JAS tv

JAS tv news random videos all around the world. TikTok videos
funny videos
Arts & Entertainment random news
tiktoks funny video
funny video

10/11/2022

Pagtatayo ng Philippine Submarine Fiber Cable Network na magdudutong sa Luzon, Visayas, at Mindanao, sinimulan na

04/11/2022

Dalawang opisyal ng DSWD Calabarzon, pansamantalang inalis sa puwesto dahil sa reklamo ni Noveleta Mayor Chua

03/11/2022

Case solve na ang pagpatay sa estudyanteng si Irish Payonga ayon sa PNP subalit ang mga kaanak at malapit naman sa itinuturing suspek ay naniniwalang inosente ito.
Una nang sinabi ng PNP na nagkaroon ng "extra judicial confession" suspek noong Nov. 1, 2022.
Sa update ng PNP Camarines Sur R**e with Homicide and Robbery ang isinampang kaso.

01/11/2022

Thorough investigation: South Korea has begun a probe into a crowd crush which killed at least 154 people in the nightlife district of the capital, Seoul.

31/10/2022

Palabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong ‘Paeng’ matapos manalasa nitong weekend.

Pero bago pa man makalayo sa bansa, may kasunod na agad na bagyo na ngayon ay binabantayan ng state weather bureau PAGASA

28/10/2022

North at South Korea, nagpalitan ng warning shots

27/10/2022

Inirereklamong chairman umano ng "Masa Mart" na si Jessie Royo, naaresto matapos maharang papunta sanang Taiwan

Naaresto ang itinuturong lider ng "Masa Mart" na nakatangay umano ng milyun-milyong piso sa pamamagitan ng investment scam. Bukod sa mga dating nagreklamo, may mga bago pang lumutang na complainant

26/10/2022

Arestado ang ilang pulis na sangkot sa pagnanakaw sa isang bahay ng kanilang dating kabaro sa Cavite! Wanted din si Eastern Samar Councilor Alvin Orenda na tinuturong sangkot din sa nakawan.

Wasak ang ilang mga bahay at walang suplay ng kuryente sa ilang mga bayan sa Ilocos Norte kasunod ng magnitude 6.7 na li...
25/10/2022

Wasak ang ilang mga bahay at walang suplay ng kuryente sa ilang mga bayan sa Ilocos Norte kasunod ng magnitude 6.7 na lindol kagabi.

Sa impormasyong nakuha ng Net25 news, ilang mga poste ng kuryente ang nasira kaya ilang mga bayan ang kasalukuyang walang kuryente.

Nagbagsakan naman ang mga pader at poste ng ilang mga bahay kaya nasira ang kanilang mga kagamitan.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin ang ilan nating kababayan dahil walang masyadong nasaktan sa nasabing lindol.

25/10/2022

Patuloy ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority o CAAP sa pag overshoot ng isang eroplano ng Korean Air sa runway ng Mactan Cebu International Airport kagabi. Ilang direct flights sa paliparan kinansela dahil sa insidente.

22/10/2022

Saudi Arabia showed interest to join a powerful grouping of nations that involve Russia and China as relations with the US began to sour.

21/10/2022

Pangunahing benipisyaryo sa murang pabahay ng Department of Human settlements and Urban Development ang mga low income families sa Cordillera Administrative Region.

Sampung libong low-cost housing units para sa mga mahihirap na pamilya sa Cordillera Region ang iniaalok ng Kagawaran.

20/10/2022

mahigit 1m na halaga ng pera ang aksidenteng nahulog ng isang rider.

20/10/2022

Matapos ang dalawang taong travel restrictions, nauso ang katagang "revenge travel". Ano ito at paano nga ba ito makatutulong sa ekonomiya ng bansa?

19/10/2022

Higit 100 bata sa San Pascual, Batangas ang tinamaan ng hand, foot, and mouth disease. DOH, iniimbestigahan na ang kumakalat na sakit sa lugar.

19/10/2022

DSWD, pinag-aaralan na repasuhin ang mechanics ng 4Ps; 500-K na pamilya, inaasahang makakapasok sa listahan ng 4Ps sa susunod na taon.

18/10/2022

Bibili ka ba ng motorsiklo na presyong brand-new pero may sira na? Silipin ang mga motorsiklong pinasubasta ng LTO at alamin kung bakit nagreak ang netizens!

BLENDED LEARNING SA MGA PRIVATE SCHOOLS, EXTENDED – DEPEDSa isang department order na nilagdaan ni Vice President at Dep...
18/10/2022

BLENDED LEARNING SA MGA PRIVATE SCHOOLS, EXTENDED – DEPED
Sa isang department order na nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, pinapayagan ang mga private schools na manatili sa blended learning kahit matapos pa ang orihinal na deadline nito sa November 2.
Sa ilalim ng blended learning scheme, dapat may tatlong araw na face-to-face o in-person classes at dalawang araw na distance learning ang mga eskwelahan.
Matatandaang una nang pinanukala ng kagawaran ng edukasyon na simula sa Nobyembre 2 ay dapat magsimula na ang face-to-face classes sa buong bansa, public man o private school.

15/10/2022

NHA, nangakong tatapusin ang backlogs sa pabahay sa panahon ng termino ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

14/10/2022

Naaresto ang anak ni Justice Sec. Boying Remulla matapos mahulihan ng halos isang kilo ng 'kush' o high-grade ma*****na sa Las Piñas City.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na hindi siya makikialam sa isyu na kinasasangkutan ng anak na si Juanito Jose Remulla III.

14/10/2022

Negosyanteng sangkot umano sa illegal na bentahan ng mga armas, arestado.

13/10/2022

Tatlong malalayong isla sa Zamboanga, nalatagan na ng internet o WIFI bilang bahagi ng "Broadband ng Masa" project ni President Marcos Jr.

Muli na namang tumaas ang volcanic earthquakes na naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Sa pinakahuling mo...
13/10/2022

Muli na namang tumaas ang volcanic earthquakes na naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon. Sa pinakahuling monitoring nito, sa nakalipas na 24 oras ay naitala ang 313 na mga volcanic earthquakes.
Na-monitor din ang 279 tonelada ng sulfur dioxide at patuloy ang pamamaga ng bulkan. Matatandaang muling itinaas sa Alert Level 1 ang bulkan dahil sa mga aktibidad nito. | PHIVOLCS
Photo courtesy: DOST-PHIVOLCS

13/10/2022

Posibleng magamit na sa susunod na taon ang LRT-1 Extension Project na magdudugtong sa mga istasyon ng tren papuntang Cavite at pabalik sa Metro Manila.

12/10/2022

Sisimulan na raw sa mga susunod na buwan ang pag-survey at drilling operations sa Cadlao Oil Field sa Palawan, na puwedeng mapagkunan ng milyun-milyong bariles ng langis.
Isa ito sa mga hakbang na tinukoy ni Pangulong B**gbong Marcos at kanyang Gabinete na posibleng tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. | October 11, 2022

12/10/2022

Hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police ang isang opisyal ng Kilusang Mayo Uno at isa nitong kasamahan.

11/10/2022

Inilahad ng kasalukuyang pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED ang tingin nila na dapat maging laman ng Reserve Officer Training Corps o ROTC program na binubuhay ngayon ng Marcos Administration.

Disclaimer: (No copyright intentions, for support and Educational Purposes Only) Copyright Disclaimer, Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for 'fair use' for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, and research. -ROTC PH

11/10/2022

25 gusali at isang commercial bldg., ipapatayo sa 6.5-hectare Pabahay project ng DHSUD sa Marikina City

10/10/2022

SB 2393 o Rental Housing Subsidy Act of 2021, muling isinusulong ni Sen. B**g Go

10/10/2022

Posibleng magbukas ng karagdagang trabaho para sa mga Pinoy ang bansang Germany, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa Hongkong naman, aprubado na ang dagdag-sweldong 100 hongkong dollars o katumbas ng 750 pesos para sa mga OFW

08/10/2022

TW: Sexual abuse
Arestado ang isang 35-anyos na lalaking nambiktima ng 14-anyos na dalagita para makipagrelasyon sa kanya at magpadala ng maseselang litrato.
Sinasabing nagsimula ang ugnayan nila sa pamamagitan ng online gaming.

08/10/2022

Inalis sa listahan ang tatlong benepisyaryo ng TUPAD Program ng DOLE matapos mabisto na hindi talaga sila nagtatrabaho. Huli-cam na nagpapanggap lang na nagwawalis ang benepisyaryo.

07/10/2022

Nais daw maabot ni Pangulong B**gbong Marcos ang layuning mabigyan ng sapat na pagkain ang lahat ng Pilipino at maging agricultural hub ang bansa. Dinaluhan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa kontrata ng South Commuter Railway Project na layong paikliin ang oras ng biyahe sa pagitan ng Maynila at Laguna. | October 6, 2022

07/10/2022

Teacher patay matapos saksakin ng estudyante sa Samar.

06/10/2022

Nasawi ang isang bata matapos aksidenteng tamaan ng bala ng baril ng kaniyang amang pulis.

06/10/2022

Patay ang isang babae matapos tumalon sa footbridge sa Welcome Rotonda sa Quezon City. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng biktima. | via Ian Suyu

05/10/2022

Limang miyembro ng 'Warla' kidnapping group na pawang transwoman, naaresto ng PNP

05/10/2022

Isa ang patay at 10 ang sugatan matapos gumuho nitong Martes ang scaffolding sa itinatayong housing project sa Quezon City.

04/10/2022

Grupo ng mga ni-repatriate na OFW, nagkilos-protesta sa tapat ng DMW; nanawagang asikasuhin ang aabot sa P4 Bclaims nila

Kinalampag ng grupo ng mga ni-repatriate na mga OFW ang Department of Migrant Workers. Ilang taon na raw ang lumipas pero wala pa rin ang halos P4-B sweldo't benepisyo nila. Tugon naman ng Department of Migrant Workers, hindi sila tumigil sa pag-asikaso niyan.

Address


4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JAS tv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to JAS tv:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share