11/03/2021
WHY I RIDE ?
Minsan, anong napapala mo dyan? O kaya, hindi ka ba napapagod? Bakit nga ba? Habang lahat ata ngrereklamo sa presyo ng gasolina, kame ngsusunog ng gasolina. Madalas pa e pagdating sa pupuntahan ilang pictures at selfie lng uwian na ulit. Swerte pa kung overnyt ang lakad. Ke hilig mgpunta sa dagat ni hindi naman mgsswimming. O kaya sa mga bundok, hindi naman mgtetreking. Totoo din nmn nakakapagod... ikaw ba nmn mgbalance ng 2 gulong at bilad sa araw. Samahan pa ng patong-patong na riding gears. Napapaisip din ako, bakit nga ba? Wala naman special, madalas nga sa papag, sahig, o kahit saan lng kme natutulog. Swerte kung may tent o kaya kubo. Pgkain? Madalas nga wala kame dala! Kung ano lng madaanan, laban na. Ni walang plato o kutsara at tinidor. Simple... pero masaya.... Yung pagod ng katawan nahihigitan ng payapang kaisipan. Akala lng ng iba nakakapagod pero ang totoo, nakakaRELAX. Kahit maingay at dinig mo lahat ng busina, muffler ng ibang sasakyan ultimo ung chismisan ng mgkakaibgan sa daan, pero totoo.... tahimik ang mundo sa loob ng helmet. Yung wala kang ibang iniisip kundi ung daan at mgenjoy sa magagandang tanawin. "ITS NOT THE DESTINATION BUT THE JOURNEY".Para kang nakikipag-date sa sarili mo. I feel free!!! "LOVE COMES IN DIFFERENT WAYS"... and I found mine in RIDING... it's more than a hobby for me. It is my passion. I live to ride! I ride to live!!
Repost!!! Kung RIDER ka🚵