ANG ILAW

ANG ILAW ANG ILAW is the official school publication of Anilao Elementary School.

06/01/2022

Bukas na po ito!

10/08/2021
09/08/2021

Mula sa matagumpay na 2020 NSPC sa Tuguegarao, muling nagbabalik ang National Schools Press Conference upang isulong ang responsable at malayang pamamahayag sa loob at labas ng paaralan.

Bitbit ang temang "Pahayagang Pangkampus: Kaagapay sa Paghilom at Pagbangon ng Sambayanan," ang 2021 NSPC ay gaganapin ngayong Agosto 11-13 at tatawaging National Conference on Campus Journalism in the 21st Century.

Tampok dito ang ilan sa mga respetadong pangalan sa larangan ng pamamahayag at pagsusulat sa bansa upang magbigay ng pagsasanay sa mga mag-aaral at tagapayo ng mga pahayagang pangkampus.

Mapapanood din ang Pambungad at Pangwakas na Palatuntunan sa opisyal na page ng DepEd Philippines.

Basahin ang DepEd Memorandum No. 50, s. 2021 para sa iba pang impormasyon: https://bit.ly/DM50S2021

11/06/2021

Ika- 12 ng Hunyo, 2021
8 ng umaga

Makibahagi sa isang birtwal na selebrasyon ng Araw ng Kalayaan kasama ang kaguruan sa Anilao ES Lipa!

10/06/2021

Nakiisa ang Anilao Elementary School sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ginanap ngayong araw, June 10, 2021 ganap na alas 9:00 ng umaga. Sabay- sabay na nag DUCK, COVER and HOLD ang lahat ng mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Basahin at alamin ang mga impormasyon tungkol sa National Drug Education Program o NDEP.
05/04/2021

Basahin at alamin ang mga impormasyon tungkol sa National Drug Education Program o NDEP.

15/03/2021
Iwinagayway ni Mam Miriame M. Sambayan ang bandera ng Anilao ES matapos nitong masungkit ang ikalawang pwesto (Teacher’s...
14/03/2021

Iwinagayway ni Mam Miriame M. Sambayan ang bandera ng Anilao ES matapos nitong masungkit ang ikalawang pwesto (Teacher’s Category) sa naganap na Division Competition for the National Arts Contest noong ika- 8 ng Marso taong 2021.

Pinangunahan ng Schools Division Office ang nasabing patimpalak bilang pagdiriwang sa 65th Anniversary of Peace Treaty Between Philippines and Japan na may temang: Dakilang Lahi.

Ikinatuwa ng buong pamunuan ng paaralan ang karangalang natamo ng g**o na nakipagtagisan ng talento sa pagpipinta.

Nagpasalamat si Mam Miriame Sambayan sa pamunuan ng DepEd sa pagkakataong makasali sa mga ganitong uri ng patimpalak. Aniya, ito ang kanyang kauna-unahang pagsabak sa acrylic painting in canvass.

“Sa mga kasamahan kong abot-langit ang pagtitiwala sa akin, gagalingan ko pa next time”, dagdag pa nito.

Samantala, nasungkit naman ni Rodelin R. Manding, g**o mula sa Sico ES, ang unang pwesto na siyang magiging official entry ng Division sa mas mataas pang lebel ng kompetisyon. Natamo naman ni Einstein P. Tapalla, g**o mula sa Inosluban-Marawoy Integrated National High School, ang ikatlong pwesto.

Anilao ES, nakiisa sa First Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)Nakibahagi ang mga mag-aaral a...
14/03/2021

Anilao ES, nakiisa sa First Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

Nakibahagi ang mga mag-aaral at buong pamunuan ng paaralan sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill para sa unang kwarter ng taong 2021.

Pinangunahan ni Sir Marcelino D. Mangilet, SDRRMC coordinator, ang nasabing drill. Ganap na alas-2 ng hapon ng Marso 12 nang sabay-sabay na nag-duck, cover and hold ang mga g**o at mag-aaral ng Anilao ES sa loob at labas ng kanilang mga bahay at tanggapan.

“Napakahalaga ng ganitong mga aktibidad hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa ating komunidad. Dito natin maipakikita ang kahandaan ng bawat isa sa mga hindi inaasahang sakuna. Lagi nating tatandaan na ligtas ang may alam”, saad ni G. Mangilet.

Ang nasabing programa ng NDRRMC ay nilahukan rin ng mga paaralang sakop ng SDO Lipa City. Layunin nitong matiyak ang kamalayan at kahandaan ng bawat isa sa banta ng lindol sa gitna pa rin ng nararanasang pandemya.

Mag-aral ay Karapatan Mo, Magpalista!!
05/01/2021

Mag-aral ay Karapatan Mo, Magpalista!!

SCHEDULE OF FACEBOOK LIVEJanuary 4-9, 2021Kindergarten- Grade 6For your guidance and information.
02/01/2021

SCHEDULE OF FACEBOOK LIVE

January 4-9, 2021

Kindergarten- Grade 6

For your guidance and information.

30/12/2020

RIZAL DAY 🇵🇭

Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong ika-124 na anibersaryo ng kanyang kamatayan.

HANDA NA KAMI!Nakiisa ang Paaralang Elementarya ng Anilao sa 4th National Simultaneous Earthquake Drill noong ika-27 ng ...
28/11/2020

HANDA NA KAMI!

Nakiisa ang Paaralang Elementarya ng Anilao sa 4th National Simultaneous Earthquake Drill noong ika-27 ng Nobyembre ganap na alas-9 ng umaga.

Nakilahok ang mga mag-aaral kabilang na ang mga g**o at punongg**o sa pambansang adbokasiya sa pagpapalakas at pagpapaigting ng antas ng kahandaan sa lindol at tsunami. Kaakibat nito ang patuloy na pag-iingat para sa kaligtasan ng lahat.

Handa ang may alam!

DATES TO REMEMBER FOR SCHOOL YEAR 2020-2021Tandaan ang mga sumusunod na petsa para sa holiday season break sa mga pampub...
28/11/2020

DATES TO REMEMBER FOR SCHOOL YEAR 2020-2021

Tandaan ang mga sumusunod na petsa para sa holiday season break sa mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa buong bansa. 🌟

🔸 Last day of classes for Quarter 1
12 December 2020

🔸 In-Service Training (INSET) Week
14-19 December 2020

🔸 Holiday break
19 December 2020 to 3 January 2021

🔸 Resumption of Classes
4 January 2021

Basahin ang DepEd Order No. 30, s. 2020 (https://bit.ly/DO30S2020) at Memorandum OUCI-2020-307 (https://bit.ly/OUCI-2020-307) para sa karagdagang impormasyon.



CTTO: DepEd Philippines

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANG ILAW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share