01/07/2022
PAGIGING SIMPLENG TAO AT ROCKSTAR APPEAL, TAGLAY PA RIN NI TATAY DIGONG
Kahit wala na sa puwesto si dating pangulong Rodrigo Duterte ay taglay pa rin niya ang mga katangian at karismang nagpamahal sa kanya sa publiko.
Nitong Huwebes ng gabi ay bumalik na siya sa Davao City, sakay ng isang commercial flight—at walang special treatment. Kasama niya si Senator B**g Go at ilang staff nang magbalik siya sa pinakamamahal niyang siyudad. Sa Davao City niya gugugulin ang kanyang retirement sa piling ng kanyang pamilya.
Napakainit naman ng naging pagsalubong sa kanya ng mga tao sa airport na buhos pa rin ang suporta sa kanya simula noong 2016, at hindi nagbago ang pagkasabik na makita siya.
Para naman kay Senator B**g Go, tiyak na magseserbisyo pa rin sa mga Pilipino si Tatay Digong sa kapasidad nito bilang private citizen dahil nasa puso nito ang pagmamalasakit, lalo na sa mga mahihirap.