What’s Up Batangas

  • Home
  • What’s Up Batangas

What’s Up Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from What’s Up Batangas, News & Media Website, .

TINGNAN | Bulkang taal muling nagbuga ng makapal na usok kaninang umaga, Oktubre 6, 2024
09/10/2024

TINGNAN | Bulkang taal muling nagbuga ng makapal na usok kaninang umaga, Oktubre 6, 2024

JUST IN | BULKANG TAAL, SUMABOG! 🌋Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) nagkaroon n...
02/10/2024

JUST IN | BULKANG TAAL, SUMABOG! 🌋

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) nagkaroon ng pagsabog sa Bulkang sa ngayong hapon.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkan.

via PHIVOLCS-DOST
📸: Bayani Bacuño

𝐓𝐀𝐀𝐋 𝐕𝐎𝐋𝐂𝐀𝐍𝐎 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄  | Aabot sa 4,123 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal na huling naitala kahapon, ...
12/09/2024

𝐓𝐀𝐀𝐋 𝐕𝐎𝐋𝐂𝐀𝐍𝐎 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 | Aabot sa 4,123 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal na huling naitala kahapon, ika-11 ng Setyembre.

Nagkaroon rin ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Nagkaroon rin ng mahinang pagsingaw na may 600 na metrong taas na napadpad sa Hilaga Hilagang-silangan.

Ayon sa PhiVolcs, nananatili pa rin ang Bulkang Taal sa Alert Level 1.

Source: PIA Cavite

TINGNAN | Nababalot ng volcanic smog o vog ang bayan ng Lemery, Batangas, ngayong araw ng Lunes, ika-19 ng Agosto. Makik...
19/08/2024

TINGNAN | Nababalot ng volcanic smog o vog ang bayan ng Lemery, Batangas, ngayong araw ng Lunes, ika-19 ng Agosto.

Makikita ang sitwasyon ng vog sa mga litratong ibinahagi ni Lemery Vice Mayor Geraldine Ornales, kung saan dahil rito ay sinuspinde na rin ang mga klase sa lahat ng antas ngayong araw.

Kaugnay nito, hinihikayat ang publiko na magsuot ng face mask upang maiwasan ang banta sa kalusugan na dala ng vog. Manatili na lamang rin sa tahanan kung hindi naman kinakailangan lumabas.

Kumusta sa inyong mga bayan? Magpadala lamang ng litrato o update sa amin upang maibahagi ang estado sa inyong lugar.

Source/Photos: Geraldine Catapang Ornales/FACEBOOK

APAT NA KATAO KABILANG ANG BUNTIS, NASAWI SA LANDSLIDE SA AGONCILLOTINGNAN: Apat na katao na ang nasawi sa pagguho ng lu...
25/07/2024

APAT NA KATAO KABILANG ANG BUNTIS, NASAWI SA LANDSLIDE SA AGONCILLO

TINGNAN: Apat na katao na ang nasawi sa pagguho ng lupa sa Sitio Manalao, Sublic Ilaya, Agoncillo, Batangas.

Ito ay ayon sa Magandang Agoncillo Batangas, kung saan narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng mga biktima, kabilang na ang isang buntis.

Source/Photos: Magandang Agoncillo Batangas/FACEBOOK

TINGNAN | Ilang lugar sa lalawigan ng Batangas ang nakararanas ng haze at volcanic smog na mula sa Bulkang Taal. Ito ay ...
13/06/2024

TINGNAN | Ilang lugar sa lalawigan ng Batangas ang nakararanas ng haze at volcanic smog na mula sa Bulkang Taal.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na degassing activity ng naturang Bulkan, kung saan nagbubuga ng 2470 toneladang asupre kada araw.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa epekto ng vog at haze sa kalusugan.

📸: Balitang Southern Tagalog

SALUDO KAY KUYA DRIVER! 🚐🥇TINGNAN | Kahit na kaliwa’t kanan ang pagtaas ng mga bilihin, mayroon pa ring mga may mabubuti...
18/04/2024

SALUDO KAY KUYA DRIVER! 🚐🥇

TINGNAN | Kahit na kaliwa’t kanan ang pagtaas ng mga bilihin, mayroon pa ring mga may mabubuting loob ang naghahatid ng taos-pusong serbisyo para sa kanilang kapwa.

Tulad na lamang ng jeepney driver na ito na kung saan hindi siya nagpapabayad ng pamasahe para sa mga senior citizen at PWDs.

“Saludo ako sa ganitong driver, kahit mahal ang bilihin, nagagawa pa niyang tumulong sa kapwa. God bless, Kuya.” ayon sa post ni Maricho Dimaunahan Perez Arellano.

Source/Photo: Maricho Dimaunahan Perez Arellano via Bantay Trapiko sa Batangas City/FACEBOOK

LAST-MINUTE VALENTINE DATE BA? 💘P’wede naman rin kung solo ka, tandaan, Valentine's Day doesn't always have to be about ...
15/02/2024

LAST-MINUTE VALENTINE DATE BA? 💘

P’wede naman rin kung solo ka, tandaan, Valentine's Day doesn't always have to be about romantic partners.

Hikap na dine sa Imelda’s Garden sa Sitio Sablay, Barangay 8, Cuenca, Batangas.

Source/Photos: Batanghenyo/FACEBOOK

WHAT IF? Mapapababa ka ata nang wala sa oras? Mapapakanta ka na lang rin ng Jeepney Love Story ni Yeng Constantino, pero...
30/01/2024

WHAT IF?

Mapapababa ka ata nang wala sa oras?

Mapapakanta ka na lang rin ng Jeepney Love Story ni Yeng Constantino, pero not the sweet part, pero bilang palaban.

“Manong driver, ‘wag mo nang ibalik ang sukli ko. Manong driver, hindi mo ba alam walang babaan ‘to? Drive lang po nang drive. ‘Wag mong ihinto.” 🎶💔

Source/Photo: Shea Bert/FACEBOOK

#

PAANO NGA BA GINAGAWA ANG ASIN? 🤔🍚TINGNAN | Bukod sa palay at mais, mayroon rin tayong tinatawag na mga magsasaka ng asi...
06/11/2023

PAANO NGA BA GINAGAWA ANG ASIN? 🤔🍚

TINGNAN | Bukod sa palay at mais, mayroon rin tayong tinatawag na mga magsasaka ng asin.

Tulad na lamang ng taniman na ito na matatagpuan sa Barangay Gulod, Calatagan, Batangas.

Curious ka rin ba paano ginagawa ang asin? 🤔💭

Source: Tourism of Calatagan, Batangas; LGU Calatagan, Batangas/FACEBOOK

📷: fronda delos reyes

09/10/2023
22/09/2023

LOOK | Kasalukuyang nakakaranas ng volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal ang ilang bayan sa lalawigan ng Batangas kabilang na ang San Nicolas, ngayong Biyernes, Setyembre 22.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa panganib na maaaring idulot nito.

Ang vog ay kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan at maaari itong magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan, lalo’t higit sa mga indibidwal na mayroong karamdaman sa baga at puso.

(📹 Bhaby De Castro, PIA BATANGAS)

TINGNAN | Ilang mga estudyante, isinugod sa hospital matapos mahirapang huminga dulot ng volcanic smogIsugod sa hospital...
22/09/2023

TINGNAN | Ilang mga estudyante, isinugod sa hospital matapos mahirapang huminga dulot ng volcanic smog

Isugod sa hospital ang ilang estudyante matapos mahirapang huminga dulot ng volcanic smog ng Taal Volcano sa Tuy, Batangas.

Alas-2 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang pagsugod sa mga estudyanteng nahirapang huminga.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ang publiko sa dulot na masamang epekto ng smog sa kalusugan kung kaya’t hinihikayat na hanggat maaari ay magsuot ng face mask.

Source/Photo: Tuy Mdrrmo/FACEBOOK

MODERN JEEPNEY AT YOUR SERVICE 🚌TINGNAN: May modern jeepney na rin na bumabiyahe pa-Bauan!Ayon sa pagbabahagi ni Jedmar ...
12/09/2023

MODERN JEEPNEY AT YOUR SERVICE 🚌

TINGNAN: May modern jeepney na rin na bumabiyahe pa-Bauan!
Ayon sa pagbabahagi ni Jedmar Garing, first time aniya na makasakay rito at air-conditioned pa.

Maaari ka pa rin namang sumakay sa ating lokal na jeepney, at wala rin namang mawawala kung susubukan ang makabagong ito lalo kung banasin ka rin at may mga lakad na ‘di ka maaaaring ma-haggard.

Source: Jedmar Garing; Simpleng Pitik/FACEBOOK

BATANGAS CITY BIRD’S EYE VIEW 😍📷 Elliot Andal (Facebook)
08/08/2023

BATANGAS CITY BIRD’S EYE VIEW 😍

📷 Elliot Andal (Facebook)

SIMPLE YET MEANINGFUL CELEBRATION 🎓TINGNAN: Nakakaantig na istorya ng isang pamilyang nagdiriwang ng pagtatapos ng kanil...
17/07/2023

SIMPLE YET MEANINGFUL CELEBRATION 🎓

TINGNAN: Nakakaantig na istorya ng isang pamilyang nagdiriwang ng pagtatapos ng kanilang anak sa pag-aaral.

Nakuhanan ni Jerome Estores ang litratong ito ng pamilyang umoorder sa isang lomian sa Batangas, habang hawak ng batang babae ang kanyang diploma kasama ang kanyang pamilya.

“Habang hinihigop ko ang mainit na noodles ng aking lomi ay napansin ko ang isang pamilyang ito na umoorder sa counter. May hawak na diploma ang batang babae at may nakasabit na ribbon sa kanyang uniform. Kita sa kanilang mukha na masayang masaya sila,” ayon kay Jerome.

Aniya, mula rito nahinuha niya na ‘di naman talaga daw kailangang gumastos nang malaki upang maipagdiwang ang espesyal na okasyon basta’t magkakasama at nare-recognize ng mga magulang ang masigasig na pag-aaral ng kanilang anak.

“Ang pagaaral parang lomi lang, nasa "regular" or "special" class man ang anak mo, private man o public school, importanteng nakikita mo ang achievements nila. You don't have to flex his/her awards on social media, the simple "anak proud ako sa'yo" malaking bagay na. Because the only person who really needs your approval is your child, not other people,” panapos niya.

Source/Photo: Jerome Estores/FACEBOOK

Keep safe, Everyone!Itinaas ng PHIVOLCS sa magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Batangas ngayong umaga, June 15. Naital...
15/06/2023

Keep safe, Everyone!

Itinaas ng PHIVOLCS sa magnitude 6.3 na lindol na yumanig sa Batangas ngayong umaga, June 15. Naitala ang epicenter ng lindol sa Calatagan, Batangas.

07/06/2023

PANOORIN | Narito ang sitwasyon sa Agoncillo, Batangas ngayong araw kung saan, ayon kay Mayor Cinderella Reyes, ay pansamantalang walang in-person classes sa mga paaralan sa mga barangay ng Banyaga, Balinbinwang, at Barigon hanggang June 9 dahil sa volcanic smog o vog.

REST IN PEACE JOVIT BALDIVINO. 🙏🏻JUST IN: Pilipinas Got Talent Grand Champion Jovit Baldivino,  pumanaw na ngayong madal...
09/12/2022

REST IN PEACE JOVIT BALDIVINO. 🙏🏻

JUST IN: Pilipinas Got Talent Grand Champion Jovit Baldivino, pumanaw na ngayong madaling araw matapos ang ilang araw na pagkaconfine sa ICU ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City matapos magcollapsed sa isang party noong Linggo ng gabi.

Ito ang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Baldivino.

Base sa inisyal na impormasyon, aneurysm ang kinamatay ni Jovit.

Source: Totoong Balita sa Southern Tagalog TBST

‘HONESTY IS THE BEST POLICY’ ❤Ito ang naging payo ni Sen. B**g Go sa limang kabataan na matapat na nagbalik ng P6, 000 h...
14/11/2022

‘HONESTY IS THE BEST POLICY’ ❤

Ito ang naging payo ni Sen. B**g Go sa limang kabataan na matapat na nagbalik ng P6, 000 halaga ng salapi na kanilang napulot sa Balayan, Batangas.

Kasabay ng pagbisita’t pamamahagi ng tulong sa bayan, kinilala ng senador at pinuri ang mga binatang ito sa kanilang ginawang pagre-report sa kinauukulan ukol sa napulot na pera.

“Nakakatuwa pong malaman na talagang marami sa ating mga kabataan ang tapat at may mabuting puso,” nabatid niya.

Aniya, bilang gantimpala, binigyan niya ang mga ito ng mga bola at P1, 000 cash reward bawat isa, kung saan nawa’y magsilbing magandang halimbawa aniya ang ginawa ng mga kabataang ito sa ibang tao.

📸: B**g Go

'TOTAL LANG NAKUHANAN KO, NEXT TIME NA YUNG LUNAR ECLIPSE' 🤣TINGNAN | Kung nagkalat ngayon sa social media ang larawan n...
10/11/2022

'TOTAL LANG NAKUHANAN KO, NEXT TIME NA YUNG LUNAR ECLIPSE' 🤣

TINGNAN | Kung nagkalat ngayon sa social media ang larawan ng Total Lunar Eclipse, kakaiba ang nakuhanan ng netizen sa Batangas City kung saan parang may kulang?

TOTAL muna next year na yung Eclipse 🤣

📸: Rimuel Candava Casas

TOTAL LUNAR ECLIPSE 😍🌕Tanaw na tanaw ang total lunar eclipse sa Lungsod ng Batangas. sa kuha ni Elliot Andal makikita an...
09/11/2022

TOTAL LUNAR ECLIPSE 😍🌕

Tanaw na tanaw ang total lunar eclipse sa Lungsod ng Batangas. sa kuha ni Elliot Andal makikita ang malinaw na imahe nito.

( 📸: Elliot Andal )

[TRIGGER WARNING: Disturbing content, Animal Cruelty]TINGNAN | Tumambad sa isang scuba diver at underwater photographer ...
08/11/2022

[TRIGGER WARNING: Disturbing content, Animal Cruelty]

TINGNAN | Tumambad sa isang scuba diver at underwater photographer na si Penn De Los Santos ang ilang bahagi ng katawan ng hinihinalang dolphins sa Barangay Hugom, San Juan, Batangas.

“I was on a dive last week when I saw what appeared to be a huge dorsal fin of a sailfish (maybe a marlin), then its long pointed snout. I looked around and noticed that there were more fish parts scattered in the area. I almost cried when I saw a dolphin tail, a dorsal fin, and what looked like pectoral fins. They were all cleanly cut with a sharp knife,” pagbabahagi niya.

Dagdag niya, hindi siya sigurado kung paano nila nahuli at umano’y kinatay ang mga isdang ito, ngunit binigyang-diin niya na maraming angkop na alternatibong paraan upang kumita sa pangingisda basta’t hindi ito mapanira.

“During this dive I also heard a series of dynamite explosions. It sounded far but it got me scared so I decided to do my safety stop and proceeded to ascend. I brought the tail and the dorsal fin to the surface and took more photos of them. We noticed that some fresh blood still oozed from the dorsal fin when it was out of the water,” dagdag niya.

“I’m sharing these photos with a hope that they will reach the attention of people who can help spread the awareness that we need to protect and conserve our natural resources for the benefit of more people and not just a few,” wika niya.

📷: Penn De Los Santos/FACEBOOK

GIANT CHRISTMAS TREE IN LIPA CITY BATANGAS! 🎄Pinailawan na nitong Biyernes ng gabi ang Giant Christmas Tree sa Plaza Ind...
07/11/2022

GIANT CHRISTMAS TREE IN LIPA CITY BATANGAS! 🎄

Pinailawan na nitong Biyernes ng gabi ang Giant Christmas Tree sa Plaza Independencia, Lipa City Batangas.

Nakiisa sa naturang pagpapailaw sina Mayor Eric Africa, Sen. Cong. Ralph Recto, Vice Mayor Camille Lopez at Sangguniang Panlungsod, Department Heads at Brgy. Officials.

📸: Mayor Eric Africa

TINGNAN | Dating PBB Housemate Madam Inutz, maghahandog ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng ...
03/11/2022

TINGNAN | Dating PBB Housemate Madam Inutz, maghahandog ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Batangas at Cavite.

“Ready na ang Team Ka-Freshness! Mamahagi kami ng konting tulong para sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyo. 🤗 Somewhere in Batangas at Cavite hintayin niyo po kami ohhh jieevaaa mahal namin kayo 🤗,” ayon sa post ng dating housemate ni Kuya.

Source/Photos: Madam inutz/FACEBOOK

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when What’s Up Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share