26/12/2020
Name:Diane Nicole Erit Reyes
(WATTY: EyeGlass_gurl)
TITTLE: THE CHRISTMAS DAY
(CHRISTMAS THEME)
Madalas kong masilayan
Tuwing kapaskuhan
Ang kanilang muka
Na may bakas ng kasiyahan
Lumuluha ng palihim
Mga ala alang sobrang lalim
Sa tuwing natutulog Tila
Itoy bangungot sa panaginip.
Nakatingin ako sa bintana, Lahat sila masaya.
Walang Bakas ng lungkot o ni problema.
Naisip ko pano pa kaya ang ibang hindi ko nakikita?
Ito nanaman ang araw na pinakahihintay ng lahat
Ito ang araw na kasiyahan ng lahat
Ito ang araw na akala mo walang problema ang mga tao at gusto nilang maging masaya.
Sana maging masaya din ako ngayong pasko
Pinipilit ko
Kinakaya ko
Kung nandito lang kayo
Kumpleto sana tayo
Masaya ako at Kontento
Sa kung anong meron ako
Pero mapag biro nga talaga ang tadhana
Bakit kayong mahal ko pa ang kinuha?
Ako nalang sana
"Cynthia?" Tawag ng aking tita sa labas ng pinto at kinatok ito.
Nag aalangan pa akong papasukin siya dahil ayokong lumabas, naiingit ako sa mga pinsan kong walang problema, laging masaya, at kumpleto ang kanilang pamilya.Sana ako din kumpleto ang akin.
"Pasok po" sabi ko habang nakatingin parin sa labas ng bintana.
"Tara na? Andyan na ang mga pinsan mo" nakangiting saad niya.
Nahihiya parin ako kay tita dahil siya ang nag alaga sakin, Ilang beses niya na akong kinukulit na lumabas na kami pero tumatanggi ako kaya ng tanungin niya ako ay sumama na ako dahil ako nalang daw ang kulang at nanduon ang mga lola at lolo sa sala.
"Sige po" at pinilit kong ngumiti.
Nakangiting lumapit siya sa akin at pumunta sa likod ko para itulak ang wheel chair ko.
Oo, Tama ang nabasa niyo. Naka Wheel Chair ako dahil sa aksidenteng nangyari saamin noong last Christmas kaya simula noon hindi ako nagiging masaya pag sumapit ang Buwan ng Disyembre.
Masaya kaming papunta kila tita noong araw na iyon, Si Dad Nag dadrive si Mom nasa Passenger at ako ay nasa likod. Nagulat nalang kami ng Binanga kami ng isang ten Wheeler truck.
Namatay si Mom at Dad, At ako lang ang kanilang nailigtas. Tapos Nung dinala ako sa hospital na malapit sa pinangyarihan, kinabukasan nagising ako na tulala at hindi Maigalaw ang dalawang paa ko.
Si tita ang tumulong sa akin sa lahat alam kong naaawa siya sa akin pero ayaw niyang ipakita para ako'y maging matatag na never king ginawa ko kinakaya
I hate Christmas because ito yung araw na ayaw kong maalala lahat ng sakit at lahat ng nangyari sa araw na to ay ayaw kong maalala
"Merry Christmas, Cynthia" Sabay sabay nilang sabi ng makalabas ako ng pinto.
Nginitian ko lang sila ng pilit at dumiretsyo na kami sa Sala, nag usap usap sila. Ako tinitignan ko silang lahat dahil sobrang saya nila.
Sana hindi nalang kami na aksidente.
Sana Nandito pa sila Mom at Dad.
Sana Masaya din kami.
Sana may kasama pa akong mag pasko.
Sana kaya ko pang maging masaya
Sa lahat ng nangyari.
Sana Hindi na lahat pilit
Sana yung totoo na
"Ayaw nilang malungkot ang kanilang unika iha, siguro gusto man nilang makasama ka pero oras na talaga nila" sabi ni lola Lettuce.
"Kilala ko sila ayaw nilang nasasaktan ka, nalulungkot, O umiiyak ka. Kaya noong bata ka alagang alaga ka nila" saad pa ulit nito.
"Ang Aga naman po kasi lola, Hindi pa ako handang kunin sila. Hindi ko kayang maging masaya kasi iniisip ko sila na malungkot" sabi ko ng nakayuko.
"Hindi lahat ng gusto mo apo ay mangyayari, Siguro may plano talaga siya para sayo. At pano mo naman nasabi na malungkot sila?" Tanong pa nito.
"Anong plano niya lola?.. Kasi hindi ko sila kasama? " tanong ko pabalik.
"Plano niya para maging Malakas ka, Plano niyang Kayanin mo ang problema ng wala sila sa tabi mo, at plano niyang mabuhay ka ng matuto ka sa buhay na kakayanin mo" nakangiting pang sabi ni lola Lettuce.
Napaisip ako bigla na tama si lola, na siguro kung hindi ko kinaya ay wala na ako dito at nag pakamatay na ako. tama din si lola na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha o mahihiling ko.
"Lola Lettuce, Bisitahin po natin sila Mommy sa Sementeryo Bukas." Umaasa akong papayag siya.
"Sige apo" payag na sabi niya kaya napangiti ako.
"Lalo kang gumaganda pang totoo ang mga ngiti mo, Cynthia" Ani ng tita ko at sumang ayon naman ang mga pinsan ko.
"Tita Zenie naman" sabi ko ng nahihiya.. Kaya nag tawanan kami.
"Huwag kana po malungkot atih, Cintia" sabi ni Lexus na 3 years old palang, lumapit ito at bibigyan ako ng hug.
Napangiti ako dahil ganon din minsan ang sinasabi ko kay mom o kaya kay Dad pag malungkot ito o may problema hindi nga lang ako bulol sa letter 'y'
narealize ko na hindi porket nawalan ka ng mahal sa buhay at nag karoon ka ng karamdaman ay hindi mo na kailangan maging masaya.
Na habang nabubuhay ka ay kakayanin at papahalagahan mo ang iyong buhay dahil ang araw ng pasko ay ang pag kabuhay ng taong nag litas ng sa ating lahat.
At Tama si Lola Lettuce, Na siguro may mga plano siya sa atin at sa ating mahal sa buhay na pumanaw na.
Maging masaya,Mag pasalamat sa lahat.
Ito rin yung araw na kailangan nating pag pasalamat sa lahat ng sakripisyo niya sa ating lahat, Na siya ang dumanas ng lahat ng sakit para lang tayo'y mabuhay.
"MERRY CHRISTMAS" Sabay sabay naming sigaw at kami ay nag kasiyahan.
Alam kong nakangiti sila sa aking ng marinig nilang nakibati ako na never kong ginawa ng ilang taon, at alam kong masaya sila na unti unti kong tinatanggap ang mga nangyari.
Kailangan ko rin palang mag palaya dahil lalong masakit pag idinibdib at hindi mailabas ang sakit.
Maraming Salamat Aking ina at ama,
Dahil inyong itinuro saaking mag mahal ng tama, mag papahinga muna ako sa sakit, pero ang mga memorya at mananatili.
"Isang tabi muna ang mga problema at hinanakit sa araw ng pag kabuhay ng nag litas ating lahat at tayo ay mag mahalan"
-Cynthia San Diego.