Bagong Kalibo News

  • Home
  • Bagong Kalibo News

Bagong Kalibo News "May napatunayan na, at may mapapatunayan pa."
(2)

LOOK: Mj Esberto ang pambato ng Kalibo, Aklan sa Miss Universe Philippines 2025. Siya ang kinoronahan nitong Enero 10 sa...
04/02/2025

LOOK: Mj Esberto ang pambato ng Kalibo, Aklan sa Miss Universe Philippines 2025. Siya ang kinoronahan nitong Enero 10 sa Binibini Ng Kalibo Ati-Atihan 2025.

DAY 6Nasa ika-anim na araw na ngang pinaghahanap ang batang nalunod sa Polo, Banga noong Enero 29.Patuloy na nagsusumika...
03/02/2025

DAY 6

Nasa ika-anim na araw na ngang pinaghahanap ang batang nalunod sa Polo, Banga noong Enero 29.

Patuloy na nagsusumikap ang mga rescuer na makita ang bata, may mga dumating din ngayong araw na mga volunteer na sumisid kung saan pinaniniwalaang una itong nawala.

03/02/2025

LIVE SA BANGA PNP, KAUGNAY SA PAGKAWALA NI JHORUS FLORES

TULONG PARA MAHANAP SI JHORUS, BUMUHOS(KALIBO, AKLAN)-- Patuloy ang pagbuhos ng tulong upang mahanap na ang 15-anyos na ...
02/02/2025

TULONG PARA MAHANAP SI JHORUS, BUMUHOS

(KALIBO, AKLAN)-- Patuloy ang pagbuhos ng tulong upang mahanap na ang 15-anyos na binatilyong si Jhorus Relojo Flores ang batang nawawala sa ilog sa Polo, Banga.

Sa ika-limang araw ngayong Linggo, dumagsa ang napakaraming tao sa Polo at Sigcay, Banga dahil sa umaasa ang mga itong makikita na ang bata.

Labis na hinagpis naman ang nadarama ng pamilya, iyak at pighati dahil na nababalot na rin sila ng kalungkutan sa pagkawalay ng kanilang anak.

Kaugnay nito, nagbayanihan na rin ang mga rescue groups mula sa ibat-ibang bayan sa Aklan, divers, volunteers at maging mga ordinaryong mamamayan upang mahanap na si Jhorus.

Nagpaabot din ng tulong at personal na sumama sa paghahanap sa ilog si Kalibo Mayor Juris Sucro nitong Linggo dala ang binili nitong underwater drone kasam pa si Jay Costura na isang Psychic.

Sa kabila nang paghihinagpis hindi parin nawawalan ng pag-asa ang pamilya na makikita nilang muli ang binatilyo matapos ang limang araw na pagkawalay nito sa kanila.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
February 2, 2025

LOOK: Sitwayon sa Aklan river na sakop ng Brgy. Sigcay sa bayan ng Banga ngayong Linggo. Maraming tao ang nag-aabang sak...
02/02/2025

LOOK: Sitwayon sa Aklan river na sakop ng Brgy. Sigcay sa bayan ng Banga ngayong Linggo. Maraming tao ang nag-aabang sakaling mahanap na ng mga rescue group ang 15-anyos na binatilyo na napaulat na nalunod sa Brgy. Polo sa nasabing lugar.

Nas area na rin si Mayor Juris Sucro dala ang underwater drone nito upang makatulong sa operasyon. | via: Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News

LOOK: Dumating ngayong Linggo si Mayor Juris sa Kalibo bitbit ang binili nitong personal na underwater drone para makatu...
02/02/2025

LOOK: Dumating ngayong Linggo si Mayor Juris sa Kalibo bitbit ang binili nitong personal na underwater drone para makatulong sa paghahanap sa batang nawawala sa ilog ng Polo, Banga. Kasama ni Sucro si Jay Costura na bumiyahe pa sa Aklan para makatulong din sa paghahanap. Si Costura ay kilalang psychic sa bansa. | via: Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News

TULOY-TULOY NA OPERASYONLOOK: Sa limang araw na paghahanap sa batang nawawala sa Brgy. Polo sa bayan ng Banga, dumagsa a...
02/02/2025

TULOY-TULOY NA OPERASYON

LOOK: Sa limang araw na paghahanap sa batang nawawala sa Brgy. Polo sa bayan ng Banga, dumagsa ang mga rescue groups na tumulong upang mahanap na si Jhorus Relojo Flores.

Ngayong araw muling magpapaabot ng tulong si Kalibo Mayor Juris Sucro sa pamamagitan nang personal nitong underwater drone para mas mapabilis ang paghahanap kay Jhorus. | via: Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News

May ka date kanaba sa Feb. 14?Kita kits sa Kalibo Pastrana Park sa Feb. 14 kasama si Maki.See yah.via| Jay-ar M. Arante,...
01/02/2025

May ka date kanaba sa Feb. 14?

Kita kits sa Kalibo Pastrana Park sa Feb. 14 kasama si Maki.

See yah.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
Febuary 1, 2025

LOOK: Muling nagtungo sa Polo, Banga si Kalibo Mayor Juris Sucro para magdala ng maiinom at makakain para sa mga rescuer...
01/02/2025

LOOK: Muling nagtungo sa Polo, Banga si Kalibo Mayor Juris Sucro para magdala ng maiinom at makakain para sa mga rescuer na naghahanap sa batang pinaniniwalaang nalunod sa nasabing lugar. | via: Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News

LOOK: Kasalukuyang nagsasagawa nang Search, Rescue, and Retrieval (SRR) Operation ang Numancia MDRRMO kaugnay sa insiden...
31/01/2025

LOOK: Kasalukuyang nagsasagawa nang Search, Rescue, and Retrieval (SRR) Operation ang Numancia MDRRMO kaugnay sa insidente sa Polo, Banga kung saan isang 15-anyos na binatilyo ang pinaniniwalaang nalunod.

Katuwang ng Numancia MDRRMO ang Bantay Dagat sa kanilang operasyon sa mga baybayin at ilog na sakop nang nasabing bayan.

πŸ“·MDRRMO Numancia

LOOK: Patuloy na nakikiisa ang MDRRMO Kalibo sa pagtulong na mahanap ang batang lalaki na tatlong araw nang nawawala sim...
31/01/2025

LOOK: Patuloy na nakikiisa ang MDRRMO Kalibo sa pagtulong na mahanap ang batang lalaki na tatlong araw nang nawawala simula nang maligo ito sa Aklan river na sakop ng Brgy. Polo sa bayan ng Banga. Nagkakaroon sila ng monitoring sa mga brgy. sa Kalibo na nadadaanan ng ilog sa pagbabakasaling makita na ang bata.

Ito ay tugon na rin nang MDRRMO Kalibo sa panawagan ng ina ng bata na matulungan silang mahanap na ang kanyang anak.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
January 31, 2025

LOOK: Magkakaroon ngayong araw Jan. 13 nang libreng Chest X-ray para lahat nang residente ng Poblacion Kalibo para sa ed...
31/01/2025

LOOK: Magkakaroon ngayong araw Jan. 13 nang libreng Chest X-ray para lahat nang residente ng Poblacion Kalibo para sa edad 13-anyos pataas sa Redcross Compound simula alas-8 ng umaga hanggang mamayang alas-5 ng hapon.

Ito ay hatid nang International Care Ministries Foundation sa pakikipagtulungan sa Brgy. Poblacion ng Kalibo.

29/01/2025

LGU KALIBO, IPINAGDIWANG ANG CHINESE NEW YEAR SA CALLE RIZAL

LGU KALIBO, IPINAGDIWANG ANG CHINESE NEW YEAR SA CALLE RIZAL(KALIBO, AKLAN)-- Masayang ipinagdiwang ng Lokal na Pamahala...
29/01/2025

LGU KALIBO, IPINAGDIWANG ANG CHINESE NEW YEAR SA CALLE RIZAL

(KALIBO, AKLAN)-- Masayang ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Kalibo ang selebrasyon ng Chinese New Year ngayong araw Enero 29 sa Calle Rizal sa Kalibo.

Sa pamamagitan nang pormal na pagbubukas nang okasyon isang programa ang isinagawa sa naturang lugar.

Makikita naman dito ang mga inilagay na street market kung saan maaari kang makabili nang mga pagkain kagaya ng sikat na Chinese food na Tikoy at marami pang iba.

Bukod dito, meron ding mga bazaar na makikita sa loob kung saan puwedi kang makabili ng ibat-ibang produkto katulad nang mga palamuti at pigura na pinaniniwalaang pampasuwerte ng mga Chinese.

Maliban sa mga nabanggit, ginawaran din nang pagkilala ang mga oldest living Pinoy-Chinese na naninirahan sa Kalibo.

Agaw atensyon din sa mga bisita ang Lion Dance at firecrackers sa pagtatapos ng programa.

Ang programa ay dinaluhan ng mga opisyales ng Kalibo sa pangunguna ni Mayor Juris Sucro at Vice Mayor Dr. Cynthia Dela Cruz kasama ang mga negosyanteng Chinese Pinoy mula sa Kalibo.

Samantala, magtatagal hanggang sa Enero 31 ng taon ang Chinese New Year celebration sa Calle Rizal na tinaguriang China Town ng Kalibo.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
January 29, 2025

LOOK: Sitwasyon sa Calle Rizal o Rizal St. sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Chinese New Year bukas Enero 29 han...
28/01/2025

LOOK: Sitwasyon sa Calle Rizal o Rizal St. sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Chinese New Year bukas Enero 29 hanggang sa Enero 31. Isang programa ang bubuksan ng LGU Kalibo at magkakaroon ng ibat-ibang event kagaya ng Street market, bazaar at marami pang iba.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
January 28, 2025

28/01/2025

The Mother of All Philippine Festival- The Kalibo Sr. Sto. NiΓ±o Ati-Atihan Festival

Isang pagpupugay sa ating mahal na Sto. NiΓ±o na siyang dahilan ng ating selebrasyon, ngayong taong 2025 mas naging makabuluhan ang ating debosyon kay Sr. Sto. NiΓ±o, mas naging makulay ang Ati-Atihan Festival, maraming mga deboto, bisita at turista ang pumunta sa ating bayan para kay Sr. Sto. NiΓ±o at sa selebrasyong ito na siyang patunay na iba ang ligaya at kasiyahan ang hatid sa atin ng tinaguriang The Mother of All Philippine Festival ang Ati-Atihan Festival ng Kalibo.

Maraming salamat sa mga nakisaya, naki Hala Bira ngayong 2025 kasama ang mahal nating Sto. NiΓ±o at ang ama ng Bagong Kalibo Mayor Juris Sucro.

via| Jay-ar M. Arante, Bagong Kalibo News
January 28, 2025

"𝐇𝐀𝐋𝐀 ππˆπ‘π€! 𝐏𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 ππˆππ“π€! πŸπŸŽπŸπŸ“" Congratulations sa mga nanalo sa kauna-unahang "𝐇𝐀𝐋𝐀 ππˆπ‘π€! 𝐏𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 ππˆππ“π€! πŸπŸŽπŸπŸ“"  π˜–π˜―-𝘡𝘩𝘦-𝘴...
27/01/2025

"𝐇𝐀𝐋𝐀 ππˆπ‘π€! 𝐏𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 ππˆππ“π€! πŸπŸŽπŸπŸ“"

Congratulations sa mga nanalo sa kauna-unahang "𝐇𝐀𝐋𝐀 ππˆπ‘π€! 𝐏𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 ππˆππ“π€! πŸπŸŽπŸπŸ“" π˜–π˜―-𝘡𝘩𝘦-𝘴𝘱𝘰𝘡 π˜—π˜’π˜ͺ𝘯𝘡π˜ͺ𝘯𝘨 𝘊𝘰𝘯𝘡𝘦𝘴𝘡 sa Baeay Pinamana.

𝟏𝐬𝐭 𝐏π₯𝐚𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐑𝐒𝐞 π‚πžπ³πšπ«
𝟐𝐧𝐝 𝐏π₯𝐚𝐜𝐞 𝐀π₯𝐫𝐞𝐞𝐝 π™πšπ¬π©πš
πŸ‘π«π 𝐏π₯𝐚𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐀 π‘πšπžπ­

Ang event na ito ay bahagi ng selebrasyon nang Kalibo Ati-atihan Festival 2025.

Congratulations everyone!

πŸ“·arteklayesaelporvenir2025

27/01/2025

Pinaghahandaan na nang LGU Kalibo ang selebrasyon ng Chinese New Year sa Enero 29-31 sa Rizal St. o Calle Rizal sa Pob. Kalibo.

Narito ang pahayag ni Vice Mayor Dr. Cynthia Dela Cruz.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Kalibo News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share