PAMPANGA CONNECT

  • Home
  • PAMPANGA CONNECT

PAMPANGA CONNECT Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PAMPANGA CONNECT, Media, .

11/09/2023

VP SARA DUTERTE, GINISA UKOL SA PROPOSED ₱500M CONFIDENTIAL FUNDS BUDGET NG KANYANG OPISINA PARA SA 2024

Binatikos ni Bise Presidente Sara Duterte si Senator Risa Hontiveros sa "pag-atake" sa paggamit ng kanyang opisina ng confidential funds noong 2022.

Si Hontiveros, kasama si Senate Minority Leader Koko Pimentel, ay ginisa ang Office of the Vice President sa budget hearing sa panukala naman nitong ₱500-million confidential funds para sa 2024.

PARA SA LAHAT NG TAGA PAMPANGA!Gusto mo bang pumunta sa Canada at bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? APPLY NOW! 3...
05/09/2023

PARA SA LAHAT NG TAGA PAMPANGA!

Gusto mo bang pumunta sa Canada at bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? APPLY NOW! 3 Months Process only.

BENEFITS:

🇨🇦 Unlimited Opportunities
🇨🇦 Live permanently
🇨🇦 Can bring your whole family
🇨🇦 Free education for your children
🇨🇦 School allowance benefits for your children
🇨🇦 Free healthcare
🇨🇦 Old-age security
🇨🇦 Canadian Citizenship

QUALIFICATIONS:

K to 12 Graduates
College Level with 72 units
College Graduates
With or without a job experience

ALL PROFESSIONALS ARE VERY QUALIFIED TO APPLY!

ATTEND OUR FREE ORIENTATION, INTERVIEW AND ASSESSMENT. Qualified Applicants will be processed immediately - 3 MONTHS!

📍CANDABA PAMPANGA
DATE: SEPTEMBER 12, 2023 | 1PM
VENUE:2nd floor, Candaba Trade Center, Candaba Pampanga

CLICK THIS LINK TO REGISTER
http://tinyurl.com/4ndahbvb

📍APALIT PAMPANGA
DATE: SEPTEMBER 12, 2023 | 6PM
VENUE:Fon Zon Events Place #066 Purok 4C, San Juan, Apalit, Pampanga

CLICK THIS LINK TO REGISTER
http://tinyurl.com/yc8ykthu

If internet is unavailable Call or text at 09171098183 for seat reservation.

Pinoy tayo na may karapatang magkaroon ng magandang buhay. Decide and fly in 3 months!🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Gusto mo bang pumunta sa Canada at bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? APPLY NOW! 3 Months Process only.BENEFITS:🇨...
15/07/2023

Gusto mo bang pumunta sa Canada at bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? APPLY NOW! 3 Months Process only.

BENEFITS:

🇨🇦 Unlimited Opportunities
🇨🇦 Live permanently
🇨🇦 Can bring your whole family
🇨🇦 Free education for your children
🇨🇦 School allowance benefits for your children
🇨🇦 Free healthcare
🇨🇦 Old-age security
🇨🇦 Canadian Citizenship

QUALIFICATIONS:

K to 12 Graduates
College Level with 72 units
College Graduates
With or without a job experience

ALL PROFESSIONALS CAN APPLY AS WELL!

ATTEND OUR FREE ORIENTATION, INTERVIEW AND ASSESSMENT. Qualified Applicants will be processed immediately - 3 MONTHS!

ARAYAT PAMPANGA
DATE: JULY 21, 2023 | 1PM
VENUE: Glorietta Sports Complex, Arayat Pampanga

CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/2t55w42v

PORAC PAMPANGA
DATE: JULY 23, 2023 | 1PM
VENUE: Joylan Events place Porac Pampanga

CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/2txyn97h

MAGALANG PAMPANGA
DATE: JULY 30, 2023 | 9AM
VENUE: Magalang Town Plaza San Nicolas 1, Magalang Pampanga (In Front of Magalang

CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/hjaszc7u

GUAGUA PAMPANGA
DATE: JULY 30, 2023 | 6PM
VENUE: Guagua National Colleges, Tayangco Hall XJ8M+VXP, Rep. Eligio Lagman St, Sta. Filomena Rd, Guagua, Pampanga

CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/43wj2w44

If internet is unavailable Call or text at 0910 645 0981 for seat reservation

This is a Lipat Bayan Project of Smart Visa, bridging you to career opportunities in Canada

Pinoy tayo na may karapatang magkaroon ng magandang buhay. Decide and fly in 3 months!🇵🇭🇵🇭🇵🇭

BABALA PARA SA LAHAT!Isang link umano ang kumakalat sa social media kung saan sinasabing mag fill up at magkakaroon ka n...
28/06/2023

BABALA PARA SA LAHAT!

Isang link umano ang kumakalat sa social media kung saan sinasabing mag fill up at magkakaroon ka ng financial assistance.

HINDI po ito totoo at delikado po na buksan ang link na ito dahil may modus po ang nagpapakalat nito para makuha ang detalye mo at ma hack ang social media account mo.

Please Share for awareness.

BABALA PARA SA LAHAT!

Isang link umano ang kumakalat sa social media kung saan sinasabing mag fill up at magkakaroon ka ng financial assistance.

HINDI po ito totoo at delikado po na buksan ang link na ito dahil may modus po ang nagpapakalat nito para makuha ang detalye mo at ma hack ang social media account mo.

Please Share for awareness.

Kumusta ang Lunes mo?
26/06/2023

Kumusta ang Lunes mo?

You survived the first day of the week ka-TESDAMAN!

Kumusta ka? Nakatulong ba ang PRODUCTIVE THINGS TO TRY ni TESDAMAN - Senator Joel Villanueva sa'yo?

Kwento ka naman dyan! Anong kwentong Lunes mo?




PAGBEBENTA NG LARUANG  ‘LATO-LATO’ NAIS NG IPATIGIL NG DTIGusto nang ipagbawal ng Department of Trade and Industry (DTI)...
22/06/2023

PAGBEBENTA NG LARUANG ‘LATO-LATO’ NAIS NG IPATIGIL NG DTI

Gusto nang ipagbawal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbebenta ng lato-lato dahil hindi raw sigurado kung ligtas ang mga materyal na ginagamit diyan.

Ayon sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Martes, wala raw certificate of product notification ang mga lato-lato, na popular ngayong laruan ng kabataan.

"Kung may certificate na si FDA (Food and Drug Administration) na wala siyang certificate of product notification, [it] shouldn't be sold in the market," ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.

News source: GMA News

Sa mga Fresh graduates dyan! 🥰Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin after graduation:1. Rest and take a break! 2. Get ...
13/06/2023

Sa mga Fresh graduates dyan! 🥰

Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin after graduation:

1. Rest and take a break!
2. Get government ID’s as soon as possible.
3. Prepare your documents.
4. Get entry-level jobs.
5. Prepare professional ID picture
6. Make a good impression
7. Be 101% ready!

Lubos ang suporta ng ating Sen. Joel Villanueva sa ating mga fresh graduates! Siya ang principal author at sponsor ng RA 11261 or First Time Job Seeker Act dahil trabaho ang trabaho ni Tesdaman!

Congratulations and best of luck, Graduates! 💙



KUNG MAY TVJ AT JOWAPAO, BAGONG EAT BULAGA MAY ‘BULOTONG’Kung dati may TVJ at Jowapao ang eat bulaga, sa bagong hosts na...
08/06/2023

KUNG MAY TVJ AT JOWAPAO, BAGONG EAT BULAGA MAY ‘BULOTONG’

Kung dati may TVJ at Jowapao ang eat bulaga, sa bagong hosts naman ng eat bulaga ngayon ay binansagan ng netizen na ‘BULOTONG’ o Buboy, Paolo at Betong makaraang may iilan na nagkukumpara sa ito matapos mag viral ang kanilang groupie photo.

Anong masasabi mo dito?

Photo source: Buboy Villar (IG)

IT'S OFFICIAL, TVJ ON TV5!
07/06/2023

IT'S OFFICIAL, TVJ ON TV5!

IT'S OFFICIAL! TVJ ON TV5! ❤️

Samahan po ninyo kami sa aming bagong tahanan!

TITO, VIC & JOEY, MAY BAGO NG TAHANAN; MAPAPANOOD NA SA TV5 AYON SA ABANTE Basahin from abante news:May bago nang tahana...
06/06/2023

TITO, VIC & JOEY, MAY BAGO NG TAHANAN; MAPAPANOOD NA SA TV5 AYON SA ABANTE

Basahin from abante news:

May bago nang tahanan sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads! Ayon sa source ng Abante, naselyuhan na ang pagsasanib-puwersa ng TVJ at ng Mediaquest Group para sa paglipat ng iconic trio at Dabarkads pati na creative staff ng orihinal na “Eat Bulaga” sa TV5.

Dagdag pa ng source, ibibigay sa TVJ ang noontime slot na okupado ngayon ng “It’s Showtime”. Kaya naman ililipat umano ang programa ng ABS-CBN sa pre-prime time slot. Kasalukuyan pang nag-uusap ang Mediaquest Group at ABS-CBN hinggil sa paglipat ng “It’s Showtime”, na magwawakas na ang blocktime agreement sa pagtatapos ng Hunyo.

Sinabi rin ng source na bet ng TVJ na tawaging “TVJ Dabarkads” ang bago nilang show o kaya naman “EATsang Libo’t EATsang Tuwa” habang hinihintay pa ang resulta ng pakikipaglaban nila para sa trademark ng “Eat Bulaga”. Nauna nang sinabi ni Tito Sen sa isang panayam ng CNN Philippines na sa Hulyo 2023 sila posibleng magbalik telebisyon. (IS)

News source: https://tnt.abante.com.ph/2023/06/06/tvj-dabarkads-selyado-na-paglipat-sa-tv5/showbiz/

06/06/2023

TANONG NG MGA LOYALISTA! NASAN NA SI ATTY. LARRY GADON? ANG SUPERLOYALIST NG MARCOS

Marami ang nagtatanong kung nasan naba ang No. 1 Loyalista at tagapag tanggol ng Marcos na si Atty, Larry GADON, tila nauna pa ang mga taong nasa gilid na hindi naman naramdaman noon na sumuporta sa pag ka-Pangulo ni BongBong Marcos jr. Marami na ang naghihintay kung ano ang posisyon ng mga SENADOR na tumakbo noong 2022 sa hanay ng MARCOS at DUTERTE.

Si Atty. Larry Gadon ang isa sa pinaka loyal na laging nagtatanggol kay Pangulong Ferdinand "BongBong" Marcos Jr. simula nung Una itong lumabas na tatakbong Pangulo ng Pilipinas, Kaliwat kanan ang kanyang pagpapaliwanag sa mama mayang Pilipino para ilabas ang katotohanan sa issue ng Pamilya Marcos. Matatandaan na si Atty. Larry Gadon ang unang sumagot at nag paliwanag sa Media at sa Social Media sa kasong diskwalipikasyon noon kay Pangulong MARCOS kaya mas naintindihan ng mama mayang Pilipino na Karapat dapat maging Pangulo ng Pilipinas si BBM.

Ngayon naghihintay ang mga loyalist kung saan ilalagay ang SUPERLOYALIST ng MARCOS na si Atty. Larry Gadon.

06/06/2023

Mga mahal naming Dabarkads, kung kayo ang aming tatanungin, saang tahanan o saang channel ninyo kami gustong mapanuod muli?

SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ AT 11 NA KASAMA NITO DUMALO SA ASEAN-KOREA LEADERS’ FORUMAng ASEAN-Korea Leaders’ Forum ay isan...
05/06/2023

SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ AT 11 NA KASAMA NITO DUMALO SA ASEAN-KOREA LEADERS’ FORUM

Ang ASEAN-Korea Leaders’ Forum ay isang espesyal na programa ng Jeju Forum for Peace and Prosperity. Pinagsasama-sama nito ang mga parlyamentaryo at pinuno ng negosyo sa rehiyon upang bumuo ng kapaki-pakinabang, inklusibo at mapagkakatiwalaang kooperasyon sa diwa ng pagkakaisa.

Kasama ni Romualdez ang kanyang congresswoman-wife Rep. Marie Yedda ng party-list Thingog, kasama sina Reps. Prinsesa Rihan Sakaluran (Sultan Kudarat), Maria Carmen Zamora (Davao Gold), Emigdio Tanjuatco III (Rizal), John Tracy Cagas (Davao South), Peter Miguel (South Cotabato), Maria Alana Samantha Santos (North Cotabato), Jonathan Clement Abalos (4Ps party-list) at House Secretary-General Reginald Velasco.

Sinabi niya na ang Pilipinas ay isang tagapagtaguyod para sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon at epektibong pakikipagtulungan sa pagitan ng mga inter-parliamentary na kumakatawan sa pagtugon sa hanay ng transnational at pandaigdigang banta.

Sa naganap na Forum, binati rin ni Speaker Martin Romualdez ang kanyang Korean counterpart na si Kim Jin-pyo, Speaker ng National Assembly of the Republic of Korea (ROK), sa pagho-host ng 2023 forum.

Sa huli patuloy ang Forum na magdadala ng magandang balita sa ating mga mamamayang Pilipino.

33 SA 42 NA PRIORITY MEASURE NG ADMINISTRASYONG MARCOS NAAPRUBAHAN SA IKATLO AT HULING PAGBASA SA KONGRESOInulat ni Hous...
02/06/2023

33 SA 42 NA PRIORITY MEASURE NG ADMINISTRASYONG MARCOS NAAPRUBAHAN SA IKATLO AT HULING PAGBASA SA KONGRESO

Inulat ni Housen Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules ng gabi, May 31 na na ang mababang Kamara ay nagproseso ng kabuuang 9,600 na mga hakbang sa unang regular sesyon ng 19th Congress.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni Speaker Martin, ang Kamara ay nagproseso ng kabuuang 9,600 sa loob ng 10 buwan at binubuo ng 8,490 House Bill, 1,109 na resolusyon at isang petisyon na madaragdagan pa sa susunod na sesyon ng kamara.

Sa huling linggo ng mga session ang kamara ay nag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ang dalawang panukalang batas na nakahanay sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), na isa sa prayoridad na Batas ni Speaker Martin Romualdez at ng Marcos Administration.

Nagbigay ng isang espesyal na minsasahe si Speaker Martin Romualdez tungkol sa Maharlika Investment Fund (MIF) O Philippine Sovereign Wealth Fund na nakahandang pirmahan ni Pangulo Ferdinand Marcos kapag nagkasundo na ang Kongreso at Senado na maipasa ito bilang batas.

Sa 33 na LEDAC Bill na aprubado ng kamara, mayroon ng nilagdaan ang Pangulong Marcos, Una ang SIM CARD Registration, Pangalawa Postpoment of Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, at pangatlo ang Attrition Law/Armed Forces of the Philippines (AFP) Fixed Term.

Narito naman ang 30 na prayoridad na Batas sa ilalim ng Marcos Adminstration.

4.Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) Bill
5.Medical Reserve Corps Bill
6.National Disease Prevention Management Authority Bill
7.Creation of the Virology Institute of the Philippines
8.Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP)
9.Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries
10.Internet Transactions Act/E-Commerce Bill
11.Maharlika Investment Fund Bill
12.Revitalizing the Salt Industry Bill
13.Tax Reform Package 3: Valuation Reform
14.E-Government/E-Governance Act
15.National Government Rightsizing Program
16.Tax Reform Package 4: Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA)
17.Waste-to-Energy Bill
18.Magna Carta of Filipino Seafarers
19.New Philippine Passport Act
20.Regional Specialty Hospitals Bill
21.Free Legal Assistance for Police and Soldiers
22.National Land Use Act
23.Magna Carta of Barangay Health Workers
24.Apprenticeship Law
25.Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE)
26.Leyte Ecological Industrial Zone Bill
27.Eastern Visayas Development Authority
28.Negros Island Region (NIR) Bill
29.Local Government Unit (LGU) Income Classification Bill
30.Ease of Paying Taxes Bill
31.Philippine Immigration Bill
32.Amendments to the Universal Health Care Act
33.Comprehensive Infrastructure Development Master Plan.

Magbabalik ang sesyon ng kamara sa July 24, 2023

KABALIKAT SA HANAPBUHAY ACT. IPINASA NA SA HOUSE OF REPRESENTATIVE PARA MAGING BATASIsa ang House Bill No. 8008 o KABALI...
27/05/2023

KABALIKAT SA HANAPBUHAY ACT. IPINASA NA SA HOUSE OF REPRESENTATIVE PARA MAGING BATAS

Isa ang House Bill No. 8008 o KABALIKAT sa HANAPBUHAY Act. ang nais maging batas ni Speaker Martin Romualdez Para mabigyan ng diskwento o libreng pre-employment requirements gaya ng NBI at POLICE Clearance ang mahihirapan na Pilipino na naghahanap ng trabho.

Target ng batas na ito na mabawasan ang gastusin ng ating mga kababayan lalo na ang ating mga kababayang mahhirap na walang kakayahang kumuwa ng mga dokumentong may fee o bayad. Dahil dito mailalaan pa ng ating mga kababayan ang badget nila sa pagkain, gamot at sa iba pang mahahalagang gastusin sa kanilang pamilya.

BASAHIN: MGA PARAAN PARA MAKAIWAS SA PAGTAMA NG KIDLAT ✅– Kung ikaw ay nasa open field at naabutan ng ulan na may kasama...
25/05/2023

BASAHIN: MGA PARAAN PARA MAKAIWAS SA PAGTAMA NG KIDLAT ✅

– Kung ikaw ay nasa open field at naabutan ng ulan na may kasamang kidlat dito, agad na yumuko habang naka-squat at pagdikitin ang dalawang sakong at tu¬mingkayad at takpan din ang mga tainga.

Maiiwasan ang pagtama ng kidlat sa ganitong paraan dahil kapag nagdikit ang mga sakong o naka-inverted letter V ang heels, ang kuryente ay hindi papasok sa katawan pero daraan lamang ito sa isang sakong at lalabas naman sa kabila. Kapag sigurado nang wala ng kidlat ay maghanap na o tumakbo na sa lugar na puwedeng masilungan.

– Manatili sa loob ng bahay o gusali kung saan mas ligtas.

– Kapag kumikidlat ay iwasang humawak sa puno.

– Huwag humawak sa kable o sa mga tubo ng tubig dahil mabilis na gumapang ang kuryente sa mga ito.

PALATANDAAN NA MAGKAKAROON NG KIDLAT SA LUPA

May early signs na tinatawag ng pagtama ng kidlat sa lupa na hindi dapat balewalain tulad ng:

– Mabilis na pamumuo ng cumulonimbus clouds.

Ang cumulonimbus clouds (thunderstorm clouds din kung tawagin) ay maraming dalang tubig at tumi¬timbang ito na umaabot sa isang mil¬yong tonelada.

Maging alerto kapag nakitang mabilis na namumuo ang cumulonimbus clouds. Hindi laging sa maaraw na kalangitan lamang makikita ang cumulonimbus clouds. Ito kasi ang unang stage ng pamumuo ng thunderstorm. Kapag nakita na ito ay agad nang maghanap ng mapupuntahang ligtas na lugar.

– Lumalakas ang hangin at dumidilim ang kalangitan. Tanda ito na paparating ang bagyo at posible ang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.

– Malalakas na kulog. Ang malalakas o magkakasunod na kulog ay likha ng kidlat. Kapag naririnig na ang sobrang lakas na kulog ay nariyan lamang ang kidlat.

– Babala ng weather bureau. Tulad ng PAGASA, dapat ding pakinggan at maging alerto sa kanilang mga inaabiso kapag masama ang lagay ng panahon.

PALATANDAAN NA POSIBLENG TUMAMA ANG KIDLAT SA TAO

– Pagtayo ng buhok at balahibo

– Metallic taste o panlasang bakal sa bibig

– Pamamawis ng mga kamay

– Pakiramdam na parang napapaso ang balat

– Amoy chlorine (o amoy chlorine bleach na ginagamit sa panlaba o chlorine na naamoy sa mga swimming pool). Ang chlorine na ito ay ozone, na napoprodyus kapag ang nitrogen oxides mula sa kidlat ay nag-i-interact sa iba pang chemicals at sinag ng araw

– Nagba-vibrate, buzz, o may tunog mula sa metal objects sa paligid.

Heat Index sa General Santos City, posibleng pumalo sa 59°C (extreme danger) sa Lunes, ayon sa PAGASA.
24/03/2023

Heat Index sa General Santos City, posibleng pumalo sa 59°C (extreme danger) sa Lunes, ayon sa PAGASA.

JUST IN | Heat Index sa General Santos City, posibleng pumalo sa 59°C (extreme danger) sa Lunes, ayon sa PAGASA.

23/03/2023

BASAHIN: Filing ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2023 Barangay at SK Elections, inilipat ng ibang araw.

Inanunsyo ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang bagong schedule ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa opisyal, ang CoC filing na unang nakatakda sa July 3 hanggang July 7 ay inilipat na sa August 28 hanggang September 2.

Nilinaw naman ng COMELEC na tanging ang schedule ng filing ng CoC lamang ang nalipat ng ibang araw ngunit ang eleksyon ay nananatiling tuloy na sa October 30, 2023. - mnp

DAGDAG ₱150 SA KADA ARAW NA SAHOD SA LAHAT NG MANGGAGAWA SA BUONG BANSA, ISUNUSULONG NI CAVITE CONGRESSMAN JOLO REVILLA ...
16/03/2023

DAGDAG ₱150 SA KADA ARAW NA SAHOD SA LAHAT NG MANGGAGAWA SA BUONG BANSA, ISUNUSULONG NI CAVITE CONGRESSMAN JOLO REVILLA

Tinalakay ng House of Representatives Committee on Labor and Employment Sub-Committee on Labor Standards ang House Bill No. 514, na kilala rin bilang P150.00 Daily Across-the-Board Wage Increase Act, noong Miyerkules, Marso 15.

Dumalo sa talakayan ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) - Bureau of Working Conditions, National Economic and Development Authority, Employers Confederation of the Philippines, at National Anti-Poverty Commission.

"Nararapat lamang na mag-utos ng karagdagang P150 sa pang-araw-araw na sahod ng ating mga manggagawa sa bansa anuman ang kanilang rehiyon," sabi ni Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, na nagpakilala ng panukalang batas, sa isang pahayag.

"Mahalagang taasan ang kanilang araw-araw na sahod upang masuportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin."

Ang panukalang batas ay nag-uutos sa mga pribadong tagapag-empleyo, kapwa sa sektor ng agrikultura at hindi pang-agrikultura, na magbayad ng karagdagang P150 sahod sa mga manggagawa.

Inaatasan din nito ang DOLE na siyasatin ang mga payroll ng kumpanya at iba pang rekord ng pananalapi upang matiyak na mababayaran ang mga manggagawa sa itinakdang pagtaas, gayundin ang iba pang benepisyo.

Si Revilla, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Marso 15, ay nagsabing sisiguraduhin niyang maisabatas ang panukalang batas para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

Source: Manila Bulletin

DAGDAG ₱150 SA KADA ARAW NA SAHOD SA LAHAT NG MANGGAGAWA SA BUONG BANSA, ISINUSULONG NI CAVITE CONGRESSMAN Jolo Revilla

Tinalakay ng House of Representatives Committee on Labor and Employment Sub-Committee on Labor Standards ang House Bill No. 514, na kilala rin bilang P150.00 Daily Across-the-Board Wage Increase Act, noong Miyerkules, Marso 15.

Dumalo sa talakayan ang mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) - Bureau of Working Conditions, National Economic and Development Authority, Employers Confederation of the Philippines, at National Anti-Poverty Commission.

"Nararapat lamang na mag-utos ng karagdagang P150 sa pang-araw-araw na sahod ng ating mga manggagawa sa bansa anuman ang kanilang rehiyon," sabi ni Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, na nagpakilala ng panukalang batas, sa isang pahayag.

"Mahalagang taasan ang kanilang araw-araw na sahod upang masuportahan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin."

Ang panukalang batas ay nag-uutos sa mga pribadong tagapag-empleyo, kapwa sa sektor ng agrikultura at hindi pang-agrikultura, na magbayad ng karagdagang P150 sahod sa mga manggagawa.

Inaatasan din nito ang DOLE na siyasatin ang mga payroll ng kumpanya at iba pang rekord ng pananalapi upang matiyak na mababayaran ang mga manggagawa sa itinakdang pagtaas, gayundin ang iba pang benepisyo.

Si Revilla, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Marso 15, ay nagsabing sisiguraduhin niyang maisabatas ang panukalang batas para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

Source: Manila Bulletin

Today is Sunday 🙏😇
04/03/2023

Today is Sunday 🙏😇

WALANG PASOK! Sinuspinde na ni Gov. Dennis Pineda ang face-to-face classes sa lahat ng antas, public o private, sa Pampa...
04/03/2023

WALANG PASOK!

Sinuspinde na ni Gov. Dennis Pineda ang face-to-face classes sa lahat ng antas, public o private, sa Pampanga simula March 6 hanggang March 8 dahil sa posibleng tigil-pasada.

Hinihikayat din ng Gubernador ang pagsasagawa ng online o modular classes.

02/03/2023

MAG-IINA NAGWALA, NANGAGAT NG MGA TANOD

Sandamakmak na kaso ang kinakaharap ng mag-iina matapos na magwala at mangagat pa ng mga tanod sa Brgy. Pansol, Quezon City, Lunes ng hatinggabi.

Inihahanda na ang mga kasong Assault in Person in Authority, Alarms and Scandals at malicious mischief laban sa mag-iinang sina Nerissa Lauzon, 39, at dalawang anak na lalaki, na ‘di pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad, pawang residente ng Block 7, Kaingin 1, Brgy, Pansol, Quezon City.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, nabatid na pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente malapit sa Brgy. Satellite ng Brgy Pansol sa Kaingin 1, Brgy, Pansol, sa lungsod.

Nauna rito, nag-iinuman umano ang mga anak ni Lauzon nang sa ‘di pa malamang dahilan ay kumprontahin ang napadaan nilang dalawang kapitbahay na sina Rodolfo Dela Cruz, 19, at Remar Coronado Valera, 28.

Naispatan naman ng mga nagpapatrulyang tanod ang komosyon sa pagitan ng mga kabataan kaya dinala nila ang mga ito, kasama ang kanilang nanay malapit sa Brgy, Satellite ng Brgy, Pansol, upang pag-ayusin sana.

Gayunman, sa halip na makipag-ayos, sinuntok umano ng magkapatid na Lauzon na kapwa lasing na ang dalawang nagrereklamong kapitbahay.

Dahil dito, pumagitna ang mga tanod na sina Alexander Derata, Ro¬berto Ines, at Ernesto General, pero sa halip na magpa-awat ang magkapatid ay kinagat pa sila ng mga ito habang ang kanilang ina naman ay nagwala at pinagsisira ang mga kagamitan sa barangay.

News source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2023/02/28/2248225/mag-iina-nagwala-nangagat-ng-mga-tanod

HELLO MARCH! 🙏😇🥰
28/02/2023

HELLO MARCH! 🙏😇🥰

09/02/2023

PANOORIN: PABAYANG AGENCY, NAKATIKIM NG SERMON KAY SEN. JOEL VILLANUEVA

Nakatikim ng sermon ang recruitment agency dahil sa kapabayaan umano nito matapos masawi ang kababayan nating OFW sa Kuwait na si Jullebee Ranara. Ayon kay Senator Villanueva, kulang sa monitoring na isinasagawa ang agency ni ranara kaya humantong ito sa pagkasawi ng OFW.

TESDA GRADUATE KA BA? KUNG OO, MAY CHANCE KANG MANALO NG 10,000 TO 100,000 PESOS! 😍Calling all TESDA Graduate! Sali na s...
01/02/2023

TESDA GRADUATE KA BA? KUNG OO, MAY CHANCE KANG MANALO NG 10,000 TO 100,000 PESOS! 😍

Calling all TESDA Graduate! Sali na sa Tatak Tesdaman Video Making Contest at manalo ng 10,000 up to 100,000 pesos.

Para sa buong mechanics, iclick ang link na nasababa:

👉 bit.ly/3XPI4tE

Ano pang hihintay mo! Sali na!

27/12/2022

TINGNAN: Binuksan na sa Publiko ang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue Bulacan. Ang 2 ektaryang kinatatayuan nito ay donasyon ng Pamilya Villanueva sa Pangunguna ni Tesdaman Senator Joel Villanueva.

Ipinangalan ang Hospital sa pumanaw na kapatid ni Senator Joel Villanueva na noo’y alkalde ng Bayan ng Bocaue na si Mayor Joni Villanueva. Lubos naman ang pasasalamat ng Bocaueno at mga karatig Bayan dahil sa mas malapit at mas magandang Serbisyong hatid ng Joni Villanueva General Hospital.

TINGNAN | Binisita ni DILG sec. Benhur Abalos ang Mandaluyong Medical Center na  kailan lang ay isinagawa ang inaugurati...
10/12/2022

TINGNAN | Binisita ni DILG sec. Benhur Abalos ang Mandaluyong Medical Center na kailan lang ay isinagawa ang inauguration.

Kinumusta din ni Sec. Abalos ang mga Medical Practitioners at mga Pasyente. Pangako ni Sec. Abalos ang mas magandang Serbisyong medikal hindi lamang sa Mandaluyong na kanyang pinaglingkuran kundi sa buong Pilipinas kung saan siya ngayon ang DILG secretary.

05/12/2022

SAPILITANG PAG HINGI NG AMBAG TUWING CHRISTMAS PARTY IPINAGBABAWAL NG DEPED

Papayagan ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng "Christmas parties" sa gitna ng COVID-19 pandemic — ang bawal ay ang sapilitang pagkuha ng ambag mula sa mga estudyante at magulang.

Ito ang ibinahagi ng kagawaran sa inilabas nilang DepEd Order 52 na nilagdaan ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio, na siya ring education secretary, nitong Biyernes.

"All Christmas parties, themes, costumes, decoration and exchange gifts are voluntary. No learner or DepEd personnel should be forced to contribute, participate or use their money for the celebration," ayon sa kauutsan.

News source: Philstar

TINGNAN | DILG Sec. Benhur Abalos, dumalo at nagbigay ng mensahe sa isinagawang United  Nations Department of Economoc a...
30/11/2022

TINGNAN | DILG Sec. Benhur Abalos, dumalo at nagbigay ng mensahe sa isinagawang United Nations Department of Economoc and Social Affairs (UN DESA 2022) sa korea.

Umaasa si Sec. Abalos na lalo pang mapapagtibay ang magandang relasyon ng Pilipinas sa ating mga karatig na bansa.

29/11/2022

SEN. ROBINHOOD, NAGSORRY KAY SEN. JOEL VILLANUEVA; SEN. JOEL TINANGGAP ANG SORRY

Matapos noo’y hindi iboto si Sen. Joel Villanueva bilang Senate Majority Leader, Sen. Robin Padilla Nagsorry; Tesdaman, tinanggap ang paghingi ni Sen. Robin ng paumanhin.

'TAPOS NA PO ANG PANDEMYA, NOT IT IS ABOUT ECONOMIC RECOVERY'Sa kanyang Pahayag, Nanawagan si DILG Sec. Benhur Abalos sa...
27/11/2022

'TAPOS NA PO ANG PANDEMYA, NOT IT IS ABOUT ECONOMIC RECOVERY'

Sa kanyang Pahayag, Nanawagan si DILG Sec. Benhur Abalos sa bawat isa at sa lahat ng mga namumuno na iencourage ang bawat isa sa modernong teknolohiya ngayon kung saan mapapabilis ang economic recovery sa bansa.

DILG supports local government as it embarks towards its digital transformation. We ask the support of the Governors, Mayors, Barangay Captains to encourage local businesses and retailers.

Hindi lang po sana sa gobyerno, i-encourage natin rin ang mga pribado sa ating lugar.

Such as palengke vendors, tricycle operators, to veer towards online money transfer which has become part of the new normal instead of physical payment.

Tapos na po ang pandemya, now is a new chapter that's been written in the world. Now, it is about economic recovery.

Ang sabi nga ng ating pangulo, ang pangarap ninyo ay pangarap ko. Walang maiiwan at lahat tayo'y babangon muli.



26/11/2022

PANOORIN | Bilang pag gunita sa kaarawan ng namayapang kapatid, pinasinayaan na ni Tesdaman Senator Joel Villanueva ang bagong Mayor Joni Villanueva-Tugna Sports Center.

Matatandaang pumanaw noong 2020 ang kanyang kapatid na Alkalde ng Bocaue Bulacan.

Labis naman ang pasasalamat ng mga Bocaueños dahil sa Bago nilang Sports Center.

Ang puso ni Pangulong Marcos ay para sa bawat Pilipino. Kaya't kanyang inilunsad muli ang KADIWA NG PASKO upang matulung...
26/11/2022

Ang puso ni Pangulong Marcos ay para sa bawat Pilipino. Kaya't kanyang inilunsad muli ang KADIWA NG PASKO upang matulungan hindi lamang ang mga mamimili kundi pati na rin ang ating mga magsasaka at mangingisda.

Ang puso ni Pangulong Marcos ay para sa bawat Pilipino. Kaya't kanyang inilunsad muli ang KADIWA NG PASKO upang matulungan hindi lamang ang mga mamimili kundi pati na rin ang ating mga magsasaka at mangingisda.

Kami sa buong DILG ay buong sumusuporta sa ating mahal na pangulo sa programang ito!



25/11/2022

MGA BADJAO NA NAMAMALIMOS, KUMIKITA NG P5,000 KADA ARAW

May napag alaman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa namamalimos na mga Badjao dito sa Metro Manila.

Ang kinikita pala nito sa paglilimos ay umaabot ng hanggang P5,000 kada araw.
Ayon kay Social Welfare Secretary na si Erwin Tulfo, nalaman nila ito nang ma-interview nila ang mga Badjao na nasagip nila kamakailan lang.

Sinabi ni Tulfo sa isang press briefing na nangyari noong November 23, “Unfortunately, while in the process of rescuing them. We found out several things.

“Mayroon silang inuupahan diyan, na parang bahay sa Tondo, parang board and lodging… and we found out base sa social worker namin sa interview, kumikita sila ng parang 5,000 pesos per day.”

FIRST AIRPORT RAILWAY IN THE PHILIPPINES🇵🇭NSCR Clark Airport Railway Station in Pampanga!Latest construction progress on...
24/11/2022

FIRST AIRPORT RAILWAY IN THE PHILIPPINES🇵🇭
NSCR Clark Airport Railway Station in Pampanga!

Latest construction progress on the Clark Airport Underground Station of the North-South Commuter Railway connecting the regions of Central Luzon, Metro Manila and Calabarzon. This is the first airport link railway in the Philippines and 5th in Southeast Asia.

📷 mnemonick via Skyscrapercity
Philippines

24/11/2022

PAG-IDLIP SA WORK, NAKAKATULONG SA EMPLEYADO NA MAGING CREATIVE AT PRODUCTIVE

Para maging productive, kailangan ng tamang pahinga.Katunayan, ayon sa mga eksperto kahit ang simpleng pagpa-power nap sa gitna ng trabo o habang break, ay malaki ang maitutulong sa ating kalusugan at pag-iisip.

Ngunit, paalala ng mga eksperto, mayroong tamang paraan ng pag-power nap o pag-idlip.Ano nga ba ang mga paraan “On how to do it effectively?”

Una, the best time para mag-power nap ay pagkatapos ng lunch o sa kalagitnaan ng 1pm hanggang 4pm, 25-30 minutes lang ng power nap ay tama na upang maibalik ang nawalang energy sa katawan, after working so hard, and meeting deadlines.

Pangalawa, uminom ng kape o tsaa at agad na mag-power nap. Aabutin na 15-20 minutes bago umepekto ang caffeine sa katawan, kaya sakto lamang ito para makondisyon ang ating katawan for resting.

At sa oras na gising ka na, ikaw ay makakaramdam ng pagiging ‘alive and wide awake’, dahil sakto lang ang pagrock-in ng caffeine sa iyong sistema at ma-energize ang iyong pag-iisip at katawan.

At ang pangatlo at panghuli, Put power napping in practice. Hindi yung tipong kapag natripan mo lang o kung sumpungin ka lang.I-schedule lamang ito at gawing habit o routine. Isa itong paraan para ma-kondisyon an gating katawan sa tamang pamamahinga.

Paliwanag ng mga eksperto, malaki ang role ng pahinga sa ating sistema.

Source: www.radyotodo.ph

22/11/2022

PANOORIN: ANG IMPORTANTENG MENSAHE NI DILG SEC. BENHUR ABALOS

22/11/2022

BANTAG, NAGHAHANAP NG YAMASH*TA TREASURE SA BILIBID – REMULLA

Naghuhukay umano ng Yamash*ta treasure si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa loob ng compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni Remulla na personal na sinabi sa kaniya ni Bantag ang paghahanap ng Yamash*ta treasure isang araw noong Agosto o Setyembre.

“That was supposed to be a treasure hunt for Yamash*ta treasure. Originally. I was told by Director General Bantag about it. And I told him to stop it. I told him to stop it,” saad ni Remulla.

“Ridiculous nga e. Tsaka, you’re wasting government time and money. Di ko alam kung government time and money ginamit niya pero ridiculous para sa akin,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na trabaho ni Bantag na patakbuhin ang “correction department” ng gobyerno at hindi ang maghanap ng kayamanan.Una na ring sinabi ni Bantag na isang “deep swimming pool” ang kaniyang ginagawa dahil sa siya ay isang ekspertong maninisid.

Unang nadiskubre ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. ang hukay na may sukat na 200 meters by 200 meters na lapad at 30 metro na lalim.

Wala umanong dokumento ang proyekto at hindi awtorisado ng BuCor ngunit inamin niya na kagamitan ng ahensya ang ginamit dito kabilang ang isang backhoe.

News source: Philstar
Photo credit: ABS-CBN News

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAMPANGA CONNECT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share