Hindi Naman Masakit

  • Home
  • Hindi Naman Masakit

Hindi Naman Masakit Quotes, songs, etc. for the broken-hearted and moving on.

October 3 is Boyfriend's Day, bessies!Tag or mention ang pinakamamahal mong boyfie, BF, palangga, pangga, love, mahal ko...
03/10/2023

October 3 is Boyfriend's Day, bessies!

Tag or mention ang pinakamamahal mong boyfie, BF, palangga, pangga, love, mahal ko, bebe ko, o kung ano pa man ang tawag mo sa kanya.

It's his day! Time to make him feel special... Di yung puro na lang ikaw! Eme!

(At para sure lang din na wala kang kaparehas 😂🤭)

HAPPY BOYFRIEND'S DAY!



No links. No files. No media.Anyare Messenger? Pakiexplain...Nagmu-move on yarn? Char!!!😁✌️  ???  🦋
04/05/2023

No links. No files. No media.

Anyare Messenger? Pakiexplain...

Nagmu-move on yarn? Char!!!

😁✌️

???
🦋

Insert Evil Laugh 🦋
19/02/2023

Insert Evil Laugh

🦋

Sa panahon ngayon, dapat praktikal na tayo. 😁😊Credits to the Rightful Owner
24/01/2023

Sa panahon ngayon, dapat praktikal na tayo. 😁😊

Credits to the Rightful Owner

Hi, bessies! Kamusta kayo?(Hindi bale nang pasulpot-sulpot. Ang mahalaga ay hindi nakakalimot. HAHAHA!)Sana ay maayos an...
24/12/2022

Hi, bessies! Kamusta kayo?

(Hindi bale nang pasulpot-sulpot. Ang mahalaga ay hindi nakakalimot. HAHAHA!)

Sana ay maayos ang kalagayan nating lahat saan man tayo naroroon ngayon.

Hangad po namin para sa ating lahat ay isang puno ng pagmamahalan at Maligayang Pasko!

🎄✨✨✨


🦋

  the American singer/rapper who was once a teenage sensation and sang the hits "I'm All About You" and "Crush On You", ...
06/11/2022

the American singer/rapper who was once a teenage sensation and sang the hits "I'm All About You" and "Crush On You", passed away on November 5, 2022 in his home in California at the age of 34. He was found dead in his bathtub in the morning of the said date.

We are saddened by his passing and offer our deepest Condolences to the bereaved.

May his soul rest in eternal peace. 🙏🕊️



🌧️🌧️🌧️Rainy and windy Saturday... Lamiiiig. 🥶(Walang ligo yarn?)Sarap din magfoodtrip.Oh, post mo na yang sopas, champor...
29/10/2022

🌧️🌧️🌧️

Rainy and windy Saturday... Lamiiiig. 🥶

(Walang ligo yarn?)

Sarap din magfoodtrip.

Oh, post mo na yang sopas, champorado o lugaw pics and/or videos mo. Makakahabol ka pa sa deadline. LOL

Kidding aside, kung wala naman po tayong importanteng lakad o lalakarin ngayong araw, we'd better stay home.

Stay safe, bessies! 🙏🙏🙏

🦋

Hindi masamang makipagkaibigan. Pero maging mapili pa rin tayo sa mga kakaibiganin natin.Ingat tayo sa mga binibitawan n...
25/10/2022

Hindi masamang makipagkaibigan. Pero maging mapili pa rin tayo sa mga kakaibiganin natin.

Ingat tayo sa mga binibitawan nating salita kahit sa kaibigan. Mas lalo sa kaibigan.

Always remember: A friend today can be an enemy tomorrow.

Yep, based on experience LOL

But let us not fill our hearts with hatred but love 💕

Have a great day ahead, bessies! 🤍

🦋

Maligayang araw para sa mga tumayo at tumatayong pangalawa nating magulang sa paaralan!!! Maraming, maraming salamat po!...
05/10/2022

Maligayang araw para sa mga tumayo at tumatayong pangalawa nating magulang sa paaralan!!!

Maraming, maraming salamat po!


Maligayang araw sa mga haligi ng tahanan na nagsusumikap maitaguyod ang pamilya sa araw-araw.Araw ninyo ito.Saludo po ka...
19/06/2022

Maligayang araw sa mga haligi ng tahanan na nagsusumikap maitaguyod ang pamilya sa araw-araw.

Araw ninyo ito.

Saludo po kami sa inyo!
Maraming salamat sa inyong mga pangaral, paalala, sakripisyo, at suporta!

Mahal namin kayo!




🦋

Happy Independence Day!Para sa mga takot magmahal ulit pagkatapos masaktan.Baka nga panahon na.Para maging malaya ka.Mal...
12/06/2022

Happy Independence Day!

Para sa mga takot magmahal ulit pagkatapos masaktan.

Baka nga panahon na.
Para maging malaya ka.
Malaya sa mga mahahabang gabi at maligalig na pag-iisip.
Malaya sa mabigat na batong nakadagan sa'yong dibdib.
Malaya sa mga luhang pumapatak na lang nang hindi mo namamalayan.
Malaya sa mga umagang pinipilit mong labanan ang bigat ng yong katawan.
Maging malaya kang inaabangan ang bawat pagsikat ng araw at madama ang init nito sa'yong balat.
Maging malaya kang humalakhak na parang wala nang bukas o katapusan.
Maging malaya kang muling makaramdam ng pagmamahal.
Huwag kang matakot.
Malaya kang magmahal.
Malaya ka.
Magmahal.




🦋

Marami naman iba pang forms of love. Hindi lang romantic love. Kung wala ka man niyan sa ngayon, ang mahalaga, merong fr...
08/06/2022

Marami naman iba pang forms of love. Hindi lang romantic love. Kung wala ka man niyan sa ngayon, ang mahalaga, merong friendship love.

Kung wala ka mang partner na mapagbuhusan ng love, love your friends at hinding-hindi yon masasayang.

Happy Friendship Day, bessies!

💕💕💕

🦋

Katok po muna. Ibang Jason po 'yan 😅😅😅Ctto
31/05/2022

Katok po muna. Ibang Jason po 'yan 😅😅😅

Ctto

'HINDI PO AKO YUN 😩'

LOOK: Kapamilya crooner Jason Dy has this to say after a fan mistakenly sent him a message on Instagram following the recent split of fellow Kapamilya singers Jason Hernandez and Moira Dela Torre.

[📸: Jason Dy/Twitter via Ves Garcia, INQUIRER.net]

Related story: https://inq.news/MoireJasonsplit

Waaaaah! For real??? Couldn't believe the news today, bessies.Maniniwala na ba tayo na wala nga talagang FOREVER?🥺🥺🥺 🦋
31/05/2022

Waaaaah! For real??? Couldn't believe the news today, bessies.

Maniniwala na ba tayo na wala nga talagang FOREVER?

🥺🥺🥺

🦋

10/05/2022

3, 257

TATLUMPU'T ISANG MILYON at nagbibilang pa...
Sabi nila, hindi raw nagsisinungaling ang numero
Hindi nga siguro
Hindi nga marahil nagsisinungaling ang numero

Sige. Simulan natin ang pagtataya
Mula sa UMPISA
September 21, 1972
Isang araw na simula ng BANGUNGOT

1972 - 1986
14 na taon ng KADILIMAN.
3, 257 - EKSTRAHUDISYAL na PAGPATAY o PAGPASLANG (EXTRAJUDICIAL KILLINGS)
35, 000 - DOKUMENTADONG PAGPAPAHIRAP (TORTURE)
*Kabilang na ang testimonya ng mga kababaihang nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso o panggagahasa. Ang ilan pa sa kanila ay mga survivor ng GANG R**E at nagsisilbing mga buhay na katibayan
783 - "DESAPARECIDOS" o ang mga NAGLAHONG PARANG BULA
70, 000 - PAGKAKAKULONG o PAGKAKABILANGGO
*8, 000 sa kanila ay mga senador, mga civil libertarian, mga mamamahayag, mga estudyante, at mga labor leader. Sila ay inaresto at ikinulong nang WALANG KAPARAANAN NG BATAS (DUE PROCESS OF LAW)
Parang gusto ko nang maniwala na hindi nga nagsisinungaling ang numero

November 17, 1981
Isa sa mga araw ng PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
169 na manggagawa ang NALIBING NANG BUHAY sa quick-dry cement
$360 M ang UTANG NG PILIPINAS sa World Bank at International Monetary Fund (IMF) noong 1962
Lumobo sa $28.3 B ang UTANG NG PILIPINAS noong 1986
Malapit na akong maniwala na hindi nga nagsisinungaling ang numero

August 21, 1983
Isang araw nang nawalan ang Pilipinas ng sana ay KARAPAT-DAPAT na PINUNO
16 sa mga kasama ay miyembro ng MILITAR
13:00 PST (UTC 08:00) - ang oras ng PAMAMASLANG

February 22, 1986 - February 25, 1986
Tatlong araw ng PAKIKIBAKA at PAGKAKAISA
Mahigit-kumulang dalawang milyong (2M) Pilipinong sibilyan, kabilang na ang mga pulitikal at militar na grupo, at mga relihiyosong grupo ang nagtipon-tipon
Ngayon. Ano sa palagay mo?
Nagsisinungaling pa rin ba ang numero?

February 25, 1986
Isang araw na hudyat ng KATAPUSAN ng 14 na taon ng PAGDURUSA, PAGHIHIRAP, at PAGTITIIS.
P328 B kayamanan ang kinuha sa pamamagitan ng hindi tapat o masamang paraan
$717 M na salapi, $124 M na deposit slips
15 Mga Mink Coat
*Noong tugatog nito noong umpisa ng 1980s, ang isang mink coat ay nagkakahalaga ng $8,000 hanggang $50,000 pero maaari itong lumagpas hanggang $400,000 para sa all-belly black Russian mink coat.
508 Mga Gown
888 Mga Handbag
3,000 Mga pares ng sapatos

Kung tutuusin ay kulang pa nga ang mga numerong ito.
Subalit katulad ng KASAYSAYAN
Hindi KAILANMAN
Nagsisinungaling
Ang mga NUMERONG nabibilang dito
(Kahit pa i-Google mo)

Oo, mga KABABAYAN ko, hindi nga biro ang mahigit tatlumpu't isang milyon
Napakalaki nga naman nito
Lalo na kung ikukumpara sa
Tatlong libo, dalawang daan at limampu't pito
Ano po?

Ang tanong ko lang, mga KAPWA ko PILIPINO.
Kung nakapagsasalita lang kaya ang tatlong libo, dalawang daan at limampu't pito (3, 257)
Idagdag pa natin ang isang daan at anim napu't siyam (169)
At ang pitong daan at walumpu't tatlo (783)...

Hahantong pa kaya ang lahat sa ganito?...

PAHULING SULAT:
Sana nga ay hindi pa huli para MAMULAT tayo.
Hinahamon ko ang kung sino man na nagbasa o nagbabasa na saliksikin ang lahat ng mga katotohanang nasasaad dito.
Dahil sa huli, bali-baligtarin man natin ang mundo,
Hinding-hindi magagawang magsinungaling ng numerong
TATLONG LIBO, DALAWANG DAAN AT LIMAMPU'T PITO...




Anuman ang maging resulta ng Eleksyon 2022, sana isaisip at isapuso ng bawat Pilipinong botante na ang dapat ipinapanalo...
09/05/2022

Anuman ang maging resulta ng Eleksyon 2022, sana isaisip at isapuso ng bawat Pilipinong botante na ang dapat ipinapanalo ay ang bansa at ang kahihinatnan nito sa loob ng anim na taon.

Nagluluklok tayo sa pwesto o kapangyarihan ng mga taong sa tingin natin ay karapat-dapat at may tunay na kakayahang maglingkod sa kapwa natin Pilipino sa lahat ng oras, come high water or hell.

Hindi puro pangako, papogi at porma, kundi yung tunay na kikilos dahil sa mga Pilipino at para sa mga Pilipino at hindi base sa dikta ng bulsa at sa laki ng puwedeng maging kita o pakinabang sa mga gagawin nilang proyekto o ipatutupad na programa.

Mas maganda sanang mabasa sa mga pahina ng libro o artikulo sa pahayagan o mapakinggan sa balita sa radyo at telebisyon na mas naging matalino nang botante ang mga Pilipino. Ang tanong, kailan kaya?

Still praying though...

🙏🙏🙏



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hindi Naman Masakit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hindi Naman Masakit:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share