29/05/2024
BAGO KA SUMUKO, BASAHIN MO MUNA 'TO.
"Sawang sawa na ako sa ugali mo!" "Palagi na lang tayong nag-aaway, wala na bang bago?" If your relationship is already in this situation. Try to ask yourself another question. "Kapag sumuko ako, at nakakilala ng panibago. Pagdadaanan kaya namin 'to? Panigurado talagang pagdadaanan niyo dahil wala namang relasyong perpekto.
Definitely may excitement. Pero what if dumating na din kayo sa point na puro away na lang? Hindi ba't ganun din? So why susuko? Why maghahanap ng iba? Kung pagdadaanan mo din yun sa iba? Diba? Imagine palit ka ng palit ng partner pero hindi ka nag go-grow up? Having that mindset na kung akala mo mahahanap mo sa iba ang ginhawa sa isang relasyon is so wrong. Lahat ng relasyon dumadaan sa tensyon. Hindi lahat masaya, lahat nagkakaroon ng problema. Pero hindi dahilan yun para sumuko at maghanap ka ng iba. Minsan kapag nag-stay tayo sa isang tao, dun tayo mas natututo.