02/08/2023
Hakeem, Giannis, KD, Butler, Johnson
Jokic, Rodman, Dr. J, West, Luka
Embidd, Towns, Baylor, Havlicek, Cousy
This is my 15 of all time guys. Depende sa inyo pero syempre gusto kong malamang sinong pwedeng itapat nyo rito, na wala sa nabanggit ko, napakalalim lang lineup ko kaya alam kong mahirap hanapan ng katapat.
Kung kayoy nagdedebate kung sino ang GOAT, pwes sakin di ko pinagkokompara dahil pinagkampi-kampi ko sila, MJ, LeBron, Kobe. Yan naman ang di mawawala sa GOAT debate e kaya saken, walang magiging debate pagdating jan.
Sa mga nagsasabing bakit si Dirk ang napili ko, e mas madaming mas magaling pa kesa sa kanya? Ah simple lang, mas nakikita kong magiging fit si Dirk Nowitzki sa lahat ng magiging kakampi nya rito, oh at bakit? Kasi Duncan, Giannis, Malone, at iba pang mas mahusay ngayon hahahaha iba pa rin ang Dirk gamitin lalo na sa crucial, kung magiging crucial man ang labanan sa dulo lalo at kung ball possession namin, sya ang ipapasok ko dahil 3rd option ko sya sa pwedeng gumawa ng score. At kung guarded na ang unang dalawang option ko, syempre sa kanya ko na ipapasa.
Sa second unit ko, mga defensive players halos. Oh diba? At isa pa nasa second unit ko nilagay ang greatest shooters of all time. Curry and Ray Allen, kung tutuusin dapat si Curry yung nasa 1st unit, e syempre dahil mas priority ko sina MJ, Kobe at LeBron sa unang unit, pinili ko syang ilagay sa pangalawa kahit sobrang fan nya pa ako, e alam ko kung paano sila gagamitin jan.
3rd unit andaming naging defensive player of the year hahahaha, sinong papalag?
Bigyan nyo ko ng top 15 nyo na makakatalo rito. Tingnan ko kung gaano kaganda ang pag analyzed nyo? Game!!!
- Waz