit, sana more improvement po.
Salamat at sana pakinggan n'yo rin kaming mga manonood dahil halos lahat ng tao ngayon may mata na sa creatives kaya nakikita namin kung anong pwede pang i-improve.
Maraming salamat sa pagtutok sa mainit na bakbakan, mga Kapuso! 🔥 Ipagpatuloy lamang ang pagsubaybay sa ULTIMATE talent competition ng mga BEST of the BEST!
⭐
| Saturdays | 7:15 PM