17/04/2023
Kabataan, alamin ang lugar mo sa pamayanan. Makialam ka!
Sa mga nagdaang taon, mas lalong lumakas at lumalakas pa ang puwersa nating mga kabataan sa kakayahan nating makapagpunyagi ng isang maunlad, progresibo, at nakikialam na komunidad. Ngunit habang makintal ang pag-asa sa kamalayan ng bawat isa, naniniwala tayong magagawa pa natin itong mas maging hinog pa upang mas lalo pang palakasin ang ating hanay at palawakin pa ang kamalayan ng bawat isa.
Inere na natin ang ating diskuntento sa mga namahala at nagpakita na tayo ng pagka-uyam sa bulok na sistema, ito na ang oras upang mas lalo nating pag-siklabin pa ang apoy ng progresibong paggogobyerno mula sa pagtanaw sa isang nagpapalayang bukas.
Kaya naman, inihahandog ng SIKLAB katuwang ang Area H Youth Council, First Time Voters Network, at Model SK ang ANINAW: Masikhay na Pagsisiyasat ng Kabataan sa Tamang Pagboto na layong pagmulatin pa ang malawak na hanay ng kabataang San Joseรฑo para sa isang pogresibong pamamahala at paghubog pa ng kanilang kritikal na pag-iisip na makapamili ng karapat-dapat na kandidatong siniyasat mula sa malawak na lente ng kamalayang panlipunan.
Kabataang San Joseรฑo! Makiisa na sa malakihan at malawakawan nating kampanya tungo sa matalinong pagboto! Kinabukasan nating lahat ang nakataya sa ating desisyon. Tayo ang naglalayag ng ating kapalaran, salubungin man tayo ng naglalakihang mga alon, kalakasan natin ang ating paniniwala at pag-asa na sa paghupa ng mga ito, maaaninaw natin ang liwanag ng haring araw, na naroon sa kalangitan at mananatiling nananahan upang hintayin silang mga sumubok at nangahas.
Kaya ikaw! Handa ka na bang sumama? Abangan lamang ang susunod na mga detalye sa ating social media channels.