27/11/2023
MILKSHAKE | Draven Black
MAINGAT na binuksan ni Alora ang package. Naabutan lang niya ito kanina sa harap ng bahay niya pagkauwi galing sa palengke.
Base sa kakaibang packaging na ginamit dito, kinutuban na agad siya kung saan ito nanggaling.
Ito na marahil ang in-order niya sa isang website sa dark web noong nakaraang linggo. Kung paano ito nakarating sa kanya ay hindi niya alam. Lalong hindi rin niya kilala kung sino ang nakausap niya sa website pati kung saang bansa ito nanggaling.
Ang alam lang niya, anonymous ang paraan ng pagkakausap nila. Bitcoin din ang ginamit niyang payment method. Umaabot naman ng mahigit 680,000 sa peso ang halaga ng in-order niya.
Pagkatapos niyang baklasin ang matitibay na tape sa kahon, nagulat siya dahil may isa pa palang kahon sa loob at tadtad din iyon ng packaging tape. Ganoon ka-secure ang item niya.
Nang mabuksan na rin ang pangalawang kahon, sunod na tumambad ang isang special container na may label na sports nutrition. Hindi siya pamilyar kung paano buksan ang container na iyon. Sadyang kakaiba ito at ngayon lang siya nakakita nang ganito.
Buti na lang ay may nilakip na instruction sa loob ng package kung paano iyon buksan. Sa bandang ilalim ng container ay may mga numero pala na kailangan niyang pindutin. In-enter lang niya ang code na nakalagay sa sulat at kusa nang bumukas ang ibabaw niyon.
Pagsilip sa loob, may isa pa palang kahon doon na tadtad din ng mas makakapal na tape. Sa sobrang secure ng pagkaka-package dito, hindi na siya magtataka kung bakit nakalusot ito sa bansa at nakarating ngayon sa kanya kahit galing pa ito sa dark web.
Matiyaga niyang sinira ang mga tape hanggang sa tuluyan na ring makuha roon ang bagay na in-order niya.
Tatlong klase ng smoothie iyon na nakalagay sa isang litrong mga bote. Ang isa ay mango-flavored, ang pangalawa ay strawberry, at ang pangatlo ay orange-flavored.
Dahil sa dark web iyon galing, hindi pangkaraniwang beverage ang mga ito. Isa iyong special-made smoothie na gawa mismo sa mga newborn babies. Inilalagay sa blender ang mga newborn at bine-blend hanggang sa maging smooth at frothy ang mixture.
Saka iyon hahaluan ng ibang ingredients at sweeteners para mas lalong umangat ang lasa.
Ayon kasi sa nabasa niya sa website, may kakaibang sarap daw ang mga bagong silang na sanggol kapag ginawang pagkain o inumin gaya nito. Mas pinapa-enhance pa raw nila ang flavor ng bawat ingredients na inihahalo sa mga ito.
Nasa 3,000 hanggang 6,000 dollars ang halaga ng bawat isang litrong smoothie. Katumbas iyon ng 169,000 hanggang 339,000 pesos dito. Sadyang may kamahalan pero sulit naman ayon sa magiging resulta.
Hindi lang iyon. Dahil kasama rin sa binayaran niya ang actual video kung paano ginawa ang mga smoothie na in-order niya para makasigurado siya sa package na kanyang natanggap.
Pagbukas niya sa cellphone, nasa isang email na agad niya ang video na pinadala ng anonymous sender. Tatlong video iyon na nasa lima hanggang walong minuto ang haba.
Tinikman na muna niya ang mga smoothie. Inuna niya ang mango flavor. Napangiti siya sa sarap. Ngayon lang siya nakatikim nang ganito kasarap sa buong buhay niya.
Sunod niyang tinikman ang strawberry flavor. Halos mabaliw naman siya sa sarap. Nuot na nuot ang lasa hanggang sa kaibuturan ng dila niya.
At nang matikman niya ang orange flavor, kakaibang sensasyon ang naramdaman niya na sobrang nagbigay ng matinding kaligayahan at satisfaction sa kanya.
Ngayon lang niya napatunayan na may kakaibang gayuma nga sa sarap kapag galing sa fetus o mga sanggol ang recipe ng anumang pagkain o inumin.
Na-curious tuloy siyang malaman kung paano ba iyon ginawa at ganoon na lang kasarap.
Doon niya naisipang buksan ang laptop sa kuwarto at pinanood ang mga video. Iniinom pa niya ang orange smoothie habang nanonood.
Nakita niya sa video kung paano katayin at alisan ng mga buto ang patay na sanggol. Parang isda na ginawang boneless. Wala ring itinira na lamang-loob dito. Lahat nilimas.
Tinanggal din pati ang balat, mata at buhok nito. Hindi tuloy niya maiwasang kilabutan nang makita ang naging hitsura ng sanggol noong wala na itong balat, mata at buhok.
Hinati-hati sa malaking patalim ang katawan ng sanggol hanggang sa mapagkasya sa blender. Pagkuwa’y pinagana na ang blender at lumikha iyon ng nakaririnding ingay na nauot hanggang sa utak niya.
Hindi niya maiwasan ang bahagyang pagbaligtad ng sikmura dahil sa madugong proseso. Pero tuwing maaalala niya kung gaano kasarap ang mga smoothie na dumating sa kanya, ginaganahan siyang muli na panoorin iyon nang hindi pumipikit.
Nang makuha na ang tamang mixture sa katawan ng sanggol, sunod namang inihalo ang iba pang ingredients doon gaya ng mangga. Blinend pa uli ng ilang segundo hanggang sa maging perpekto na ang texture nito.
Ganoon din halos ang naging proseso ng dalawa pa niyang smoothie sa ibang mga video. Sa bandang huli ay pinakita rin kung paano binalot sa patung-patong na packaging ang mga order niya.
Sobrang natuwa si Alora sa napanood. Parang may narinig pa siyang tanong na lumipad sa utak niya: what if gawin ko rin ito at gawing negosyo?
Bigla siyang napatda. Ano kaya kung sundin niya ang sinasabi ng utak? Baka ito na ang tuluyang magbibigay ng limpak-limpak na yaman sa kanya.
Dahil sobrang nagayuma sa labis na sarap ng mga smoothie, itinuloy nga niya ang plano na gawin itong negosyo at sundan ang madugong proseso na nasa video.
Ginamit niya ang naitagong pera para gawing puhunan. Ipinambili niya iyon ng mga bagong silang na sanggol sa black market. Kumuha na rin siya pati sa mga punerarya. Lahat ng lugar na puwedeng mabilhan ng sanggol ay sinuyod na niya.
Bumili na rin siya ng ilang mga ingredients at kagamitan gaya ng malaking blender na halos kasing laki na rin ng isang sanggol.
Nang makapagtambak na ng daan-daang mga sanggol sa kanyang bodega, doon na niya sinimulang gawin ang madugong proseso.
Sa puting lamesa ay inihiga niya ang sanggol. Binalatan muna niya ito at tinanggalan na rin ng buhok at mga mata. Pagkatapos ay sinimulan niya itong hiwain nang hugis Y sa tiyan at marahang dinukot ang malagkit nitong mga lamang-loob.
Akala niya ganoon lang kadali iyon. May ilang bahagi ng lamang-loob na nahirapan siyang putulin o dukutin dahil napakagitas at sobrang makamit sa loob. Napilitan na siyang gumamit ng patalim para lang mailabas iyon sa katawan ng bata.
Pagkatapos malimas ang lahat ng lamang-loob, sunod naman niyang dinukot ang mga buto nito na medyo malambot pa. Doon niya napagtanto na mas madali palang magtanggal ng mga buto kaysa sa lamang-loob.
Nang matapos na siya sa bahaging iyon, sinimulan na niyang isilid ang katawan ng sanggol sa napakalaking blender. Para na lang siyang humawak ng basahan sa katawan nito dahil sa pagkakalimas sa lahat ng dugo, laman at buto nito.
Hinaluan na rin niya ng kaunting sweetener ang sanggol bago pinaandar ang blender. Nang makuha na niya ang tamang consistency sa texture nito, doon na niya inihalo ang iba pang ingredients na personal choice niya. Saka niya dinagdagan ng sugat at sweetener para lalo pang umangat ang lasa.
Nang matapos na sa prosesong iyon, isinalin na niya sa malaking bote ang grape-flavored smoothie na ginawa niya.
Nanlaki sa tuwa ang mga mata niya nang matikman ang sariling gawa. Halos mabaliw rin siya sa sobrang tamis at sarap. Nakuha niya ang kaparehong lasa ng mga smoothie na in-order niya.
Kung ganoon lang pala kadali gumawa nito, bakit ngayon pa niya ito nalaman? Sa dinami-dami ng negosyo na sinubukan niyang itayo noon, mukhang dito pa lang niya nakikita ang kanyang tagumpay.
Di nagtagal, nagtayo na nga siya ng munting shop sa harap ng kanyang bahay. Mga milk tea, smoothie, milkshake, at iba’t ibang cold beverages ang nasa menu niya.
Sa unang araw pa lang ay dinumog na agad ang shop niya. Ganoon na lang kabilis pumatok sa mga tao ang mga milkshake, smoothie at milk tea niya.
May kakaiba raw itong sarap na daig pa ang gayuma na talagang babalik-balikan.
Naging mas malakas pa ang bagong negosyo ni Alora sa sumunod na mga araw at linggo. Napilitan na nga siyang mag-hire ng dalawang tao sa shop niya para makapag-focus na lang sa paggawa ng mga sangkap sa loob ng bodega niya.
Walang kaalam-alam ang mga tao na newborn babies ang secret ingredient na inihahalo sa kanyang mga beverages kaya ganoon na lang kasarap. Isang pambihirang sikreto iyon na tanging siya at ang hukay lang niya ang makakaalam.
Pinuntahan niya kinabukasan ang isa sa mga punerarya na pinagkukunan niya ng supply. Isang sako ng sanggol ang ibinigay ng mga ito sa kanya at isinakay sa compartment ng kanyang sasakyan.
Pagkarating sa bahay ay sinimulan uli niya ang madugong proseso sa kanyang bodega. Isa-isa niyang inilabas sa sako ang mga sanggol.
Isang sanggol ang medyo pumukaw sa atensyon niya. Kakaiba kasi ang hitsura nito kumpara sa mga normal na sanggol. Para bang may kakaiba rito na hindi niya maipaliwanag. Medyo tuyot ang balat nito, kulubot ang balat, mangitim-ngitim ang mga labi at abnormal din ang laki ng ulo.
Isinama na rin niya ito sa mga tinanggalan niya ng buto at laman para isalang sa blender. Naging maganda naman ang takbo ng kanyang negosyo sa araw na iyon.
Ngunit pagsapit ng makalawa, isang balita sa telebisyon ang umagaw sa pansin niya na sobrang nagbigay ng gimbal sa kanya.
Marami raw sa kanilang lugar ngayon ang bigla na lang naging aswang sa hindi malamang dahilan. Akala nga niya, gimik lang iyon sa TV.
Pero siya mismo ay nakumbinsi nang marinig sa mga kapitbahay kung paano naging aswang ang ilan sa mga miyembro ng kanilang pamilya at ngayon ay nakawala matapos mag-iwan ng matinding lagim sa loob ng kanilang mga tahanan.
Wala nang nakakaalam kung saan nagpunta ang mga ito. Pero iisa lang ang alam ng lahat: paniguradong hindi na rin magiging ligtas ang bawat lugar na mapupuntahan ng mga ito.
Maging si Alora ay nagtataka na sa mga nangyayari. Hindi na normal ang pagdami ng mga nagiging aswang sa kanila. Bawat gabi ay parami nang parami ang mga ito na tila nagiging isang epidemya na.
Hanggang sa makatanggap siya ng tawag sa isang punerarya na pinagkukunan niya ng supply. Ayon dito, tila alam na raw nila kung saan nagmula ang kababalaghang nangyayari sa kanilang lugar.
“Ma’am, natatandaan n’yo po ba ’yong supply na huli naming binigay sa inyo?”
“Yes, bakit? Ano’ng problema do’n?”
“Kasi po, dito kasi sa amin, m-may bangkay kami last week na hindi namin alam kung saan nanggaling. Basta na lang hinatid dito. Kakaiba po ’yong hitsura ng bangkay, tapos buntis din po. Ang ipinagtataka lang namin ay kung paano siya nanganak kahit patay na. No’ng balikan kasi namin ’yong katawan niya, nagulat na lang kami dahil nasa paanan na niya ’yong sanggol sa sinapupunan niya. Patay na rin ’yong bata nang mailabas.”
“What!” Hindi makapaniwala si Alora. “W-what do you mean by that? Nanganak pa rin ’yong buntis kahit patay na?”
“Iyon na nga po! Tapos ’yong baby po niya, mukhang naisama po namin doon sa sako na binigay namin sa `yo, Ma’am.”
Napatda siya at nabitiwan ang cellphone. Naalala agad niya ang kakaibang sanggol na inihalo rin niya sa kanyang mga ingredients. Noon pa lang ay may naramdaman na siyang kakaiba rito pero binalewala lang niya iyon.
Ngayon ay labis-labis ang pagsisisi niya kung bakit hindi siya nag-isip nang mabuti. Malakas ang kutob niya na ang sanggol na iyon ang dahilan kung bakit marami ang nagiging aswang ngayon sa kanila.
Marahil ay iyon din ang mga taong nakainom sa kanyang milk tea at smoothie na may halo ng katawan ng sanggol na iyon.
“Oh, s**t! This cannot be!” Napasabunot siya sa buhok at hindi napigilan ang pagpatak ng mga luha.
Hanggang sa gabing iyon ay hindi siya pinatulog ng kunsensya. Pinag-iisipan niya kung itutuloy pa ba niya ang malagim na negosyo. Iyon na lang ang nakikita niyang paraan para matigil na ang pagkalat ng epidemyang ito sa kanilang lugar.
Ang gusto lang naman niya ay yumaman sa pinakamabilis na paraan. Kaya niya kinagat ang negosyong iyon kahit malagim ang nakapaloob ng proseso. Pero ayaw rin naman niyang may mangyaring hindi maganda sa mga tao sa paligid niya.
Kaya sa huli, isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Simula bukas ay isasara na niya ang shop niya at ibibigay na ang huling sahod ng mga tauhan niya.
Ngunit bigla siyang natigilan nang makarinig ng kakaibang ingay sa kanyang silid. Ang mga ingay ay umakyat sa kanyang higaan at ganoon na lang ang pagkasindak niya sa nakita.
Hindi mabilang ang mga sanggol na bumungad sa kanyang harapan. Mabilis na kumalat ang mga ito at halos sakupin ang buong paligid!
Mabalasik ang kanilang mga anyo. Wala silang mga mata, buhok at balat. Lumilikha rin ng kakaibang ungol ang mga ito. Tila pag-iyak na may kasamang matinding p**t.
Nagtitili si Alora sa sobrang takot. Isiniksik agad niya ang sarili sa kinasasandalan ngunit huli na. Mas mabilis pa sa inaakala niya ang pagdumog sa kanya ng mga halimaw na sanggol. Hindi na niya napigilan ang paglukob ng mga ito.
Kahit anong pagwawala niya sa higaan, hindi niya nalabanan ang puwersa ng mga ito. Nagawa nilang pasukin ang kanyang bibig. Dahil wala na rin silang mga buto at lamang-loob, madali nilang naipasok ang mga sarili sa loob ng kanyang katawan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Alora sa dami ng mga sanggol na pumasok sa kanya. Pinilit niyang bumangon para sana makahingi ng tulong.
Ngunit bago pa siya makalabas sa kanyang silid, sumabog na ang buong katawan niya. Hindi na nito kinaya ang dami ng mga sanggol. Kasama niyang sumabog ang mga ito at bumulwak sa sahig.
Nagmistulang smoothie na rin ngayon ang kanyang katawan. Ang amoy niyon ay nakarating hanggang sa mga aswang na gumagala sa paligid.
Na-attract ang mga ito sa amoy at sinundan nila iyon hanggang sa mapadpad sila sa bahay ni Alora. Winasak nila ang bintana sa kuwarto at pinasok iyon. Halos maglaway ang mga aswang nang makita ang sariwang dugo sa buong sahig.
Iginapang nila ang sariling mga katawan dito at dinila-dilaan ang dugo. Marami pang mga aswang ang nagsipasok doon at nagtulungan sa paglapa kay Alora!
Wakas.