03/05/2023
Afterlife
"PAGDILAT, bumangon na naman ako nang punong puno ng katanungan.
Ang sarap siguro kung may kasiguraduhan na may kabilang buhay. Base kase sa mga naririnig o nareresearch ko e pag maranasan mo daw ang near death experience o NDA e makakaramdam ka daw ng kaginhawaan o peace of mind. Yung iba naman e mag pa flash back daw yung buong buhay mo na tila ba isang pelikula sa loob ng ilang minuto.
Pero anu nga ba ang talaga? May paraiso nga ba ang nag aabang?
Paano kung may impyerno nga?
Sabagay wala na namang pwedeng makapanakot saken dahil mamuhay pa lang dito sa mundo e masahol pa sa impyerno. Mabubuhay ka lang para mag hanap ng tinatawag nilang "purpose" o kaya di naman mag tatrabaho ka para habulin ang yaman at kung pinalad e yung yaman na yun mapapamana mo pa. Kung malas e, mamamatay kang naghuhukay ng diyamante nang wala manlang nahihita.
Isa akong siyentipiko na nag lalayon na matuklasan kung anu nga ba ang mangyayare sa sa oras na mamatay na ang isang tao.
Nasa huling Phase na ang aming experiment. Ika animnapu'tlimang pulube na ang aming naimbitahan sa aming laboratoryo ngunit bigo kaming narevive ang sinuman sa aming napageksperementuhan. Ni isa ay wala kaming naging kasagutan. Sa madaling salita,
Lahat ng yun ay nangamatay at kami ang may gawa.
"Rob, tinawagan ko na lahat ng contacts ko pero wala na tayong mahanap pang pwedeng maging "lab rat"
"Rob?"
HUY!! ROBBB!! ANU BA??
Turan sakin ni Louie, co researcher matapos akong gisingin sa pagkakalutang sa aking sariling iniisip.
Masakit pa din kasi yung mga nangyare netong nakaraan kaya napapadalas ang pagkalalim ng mga iniisip ko.
"Si Elen na naman ba yan? Wag mo na munang isipin yun pre. Focus tayo dito oh! Wala na tayong makuhang volunteer!"
"Pasensya na Louie, napapaisip lang. Panu kaya kung ako nalang. TAMA! ako nalang ang mag vovolunteer!" May pagkagalak kong sinabi na para bang nakakuha ako ng pinakamagandang ideya sa balat ng lupa.
"Sira! Di mo ba alam ang sinasabi mo? Alam mo naman siguro yung nangyare sa mga nakaraang volunteer, 65, lahat ng yun, wala! Palpak. Legwak!" May pagkainis na sinabi ni Louie
"basta pre, tiwala ako sayong magagawa mo to, isa pa..."
"isa pa? Ano?? Dahil sa isang babae isusugal mo buhay mo? Porke nakita mo sa sarili mong mata na magkapatong, papakamatay ka??? Hindi na pre. Isa pa, di lang ikaw nakaranas nyan pre madami pa dyan at malaking ISA PA! co researcher mo ko at ikaw lahat nagsimula ng lahat ng to diba???"
"Desidido na ko pre, ako ang sasalang. Wala kang choice."
"Bakit wala?"
"Dahil kung hindi mo to gawin. Mabubulok tayong pareho sa kulungan. Ako mismo ang aamin sa mga pulis"
Dahil sa pagmamatigas ko, napapayag ko si Louie.
Pagkahiga sa experiment room ay itinali ang magkabilang paa't kamay ko sa mga dulo ng isang hospital bed. Pagkabit ng mga aparato sa aking katawan na gamit sa pag gather ng data ay humimlay ako ng saglit... Pumikit at inaalala ang mga pinagdaanan sa buhay.
"Louie, alam kong assisted su***de to pero gawin mo ang lahat para mapagtagumpayan to..
Walang imik na isinaksak ni Louie ang mga gagamitin para sa tinatawag naming "Tempo death"
Pero gamit ang malakas na boltahe ay patitigilin nito ang puso at saka ituturok ang adrenali......
Isang malalim na paghinga bago ko biglaang idinikit kay rob ang isang 1000 volts na aparato para huminto ang puso nya ng supposedly panandalian at saka bibilang ng anim na segundo at saka ituturok ang adrenaline..
6, 5, 4, 3, 2, 1....
Matapos isalpak ang adrenaline sa kay rob ay nag antay ako ng response ngunit,
Flat line noise lang ang maririnig sa buong paligid...
Isang malakas na kuryente ang bumalot sa akin, nag simula sa dibdib, gumapang patungo sa kung saan..
Nawawalan na ko ng hininga...
Nawawalan na ko ng ulirat...
"Time of Death, 6:00 pm"
"Ika 66 na volunteer"
Huling rinig kong sambit ni Louie..
Dahil na din siguro sa tulong ng adrenaline e... kahit walang tibok ng puso ay nararamdmaan ko pa din ang nasa paligid ko.
Malamig...
may gumagalaw...
Malamang... Nasa morgue na ko dahil nararamdaman kong wala na akong suot pero ...
Naramdaman kong may tumulong likido sa aking likuran...
Tang ina...
"Matagal na kong may pagtingin sayo Rob... Ito lang nakikita kong pagkakataon para masolo ka"
TANG INAA.... MASAKIT!!!...
"PAGDILAT, bumangon na naman ngunit....
Madilim...
Walang katapusang dilim
Sumisigaw ngunit walang makarinig
Nanaghoy ngunit walang nakakaalam
Ang dilim..
ANG DILIM NAMAN