IIMBESTIGAHAN ng DENR ang Quezon Medical Center na pinamamahalaan ng Provincial Government dahil sa umaalingasaw at kumakatas na gabundok na hazardous hospital waste.
Anak ni Governor Danilo Suarez ng Quezon, Province at kasalukuyang 2nd District Representative na si David Suarez sinampahan ng patung-patong na kaso ng pandarambong sa Ombudsman.
Pabonggahan sa pasyalan ngayong Pasko ang ilang lalawigan sa bansa. Kaya damang-dama na rin ang mas papalapit nang Kapaskuhan.
CTTO: GMA News
Nanghipo at nag-aya pa raw mag-motel ang isang motorcycle taxi rider sa kaniyang babaeng pasahero. Ang biktima, na-huli cam ang pambabastos ng suspek.
CTTO
NILINAW ni Bokal Sonny Ubana sa tatlong punto kung bakit hindi naaprubahan ng mayorya ng Sangguniang Panlalawigan ang proposed annual budget para sa taong 2021.
Una, para sa response and recovery budget laban sa covid-19 napansin ng mayorya na imbes na dagdagan ay binawasan pa ng 40% ang pondo para sa mga Ospital ng lalawigan. Gayong ito ang pangunahing pangangailangan sa gitna ng pandemya.
Pangalawa, mayroong lumpsum budget na kung saan ipinagbabawal ito ng budget regulation. Dahil lumpsum ito, walang malinaw na tinutukoy ang pondo na ito kung saan gagamitin.
Pangatlo, ang hindi pagkakatugma ng Annual Investment Plan sa actual budget. Sinasabi sa regulasyon na dapat mas malaki ang plano ng paglalaan kaysa doon sa aktwal. Halimbawa, sa isang mag-asawa na nagpaplano magtayo ng bahay, gagastos sila ng sampung libo sa pagbili ng isang bagay. Subalit ng bumili ang lalaki sa aktwal, sumobra sa gastos niya ang budget mula doon sa orihinal na pondo para doon. Kaya ang turo ng DILG, hindi anya masama na mas malaki ang Annual Investment Plan huwag lamang mas malaki ang actual allocation.
Nilinaw din ni Bokal Sonny Ubana na hindi maaaring tumigil ang iba't-ibang serbisyo ng lalawigan para sa tao dahil lamang sa hindi na-aprubahan ang Annual Budget 2021 sapagkat Reenacted na ang budget ng lalawigan na kung saan mas malaki pa ang pondo ng Reenacted Budget ng taong 2020 kaysa sa proposed annual budget 2021.
#BalitangAgdangan
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan may nagbago ba?
Ikaw maniniwala kapa ba?
Ctto: Kultura Radio
𝟕𝟗 𝐍𝐮𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐍𝐀𝐆𝐑𝐄𝐒𝐈𝐆𝐍
𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝟒𝟎% 𝐛𝐮𝐝𝐠𝐞𝐭 𝐜𝐮𝐭 𝐧𝐢 𝐆𝐨𝐯. 𝐒𝐮𝐚𝐫𝐞𝐳.
Isinisisi ng provincial government sa sangguniang panliliwagan ang pag-resign ng 79 nurses.
Gayong malinaw sa proposed annual budget ng lalawigan na binawasan pa ng halos 40%
ang pondo para sa maintenance & other operational expenses ng mga hospital.
Malinaw din na nadiskubre ng sanggunian panlalawigan ang halos 200 milyon pisong
lumpsum o pondo na walang partikular na detaye kung saang proyekto ito mapupunta.
Kung tunay na may pakialam si Gov. Suarez sa kalagayan ng ating frontliners,
disin sana'y tama at walang budget cut ang mga hospital, at may dagdag sahod at benipisyong natatamasa ang mga nurse.
2nd District of Quezon Rep. Jayjay Suarez: INAAKSAYA lang ng Kongreso ang imbestigasyon kaugnay sa mga Overpriced na PPE ng DOH
NAGHIHIMUTOK sa galit si Congressman Jayjay Suarez ng 2nd District sa probinsiya ng Quezon sa pagdinig ng kongreso kaugnay sa mga overpriced na PPE na kinontrata ng DOH sa Pharmally Pharmaceutical.
Ani ni Suarez, inaaksaya na lang ng Kongreso at taong bayan ang imbestigasyon na dinidinig sa kongreso hinggil sa mga overpriced na PPE ng DOH.
Kung babalikan ang mga rebelasyon mula sa Senate at Congress Hearings hinggil sa Pharmally Pharmaceutical, na 'di umano'y nagbenta ng overpriced personal protective equipment (PPE) sa gubyerno. Isa sa pupukaw ng pansin sa atin ay ang infographic na nagpapakita ng tumataginting na 42,344.24% ROI (o return on investment ng Pharmally.
Mula sa maliit na kapital na P625,000 noong 2019, tumubo ang Pharmally ng P265 milyon noong 2020 - o sa loob lamang ng isang taon ng kanilang operasyon.
Mismong ang tax expert at accountant na si Mon Abrea (na nag-compute ng numero) ang nagsabing "hindi normal" iyon.
Una ng naungkat na ang Pharmally ay nakakuha ng 'di bababa sa P10 bilyong mga kontrata sa gitna ng pandemya - P7.9 bilyon noong 2020 at dagdag na P2.3 bilyon ngayong 2021 - para sa pag-supply ng PPE sets, face shields, at RT-PCR tests.
Ikalawa, pinili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ang Pharmally kahit na walang pruweba na ang kompanya'y may sapat na pera, karanasan, at kakayahang makipagtransaksiyon sa gobyerno (dahil nagsimula lang ang kompanya noong 2019, at kakarampot lang ang kapital na P625,000). Sa unang kontrata na nakuha nila, P54 milyon para sa 2.4 milyong surgical masks. Iyon pa lang, paano na nila na-supply?
Ikatlo, pinili ng gobyerno ang Pharmally kahit wala itong kakayahang gumawa ng PPE. Lumabas na ahente lang pala ang Pharmally at nagbenta sa gobyerno ng supplies na nagmula sa suppliers sa Tsina.
At panghuli, umamin ang direktor ng Pharmally na naging "f