On cloud nine with the flying fiesta! 👀 #BuckleUpForJoy 😁🤐
🎥: @pringles14s/Tiktok
#GoPhilippines #GoMarikina #Marikina
PANOORIN: Lubog sa tubig ang dalawang sasakyan na nakaparada sa Marikina Riverpark matapos umapaw ang Marikina River ngayong Huwebes, Agosto 31, ng umaga.
Source: GMA News
🎥: DZBB
#GoPhilippines #GoMarikina #Marikina
'UNCONDITIONAL LOVE OF A DOG' 🐶💖
Talagang nakakataba ng puso ang makakita na ang isang alagang aso ay tinutulungan at sinasamahan ang kaniyang amo.
Lumingon pa ito upang matiyak na na kasunod niya pa ang lalaki.
Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang ganitong klaseng samahan.
Ingatan at mahalin mo lamang sila ay mamahalin ka rin nila at hindi ka iiwan.
"Iwan ka man ng lahat pero never sila"
Video Courtesy: Raevin Bonifacio/TIKTOK
#GoPhilippines #GoMarikina
PANOORIN: Ibinahagi ng transport blogger na si James Deakin ang kanilang experience sa Marikina kung saan may isang lalaki na tila gustong sirain ang kanilang sasakyan.
“Be careful out there folks, this happened on the Tumana bridge in Marikina last night around 9pm to a friend of my niece. Please share and see if someone can identify this person,” caption ni Deakin.
“Looks like he’s ripping something up. And nobody knows why,” dagdag nito.
Source/Video: James Deakin
#GoPhilippines #GoMarikina #Marikina
'OVERNIGHT AT MAUSOLEUM' 🪦👻
PANOORIN: Napag-desisyunan ni Xavier Yul Cruz at ng kaniyang mga kasama na mag overnight sa kanilang Mausoleum sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Napuno naman ito ng tawanan, asaran, at takutan lalo na't ito ang unang beses na matutulog sila sa sementeryo.
Ika pa nga ng nag vi-video, "hoy, carlo, kaya ka nga sinama para may lalaki daw dito" sabay irit naman ni Carlo.
Sleep over sa sementeryo, kakasa ba kayo?
Video Courtesy: Xavier Yul Cruz/TIKTOK
#GoPhilippines #GoMarikina #Marikina
"PAANO SMILE DOGGY?" 🐕😁🫰
PANOORIN: Good vibes ang hatid ng tiktok video na ito dahil lang naman sa isang aso na ayaw magpaligo.
Ika nga ng uploader na si Gabe Serrano "Ayaw mo maligo ha? Oh patingin na lang ako ng smile." Sabay smile naman ng cute na si Muffin.
Nakakatuwa naman yung smile ni Muffin, halatang mapapatakbo ka kapag nakita mo.
Pero ang nagdala talaga ay 'yung tawa ni Ate, nakakahawa! 😅🤣
Video Courtesy: Gabe Serrano/@gabe.srrn(TIKTOK)
#GoPhilippines #GoMarikina
CREAM DORY SA ILOG NG MARIKINA?!🐟🌊😳
CREAM DORY SA ILOG NG MARIKINA?!🐟🌊😳
PANOORIN: Isang malaking Cream Dory ang nahuli ng uploader na si Jan Glenn Racraquin sa Marikina River.
Bihira lang umano makakita ng ganong uri ng isda at lumilitaw lamang kapag tumaas ang tubig sa nasabing ilog.
Isa ba kayo sa mga nakahuli o nakakita na ng Cream Dory?
Video Courtesy: Jan-Glenn Racraquin
#GoPhilippines #GoMarikina #Marikina
ILLEGAL PARKING NG ISANG DOGGO DRIVER?! 😬
PANOORIN: Aliw ang hatid ng bidyong ito dahil lang naman sa pabirong pananaway ng traffic enforcers sa isang aso dahil sa illegal barking…ay este illegal parking nito.
"Doggy! Pwede ba mahiram license mo, doggy?," tanong ng isang traffic enforcer sa aso.
Hanggang sa may tinawagan ito at sinabing "Sir, 'yung aso po walang lisensya, sir" 😅
"'Yung driver po 'yung aso, nasa loob eh. Dalawa po sila, kasama 'yung asawa,"
Sinabihan pa nito ang nasabing driver na huwag na muling magpa-park sa bangketa para hindi umano ito ma-tow.
"You can pay through Bayad Center saka Gcash ha" pahabol pa nito matapos ma-ticket-an ang isang doggy.
Sir naman! Baka po biglang sumagot 'yung mga aso! 😣😅
Video Courtesy: Ehm Gee21/TIKTOK
#GoPhilippines #GoMarikina
PANOORIN: Tumunog na kaninang 1:50 a.m. ng Sabado, ika-24 ng Hulyo ang 2nd alarm sa Marikina River kung saan umabot ang tubig nito sa 16 meters. 📹 Jekki Pascual/ABS-CBN News #GoMarikina
PANOORIN: Tumunog na kaninang 1:50 a.m. ng Sabado, ika-24 ng Hulyo ang 2nd alarm sa Marikina River kung saan umabot ang tubig nito sa 16 meters.
📹 Jekki Pascual/ABS-CBN News
#GoMarikina