01/05/2024
To my soon to be ex wife:
Kumusta ka na? I'm glad that everything is going right with you! Matagal akong nawala dahil sa sobrang busy paghahanapbuhay. Wala na akong time mag open kahit messenger.
Just saw your posts by the way. Nagfile ka na pala ng annulment natin. And wow, half million na pala nagastos mo? Ang laki naman nyan, di ko alam saan ko pupulutin yang perang yan. Mapapa sanaol nalang ako 😂.
Sayo bahay, sayo car, sayo business, sayo kids' party, sayo expenses? Congrats! Ganda pala ng bagong bahay mo. May sariling swimming pool! 😲 Ganda din ng bagong sasakyan mo, favorite car color ko!
I have been quiet all this time, kasi ayaw ko lumabas tong issue na to. Ikaw pa rin nanay ng mga anak ko, and whatever you did, i still have respect for you. Pero bakit parang lumakas loob mo? Bigla nalang may mga post sa mga nangyayari sa family natin? Nakalimutan mo na ba kung bakit tayo nagkaganito? 🤦♂️
I don't care if I'm being painted as kontrabida sa mga story mo. I don't give a damn sa mga sasabihin ng iba tungkol sakin. But since you like everyone to know, okay lang din sakin. All cards on the table ika nga. 🍿
Anyway, before mo ko sisihin sa mga posts mo, let me remind you of what really happened in our family. What went wrong. Let's go back to the root cause of everything.
Do you still remember, na ang tagal ko sa barko, minsan umaabot pa ako ng 10months, tapos 1 month lang pinapasakay mo na ako ulit? Yep. Kasi nga sabi mo wala na tayong pera. Which is now strange kasi may business nga naman tayo aside sa kita ko, may mga sideline ka rin. Pero late ko na na realize kasi nga, tiwala ako sayo ng buong buo. Lahat ng income ko nasayo. 😑
Do you remember na pag bakasyon ako, ayaw mong sumama sa akin lumabas?kahit makipagdate ayaw mo? Everytime na hahalikan kita pag hinahatid kita, or whenever i tried to be sweet, umiilag ka?sabay tingin sa paligid kung may nakakakita? Parang kinahihiya mo ako. 😂
There was even one time na nahihirapan akong huminga, and nagpapasama ako sayo sa hospital para magpa check up. And you said, hindi pwede kasi naka set kana ng dinner and night out ng friends mo? Naaalala mo yun? Sabi mo pa nga mag motor lang ako kasi need mo yung sasakyan sa mga lakad mo. 🤦♂️
Do you remember na pagbakasyon ako hinahayaan kita lumabas with friends? Hindi gala sa umaga kundi night out. Aalis ka ng bahay 9pm, uuwi ka ng 3, 4, 5am. At least 3 times a week? Pag pinag sasabihan kita nagagalit ka pa nga. Sabi mo yun lng yung time na makakalabas ka kasi hindi ka hahanapin ng mga kapatid mo. Okay naman ako dun kasi bonding time namin ng mga bata. Saka tiwala naman ako sayo, sino bang mag aakala na despite ng lahat lahat ng sacrifices ko eh yun igaganti mo?
Do you still remember last March 2022, nung nag email sa akin ang pamangkin mo na sinabing may kabit ka? Yes! I hope naaalala mo pa yun! May picture pa nga na naghahalikan kayo ng lalaki sa 1st car ko (which i sold dahil ayaw mo na sa maliit, gusto mo malaking car kasi pinagtatawanan ka ng friends mo sa vios na dala2 mo), and a screenshot shot na gamit ni boy (yung airforce) ang dummy account? Sabi mo pa nga, mag rest na sya kasi darating na ako sa office para sunduin ka.
Do you know kung gaano ka tuliro ako nun?na di ko malaman kung saan ako pupunta? Wala akong pera, wala lahat lahat? Kahit maglalayas ako ng bahay, hihingi pa ako ng allowance sayo. Hahaha 😂 Hindi ko naman talaga kasi need ng pera pag nasa bakasyon ako kaya bigay ko sayo lahat ng cash advance na nakukuha ko sa barko pag onboard ako.
Wala akong mapagsabihan kasi may sakit si ermats, baka atakehin. Hirap nun! And then nalaman ko when i confronted your sisters and the rest of your family, matagal na pala yan nangyayari? Alam na pala nila! And no one ever dared to tell me or kahit man lang pagsabihan ka. Sabi pa nga nila, doon pa kayo nag kikita kita sa bahay ng isang kuya mo. Or sa coffeeshop ng isang ate mo. Sabi pa mismo ng family mo nun, ipa DNA ko si 3rd child kasi hindi daw sakin yun 😲.
Sila mismo nagsabi niyan! Sabi ko pa nga wag na idamay ang bata kasi walang kasalanan yan. Aakuin ko yan, sa akin man yan o hindi. Even some of my friends alam na pala nila! Pinili lang nila manahimik kasi nga nasa barko ako. Baka daw ano magawa ko sa sarili pag nalaman ko. Nagpapadala ka pa nga daw ng pera sa nanay ng airforce na taga Zamboanga. 🤦♂️
Alam ko rin na nag check in kayo sa isang medyo sikat na resort sa lugar natin. Hindi lang isa ang nakakita sa inyo nung gabing yun kundi tatlong tao. At sila mismo makaka attest at nakaka identify nung lalaki na kasama mong mag checkin.
Do you still remember kung paano nlng ako natawa nung sinabi mo sakin lahat2? Nung na admit ka sa hospital dahil may complication sa CS mo, tapos tinawagan ka ng isang hepe ng pulis ng lugar natin (classmate mo dati sa mindanao) at pinapatago ka kasi may lumabas na tatlong arrest warrant laban sayo? Hindi ako mapakali sa barko nun, galit na galit ako kasi bakit ginaganyan ang asawa ko, umiihi na nga ng dugo tapos nagtatago pa para hindi mahuli dahil may warrant, baka makulong ka ng weekend kasi friday yun ng lumabas. (Diba fresh na fresh pa sa memorya ko 😁).
Buti nalang at tinawagan ka agad ng kaibigan mong hepe ng pulis. Pero yung time pala na yun na nagtatago ka, kasama mo pala yung lalaki (ang airforce). Tinanong kita kung bakit mo pa sya kasama sa oras na yun. Sagot mo kasi akala din ng lalaki na anak nya ang pangatlo. Diba natawa nalang ako nun? Wow 😂
Do you remember how i tried to fix things? Sinabi ng 7yo daughter natin nun na kakausapin ka niya daw para patawarin ako nang hindi na tayo mag away (alam nyang nag aaway tayo pero hindi nya alam bakit). Tanong ko naman sa kanya why? Alam mo sagot nya? "Because i don't want to break our family picture" 😥 Hanggang ngayon naluluha pa rin akong maalala yun.
Do you still remember na pag nag aaway tayo after lumabas yung mga ginawa mong yun, ikaw pa ang gustong maghiwalay tayo? Pero ako palagi pumipigil kasi naiisip ko ang mga bata.
Diba, kahit ni isang pitik hindi ka nakaranas sakin? Ako pa nga binubugbog mo pag nagaaway tayo. Puro pasa katawan ko sayo. Hinagis mo pa laptop ko tapos parang nahimasmasan ka ng konti nung sinabi kong yan lang nabili ko sa sarili ko after more than 10years ng pagbabarko. Naaalala mo pa ba yun?
Do you remember nung april 2023 pagbaba ko ng barko i susurprise ko sana ang mga bata? Alam ko kasi ang bagong address nyo. At dun ko nalaman na may kinakasama ka palang ibang lalaki (hindi yung airforce, iba naman), at pakilala nyo pa sa mga kapitbahay nyo ay sya ang asawa mo at tatay ng mga bata? May nakita din akong picture nyo na magkahawak kamay papasok ng gate. Di ba galit na galit ka nun kasi nakita ko mismo ang lalaki na dumaan ng bahay tapos dumerecho ng nakita ako. Kinausap ko pa nga sya kaso todo deny nya na hindi nya alam ano pinagsasabi ko kc taga dun daw sya sa kabilang block. Nung tinanong ko ano address nya di daw nya alam (na amnesia yata bigla) at nung wala na syang masagot biglang humarurot ng motor 🤦♂️. Tinapon mo pa nga ang mga regalo na dala ko para sa mga bata. Buti yung laruan at camera nabigay mo pa sa kanila, pero yung iba nawala na hindi mo na rin alam kung saan mo natapon. Alam mo bang pinaghirapan ko lahat ng mga yun para may maibigay ako na regalo sa kanila?
Naalala mo ng mejo nagkaayos tayo at pinakita mo ang mga bata sa akin, nag punta kami ng playhouse? Ang saya ng araw na yun! Tapos natanong ng isang anak natin "daddy when are you going home". Sabi ko "i want to but i thought you already have a new daddy?" Sabi naman ng bata "mommy doesn't want us to talk about him".
Do you remember nung tumawag ka sakin nang pinuntahan ko ang bahay nung isang lalaki mo way back 2018 na last year ko lang nalaman? (not the airforce, not the one i caught last april, the driver) Sabi mo pa nga sakin hindi na ako dapat dumerecho dun kasi sasabihin mo naman sakin pag tinanong kita. By the way, yan pala ang reason bakit hindi ako pumirma nung dapat napagkasunduan natin nun nang magharap tayo kasama mga abogado natin. Akalain mo, within days nun may tumawag sakin na kapamilya mo tapos sinabi yung relasyon niyo ng driver natin nung 2018? Dun ko lang nalaman yun. Sabi pa nga niya, hindi ko rin daw anak ang pangalawa at alam din yan ng pamilya nyo. Ouch 🙃
Do you still remember na tumawag ka sakin ng nasa barko na ako nung may dumating na subpoena para sakin dahil sa reklamo mo na wala kang sustento at naghihirap ka sa mga bata? Diba, ikaw pa nga ang umiiyak nun at nagmamakaawa sa akin na hindi kita gagantihan ng kaso kasi ayaw mo mawalay sa mga bata? Sabi ko pa nga sayo bakit sakin ka humihingi ng tulong eh ako na nga kinakasuhan mo 😂. Sabi mo pa hindi mo gusto yun, sinulsulan ka lng ng kapatid mo. Keso may narinig kayo na kinasuhan kita, may darating na kung ano2 laban sayo natakot ka. May nangyari ba? Diba wala? Kasi kahit papano, may pinagsamahan pa rin tayo. At ikaw pa rin ang nanay ng mga anak natin. Gustuhin man natin o hindi, we will forever be connected somehow dahil sa mga bata (trust me I don't like it either).
Then ito lately for sure ma remember mo. Diba may dumating na dalawang warrant sa akin? (About sustento and psychological abuse kuno) Dahil hindi ako nakasipot nung nagpadala ng subpoena ang court? Diba alam mong nandito sa barko nagfile ka parin? Alam mo din for sure ang bail. Haha magpapakulong nalang ako, baka hindi ko kaya bayaran yun. Alam mo bang may educational plans ang mga bata na kinuha ko agad simula nung maghiwalay tayo? At alam mo bang hindi ko na pinatuloy ang health insurance ko na kinuha ko para sana just in case kung may mangyari sakin, wala nang iisipin ang mga bata. Mag peprepare nalang ako sa kaso natin.
You know, isang araw all of these will come back at you. It may not be today, but for sure. Isipin mo yun, your audacity na gawin lahat ng mga to after all you have done. Wow. Just. Speechless.
*Hope this will serve as a lesson for everyone. Don't put all your trust sa partner mo especially if you are like me na sa malayo nagtatrabaho. Trust your intuitions, and notice the obvious. I did not.
To your new boyfriend:
I know who you are. There is no badblood between us. Pero please lang, be good to my children. This is all I ask.
Peace out 🤘
- Jeffrey Olmedo, Seaman. Niloko.
*CTTO
*All rights to the owner