14/02/2024
Walang mali sa pag iwas sa isang tao na nagbibigay ng negative vibe sayo, protektahan natin yung kapayapaan na meron tayo. Wag natin hayaang sirain tayo ng isang tao na hindi pareho ang pakiramdam sayo. Hindi naman porke iniwasan mo sya eh may galit ka na, as we grow old kailangan natin maintindihan na hindi lahat ng tao pareho ang ugali sa umpisa hanggang sa huli. Lahat tayo nagbabago. Maswerte ka kung mas maaga mong maiisip yon. Mas maaagapan mo yung sarili mong masaktan. Mas maswerte ka naman kung may kaibigan o kamag anak kang never ipinaramdam sayo na kulang ka. Na may mali sayo.
We all need friends or relatives na kahit anong katangahan o kagagahan ang nagawa mo, dinadala ka sa tama hindi yung ipinagkakalat pa sa iba at gagamitin laban sayo bilang bala.
Isa pa, Matuto tayong maging propesyonal sa mga bagay, kung kakausapin ka ng UN-FRIEND or kamag anak mo sumagot ka ng may respeto, kahit hindi na bilang isang kaibigan o kamag anak kundi bilang tao.
hindi natin kailangan ng madaming kaibigan o kamag anak magkaron ka ng isang totoong tao sa tabi mo, ikaw na din ang isa sa pinaka maswerteng tao sa mundo.
Negativity blocks the blessing.
Disconnection from negativity can bless your life.
Wag tayong matakot mawalan ng kaibigan, oh kamag anak kasi ang totoong kamag anak oh kaibigan kahit hindi mo sabihan, hindi ka iiwan. 👆💘🙏
NOTE : copy paste mona din . . Nagandahan lang ako sa aral na naidulot sa akin.
CTTO