09/08/2020
Grabe. What a day.
Nakita ko si tatay outside 7-11 San pablo (malapit sa dizon). Nakita ko sya kanin lang kinakain. KANIN lang guys.
Nagsenyas sya para humingi sakin ng tubig, nasa loob ako ng 711.
Binilihan ko nalang sya ng chicken at tubig.
Nung kausap ko sya sabi nya wala daw syang bahay.
Sabi ko tay, okay lang ba ipost ko itong picture mo baka may mga gusto pang tumulong sayo.
Sabi nya, "kung may tutulong man sakin anak ang gusto ko sana tulugan. Yung pagkain okay lang sakin kahit wala. Wala kasi akong tulugan. Wala akong bahay na inuuwian. Kung saan saan lang ako. Madalas doon sa labas ng botika."
Ang hirap. Gusto ko pa sana tumulong kay tatay kaso wala ko cash. :(
Tsaka. Gusto ko lang din magpasalamat kay Lord kasi dati nakakakita ako ng post na ganto ung tumutulong, pero ngayon kahit papano nakakatulong na. Alam ko hindi napakalaki nung tinulong ko kay tatay, pero ung thought na may concern parin sa kanya, lalo ngayong pandemic na lahat ng tao nahihirapan, sana un ung maramdaman ni tatay.
Hindi ko to pinagyayang.
Tulad ng pagbbgay ng bond paper, pinopost ko to para mas madami pang mainspire.
Dun ako nagsimula.
Nood nood. Nainspire. Hanggang sa nagkaron na ng chance tumulong.
Sana maspread ung vibe ng pagtulong. Sa mga gustong tumulong wag kayo mahiya. Ganyan din ako nung una. Kase kahit anong tulong ang gawin mo, may masasabi at masasabi ang mga tao sayo.
Pero tuloy mo lang.
YOU CAN NEVER GO WRONG WITH KINDNESS.
Alam mo sa sarili mo ang gusto mo. Alam ni Lord yan.
Peace!
Sana pagnakita nyo si tatay wag kayo mahiya na tulungan sya.
Sana makarating to sa mayrong extra space para may matuluyan si tatay.
Mayor. Baka naman po.