‼️ TRIGGER WARNING ‼️
Isang aksidente ang nakunan ng CCTV, kung saan isang lalaki ang patay matapos magulungan ng Truck sa Wakas, Bocaue, Bulacan.
Batay sa ulat ng isang netizen, bandang 9:30 PM ng gabi noong June, 22 2023 nang humandusay ang isang lalaki sa kahabaan ng Bocaue, Bulacan.
Agaran din namang rumesponde ang 1st PMFC 3rd Platoon Police at Bocaue Rescue Team.
Keep safe po sa lahat! 🙏
Source and credits 🎥: Paolo Morlan de Guzman
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
AFTERMATH OF THE FIRE THAT HIT BUNDUCAN, BOCAUE, BULACAN
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nakapagtala ng 18 residente ang nasugatan sa insidente, at agad din naman silang nabigyan ng atensyong medikal ng mga first aid responders.
Idineklara ng mga awtoridad ang fire out dakong 5:11 AM ng umaga.
Source and credits 🎥: Philippine Star
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
4 NA LTO ENFORCERS SANGKOP UMANO SA EXTORTION CASE
Ipinakita sa video ang Isang team ng Law Enforcement Officers mula sa Field Enforcement Division (FED) ng LTO sinasabing nagtangkang mangikil ng pera na nagkakahalaga ng P8,000 mula sa isang motorista, na na-flag down sa isang checkpoint ng LTO sa Bocaue, Bulacan na pupunta patungo sa Philippine Arena.
Ang mga enforcer na sakay ng LTO Mobile #14 na may plate number na SHS 234 na makikita sa video, ay ipinatawag na sa opisina ng Law Enforcement Services (LES) sa LTO Central Office sa kahabaan ng East Avenue sa Quezon City ngayong araw para sa karagdagang imbestigasyon.
Kapag napatunayan ang kanilang maling gawain, agaran umano silang tatanggalin sa kanilang mga tungkulin bilang mga alagad ng batas at itutuloy ng ahensya ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa mga opisyal, kabilang ang pagrekomenda ng mga possible criminal charges.
Source: Land Transportation Office – Philippines
CTTO 🎥
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
#BagyongPaengPH — Kasalukuyan pong lagay ng Bocaue River as of 6:00PM. Manatili pong handa ang lahat lalo na sa mga nasa mabababang lugar.
Ingat, Bocaueños!
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
SPORTS CENTER IN BIÑANG 2ND — Excited na ba kayo sa pagbubukas ng Bocaue Sports Center?
Project by:
Mayor Joni Villanueva
Senator Joel Villanueva
Mayor Jonjon JJV Villanueva
Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna
CIBAC Party-List
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
Isang netizen ang nagpost ng video kung saan isang junk shop umano sa Lolomboy ang nasusunog!
Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
ctto
PAALALA — Lagi po tayong mag-ingat sa pagmamaneho lalo na't umuulan at madulas ang kalsada.
Insidente kanina sa Barangay Biñang 2nd tapat ng Sto Niño Academy!
Source: Visor
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
ctto
ROAD RAGE IN BOCAUE!
ROAD RAGE IN BOCAUE!
Ayon sa video uploader, ang dalawang lalaking nag-aaway sa video ay isang tricycle driver at jeepney driver. Naganap ang insidenteng ito sa labas ng Golden City Business Park, Bocaue, Bulacan.
Ayon din sa nag post ng video, wala pang 30 secs ay may dumating din na pulis.
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
ctto
RIP Khyle San Pedro
Isang bulakenyong siklista ang namatay matapos itong mabangga ng dalawang beses kaninang madaling araw, July 30, 2022 sa may tulay ng Bocaue di kalayuan sa palengke.
Sabi ng isang saksi, nakahandusay na daw ang biker na si Khyle San Pedro matapos itong ma hit and run at muling nabangga ito ng isang bus.
Ayon naman sa driver ng bus, hindi daw nito napansin na may nakahandusay na sa kalsada dahil madilim daw sa area na iyon.
Patuloy parin ang kapulisan sa imbestigasyon sa naturang aksidente.
#BocaueUpdate
#BulacanUpdate
ctto