29/12/2022
⚠️ TRIGGER WARNING ⚠️
Arestado ang isang lalaki mula sa Brgy. San Agustin, Hagonoy, Bulacan dahil sa karumal-dumal na ginawa nito sa kanyang asawa at biyenan sa mismong araw ng Pasko, matapos niyang pagsasasaksakin ang mga ito na nagdulot sa kanilang kamatayan. Kinilala ang suspek na si Boyet Panzo, habang ang mga biktimang nasawi ay kinilalang sina Jeng at Teresita.
Ayon kay Emerita Lorenzo, kaanak ng mga biktima, December 21 pa noong unang sumugod sa kanilang bahay ang suspek, dahil nais umano sana nitong kausapin ang kanyang asawa na si Jeng, ngunit si Jeng ay nakikipaghiwalay na sa kadahilanan sinasaktan siya nito, at nagawa pang magbanta ng suspek na papatayin niya silang lahat.
At noong December 25, nangyari na nga ang karumal-dumal na balak ng suspek sa mga biktima. Nagtamo si Jeng ng mga saksak sa braso at tiyan habang si Teresita (ang kanyang biyenan) ay may labing-apat na saksak sa likod. Noong dumating naman ang mga pulis, nagkunwari pa umanong patay ang suspek, at sa ngayon nahaharap ito sa dalawang kaso ng murder at frustrated parricide dahil nasugatan din niya ang 10 yrs old na anak na umawat.
Source: GMA News
CTTO 📸