Ang Hiwaga

Ang Hiwaga Ano ang iyong pinaniniwalaan, totoo ba ito o gawa gawa lamang..

Magandang gabi.Ito ang kwentong nagpagimbal sa akin noon. Pag may pagkakataon at panahon. Ilalahad ko ang kwento sa susu...
27/08/2022

Magandang gabi.

Ito ang kwentong nagpagimbal sa akin noon. Pag may pagkakataon at panahon. Ilalahad ko ang kwento sa susunod.

" Sino ang white lady sa Balete Drive? Tunghayan ang kanyang buhay kasaysayan bago sya naging kaluluwa doon sa nasabing lugar. Ang kanyang pinagmulan. Sino ang Babaeng nag mumulto sa Balete Drive? "

In loving memory of Maria Elena Garchitorena sa panulat ni Angel Portea.

Narito ang link.

Ang Orphan: First Kill ay isang 2022 psychological horror film na nagsisilbing prequel sa 2009 film na Orphan. Sa direks...
27/08/2022

Ang Orphan: First Kill ay isang 2022 psychological horror film na nagsisilbing prequel sa 2009 film na Orphan. Sa direksyon ni William Brent Bell, ito ay isinulat ni David Coggeshall, batay sa isang kuwento nina David Leslie Johnson-McGoldrick at Alex Mace.

Narito ang Trailer: https://pastepeso.com/yavdrswv

Sa naghahanap ng FULL MOVIE: https://pastepeso.com/yavdrswv

27/08/2022

SURPRISE

Paligoy ligoy na imbestigasyon, marahil mayroong mas malaking isda sa likod ng isyung ito.Suspek sa pagpatay kay Jovely ...
25/08/2022

Paligoy ligoy na imbestigasyon, marahil mayroong mas malaking isda sa likod ng isyung ito.

Suspek sa pagpatay kay Jovely Galleno, hindi pa nakakasuhan.

Narito ang report:
https://kami.com.ph/philippines/146046-suspek-na-umamin-sa-pagpatay-kay-jovelyn-galleno-hindi-pa-nakakasuhan-ng-pnp/

VIDEO HERE:https://pastepeso.com/pmrtctn2

The suspect who admitted to allegedly killing and assaulting 22-year-old Jovelyn Galleno has not been charged with a crime yet. This was according to the PNP.

25/08/2022

SA WAKAS! NECKLACE ni Jovelyn Galleno NAKUHA NA, Leobert Dasmariñas UMIYAK NG SOBRA!
Narito ang orihinal na video
https://pastepeso.com/7rudhkm

🛑Pamahiin ng PINOY na nakakatakot 🛑1. Pagsus**at ng traje de boda o wedding dress bago ang araw ng iyong kasal.– Sa ngay...
24/11/2020

🛑Pamahiin ng PINOY na nakakatakot 🛑

1. Pagsus**at ng traje de boda o wedding dress bago ang araw ng iyong kasal.
– Sa ngayon hindi na ito advisable dahil ilang subo lang ng kanin, tiyak na may posibilidad na hindi ka na kasya sa iyong susuotin. Ayon sa mga sabi-sabi, bitbit daw ng mga Kastila ang paniniwalang ito at hanggang ngayon may mga matatanda na naniniwala pa rin dito dahil kamalasan o malala ay trahedya ang dala nito. Minsan nga may mga pangyayari na hindi naman inaasahan, ang unang tanong pa ng mga matatanda: “nags**at ka ba ng iyong traje de boda?”

2. Kapag nakitang walang ulo o mukha ang isang tao, siya ay mamamatay
– Nakakakilabot talaga ang malaman sa ibang tao na nakita ka nilang walang mukha o walang ulo. Doon pa lang, tiyak na kakabog na ang dibdib mo. Ganoon din kung makikita mo ang sarili mo sa litrato na tila malabo o may itim ang ulo. Ang sabi nila, kung gusto mong mabaligtad ang kapalaran mo, kailangan mong sunugin o ibaon sa lupa ang suot mong damit nang makita kang walang ulo.

3. Tatlong magkakasama sa litrato
– Dahil napag-usapan na rin ang litrato, bawal din ayon sa mga pamihiin ang pagkuha ng litrato kapag tatlo lang kayo. Sa oras kasi na nagpakuha ng litrato ang tatlong tao, ang taong nasa gitna ay mamamatay. May ilan na rin ang nakapagsabi na totoo raw ito.

4. Huwag umuwi agad kapag galing ng burol
– Ito ang pamahiin na madalas sundin ng mga Pinoy hanggang ngayon. Ayon kasi dito, kapag dumiretso ka ng uwi mula sa burol ay susundan ka ng kaluluwa ng patay kaya ang payo ay magpagpag ka o pumunta muna sa ibang lugar. Nakakatakot talagang isipin na mauuwi mo pa ang kaluluwa lalo na kung hindi mo naman kilala ang pinuntahan mong burol. Pero minsan, ginagamit na lang din itong rason, para makapaggimik o makapasyal muna bago umuwi.

ITO BA AY TOTOO o PAMAHIIN LAMANG BA TALAGA.

Ano sa tingin niyo?

-Mytho

🛑 BUSAW 🛑Ayon sa mga ituran (kuwentong-bayan) ng mga Bagobo, mga katutubong matatagpuan sa itaas na bahagi ng Ilog Polan...
23/11/2020

🛑 BUSAW 🛑

Ayon sa mga ituran (kuwentong-bayan) ng mga Bagobo, mga katutubong matatagpuan sa itaas na bahagi ng Ilog Polangi at Davao, ang busaw ay mga halimaw na nagkakatawang-tao upang makapanlinlang kaniyang bibiktimahing tao.
Sa ibang Bagobo, tinatawag ding buso ang mga halimaw na naging sanhi ng katatakutan. Dahil may hitsura at kilos tao ang mga busaw, mahirap itong matukoy kapag nakasalubong.
Sa paniniwala ng mga Bagobo, ang mga busaw ay kumakain ng mga patay na katawan ng tao at nakapapanakit ng mga tao. Sinasabi rin nila na ang mga busaw ay mahilig kumain ng mga bata.
Upang hindi kainin ng busaw ang mga bangkay, kinakailangang pahiran ito ng mga halamang-ugat at mga dahon na may mapait na lasa. Maaari ring maglagay ng asin at s**a sa bangkay upang hindi lapitan ng busaw.
Sa kuwentong-bayan ng mga Bagobo na pinamagatang Ang Busaw at Dalawang Bata, minsang pumunta sa ilog ang ina ng mga bata upang mag-igib at manguha ng igat. Habang nása ilog, hinila ng igat ang ina at dinala sa malalim na bahagi ng ilog upang lunurin.
Nagkatawang-tao ang busaw na namamahay sa ilog at ginamit ang katawan ng ina ng mga bata upang linlangin ang mga ito at makain.
Pagdating sa bahay, nagtaka ang panganay na anak kung bakit hawak-hawak ng ina ang isang igat gamit lamang ang kaniyang mga kamay. Nagduda ang bata at nagplanong umalis sa bahay. Nang makatulog ang busaw, mabilis na tumakas ang mga bata.
Nagpatulong sila sa palaka at bubuyog na nakasalubong ngunit hindi natulungan ang mga bata. Isang usa ang nakasalubong nila at sinabihang silang sumakay kapag dumating ang busaw. Nang malapit na ang busaw sa kinalalagyan ng mga bata at usa, mabilis na tumakbo ang usa at saka iniwan sa isang mataas na puno ang magkapatid.
Nakipagbuno ang usa sa busaw ngunit dahil sa lakas ng busaw, natalo at kinain din ito ng busaw. Sa punongkahoy, isang batang lalaki ang nakipag-usap sa magkapatid. Sinabi niyang kapatid din siya ng mga bata at kinailangan nilang patayin ang busaw. Gamit ang mga damo, luya, at iba pang halamang-gubat, kanilang natalo ang busaw.

https://pastepeso.com/6urkk0

Credits:NCCA Official

-Mytho

🛑 Isinumpang kanta: Ang My Way 🛑Ang kantang ito ni Frank Sinatra ay tinuturing ng mga Pilipino bilang isang cursed song....
21/11/2020

🛑 Isinumpang kanta: Ang My Way 🛑

Ang kantang ito ni Frank Sinatra ay tinuturing ng mga Pilipino bilang isang cursed song. Kada may kumakanta nito, ay mayroong namamatay. Ibinahagi ng New York ang kanilang 2007 recordings at may naitalang anim na namatay noong kinanta nila ang awiting ito. Sa parehas na taon dito sa Pilipinas, binaril naman ng isang security guard ang isang 29 years old na lalaking kumakanta nito habang lasing dahil aniya ay nakakapikon daw at kaysakit sa tenga ang pagkanta nito. Simula noon, nilagay na sa blacklist ang kantang My Way sa mga bars dito sa Pilipinas.

- Mytho

🛑 San Juanico Bridge 🛑Taong 2013 nang manalasa ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo — Super Typhoon Yolanda,...
21/11/2020

🛑 San Juanico Bridge 🛑

Taong 2013 nang manalasa ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo — Super Typhoon Yolanda, na halos sumira sa mapa ng Leyte at Samar. Ngunit nakapagtataka din kung bakit sa kabila ng lahat ng ito, ay tuwid parin ang tindig ng San Juanico Bridge.
Maraming mga sabi-sabi na habang ginagawa daw ang naturang tulay ay pumatay at nag-alay daw ang mga workers ng mga paslit upang nang sa ganon ay walang anumang makapagpatumba sa tulay. Ang mga kaluluwa daw ng mga bata ay minsang namataan na umiiyak sa gilid ng tulay at bigla-biglang nawawala. Hanggang ngayon, isa parin ito sa mga nakakatakot na kwento ng mga matatanda sa lugar ng Samar.

🛑Mt. Cristobal🛑Kung ang Mt. Banahaw ay tinaguriang The Holy Mountain, ang Mt. Cristobal naman ay tinatawag na The Devil'...
21/11/2020

🛑Mt. Cristobal🛑

Kung ang Mt. Banahaw ay tinaguriang The Holy Mountain, ang Mt. Cristobal naman ay tinatawag na The Devil's Mountain. Pinaniniwalaan ng mga matatanda na kada taon ay kumukuha ang bundok ng isang tao at sa doon ay mararanasan nito ang pinakamasalimuot na pagkamatay.
Nagsimula ito sa kwento ng mga hiker na umakyat sa bundok. Habang inaabot nila ang peak ay parang unti-unti rin silang nabaliw. Nagulo ang kanilang mga isip at kung saan saan sila napunta, sila ay parang mg lasing. Doon, isa-isa na silang kinuha ng mga sinasabing demonyo na naglalakad-lakad malapit sa ibabaw ng bundok.

Meron ding dalawang magkasintahan na umakyat sa Mt. Crisobal nang madaling araw. Tinahak nila ang isang daan na noong mga panahon na iyon ay kakaiba at mukhang bago lang sa kanila. Kahit malakas ang ulan at zero visibility ay nagpatuloy sila sa pag akyat. Ayon sa mga lokal na naninirahan doon ay hindi na sila nakalabas sa bundok at hindi na muling nakita.
Marami ring kwento na kapag umakyat ka sa bundok na ito at gusto kang kunin ng mga dyablong nakatira ay gagawa sila ng mga daan na hindi naman totoo hanggang sa maligaw ka sa bundok at hindi na makalabas.

-Mytho

🛑 SU***DE MOUSE 🛑Ayon sa mga kwento, may isang nawawalang episode ng Mickey Mouse na cartoon ( black and white ) kung sa...
27/10/2020

🛑 SU***DE MOUSE 🛑

Ayon sa mga kwento, may isang nawawalang episode ng Mickey Mouse na cartoon ( black and white ) kung saan makikita na napadpad si Mickey sa impyerno. Ang unang dalawang minuto ng palabas ay wala naman gaanong makikita na kahina-hinala kundi lamang ang malungkot na larawan ni Mickey Mouse habang naglalakad sa tahimik na kalye ng siyudad dito rin maririnig sa black and white na palabas ang background music gamit ang maiingay na Piano at bigla-biglang magdidilim ang paligid pagkatapos ng apat na minuto, ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat.

Diumano may isang empleyado nagngangalang Leonard Maltin ay pinagsasama-sama ang mga lumang cartoons ng 30's upang ilipat sa mga digital na kopya at napansin niya ang apat na minutong cartoon video ay talagang 9 minuto at 4 na segundo ang haba. Kaya't nagpasya siyang panoorin ito. Pagkatapos ng dalawang minuto ay may kababalaghan na ang nangyayari hanggang sa katagalan ay nag-iiba na ang galaw ng screen, maya maya a maririnig na ang malalakas na sigawan at hagulhol. Patuloy pa rin sa paglalakad si Mickey habang ang buong paligid ay niyayanig na parang lindol ngunit makikita na nagbago ang ngiti niya na parang na demonyo, biglang mag fa flash ang mga dugo sa screen na imposibleng magawa sa panahong black and white pa ang palabas at biglang pumutok ang mukha ni Mickey..tumilamsik ang kanyang mga mata at natapon sa daan. Patuloy pa rin ang sigawan at hagulhol sa palabas at di na naatim ni Leonard Maltin na tapusin pa ito kaya pinapanood niya sa kanyang kasama hanggang sa huli subalit hindi rin nila natapos at nakapagsabi ng katagang " Ang totoong pagdurusa ay hindi natin alam " ng pitong ulit at biglang hinablot niya ang baril ng Security Guard at nagpakamatay. Walang sinuman ang nakakaalam sa hulihan ng palabas maliban lang sa dalawang empleyado at nakatapos nito na sa huli ay biglang nagpapakamatay.

-Mytho

USERNAME 666 Nasubukan nyo na ba ito? Nakita nyo na ba sa youtube ang haunted youtube channel na may username na 666 na ...
27/10/2020

USERNAME 666

Nasubukan nyo na ba ito? Nakita nyo na ba sa youtube ang haunted youtube channel na may username na 666 na kapag ni-refresh ng ni-refresh ay magbabago ang background ng youtube at magiging nakakatakot!

🛑 DO AT YOUR OWN RISK 🛑

-Mytho

KAPREMagandang gabi po admin pati po sa mga readers nito pong page na ito First time ko lamang po mag share ng creepy ex...
27/10/2020

KAPRE

Magandang gabi po admin pati po sa mga readers nito pong page na ito First time ko lamang po mag share ng creepy experience, actually po hindi aking experience. Kundi experience po ng 11 years old ko kapatid na babaeng bunso, bago po ang lahat ako nga po pala si Erika aka "Eka". Panganay ako saming magkapatid, dalawa lang kaming magkapatid ni nicole. Since na-confine ang mama namin sa hospital sa QC nitong May 2016, dalawa nalang kaming nagkasama ng kapatid ko. Kakahiwalay lang din ng parents namin last Dec 2015, kaya medyo depressed kami ng kapatid ko sa mga pangyayari. Simula din ng mapaalis kami sa inuupahan namin ay doon na kami nakitira ng kapatid ko sa kaibigan ng mama ko. July 7, 2016 ng 4am habang tahimik ang paligid at mahimbing sa pagkakatulog ang mga kasama namin sa bahay ay nagising nalang ako bigla ng may marinig akong iyak sa tabi ko, umiiyak yung kapatid ko habang nakatakip sa mukha niya yung mga kamay niya. Tinanong ko siya.. Ako: Oh nicole..bakit ka umiiyak? (Habang tinatanggal ko yung mga kamay niya) Siya: (Pabulong) Ate, tingnan mo may nakatayong malaking maitim na lalaki sa may kurtina. Ang kapal ng buhok tapos puti lahat ng mata na nakasiga sa akin.
Pero nung bigla akong napatingin sa kurtina, wala naman akong nakikita. Pero naisip ko na hindi naman siya iiyak ng walang dahilan, so totoo talagang nakakita siya. Bigla akong natakot at kinabahan ng sobra, bigla kong kinuha ang rosary ko na bigay ni mama at pinasuot ko sa kapatid ko, niyakap ko siya. Hindi ko pinapahalatang natatakot ako basta niyakap ko lang siya, sabi ko sa kanya magdasal tayo para mawala na yung nakita mo. Tapos di na siya makatulog nun kaya dinamayan ko nalang din siya, hanggang 7am na ulit kami nakatulog. Ayun lang po, Thank you po sa admin sana maipost po ito at sa readers thanks.

Credits: FEU Horror Stories "True To Life Story"

ANG BABAE SA BALETE DRIVE Maria Elena Garchitorina, diumano ang kanyang tunay na pangalan kaya mag-ingat sa pagbanggit n...
04/10/2020

ANG BABAE SA BALETE DRIVE

Maria Elena Garchitorina, diumano ang kanyang tunay na pangalan kaya mag-ingat sa pagbanggit ng pangalan na ito, may nagpapakita daw kapag nababanggit ang kanyang pangalan...

MAG-INGAT... Read at your own risk.

Kawalan ng hustisya, at paghihiganti ang kanyang hangad. Ayon sa mga kwento, hinahanap niya ang pumaslang at gumahasa sa kanya na taxi driver.

Subalit sa ibang kwento, diumano ay nagpatiwakal daw dahil sa pagka bigo niya sa pag-ibig. Dahil sa pag-iibigan na langit at lupa, naghintay si Maria ngunit hindi siya sinipot ng lalaki para sa planong tanan, bagama't ganun.. naghintay siya ng ilang gabi kahit umulan at bumagyo pero hindi pa rin sinipot. Diumano nagpakamatay si Maria dahil nalaman niya na sumama sa ibang babae ang kanyang minamahal. At hanggang ngayon naghihintay pa rin si Maria Elena Garchitorina.... Ang Babae sa Balete Drive.

-Mytho

ANG SIYUDAD NG BIRINGANAng probinsya ng Samar ay mayaman sa iba’t ibang kultura at paniniwala kaya’t ito’y naging sentro...
04/08/2020

ANG SIYUDAD NG BIRINGAN
Ang probinsya ng Samar ay mayaman sa iba’t ibang kultura at paniniwala kaya’t ito’y naging sentro ng mga paniniwalang kababalaghan. Isa na rito sa kanilang pinaniniwalaang misteryosong lugar ang “Siyudad ng Biringan”. Ang pangalan nito ay hango sa Waray na salita na “Birilngan” na ang ibig sabihin ay “hanapan ng mga taong nawawala.” Ang mga misteryosong taong nakatira sa Biringan ay umaagaw ng buhay at kanilang dinadala ito sa kanilang lugar na sa Waray na salita ay tinatawag na “daay.”
Mayroong tatlong dahilan kung bakit nila kinukuha ang buhay ng tao. Una ay ang pagkagusto sa iyo, ikalawa ay ang pagkaawa nila sa iyo at ikatlo ay ang pagkakaroon mo ng atraso sa kanila. Maraming mga bagay-bagay at mga matibay na ebidensya na nagpapatunay patungkol sa siyudad ng Biringan. Ang kanilang reyna ay nagngangalang “Carolina” na nagmula sa lugar ng “Blanca” na nasa bayan ng San Jorge, (Western) Samar. Ang Siyudad ng Biringan ay nasa gitna ng Pagsanghan, (Western) Samar at Brgy. Concepcion Gandara, (Western) Samar. Maraming mga paniniwala ang nagpapatunay patungkol dito at isa na rito ang aking pinsan.
Habang siya’y naliligo sa ilog, nakakita siya ng isang makinang na barko na pinaniniwalaang Dona Paz (Isang malaking barkong lumubog noong taong 1987 na pinaniniwalaang nasa syudad na ngayon ng Biringan). Ang nasabing barko ay lulan ng mga taong nakaputi ang damit na mga namatay noong panahong ito’y lumubog. Siya ay nagtago sa isang poste, ngunit siya’y nakita ng isang taong sakay ng barko at malakas na sumigaw patungo sa kanyang kinatatayuan na nagsabing “Kaibigan, gusto mo bang sumama sa kasiyahan namin?” Sa kanyang matinding takot ay kumaripas siya ng takbo pauwi sa kanilang bahay. Sa pagdaan ng Dona Paz, ito’y nagiging dahilan ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga taong nasa kumunidad ng Gandara (Subukan ninyong i-research iyan. Walang namamatay sa Gandara ng nagso-solo. Hindi pa nga naililibing ang isa’y may sumusunod na. Kung minsan pa’y kapit-bahay o kaparehong kalye lang ang mga namamatayan).
Kapag buwan na ng Pebrero na siyang kapistahan ng lugar ng Pagsanghan, ang tulay ng Gandara ay napuputol sa gitna upang paraanin ang nasabing barko. Ang barko ng Dona Paz ay malimit na huminto sa ilog ng Brgy. Minda Gandara, (Western) Samar. At ang mga lulan nito ay nakapilang bumababa upang pumunta sa simbahan ng Gandara, ang “St. Michael The Archangel Parish Church.” Ito’y istorya rin na magpapatunay patungkol sa Biringan. Ilan sa mga nagmamaneho ng kanilang mga bangkang de-motor sa ilog ay malimit na maparaan sa nasabing lugar. Kapag sila’y naririyan na sa kalagitnaan, sila’y nakaririnig ng animo’y kasiyahan at walang taros na pagsasaya na kasabay ng mga tugtuging pangpiyesta. Ang kanilang pinagtatakhan ay kung saan galing ang nasabing tunog na wala namang katao-tao sa kagubatan na tanging ang mga naroon lamang ay mga hayop at mga punongkahoy.
Kung tayo ay pupunta sa kagubatan ng Biringan, makikita nating alagang-alaga ang mga punongkahoy na sakop ng siyudad. Ngunit ang mga nasa paligid nito’y tuyong mga dahon at lantang mga halaman na animo’y hindi inalagaan sapagkat hindi ito sakop ng kanilang teritoryo. Mayroon pang karanasan na magpapatunay sa lugar ng Biringan. Isang bus na galing sa Maynila ang dumaraan patungong Catbalogan, (Western) Samar. Ang nagmamaneho nito ay nagtaka sapagkat sa kanilang pagmamaneho ng bus na lulan ng maraming pasahero ay nakakita sila ng karatula na “Maligayang Pagdating sa siyudad ng Biringan” (Welcome to Biringan City). Sa pagkakakita ng karatula ay siya’y biglang kinabahan, sa kanyang pag-aakala’y naligaw sila ng daan sa kadahilanang wala sa mapa ang kanilang tinahak na lugar. Magbubukang-liwayway na nang sila’y bumangon. Sa pagbangon nilang iyon, sila’y nagulat sapagkat ang bus na kanilang sinasakyan ay nasa taluktok na ng bundok at ito’y bumangga na sa punongkahoy.
Marami pang mga istorya sa mga bagay-bagay na maituturing na misteryo ang iniuugnay sa nasabing lugar, ang “BIRINGAN.”

CT:Spookify

Ang TIKTIKIto ay isang ibon na kasa-kasama ng ASWANG sa kaniyang paghahasik ng lagim. Ayon sa matandang paniniwala, kula...
03/08/2020

Ang TIKTIK

Ito ay isang ibon na kasa-kasama ng ASWANG sa kaniyang paghahasik ng lagim. Ayon sa matandang paniniwala, kulay itim ito at lalaki lang ng kaunti sa kalapati. Halos hawig siya sa uwak. Gabi ito kung maglayag sa himpapawid at siya ang naghahanap ng mga posibleng makain ng aswang...mga may sakit na malapit nang mamatay o mga kalilibing pa lang na bangkay. Ang kaniyang huni ay kakaiba - "tik-tik-tik-tik-tik-tik" at kapag naririnig mo daw ito ng malakas, ang ibig sabihin ay malayo pa ang aswang. Subalit habang pahina nang pahina ito, siya namang palapit nang palapit ng kaniyang nagugutom na amo!

Isang bola ng apoy!!!Santelmo sa tagalog o St. Elmo's fire.Ito ay pinaniniwalaan na ang santelmo ay isang nawawalang esp...
02/08/2020

Isang bola ng apoy!!!
Santelmo sa tagalog o St. Elmo's fire.
Ito ay pinaniniwalaan na ang santelmo ay isang nawawalang espiritu sa isang anyo ng isang bola ng apoy. Ang ganitong uri ng mga kuwento ay sikat sa mga rural na lugar sa mga lalawigan ng Pilipinas. Dahil naniniwala ang Pilipino sa kapangyarihan ng hindi alam, ito ay isa lamang sa mga ito.
May mga kuwento na kung ang isang tao ay namatay sa tubig, sabihin sa isang ilog, dagat o habang umulan, ang kanyang kaluluwa ay mananatili sa lugar kung saan siya namatay.
Ito ay isang maliit na maliliwanag na liwanag at unti-unti na lumalaki, tulad ng basketball.
Ang mga nawawalang kaluluwa ay mananatili sa lupain ng mga mortal at hihingi ng paghihiganti o tulong mula sa mga tao. May mga kaluluwa na naghahanap ng kapayapaan para sa kanilang kaluluwa, na humihingi ng tulong o panalangin upang pumunta sa langit.
Naniniwala ang ilang tao na ang mga ito ay mga bata na hindi nabinyagan bago sila mamatay.
Minsan ginagamit nila upang takutin ang mga tao, sa pamamagitan ng pagpapakita sa kagubatan o sa isang patlang, sa a
anyo ng isang bola ng apoy, mukhang isang tanglaw na may maliwanag na liwanag. Ito ay pinaniniwalaan na kung susundin mo ang liwanag, hindi ka maaaring bumalik maliban kung makita ka ng isang tao at iligtas ka mula sa pagkawala.
Ang Santelmo ay bihirang makita ng ilang tao, sa mga lalawigan lamang.
Ang iba pang mga kuwento ay nagsabi na kung ang bola na ito ng apoy ay nagpapakita sa iyo, ito ay habulin ka.
Ang Santelmo na matatagpuan sa tubig ay maaaring mapanganib dahil sinabi ng mga matatanda na maaari nilang patayin ka sa pamamagitan ng pagkalunod.
Sa ilang mga kuwento sinabi, bola ng sunog ay maaaring magdala ng isang magandang o masamang kapalaran, depende sa kung gaano karaming mga bola ng apoy nakatagpo ka. Nangangahulugan ba ang kailangan mo upang mabilang ito bago ka tumakbo ?? Hindi ba ito masyadong mapanganib ??
Gayon pa man, para sa mga nakatagpo ng isang kuwento tungkol sa santelmo, pagkatapos ng ilang mga paghabol sa iyo, ito ay mawala lamang o dahan-dahan pagkalanta.
Ang ilan sa aming mga ninuno ay nagsabi, maaari mong sindihan ang isang kandila sa lugar kung saan mo nakita ang santelmo, sapagkat kailangan nila ang kapayapaan at hindi maaaring pahinga ang kanilang kaluluwa sa langit...

ANG TAONG AHAS SA ROBINSONAng kuwentong ito ay lumaganap noong mga 1980s dahil sa kilalang artista na si Alice Dixon na ...
05/07/2020

ANG TAONG AHAS SA ROBINSON

Ang kuwentong ito ay lumaganap noong mga 1980s dahil sa kilalang artista na si Alice Dixon na muntik na naging ‘biktima’ ng halimaw sa kuwento. Ang halimaw na Ito ay isang kalahating tao (pataas) at kalahating ahas (pababa) na naninirahan sa ilalim ng Robinson’s Galleria.
ANG KUWENTO:
Si John Gokungwei, ang may-ari ng Robinsons ay ang sinasabing ama ng halimaw na kalahating ahas at ang anak na ito ay ang lalaking kambal ni Robina Gokungwei.
Dahil isang kababalaghan ang kanyang lalaking anak, itinago ni John Gokungwei ang kalahating ahas sa bodega ng Robinson’s Galleria. Upang pakainin ang kalahating ahas, binigyan ang halimaw ng camera sa mga fitting room upang makita kung mayroong puwedeng kainin na tao. Gamit nito, nagagawang kunin ng taong ahas ang mga taong nagustuhan niya-bilang pagkain o anu man.
Isang araw, ang kilalang artista na si Alice Dixon ay napadpad sa isang fitting room sa Robinsons at siya’y nakita ng taong ahas. Nagandahan ang taong ahas kay Alice at sinubukang kunin ng taong ahas ang artista. Masuwerte si Alice at siya’y nakatakas sa bodega ng taong ahas.
Nang nagpanayam si Alice Dixon tungkol dito, kalagitnaan ng panayam ay biglang natapos ang programa at nawala si Alice. Sinasabi raw na siya ay binayaran ng pamilyang Gokungwei para hindi siya magsalita tungkol sa taong ahas. Kung siya ay itatanong tungkol sa kuwentong ito, siya ay nananahimik na lamang.
Dagdag pa sa kuwento ni Alice Dixon, may kuwento rin na may dalawang babaeng trabahador na biglang nawala habang sila’y nagtatrabaho sa Robinsons. Hinihinala rin ng mga tao na sila ay kinain ng taong ahas.

- Mytho

05/07/2020

Ang page na ito ay COMPILATION ng ibat ibang kwentong bayan at katatakutan...

I like lamang po ang page, upang updated po kayo sa ating mga bagong post.

-Mytho

ANG MULTO MINDA MORAAyon sa kwento, si Minda Mora ay isang studyante ng Unibersidad ng San Carlos na ang hilig ay magtan...
05/07/2020

ANG MULTO MINDA MORA

Ayon sa kwento, si Minda Mora ay isang studyante ng Unibersidad ng San Carlos na ang hilig ay magtanghal sa Entablado. Ngunit isang gabi ay nangyari ang isang trahedya, ginahasa siya at pinatay ng ilang Security Guard doon. Inilibing nila ang kaniyang bangkay sa ilalim ng USC Cultural Center. Madami ang testigo na diumano na nagpaparamdam ang kanyang di matahimik na kaluluwa sa eskwelahang iyon. Ang higit pa daw na nakakapangilabot na kung ano ay merong kwarto sa Cultural Center na naka kandado na walang anumang rason, dito raw umano namamalagi ang MULTO ng mapaghiganting si MINDA MORA.

-Mytho

MARIA LABOSi Maria Labo ay isang OFW na nagtatrabaho sa bansang Canada bilang tagapag-alaga. Isang araw, bago mamatay ng...
05/07/2020

MARIA LABO

Si Maria Labo ay isang OFW na nagtatrabaho sa bansang Canada bilang tagapag-alaga. Isang araw, bago mamatay ng kanyang amo na isang sinumpaang aswang, sa kanya ipinasa ang sumpa ng pagiging aswang. Dahil wala ng mapas**an na trabaho sa Canada, siya ay bumalik sa Pilipinas bilang aswang.
Sa kanyang pagbalik, nagkaroon siya ng gutom para sa laman ng tao. Dahil ito ang unang beses na naramdaman niya ang gutom na ito, hindi niya mapigilan ang sarili at pinatay niya at niluto ang kanyang dalawang anak.
Nang bumalik ang kanyang asawa sa kanyang trabaho ay hinahanap ng kanyang asawa ang mga anak. Nang itanong kay Maria kung alam niya kung nasaan ang mga bata, tinuro ng nabaliw na si Maria ang lutuan kung saan niya niluto ang mga anak.
Sa galit sa ginawa ni Maria, tinamaan si Maria ng isang bolo sa mukha ng sariling niyang asawa. Dahil dito, nagkaroon si Maria ng malaking sugat sa kanyang mukha, kung kaya’t siya’y tinatawag na Maria Labo.
Ngayon, lumilibot siya sa buong bansa, kumakain ng mga tao upang mapanatiling busog ang kanyang aswang na katauhan.
Dagdag:
May ilan na nagsasabi na hindi talaga aswang si Maria Labo ngunit siya ay nabaliw lamang sa kanyang trabaho sa banyagang bansa. Karagdagan pa sa kanyang kuwento, kung siya ay maalala o maisip mo sa oras ng alas tres ng umaga at hapon, siya ay magpapakita sa harap mo at Ikaw ay papatayin niya.
Paminsan-minsan raw ay nagpapakita siya bilang isang magandang babae o ‘di kaya ay isang matandang babae.

Kayo ba naniniwala kayo sa kanya?

-Mytho

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Hiwaga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share