21/07/2024
Dahil Sobrang Humid I decided not to climb at mag social climb nalang sa starbucks 🤪😜
Blessed Sunday Everyone!! 😁😁
Typical Nurse Who Runs and Cycle ;)
(1)
Be the first to know and let us send you an email when Nurseklista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Want your business to be the top-listed Media Company?
HELLO GUYS! :D
So ayun nandito ka na sa page ko, nalike mo na and na follow mo na pero syempre ayoko naman na maisip niyo na admin, admin lang ako na nagmomoderate ng page at nagpapalike ng post, papa subscribe sa youtube channel. Syempre gusto ko maging one with you all (wow AHHAHAHA) pero kidding aside gusto ko na magkaroon ako ng connection with my followers :D
So ang pangalan ko po ay Maverrick Bio Javier at ako po ay isang nurse at syempre siklista narin ako :). So kung matatanong niyo syempre, bakit ako nag nurse? Actually hindi namna talaga ako mag nunurse dahil gusto ko mag doktor, pero syempre as time goes by, I fell inlove with nursing. Na realize ko noong mga panahon na yun na parang calling ko ang maging nurse dahil I find it satisfying to help my patients especially when they show appreciation. I treat my patients as if they are my family. Kasi in that way, I can give the most right care na they deserve. So ayun HAHA masyadong cheesy but its true. Although syempre di parin nawawala sa option ko ang magdoktor pero definitely kahit doktor nako, ang puso ko bilang isang nars ay hindi mawawala
Actually matagal nako nag bbike, bata palang ako talagang mahilig nako mag bisikleta. Naalala ko dati nung bata pako nagpupunta kami ng parents ko sa may CCP dahil madami dun yung arkelahan ng bisikleta na 150 per hour hahaha pero yun yung mga bike na may trainers pa HAHA tapos kalaunan natuto narin ako mag bike talaga gamit yung lumang BMX ng pinsan ko HAHA di ko makakalimutan yon dahil maulan non nung nagaaral ako amg bike tapos nawalan ng preno tas sumalpok ako sa may concrete na tubo tas nabali yung tinidor nung bike HAHA grade 4 ata ako non or grade 5 HAHA tapos ayun kinalaunan binilhan ako ng bike ng tatay ko na Japan Surplus. Naalala ko Sahara ata tatak non tas shimano na nexxus yung shifters pero anyway HAHHA ayun. tapos 2nd bike ko yung stainless na MTB na kinalaunan nawala dahil naiwan ng worker namin sa labas ng gate. talagang nalungkot ako non. Pero nagkaroon ulit kami ng bike sa bahay na puro japan surplus saka yung rover na hybrid bike ng ilang taon pero nandito parin yun. Then bumili si daddy ng bike na japan surplus din (suki kami ng japan surplus) ayun yung hybrid na Felt QX70. Originally bike niya yun pero madalas ko rin nagamit hanggang sa last year after ko gumraduate bumili ulit siya ng bike at yun na yung naging bike ko ngaoyn na si GINO (GIant + shimaNO) Escape RX3 na hybrid na ngayon na ginawa kong RB. Tapos ayan magkakaroon nako ng isa pang bike pero dahil ECQ di ko makuha hahaha bali frame lang pala siya :D Pangalan niya si W***y (Wilier Montegrappa) na legit road bike pero we’ll get to that ;)