Jenmag Online TV

  • Home
  • Jenmag Online TV

Jenmag Online TV Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jenmag Online TV, TV Channel, .

30/05/2022
14/04/2022

BBM MAGTATATAG NG ‘REGISTRY SYSTEM’ PARA SA MGA BAKUNADO SA BAWAT LGU SA BANSA

MAGPAPATAYO si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ng “immunization registry system” sa bawat local government sa bansa para sa mas mabilis na access sa mga rekord sa bakuna ng mga Filipino, matapos manalo sa halalan sa Mayo 9.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang registry system sa bakuna ay para sa mas mabilis na pag-access ng mga kababayan natin sa pamamagitan ng digital platform sa halip na mga pangkaraniwang ID o identification card.

Kasama rin sa naturang sistema ang pagbibigay ng QR (quick response) codes sa bawat Filipino na nabakunahan na pwedeng magamit sa lahat ng establisyemento na kanilang papasukan.

Sinabi ni Marcos na standard bearer din ng Partido Federal ng Pilipinas na ilan lamang ito sa napakaraming programa ng BBM-Sara UniTeam para tutukan ang kalusugan at labanan ang patuloy na banta ng Covid19 upang tuluyan ng makaahon ang bansa mula sa pandemya.

“Our unifying leadership shall provide measures and strategies on how Filipinos can improve their lives and how the Philippine economy can rebound while in the midst of the pandemic and even beyond it,” ani Marcos sa pahayag.

Kapag manalo, sinig**o ni Marcos at kanyang katambal na si Inday Sara Duterte na bibigyan nila ng solusyon ang mga problema sa iba’t ibang sektor na tinamaan ng pandemya tulad ng agrikultura, kuryente, telekomunikasyon, digital infrastructure, kalusugan, MSMEs, tourism, manufacturing, transportasyon at iba pa.

“We shall increase the budget for the country’s healthcare system, increase health workers’ salaries and benefits, add more public hospitals, and boost the country’s medical research capability,” sinabi ni Marcos.

Kamakailan ay inanunsyo rin ni Marcos na plano niyang dagdagan ang bilang ng mga specialty hospital sa bawat rehiyon Katulad ng National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines at Philippine Heart Center.

Kasabay nito, sinabi rin ni Marcos na plano rin niyang palawakin ang tungkulin ng mga rural health unit sa pagbibigay “first-line healthcare services” sa publiko.

MAIMPLUWENSYANG ONE CEBU IBINIGAY ANG SUPORTA KAY BBMHALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal n...
12/04/2022

MAIMPLUWENSYANG ONE CEBU IBINIGAY ANG SUPORTA KAY BBM

HALOS tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa Mayo 9, pormal nang inindorso ng pinakamalaking political party sa Cebu province na One Cebu (1-Cebu) ang kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Martes ng hapon.

"One Cebu Party has the honor of announcing its decision to endorse the presidential bid of former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr," ayon sa opisyal na pahayag ng One Cebu na nilagdaan ng kanilang pangulo na si Cebu Governor Gwendolyn F. Garcia.

Ang pag-endorso ng One-Cebu kay Marcos ay ilang linggo lamang matapos nilang i-endorso si vice presidential frontrunner Inday Sara Duterte nitong Pebrero 16.

Sinasabing ang Cebu ay itinuturing na may pinakamaraming botante o “vote-rich” na probinsya sa bansa na mayroong 3.2 milyong naka-rehistrong botante.

Ayon sa pahayag, ang pag-endorso kay Marcos ay matapos ang ilang linggo deliberasyon sa kanilang mga myembro sa buong probinsya.

"The decision follows weeks of extensive consultation and discussion with provincial, municipal and barangay leaders in the 44 municipalities and 7 cities (including Mandaue City) of the Province of Cebu," ayon sa pahayag ng partido.

Iginiit pa ng One Cebu na sigurado sila na ang pag-suporta sa BBM-Sara UniTeam ay tiyak na makatutulong sa mga Cebuano.

"We considered the differing opinions of party leaders advocating the causes of different presidential candidates, and have determined that the unity and strength of One Cebu, its ability to serve its constituents in the Province of Cebu, and ultimately, the interests of Cebuanos are best served if we unite behind the leadership of BBM as President, and as we have earlier announced, Mayor Sara Duterte as Vice-President," dagdag pa ng pahayag ng One Cebu.

Pormal na isinagawa ang pag-anunsyo sa pag-endorso nila kay Marcos sa kanilang General Assembly sa Sky Hall ng SM Seaside City sa Cebu City.

Naniniwala ang ilang mga eksperto sa pulitika na ang endorsement ng One Cebu ay higit pang nagpalakas sa kandidatura ni BBM na kasalukuyang nangunguna rin sa lahat ng pre-poll surveys ng mga pinakarespetadong mga polling firms sa bansa tulad ng SWS, Pulse Asia , OCTA , Publicus, Laylo Research at marami pang iba.

Naniniwala rin ang maraming political analysts na maliban sa pag-endorso ng pinakamalaking political party sa bansa at patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa lahat ng survey, halos nakatitiyak na ang panalo nito.

Ayon sa inisyal at unofficial na exit polls sa unang araw ng Overseas Absentee Voting, sinasabing landslide ang pagkapanalo ni Marcos sa mga vote-rich na bansa kung saan marami ang Pinoy na nagta-trabaho tulad ng Hongkong, UAE , Qatar at iba pa.

Bago ang One Cebu, nauna nang inindorso ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (BAKUD) ang BBM-Sara UniTeam nitong Enero 2022.

Samar Rep. Ong: Hindi kasalanang suportahan si BBM Nanawagan si Northern Samar second congressional district representat...
08/04/2022

Samar Rep. Ong: Hindi kasalanang suportahan si BBM

Nanawagan si Northern Samar second congressional district representative Cong. Jose ‘Jun’ Ong Jr. sa mga Samarnons na huwag matakot ipahayag ang kanilang pagsuporta para sa BBM-Sara UniTeam, lalo na kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ipinaliwanag ni Ong na hindi kasalanan na suportahan si Marcos at hindi dapat sila matakot at ilihim ang kanilang pagsuporta.

“’Wag niyong itago na sinusuportahan ninyo si BBM, ‘wag kayong matakot na ipakita ito. Dapat maging proud kayo. It is not a sin to support BBM,” sabi ni Ong sa harap ng mga taga-suportang hindi ininda ang ulan sa naganap na rally ng UniTeam sa Catarman, Samar.

“Suportahan natin ng husto sina BBM para sigurado ang panalo nila dito sa Samar at sigurado ang panalo nila sa buong Pilipinas,” dagdag pa niya.

Kahit maputik dahil na rin sa sunod-sunod na pag-ulan, dinagsa pa din ng mga taga-suporta ng UniTeam ang malaking field sa harap ng University of Eastern Philippines Grandstand suot-suot ang kanilang p**a at berdeng T-shirts.

Masaya silang sumasayaw at kumakanta habang pinapatugtog ang Bagong Lipunan at iba pang UniTeam jingle habang hinihintay si BBM.

Itinaas din ng mga taga-suporta ang kanilang mga tarpaulin na may nakasulat na “Pula ang boto” at “Pula ang tunay na kulay ng rosa.”

Hiyawan ang lahat ng i-anunsiyo ng emcee ang pagdating ng UniTeam.

Isang 19-year- old na supporter ang nag-aabang sa harap ng stage upang maibigay ang kanyang mga likha kay Marcos.

Ayon kay Mark Kian Domiquel, na galing Lavizares, Samar, ay ilang oras din niyang ginawa ang sketches ni BBM at Sara upang maibigay sa kanilang dalawa bilang pagpapakita ng kanyang buong-pusong suporta.

“Nung nalaman ko po na pupunta si BBM dito, naisip ko po na para maipakita ko ang malakas na suporta ko sa kanila, bago pa man ang araw ng botohan, gagawa ako ng mga sketches nila. Talagang buong pamilya po namin ay solid supporters nina BBM,” sabi ni Domiquel.

“Naniniwala kami na maganda ang kanilang plataporma kaya talagang mag-i-improve ang Pilipinas ‘pag naupo sila. Kahit anong ibato nila laban kay BBM, lagi pa ring lalamang ang kanyang ‘goodness’ at kagandahan ng paglilingkod niya sa tao kaysa sa mga paninira nila,” dagdag pa niya.

# # #

BOTO NI BBM AABOT SA 36.4M; TATAMBAKAN SI ROBREDO NG 19.5 M —PULSE ASIAPOSIBLENG si presidential frontrunner Ferdinand ‘...
08/04/2022

BOTO NI BBM AABOT SA 36.4M; TATAMBAKAN SI ROBREDO NG 19.5 M —PULSE ASIA

POSIBLENG si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., ang kauna-unahang “majority president” sa bansa sa ilalim ng multi-party setup, matapos mapanatili ang malaking lamang laban sa kanyang mga katunggali sa darating na halalan sa Mayo 9.

Base sa resulta ng Pulse Asia survey nitong Miyerkules, nanatiling matatag si Marcos sa unang posisyon matapos makakuha ng 56% voter preference.

Nasa malayong pangalawa si Leni Robredo na umiskor ng 24% habang si Isko Domagoso ay pangatlo na may 8%.

Si Manny Pacquiao, ay nakakuha naman ng anim na porsyento habang si Panfilo Lacson ay mayroong 2%.

Sa panayam ng SMNI, sinabi ni Ana Tabunda, Research Director ng Pulse Asia na kung iko-convert ang 56 porsyento ni Marcos sa boto, ito ay aabot sa 36.5 milyon mula sa kabuuang 65 million registered voters sa bansa.

“Well, ngayon lang kami nakakita ng ganyan kalaking lamang sa buong experience namin. Kauna-unahang pagkakataon ito na mayroong nag-majority voter preference na presidential candidate,” ani Tabunda kasabay ng pahayag na kauna-unahan ito sa kasaysayan na napanatili ng kandidato sa pagka-pangulo ang 50-plus voter preference sa buong panahon ng kampanya.

Lamang si Marcos ng 32 porsyento at kung susumahin sa boto, ito ay aabot sa 19.5 milyong boto, o mas mataas pa sa boto na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigit 16 milyon noong nakaraang halalan noong 2016, ani Tabunda.

“Yung lamang niya (with Robredo) 32 percent of 65 million voters sir, mga 19.5 million votes sir,” ayon kay Tabunda.

Nilinaw din ni Tabunda na sa kabila ng pagbaba ng bahagya ng bilang ni Marcos sa kanyang numero ay nananatiling mahirap para mahabol ito ng kanyang mga katunggali.

“Hindi naman po kasi significant yung four percent na decline,” giit ni Tabunda.

“Medyo mahirap po siya (para kay Robredo na humabol), kasi nga po itong huling pagtaas ni Leni ay nine points. Para po makahabol ay kailangang niya ng 16 points tapos kailangang mabawasan si BBM ng 16 points sa darating na araw bago ang eleksyon. Medyo mahirap siya (mangyari),” paliwanag pa niya.

“Maaring magbago, ang tanong e kung makakahabol pa. Hindi naman imposible pero medyo mahirap po kasi 32 points yung gap,” ayon pa sa research director.

BBM: OUT-OF-SCHOOL-YOUTH GAWIN NATING PRODUKTIBO AT RESPONSABLENG MGA MAMAMAYAN PALALAKASIN ni presidential frontrunner ...
07/04/2022

BBM: OUT-OF-SCHOOL-YOUTH GAWIN NATING PRODUKTIBO AT RESPONSABLENG MGA MAMAMAYAN

PALALAKASIN ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang mga programa para sa ‘out-of-school-youth’ (OSY) para mabigyan sila nang pagkakataon na maging mas produktibo at responsableng mga mamamayan ng kanilang mga komunidad.

Sa inalabas ng datos ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, nagkaroon ng halos apat na milyong kabataan ang hindi nakapag-enrol dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marcos, mahalagang tutukan ang problemang ito na aniya ay nakakabahala na sapagkat dumarami ang mga kabataan na hindi nabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa kanilang pag-aaral.

Aniya, wala pang pandemic ay problema na ng ating bansa ang mga ‘out-of-school-youth’ na mas dumami dahil COVID-19.

“Mahalagang tutukan natin ang problemang ito, nakakabahala na dumarami ang mga kabataan na hindi na nakakapag-aral, at dahil nga sa COVID-19 pandemic ay lumobo pa ang bilang ng out of school youth,” ayon kay Marcos.

“Pero wala pang pandemic ay problema na ng bansa ito dahil sa hikahos sila sa buhay,” dagdag pa niya.

Sa kanyang education agenda, sinabi ni BBM na plano niyang dagdagan ang free online courses sa iba't-ibang paaralan para sa mga kabataan, para mabigyan sila ng tsansa na makakuha ng maayos na trabaho.

Aniya, kung makakukuha ng trabaho ay may posibilidad na mabibigyan rin sila ng pagkakataon na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo at maging propesyonal balang araw.

Malaking bagay umano ang kasalukuyang programa ng pamahalaan na tulad ng ALS at yung mga vocational courses sa TESDA dahil dito ay natuturuan ang mga kabataan ng ibat-ibang kurso na magagamit nila sa kanilang trabaho.

“Well, we have Alternative Learning System (ALS) na lubos na nakakatulong sa mga OSY, ‘yung mga gustong makapagtapos ng elementarya at high school, meron ding TESDA na nakatulong talaga para sa kanila," ani Marcos

Idiniin naman ni Marcos na palakasin yung mga online courses, magkaroon ng iba't-ibang kurso para sa mga kabataan na magkakaron sila ng hindi lang certificate maging diploma.

"Palakasin natin yung programa ng online courses, yung mga programa na hindi lang certificate ang matatanggap nila pari diploma na din, para dun sa mga nakapagtapos ng online course, depende kung ilang taon nila tinapos," sabi ni Marcos.

Dagdag pa ng dating senador na magkaroon ng madalas na mga training at seminars para lalo pang maipaabot sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan at mga programang nakalaan sa kanila.

“Dahil sa nagluluwag na tayo, magkaroon sig**o ng mga seminars para ipaalala sa mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at ipaalam sa kanila yung mga programa at privileges na meron sila,” sabi ng dating senador.

06/04/2022

BBM UNBEATABLE PA RIN; LENI MALABO NANG MAKAHABOL—PULSE ASIA

INIHAYAG ni Pulse Asia Research Director, Ana Tabunda nitong Miyerkules na nananatiling dominado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang malaking kalamangan sa presidential race sa kabila ng bahagyang pagbaba ng kanyang bilang at maliwanag na hindi nito naapektuhan ang kanyang tsansa para magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9.

“His (Marcos) decline in is not significant nationwide,” ayon kay Tabunda sa panayam sa ANC News Channel, kasabay ng pahayag na malinaw na hindi naapektuhan si Marcos sa mga ibinabatong isyu sa kanya.

Idinagdag pa ni Tabunda na ang bahagya ring pagtaas sa numero ng kanyang katunggali na si Leni Robredo ay hindi sapat para makahabol sa karera lalo na at mayroon na lamang halos tatlong linggo bago mag-eleksyon sa Mayo 9.

“No (she can’t catch up) because the increase is not enough,” ani Tabunda.

“It’s difficult to say but there has to be a larger decline in the voter preference and larger increases in Robredo’s preference votes for her to be able to catch up,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Tabunda na aabot pa sa 32 percentage points ang naghahati kina Marcos at Robredo kaya tila mahirap na itong makahabol.

“The gap between them is 32 percentage points, so if Bongbong Marcos loses 16 points and Leni Robredo gain 16 points. They will be statistically tied. So, you need larger than 16 points decline for Bongbong Marcos and larger than 16 points increase for Leni Robredo,” paliwanag ni Tabunda.

Ayon sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na ipinalabas nitong Miyerkules, nanatiling malayong nangunguna si Marcos na Nakakuha ng 56 porysentong voter preference.

Nasa malayong pangalawa si Robredo na mayroong 24 porysento habang si Isko Damagoso ay Nakakuha ng 8%. Si Senator Manny Pacquiao, ay Nakakuha naman ng 6%, haang si Senator Panfilo Lacson ay mayroong 2%.

05/04/2022

Mayor Fernando "Andot" Talisic
Municipal Mayor of Esperanza Masbate
MULING HUMIHINGI NG SUPORTA PARA SA PATULOY NA PAG-ASENSO NG BAYAN NG ESPERANZA..

Disclaimer: Libre at walang bayad po ito..

05/04/2022

RUEL "RAMBOY" RAMIREZ
Aspirant MAYOR
Dimasalang Masbate
Election 2022

03/04/2022

Landslide na panalo ng Bongbong-Sara tandem sa Bulacan tiniyak; 20 mayor nagpahayag ng suporta

Patuloy na dumarami at nadadagdagan ang mga nag-eendorso sa tambalan nina presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte.

Ito ay matapos magpahayag ng suporta ang dalawampung mayors sa Bulacan na ika-lima sa vote-rich province para sa May 9, 2022 elections.

Inilabas ng mga miyembro ng Mayor's League Bulacan Chapter ang kanilang Manifesto of Support para sa kandidatura ng BBM- Sara UniTeam.

"We, the municipal mayors comprising the Mayor's League Bulacan Chapter, express our full support to the Presidential and Vice Presidential bid of Uniteam candidates Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. and Mayor Inday Sara Duterte this coming 2022 National Elections," ayon sa manifesto.

Ilan sa mga lumagda ay sina Eladio E. Gonzales ng Balagtas, Ferdinand V. Estrella ng Baliuag, Jose Santiago Jr. ng Bocaue, Vergel Meneses ng Bulakan, Francis Albert Juan ng Bustos, Ambrosio C. Cruz, Jr. ng Guiguinto, Ricardo Silvestre ng Marilao, Mary Ann P. Marcos ng Paombong, at Roderick Tiongson ng San Miguel.

Kasama din sina Cipriano D. Violago, Jr. ng San Rafael, Leonardo De Leon ng Angat, Jessie P. De Jesus ng Calumpit, Raulito Manlapaz ng Hagonoy, Edwin C. Santos ng Obando, Anastacia Vistan ng Plaridel, Russel G. Pleyto ng Sta. Maria, Linabelle Villarica ng Meycauayan City, at Arthur Robes ng San Juan del Monte City.

Samantalang, nilagdaan naman ng mga kinatawan ni Pandi Mayor Cris Castro at Malolos City Mayor Christian Natividad ang manifesto sa kanilang ngalan.

"We collectively believe that Mr. Bongbong Marcos and Mayor Sara Duterte is the tandem our country needs to unite our people and to bounce back as a nation. As local elected officials who are mandated to look after the welfare of our people, we have faith that the UnitTeam will deliver the much-needed support to our localities," ayon pa sa isang bahagi ng manifesto.

Nauna ng pinahayag ni incumbent Bulacan Vice-Governor Wilhelmino Sy Alvarado na kumpiyansa siyang si Marcos ang muling mananalo sa kanilang lalawigan na ayon sa tala ng Comelec ay may 2,007,523 registered voters.

Noong 2016 ay nakakuha si Marcos ng 42.50 percent o 556,480 na boto laban kay Leni Robredo na nakakuha lamang ng 190,401 na boto.

"At this pivotal point of history, we manifest our full support to the candidacy of Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. and Mayor Sara Durterte and the vision their leadership carry," ayon sa huling bahagi ng manifesto.

MAKASAYSAYANG PAGTAPAK NI MARCOS SA TARLAC, NAGTAPOS SA AWAY NG MGA KULAY SA LALAWIGAN—TARLAC MAYOR ANGELESHUDYAT na nan...
03/04/2022

MAKASAYSAYANG PAGTAPAK NI MARCOS SA TARLAC, NAGTAPOS SA AWAY NG MGA KULAY SA LALAWIGAN—TARLAC MAYOR ANGELES

HUDYAT na nang katapusan ng away ng mga kulay sa Tarlac ang pagtuntong nitong Sabado ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa lalawigan kasama ang kanyang UniTeam, na dinumog ng libo-libong taga-suporta.

Kilala ang Tarlac na balwarte ng pamilya Aquino simula pa noong panahon ni dating Senador Ninoy Aquino at kanyang asawa na si dating Pangulong Corazon Aquino, pero ngayon daw na tumapak si Marcos sa Tarlac ay pwede na raw masabi na hindi lamang para sa mga Aquino ang naturang lalawigan.

“Alam po ninyo, history in the making po ito. Isang Marcos tumuntong dito sa lungsod ng Tarlac,” ayon kay Mayor Cristy Angeles, ng Tarlac city Kasabay ng malakas at walang patid na sigawan ng mga taga-suporta ng BBM.

“Tapos na po ang mga away ng mga kulay. Nandito tayo ngayon para magkaisa ng tunay. Tama?” dagdag ng alkalde.

Kasabay nito, iginiit ni Angeles ang suporta ng kanyang lungsod kay Marcos at sa kanyang katambal na si Inday Sara Duterte kasama ang UniTeam dahil sa bitbit nitong pagkakaisa sa bansa.

“Mahal kong kababayan, mulat na tayo alam na natin kung ano ang nararapat para sa ating lahat. Kailangan natin ang pagkakaisa at ibibigay niya (Marcos) po yan sa atin,” ani Angeles sa harap ng maraming kababayan.

“Ipapakita natin ang suporta natin para sa kanila. Ipakita natin na dito sa Tarlac City tayo lahat ay nagkakaisa at nagtutulungan. Gusto natin ng magandang kinabukasan. Gusto natin na magkaisa na hindi lamang sa ating lungsod kundi sa buong Pilipinas,” dagdag ng mayora.

Nanawagan din ang alkalde na kalimutan na ang awayan ng kulay sa nakaraan at isulong ang pagkakaisa hindi lamang sa kanilang lalawigan kundi sa buong bansa.

“Tarlac City for BBM-Sara. Tapos na po yung nakaraan. Time to move on. Kalimutan na po ang mga nangyari noon sapagkat kailangan natin ang pagkakaisa para sa magandang kinabukasan,” ani Angeles.

-

02/04/2022

Overseas scholarship program ibabalik ni BBM

Nais ni presidential frontrunner Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr na maibalik ang flagship scholarship program na nasimulan ng kanyang ama na si dating pangulo Ferdinand Marcos upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral na makapag-aral sa mga pinakamahuhusay na paaralan sa ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa harap ng ilang representante ng iba’t ibang sectoral group sa ginanap na Town Hall meeting sa Lambayong, Sultan Kudarat.

"Dati ang dami-dami nating scholarship program. Bawat department may scholarship program. Office of the President may scholarship program. Ang dami talaga dati, ngayon medyo hindi na natin ginagawa," wika niya.

"Dapat bigyan natin ang mga estudyante na deserving, na marunong, na masipag, na matalino, na nakapasok sa mga magagandang eskuwelahan, kahit sa labas ng Pilipinas," dagdag pa ni Marcos.

Binigyan-diin din ni Marcos na noong panahon ng administrasiyon ng kayang ama, libo-libong iskolar ang naipadala sa ibang bansa, gaya ng Amerika at Europa, para makapag-aral.

"Alam niyo ba na libo-libo ang mga Marcos scholars na nag-aral sa Europe, sa Germany, sa U.K., kung saan-saan. Dahil nag-eksamen sila, tinanggap sila eh wala naman silang pambayad, binigyan sila ng scholarship," sabi niya.

Aniya ang lahat ng iskolar ay bumalik sa bansa matapos ng kanilang pag-aaral kaya’t nagkaroon ang Pilipinas ng mga grupo ng eksperto na nakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya at industriyalisasyon.

"Lahat yan bumalik at yan ang nagpaganda sa sistema natin sa Pilipinas. Balikan natin yung scholarship program tapos ibagay natin dun sa pangangailangan. Halimbawa, kung mag-expand tayo sa agriculture, kailangan natin ng agronomist, ng agriculturist, gumawa tayo ng scholarship program para sa kanila... Kailangan ibabagay din natin yung scholarship program sa mga kailangan natin," sabi ni Marcos.

Isa sa mga scholarship program na ibinibigay noong 1980s ay ang "Ferdinand E. Marcos Scholarship Program for Fisheries," kung saan ang mga nakapasang estudyante ay maaring ituloy ang kanilang bachelor's, master's, o kaya’y doctorate degrees sa mga lokal at foreign educational institutions.

Ibinahagi din ni Marcos ang kanyang plano na maisaayos ang sistema ng edukasiyon sa bansa, kung saan nakatuon ito sa pagmo-modernisa ng mga pasilidad sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at mamuhunan upang mapagpatuloy ang mga training ng mga g**o.

"Kung pagagandahin natin ang educational system natin, hindi natin magagawa kahit marami tayong napakagandang classroom, kahit kumpleto ang equipment natin kung ang ating mga g**o ay hindi nasusuportahan," sabi ni Marcos.

"Number one sa kanilang benepisyo, sa kanilang sahod. Number two kailangan din mag-retraining ang mga teacher dahil ang bilis ng takbo ng teknolohiya ngayon, ang bilis ng pagbabago ng mundo ngayon. Lalo na itong pandemya, maraming nabago," dagdag pa niya.

"So kailangan tulungand natin sila na matuto sila lahat ng mga bago na dapat ituro sa mga bata. I think that will be the inspiration for our teachers," sabi ni Marcos.

01/04/2022
31/03/2022

PANGANGALAGA SA KALIKASAN PRAYORIDAD NG UNITEAM

ANG pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan ang isa sa mga prayoridad ng UniTeam, ayon kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na nagkakaisa sila ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte sa adhikain na ito kasama na ang pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na matugunan ang problema sa climate change.

“Matagal ko na itong adhikain kaya naman marami akong ipinasang panukalang-batas noong ako ay nasa Kongreso at sa Senado na naglalayong proteksyunan at pangalagaan ang kalikasan. Ganun din ang aking tandem na si Sara Duterte. She has also been a staunch advocate. This is why this will be among our administration’s priorities,” sabi niya.

Dagdag pa ni Marcos, dahil sa labis na pagkawasak ng kapaligiran ay naging madalas na ang mga natural at man made disasters gaya ng landslide at pagbabaha sa bansa.

"Nature has its rights that should be protected. It should be allowed to flourish, reproduce and attain its abundance side by side with human civilization in perfect balance and harmony with our growing communities. We should do this if we want to safeguard the most vulnerable members of our society from the onslaught of natural calamities," sabi niya.

Nitong nakaraan lang ay ilang miyembro ng Kalikasan People’s Network for the Environment at leftist group na Bayan Muna ang nag-rally sa harap ng BBM national campaign headquarters.

Kanilang pinanawagan ang pagtutol nila sa Kaliwa Dam project at ilang large-scale dam at water projects.

Ang Kaliwa Dam ay naglalayon na masig**ong may sapat na suplay ng tubig upang matugunan ang mga pangangailangan ng Metro Manila sa mga darating na panahon at mabawasan ang pag-asa nito sa Angat Dam.

Naaprubahan noong 2012 sa ilalim ng Aquino administration, ang mga residente na nakatira malapit sa proyekto ay tutol dito.

30/03/2022

Late upload..

35 BANSA LALAHOK SA MITING DE AVANCE NI BBM SA MGA OFWs SA APRIL 1MILYON-MILYONG Overseas Filipino Workers (OFWs) mula s...
30/03/2022

35 BANSA LALAHOK SA MITING DE AVANCE NI BBM SA MGA OFWs SA APRIL 1

MILYON-MILYONG Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa 35 iba-ibang bansa sa mundo ang inaasahang sasali sa miting de avance ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa darating na April 1.

Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) secretary general Thompson Lantion, kauna-unahang mangyayari sa kasaysayan ng pulitika sa bansa na magkakaroon ng malakihang miting de avance ang isang presidential frontrunner para sa mga OFWs.

Gaganapin ito dakong alas-6:00 ng hapon ngayong Biyernes (sa Pilipinas) kung saan ay makakasalamuha ni Marcos ang mga kababayang OFW’s na nagtatrabaho o nakatira na ngayon sa abroad.

Sinabi ni Saidah Tabao Pukunum, chairperson ng PFP-OFW International Affairs, aabot sa 10 milyon OFWs ang nasa loob at labas ng bansa ngayon.

Ang 1.7 milyon na bilang nito ay mga registered voters na magiging bahagi ng ‘absentee voting’ na magaganap umpisa sa April 10 hanggang May 9 elections sa Pilipinas.

“Marami po ito dahil iyong hindi makakasali sa zoom ay puwedeng makapanood via Facebook,” sabi pa ni Pukunum.

Si Marcos ay mananatili sa isang lugar sa Hilton Hotel sa Resorts World at doon niya makakadaupang palad via zoom ang mga kababayang OFWs.

Magkakaroon ng isang maikli ngunit makabuluhang programa kung saan maririnig ng mga OFW’s ang mga plata porma de gobyerno ni Marcos.

Inaasahang kabilang sa mga plataporma na ilalatag ni Marcos ay ang mga plano niya para sa mga bayaning kababayan na nagtatrabaho sa labas ng bansa, gayundin ang para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Ilan sa mga bansang may OFWs na inaasahang dadalo sa ‘miting de avance’ ay mula sa Thailand, Vietnam, Hongkong, Macau, Singapore, Brunei, Japan, New Zeland, Australia, Cambodia, Taiwan, Turkey, Cyprus, Switzerland, United Kingdom, Italy, France, Moscow, Armenia, Spain.

United Arab Emirates, Egypt, Qatar, Jeddah, Kuwait, Oman, Bahrain, Israel, Kingdom of Saudi Arabia, Canada, Chile at marami pang iba.

Ayon kay Jeremy Harry Amar, presidente ng PFP-OFW International Affairs, bukod sa 35 bansa na may OFWs, karamihan sa mga ito ay nasa iba-iba ring states, probinsiya o rehiyon.

Tulad na lamang ang pitong emirates ng UAE sa Dubai, Abu Dhabi, Um Al Quwain, Sharjah, Fujairah at Ras Al Khaimai.

Gayundin ang Rome at Milan sa Italy; Jeddah at Riyadh ng KSA, ang iba pang states sa bansang Amerika at mga probinsya naman sa Canada tulad ng Winnipeg, Vancouver, Toronto at marami pang iba.

Maliban kay Marcos, makakadaupang palad din ng mga OFWs ang running-mate nitong si Inday Sara Duterte at iba pang senatoriables ng BBM-Sara UniTeam.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jenmag Online TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share