11/09/2021
appreciation post!!!
Sa totoo lang di talaga ako consistent mag-stream kase nga busy sa school and other stuff, magsstream lang ako pag may free time kapag di na busy sa school works pero araw-araw ako naglalaro di nga lang nagsstream. Kumbaga, nagsstream ako twice a month, once a week, para lang makita ko yung gameplay and errors ko mahabang naglalaro para mag-improve ako at lumakas pa as a solo player.
Tas kanina nagulat ako umabot ng 15 viewers (thank you syempre sa mga nagsspam shares na mga kaibigan ko, kilala niyo na kung sino kayo labyu!) di pa naman ako sanay ng maraming viewers nung nakita ko nginig yung kamay ko di ako maka focus sa game kase usually umaabot lang yung viewers ko ng 1-3 viewers. Kaya, nailang ako di talaga ako maka focus kase syempre first time mangyare yon saaken, sobrang tuwa ko na nga nung umangat yung viewers ko ng ganon kadami ❤️.
At nung nagbabasa ako ng comments, nagulat ako nag comment si idol Eli akala ko nung una fake kase kilala ko na streamer yan, kaya di ko muna agad binigyan ng attention pero nung chineck ko legit nga!! 💓 di ko inaasahan na may dadalaw sa stream ko na streamer from NRX. Gulat ule!! si ate Amethyst nagcomment din!!
Grabe, speechless at overwhelmed yung naramdam ko galing sakanila tinulungan nila ako magkaroon ng ganyan kadaming viewers 🥺 nag-sstream din ako dahil para may makausap, kaya thank you so much sakanila! Mahigit, 40 followers yung nadagdag saakin, pagkakita ko sa page ko!!
May nag-comment pa na si idol Eli at ate Ame ay nagsusupport ng local streamers, god bless sa mag jowang toh!
Thank you sa pagdalaw ate Amethyst Gaming at idol Eli Gaming pinasaya niyo araw ko!! 💓