25/12/2020
Hindi ba't ang ganda pag masdan ng mga dekorasyon at palamuti na ating nakikita para sa kapaskuhan, merong mga parol, christmas tree, christmas light at iba pa sa mga bahay bahay, sa mga malls, maging sa mga plaza at kung saan saan pa.
Ngunit hindi rin pwedeng walang Belen, kung saan dito natin makikita ang unang pasko. Ang pamilya ni Hesus - Si Maria, Si Jose at si Hesus sa sabsaban, meron rin S'yang mga bisita, ang tatlong Mago at Pastol, meron rin tupa at ang Anghel.
Alam nyo ba na si St. Francis of Assisi ang unang nakaisip at bumuo ng belen noong taong 1223 para mapakilala at maipakita ang kapanganakan ni Hesus ayon sa pag lalarawan sa Bibliya.
Tignan mo sila, sa kabila ng distansya, may dala pang insenso, kamanyang at mira masulyapan lamang Siya. Tara, lapit tayo sa Kanya.
Ang tunay na diwa ng pasko ay si Hesus dahil si Hesus ang dakilang Pag-Ibig.