02/07/2023
Walong preso ng Bilibid hinatulang guilty bilang kasabwat sa kasong pagpatay kay Jun Villamor nagsilbing middleman sa Percy Lapid murder case.
Kinilala ang 8 inmates na hinatulan ng mas mababa bilang sangkot sa pagpaslang kay Jun Villamor, sinasabing middleman sa high-profile murder kay Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid.
Ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Presiding Judge Gener Gito, ay inarchived ang kaso laban kay dating Bucor chief Gerald Bantag at kanyang deputy si Ricardo Zulueta habang hindi pa naaaresto. Batay sa Benchbook ng Trial Court Judges, ang kaso ay archived
" kung hindi naisisilbi ang warrant of arrest o walang report na naisagawa sa loob ng 10 araw mula ng matanggap ng mga warrant officer ang mandamento de aresto.
Inmates Mario Alvarez, Christian Ramac, Ricky Salgado, Ronnie Dela Cruz at Joel Reyes ay hinatulang accomplices โ ibig sabihin sila ay may partisipasyon sa pagpatay sa broadcaster.
Habang ang inmates na sina Alvin Labra, Aldrin Galicia at Joseph Georfo ay guilty bilang accessories to the crime of murder.
โConsidering the pleas of guilty of the present accused, the prosecution was able to prove the guilt of all the accused present beyond reasonable doubt as accomplice for accused Alvarez, Ramac, Salgado, Dela Cruz and Reyes, and as accessory for accused Labra, Galicia and Georfo to the crime murder pursuant to Art. 248 in relation to Art. 18 and 19 of the Revised Penal Code,โ the court said.
Sina Alvarez, Ramac, Salgado, Dela Cruz at Reyes ay hinatulan ng 6 na taon at 1 araw, hanggang 14 years at 8 buwan at 1 araw na pagkakulong.
Inatasan din ng korte ang 5 na magbayad ng P225,000 para sa civil indemnity, moral damages at exemplary damages.
Habang sina Labra, Galicia at Georfo ay sentensyado ng 2 years, 4 months at 1 araw hanggang 8 taon at 1 araw na pagkakulong. At pinagbabayad ng P150,000.
Si Galicia at Labra, kasama si Alfie Peรฑaredonda, ay naunang hinatulan sa Las Piรฑas court, bilang accessories to the crime of murder kay Lapid.
Si Galicia ay Sputnik gang commander, si Labra ay Batang City Jail commander at si Peรฑaredonda ay HappyGoLucky gang commander.
Habang ang naantalang pag aresto laban kina Bantag at Zulueta, umanoy masterminds sa kaso ay na archived ng Muntinlupa court.
โConsidering that the other accused in this case, accused [Bantag and Zulueta] are not yet arrested, let this case be sent to the archive subject to revival upon the arrest of said accused,โ the ruling read.
Ang National Bureau of Investigation ay nag alok ng reward na P3 million sa sino mang makapagtuturo para maaresto sina Bantag at Zulueta, na nahaharap sa isang murder case sa pagpatay sa inmate na si Jun Villamor, umanoy naging middleman sa murder case ni Lapid.
Si Lapid, ay tanyag sa pagbabatikos sa Duterte at Marcos Jr. administrations, na binaril hanggang mapatay noong Oct. 3, 2022 sa Las Piรฑas City.