01/11/2022
π πππππ, πππππππππ ππππππ ππ πππππππππ ππ ππππππ πππππππ πππππππ ππππ ππππππππ ππ πππππππ πππππ
Wala nang buhay nang matagpuan ang umabot na sa apat (4) na indibidwal mula sa ibaβt-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon nitong Linggo, Oktubre 30.
Sa report ng Quezon PNP, kinilala ang mga nasawi na sina Arnel Bolada Atienza, 52-anyos, residente ng Sitio, Labak, Barangay Dagatan, Dolores, natagpuan sa isang sapa malapit sa lugar kung saan ito naninirahan at si Michael Mercado Perez, 49-anyos, magsasaka, residente ng Barangay Ligpit Bantayan na natagpuan naman sa baybayin ng Barangay Arbismen, Guinayangan.
Nasawi rin si Jerald Conchada Sinar, 26-anyos, naninirahan sa Brgy. Pinaglapatan at si Felipe Porte Monteroso, 58-anyos, taga-Purok 1, Brgy. Tulay Buhangin na natagpuan namang palutang-lutang sa gitna ng dagat sa Padre Burgos.
Sa isinagawang mga imbestigasyon ng awtoridad, pagkalunod umano ang naging sanhi ng pagkasawi ng mga naturang biktima sa gitna ng pananalasa ng bagyong .
Samantala, agad namang dinala ng mga kaanak ng mga nasawi ang mga labi ng mga ito sa punerarya para isailalim sa postmortem examination.
| via Toneth Jarlan
ccto: BNFM Lucena