23/08/2020
I love you Mom 😘 you are my hero.👉🥰👈
Ang bawat community volunteer ay mayrong inspirasyon upang magsilbi ng walang kapalit. Para kay Lo**ta Morta, isang community volunteer sa Pintuyan, Southern Leyte, ang motibasyon niyang magpatuloy ay ang adhikain ng Kalahi-CIDSS program na mabigyan ng pansin ang mga hinaing ng mga pinakabulnerabeng miyembro ng sosyadad.
Binalikan ni Lo**ta ang mga unang araw niya bilang community volunteer na halos ay manginig, matakot at nahihiya itong humarap sa ibang tao. Ngunit ngayon ay napagtagumpayan niya ito sa tulong ng mga kapwa ko boluntir at sa kagustuhang makatulong.
“Sa ngayon ay kaya ko nang magsalita kahit sa harap ng maraming tao ng walang pag-aalinlangan at aktibo na akong nakikiisa sa mga alitutunin sa amin.
Hindi na ako nahihiyang humarap sa maraming tao at handa na akong harapin anumang hamon sa aming pakikibaka para sa pag-unlad ng aming komunidad.”
Dagdag pa niya, “Malaki ang naging tulong ni Kalahi sa amin. Nasolusyunan ang mga pangunahing kinaharap na mga suliranin sa aming komunidad. Naging maganda na an gaming daanan na dati ay mahirap daanan lalo na sa mga matatanda at naiwasan na rin ang mga aksidente sa daan dahil sa hindi magandang daanan. Hindi na rin bumabaha lalo at malapit pa naman sa dagat ang karamihan sa mga kabahayan at delikado sa tuwing umuulan at lumalaki ang dagat.”
Ayon sa kanya ay naging malaki ang tulong ng programa sa sarili at sa komunidad upang umunlad ang aming pamumuhay at nais niyang ibahagi sa ang kanyang naranasan at aral sa susunod na henerasyon.
Dahil sa tulong nanito ay mananatiling kaisa si Lo**ta Morta sa mga nanawagang isabatas ang Community-Driven Development (CDD).
Ito ang kwento ni Lo**ta Morta. Ito ang kwento na sumasalamin sa bawat community volunteer na walang sawang lumalaban para sa ikauunlad ng bawat isa at inuuna ang pagsisilbi sa bayan bago ang pansariling kapakanan.
Ikaw ano ang mo?
!