24/08/2024
๐๐๐ญ๐ก ๐
๐จ๐ฎ๐ง๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ, ๐๐๐ฌ๐ญ ๐
'๐ฅ๐จ๐ฆ๐ฅ๐จ๐ค ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ !
Ipinagdiwang ang 67th Founding Anniversary, at 21st F'lomlok Festival 2024, sa pangunguna ng ating local na lider, Mayor Bernie Palencia, na ginanap sa Municipal grounds ng Poblacion Polomolok South Cotabato, noong Agosto 21, 2024. Layunin ng nasabing kaganapan na ipagmalaki ang mayamang kultura at kasaysayan ng bayan ng Polomolok. Na dinaluhan din ng espesyal na panauhin, dating Senador Manny Pacquiao.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilunsad rin ang Grand Opening ng Polomolok General Hospital (PGH) na matatagpuan sa Pagalungan, Polomolok South Cotabato na naglalayong palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa pamayanan.
Ang nasabing pagdiriwang ay nagkaroon ng isang masiglang civic-military parade kung saan lumahok ang iba't ibang sektor ng komunidad at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Dole Philippines, Inc., DILG - Polomolok, Department of Agrarian Reform, Polomolok Water District, COMELEC, PHLPOST, at Pag-IBIG Fund Polomolok Branch. Kasama rin ang mga barangay tulad ng Palkan, Poblacion, Glamang, Silway-7, Silway-8, Maligo, Landan, Koronadal Proper, at Barangay Lamcaliaf, pati na ang kanilang mga Sangguniang Kabataan. Ang mga non-government organizations, tulad ng Rotary Club, Polomolok Gun Club, INC., Bagong Pag-Asa Women's Association, Barangay Sulit Kalipi Association (BASUKA), at Reinforced Services Taskforce (RST) ay nagbigay ng kanilang suporta at kontribusyon sa masigla na pagdiriwang. Nakiisa rin ang mga paaralan sa Polomolok. Ito ay ang Polomolok Creek Integrated School, Eustacio Barcatan Elementary School (EBES), Juan Bayan Elementary School, Jose Natividad Jr. Integrated School, Silway-8 National High School, Dole Cannery Central Elementary School, Euginio Llido Ranada Elementary School (ELRES), Polomolok National High School (PNHS), Palkan National High School, Glamang Elementary School, Lumakil Integrated School, Pablo Valencia National High School, Nicholas B. Barreras National High School, at ang drum and lyre corps ng Polomolok Central Elementary School (PCES), Notre Dame Siena College of Polomolok (NDSCP), Bentung Sulit National High School (BSNHS), Poblacion Polomolok National High School (PPNHS), at Christian School of Polomolok (CSP) ay nagpakita ng angking galing sa pagtatanghal.
Ayon kay dating Senador Manny Pacquiao, malaki ang kanyang pananampalataya na ang Polomolok ay maaaring maging isang lungsod. Tiniyak niya sa mga tao ng Polomolok na siya ay handang tumulong para sa patuloy na pag-unlad ng Polomolok. Tinapos niya sa pagsasabi, "Polomolok, your future is bright!"
โ๐ป | Nathalie Grace Alfiscar
๐ธ | Jane L. Tayo & Nathalie Grace Alfiscar
๐ป | Jane L. Tayo