Ogtong Adlaw

Ogtong Adlaw ONHS Filipino Online Publication

Lilibeth T. Estoque, Naghatid ng Mensahe sa mga kalahok ng CSPCNi Darlyn Star CarreonAng Guimbal National High School (G...
07/09/2019

Lilibeth T. Estoque, Naghatid ng Mensahe sa mga kalahok ng CSPC
Ni Darlyn Star Carreon

Ang Guimbal National High School (GNHS) ay ang punong abala ng ngayong taong Congressional Schools Press Conference, ika-7 ng Setyembre 2019

Ang Congressional Schools Press Conference ay nilalahukan ng buong first district ng Iloilo kasama ang Iloilo National High School para malamam kung sino nga ba ang mananalo at magrepresenta ng unang distrito para sa Division Schools Press Conference.

"Once again we are in the season of journalism and today we are gathering the best minds of the first congressional District in this friendly competition. I know you have done a lot to develop those skills in you but remember if you want to excel in Journalism you have to read read and read." ani ni Assistant Schools Division Superintendent, Lilitebeth T. Estoque.

Saludo siya sa dedikasyon ng mga estudyante pati na rin sa mga g**o na naging parte ng ngayong taong CSPC, hinikayat rin ni Estoque na magbasa ng magbasa upang mas marami pang matutunan ang mga estudyante.

Ilang mga g**o pati punong g**o ay nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe para sa mga estudyanteng kalahok sa ngayong patimpalak. Puno ng mga kabado at mga nasasabik para maipanalo ang kanilang mga paaralan.

Ni Darlyn Star Carreon Ang Guimbal National High School (GNHS) ay ang punong abala ng ngayong taong Congressional Schools Press Conference ngayong ika-7 ng Sety

Geamal, Itinakbo ang ParangalNi Zealyka BerlinPinahiya ng atletang si Anjoray Geamal, 17 ang kakumpitensiyang si Marc Iv...
07/09/2019

Geamal, Itinakbo ang Parangal
Ni Zealyka Berlin

Pinahiya ng atletang si Anjoray Geamal, 17 ang kakumpitensiyang si Marc Ivan Gelladula, 17 matapos niya itong lagpasan sa pakikipagkarera sa Congressional Schools Press Conference (CSPC) ngayong Sabado na ginanap sa Guimbal National High School.

Sinubsob ni Geamal si Gelladula sa race track at nilagpasan ito sa bilis na 11 segundo dahilan upang mauna siya sa 200 metro na finish line kahit na mayroon itong iniindang injury sa kaliwang paa.Ayon kay Geamal, inspirasyon niya ang Panginoon at kanyang pamilya sa bawat palaro na kanyang sinasalihan.

Sa kabila ng pagkatalo,nais paring magpasalamat ni Gelladula sa Diyos na binigyan siya ng pagkakataong makasali sa nasabing patimpalak.

Ni Zealyka Berlin Pinahiya ng atletang si Anjoray Geamal, 17 ang kakumpitensiyang si Marc Ivan Gelladula, 17 matapos niya itong lagpasan sa pakikipagkarera sa C

07/09/2019

"No homework policy" itinalakay sa Senado

Kamakailan lamang ay itinalakay sa Senado ang pagpapatupad ng "No Homework Policy" na inilunsad ni DedEd Secretary Leonor Briones na layong nagbabawal sa mga g**o sa pagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyante tuwing weekend.

Pinaboran ng DepEd ang pagpapatupad ng polisiyang ito upang mabigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para sa kanilang pamilya at sarili. Hindi na kailangan ng mga estudyante na magdala ng mga libro para mabawasan ang bigat na pinapasan ng kanilang katawan araw-araw. Mas mabibigyan nito ang mga estudyante ng oras para ituon sa iba pang mga gawaing pang akademiko.
Ang polisiyang ito ay nagsasaaad na ang assignments ay nagbabawal sa mga estudyante na magbigay ng oras para sa kanilang kasiyahan at oras para sa kanilang pamilya.

Sa kabilang banda, mahigpit na tumutol ang ilang mga g**o sa pagpapatupad ng polisiyang ito. Hindi sumang-ayon ang mga ito sa pagbabawal ng takdang aralin dahil dito nila nalalaman ang mga natutunan ng mga bata sa leksyon na kanilang itinuro para sa araw-araw. Dito rin nila malalaman ang kahinaan at kalakasan ng mga bata pagdating sa pag-aaral. Ito rin ang nagsisilbing extra activity na nagpapahusay ng kapasidad ng bata na matuto sa kanilang aralin.

Bagama't ito ay naglalayong magbawal ng pagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyante ito rin ay magdudulot ng positibo at negatibong mga bagay na maaring magdulot ng mabuti o masama sa mga estudyante.

Pabor ka ba sa No Homework Policy? Bakit?

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ogtong Adlaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share